Accueil / Romance / Marry Me Instead / Chapter 007- Meet Zion Laurent del Fierro

Partager

Chapter 007- Meet Zion Laurent del Fierro

Auteur: Eliana Asher
last update Date de publication: 2026-04-23 10:47:54

EMERY

Natigilan si Spencer, nakahawak pa rin sa cellphone. Bahagya siyang napakunot-noo habang nakatingin sa akin, tila hindi alam kung susundin ba ako o ang amo niya.

“Kailangan ko nang umalis,” mabilis kong sabi habang pilit bumabangon sa kama. “Hinahanap na ako ng pamilya ko.”

Agad siyang tumayo. “Ma’am, pasensya na po pero hindi puwede. Sinusunod ko lang naman ang utos ni Sir Zion. Baka pagalitan ako kapag pinabayaan kitang umalis.”

Mariin akong napapikit.

Wala akong panahon para
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Emery baka kayo talga ni zion ang meant to be🩷🩷🩷🩷
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • Marry Me Instead   Chapter 123: Between Love and Justice

    THIRD PERSON POVBiglang natahimik ang buong opisina.“Lo—”“Makinig ka muna, Emery,” pagputol ni Benicio.“Lahat gagawin ko.” Napakuyom ang kamay ni Benicio. “Kung gusto mo ng malaking share sa Montenegro Group, ibibigay ko sa'yo.”Umiling si Emery ngunit nakinig lang siya sa sunod nitong sasabihin.“Ako na ang humihingi ng tawad para sa ginawa ni Weston.”Nanigas ang mukha ni Emery at saka unti-unti siyang tumayo.Mahina siyang natawa. “Share? Sa tingin mo ba shares ang gusto ko?”“Emery—”“Sa tingin mo ba negosyo ang dahilan kung bakit ko isinampa ang kaso?”Tumindig na rin si Benicio. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”Napabuga ng hangin si Emery. “Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin.”Halos pumatak na ang mga luha ni Emery ngunit agad niyang pinigilan iyon.“Lo, alam mo ba kung ilang beses akong umiyak dahil kay Weston? Ilang beses niya akong pinili na saktan para protektahan ang ibang tao.”Napasinghap si Emery pilit pinipigilan ang pagbigat ng dibdib niya. “Alam mo kung gaa

  • Marry Me Instead   Chapter 122- The Unexpected Visitor

    THIRD PERSON POVTahimik ang paligid sa executive floor ng Armani Group.Sa loob ng opisina ni Emery, nakaupo sila ni Zion sa sofa habang pinapanood ang mga litrato at video na kuha ni Spencer noong nasa Boracay sila.“Hindi talaga marunong magtago ng camera ang taong ito,” natatawang sabi ni Emery habang tinitingnan ang isang candid photo.Napalingon si Zion. “Alin?”Iniabot ni Emery ang tablet, pagkakita ni Zion ay agad siyang napangiwi. “Burahin mo iyan.”“Bakit?”“Tingnan mo mukha ko dyan, ang panget ko tingnan,” paliwanag ni Zion.Lalong natawa si Emery.Sa litrato ay kitang-kita ang pamumula ng mukha ni Zion habang inaasar siya noon tungkol sa pagiging official nilang dalawa.“Ang cute mo kaya rito,” sabi ni Emery.“Cute ba? Ganito na lang, you can keep that pero kapalit ay isang kiss sa pisngi.” Lalo pang natawa si Emery. “Sige, isa lang ah?”Akmang hahalikan ni Emery ang pisngi ni Zion, ngunit bigla naman itong lumingon kaya sa labi nito tumama ang kanyang halik.Agad niyang

  • Marry Me Instead   Chapter 121- Weston’s New Life

    THIRD PERSON POVIlang araw matapos ang desisyon ni Benicio, tuluyan nang nagsimula ang bagong buhay ni Weston Montenegro.Malayo ito sa buhay na nakasanayan niya noon.Wala na ang malawak na opisina sa pinakamataas na palapag ng gusali. Wala na ang mga empleyadong nakapila para batiin siya tuwing umaga. Wala na rin ang personal driver, executive assistant, at mga taong handang sundin ang bawat utos niya.Ngayon, isa na lamang siyang Junior Operations Assistant sa logistics division ng isang branch sa Cebu.Nakasuot siya ng simpleng polo shirt na may logo ng kompanya habang nakaupo sa isang mahabang workstation kasama ang iba pang empleyado.Katatapos lang niyang mag-encode ng delivery reports nang muling bumukas ang pinto ng opisina.“Sir Weston!”Napatingala siya.Nakatayo roon ang supervisor niyang si Mr. Valencia. Agad siyang tumayo.“Why?”Lumapit ang lalaki habang may hawak na ilang folders. Hanggang ngayon ay may kakaibang pakiramdam pa rin ito tuwing kausap si Weston.Sino ba

  • Marry Me Instead   Chapter 120- I’m The One Who's Lucky

    EMERYPagkatapos ng pag-uusap namin ni Don Marshal, halos hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat ng nangyari.Hanggang sa paglabas namin ng study room dala ang mga regalo ay parang lutang pa rin ako.Samantalang si Zion naman ay mukhang aliw na aliw sa reaksyon ko.“Emery, are you okay?”Napahinto ako at agad siyang tiningnan nang masama. “Hindi nakakatuwa, Zion.”Natawa na lang siya.Pagdating namin sa kuwarto, tinulungan niya akong dalhin ang ilan sa mga regalo. Isa-isa naming inilapag ang mga kahon sa sofa at sa mesa.Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa rin ako makapaniwala.” Itinaas ko ang folder. “Sa ten percent shares na ito.”Tumawa nang marahan si Zion. Napatingin ako sa kanya. “Zion, ten percent iyon, malaking share iyon kaya pwede bang sabihin mo sa lolo mong sobra na ‘to?”Tumago-tango lang siya habang nakangiti sa akin. Inaasar pa rin niya ako.“Hindi mo ba naiintindihan kung gaano kalaki ito?” tanong ko ulit saka umupo sa kama.Ngumisi siya. “Tingin ko naiintindihan ko.” Lu

  • Marry Me Instead   Chapter 119- Because Life Is Too Short

    EMERYNapatingin ako kay Don Marshal, pagkatapos ay kay Zion. Ngunit parang wala lang sa kanila ang nakita ko. Na para bang normal lang na mamigay ng ganoong kalaking share.Napailing agad ako. “Lolo, hindi ko po ito matatanggap.”Natawa si Don Marshal. “Bakit naman?”“Dahil masyado pong malaki ito,” paliwanag ko sa kanya.Agad kong isinara ang folder at ibinalik iyon sa kanya.“May Armani Group na po ako. Tinulungan na rin ako ni Zion na mabawi iyon. Sobra-sobra na po ang naitulong niya sa akin.”“At saka... hindi po tama na magkaroon pa ako ng ganoong kalaking share sa Del Fierro Holdings,” dagdag ko pang sabi.Nakangiti lang si Don Marshal habang nakikinig. “Natapos ka na ba?”Napakurap ako. “Po?”“Tapos ka na bang tumanggi?” tanong niya ulit. Napailing siya. “Emery, hindi kita tinatanong kung gusto mo.”Nanlaki ang mga mata ko. Napabuga ako ng hangin, talagang may pinagmanahan itong si Zion. Palabiro din pala itong si Don Marshal.Napatawa si Don Marshal. “Hindi ko ibinibigay iyan

  • Marry Me Instead   Chapter 118- Don Marshal’s Gift

    EMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dating.Biglang napaubo si Don Marshal kaya agad siyang nilapitan ni Eris. “Dad, magpahinga muna kayo.”Tumango si Victoria. “Mahaba rin ang biyahe natin mula States.”“May jet lag pa tayo. Mas magandang magpahinga na muna,” dagdag ni Miguel.Napabuntong-hininga si Don Marshal. “Sige.”Isa-isa silang tumayo.Nagpaalam muna sila sa akin bago nagtungo sa kani-kanilang kuwarto.Hindi nagtagal ay naiwan na lang kami ni Zion. At ako na sobrang namumula pa rin dahil sa nangyari.***Pagkatapos ng nakakahiyang eksena kanina kasama ang pamilya ni Zion, nagpasya kaming mag-almusal sa labas malapit sa pool.Tahimik ang paligid. Maririnig lamang ang mahinang tunog ng fountain at ang huni ng mga ibon mula

  • Marry Me Instead   Chapter 103- He’s Started to Get Jealous

    THIRD PERSON POVNakaupo si Weston sa mesa, hindi ginagalaw ang pagkain sa harap niya. Si Ravia naman ay nakatingin sa tray ng pagkain niya na para bang insulto iyon sa pagkatao niya.“Hindi ako makapaniwalang nandito tayo,” inis na sabi ni Ravia habang hawak ang plastic spoon. “Dapat nasa bahay ta

  • Marry Me Instead   Chapter 102- Officially Chairwoman of Armani Group

    THIRD PERSON POVMaaga pa lang ay puno na ng tao ang lobby ng Armani Group.Iba na ang itsura ng gusali ngayon kumpara noong huling pumasok si Emery rito. Ngayon, may nakahandang red carpet sa gitna ng lobby, may mahabang table sa harap, at nasa likod nito ang malaking logo ng kompanya.Sa gilid ng

  • Marry Me Instead   Chapter 088- She Finally Said Yes 

    THIRD PERSON POVPagkapasok pa lang ni Zion sa opisina niya nang umagang iyon, agad siyang sinalubong ni Spencer. Nasa mukha nito ang seryosong ekspresyon na bihira lang niyang makita.“Sir, nagte-trending si Ma’am Emery,” bungad ni Spencer.Huminto si Zion sa paghakbang. “What?”Agad na inabot ni

  • Marry Me Instead   Chapter 086- The Protest Outside

    EMERYLumabas na rin ako sa CEO office. Dahan-dahan akong lumapit sa glass wall ng opisina. Mula roon, kitang-kita ang harap ng Armani building. Nasa mataas na palapag ako, pero malinaw kong nakita ang dami ng tao sa baba.May hawak silang mga kartolina at placards.May ilan na nakatayo sa gilid ng

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status