LOGINEMERY
“Kanina ka pa ba d’yan, Emery?”Tumango ako. “Opo, Lo. Narinig ko ang usapan n’yo. Ayos lang naman sa akin na hindi na i-celebrate ang pagbubuntis ko. Sapat na sa akin na gawin ang obligasyon ko bilang asawa ni Weston.”
Agad na nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.
“Anong sinasabi mo, hija?” Halatang hindi siya sang-ayon sa mga katagang nanggaling sa bibig ko. “Hindi mo obligasyon lang iyan. Bata ang dinadala mo—hindi isa, kundi dalawa. At apo ko ang mga iyan.”
Napayuko ako. Sa totoo lang, ayaw ko rin namang magdiwang.
Para saan? Para magkunwari na masaya ako?
Para ngumiti sa harap ng pamilyang ito na para bang walang nangyaring panloloko?
Wala akong lakas para roon.
“Lo, okay lang po talaga,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Hindi naman kailangang maghanda. Sapat na po sa akin na maayos ang pagbubuntis ko.”
“Ayan, tama yang desisyon mo Emery. See, Dad? Kaya itigil mo na yang planong selebrasyon,” singit ni Celestine Montenegro, matalim pa rin ang tono.
Napakurap ako, pero hindi na ako nasaktan. Dahil pagod na pagod na akong masaktan.Sanay na ako sa malamig na tinig ng biyenan ko. Sanay na akong marinig sa kaniya na para bang isa lamang akong dagdag na gamit sa mansyong ito. Kung tutuusin, mas madaling tanggapin ang panglalait niya kaysa ang kabutihang hindi ko alam kung totoo ba o may kapalit.
Ngunit si Benicio ay halatang hindi makapaniwala.
“Celestine,” madiin niyang sabi, “huwag mo akong subukan.”
“Dad, hindi iyon ang punto ko—”
“Kung hindi iyon ang punto mo, bakit ganyan ka magsalita?” putol ni Benicio. “Babae siya. Buntis siya. At imbes na alagaan at iparamdam mong mahalaga siya, bakit parang pinagdadamutan mo ang bagay na para naman sa magiging apo mo rin?!”
Lalo pang tumigas ang mukha ni Celestine. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Ngunit bago pa siya muling makasagot, biglang bumukas ang pinto ng sala.Napatingin kaming lahat sa pagdating ni Weston.
Suot pa rin niya ang itim na suit na madalas niyang isuot sa opisina. Maayos ang bawat hibla ng buhok, matigas ang panga, at gaya ng nakasanayan, malamig ang mga mata. Pero sa pagkakataong iyon, may kakaiba sa presensiya niya.
Para bang pumasok siya sa silid na iyon na may desisyon nang dala.
“Weston,” agad na sabi ni Celestine, tila naghahanap ng kakampi. “Mabuti at dumating ka. Sabihin mo nga sa lolo mo na hindi kailangang maghanda ng kung ano-anong selebrasyon para rito.”
Hindi agad nagsalita si Weston.
Dumako ang tingin niya sa akin. Isang malamig at mabigat na tingin. Saka niya ibinalik iyon sa lolo niya.
Pagkatapos ay diretso siyang nagsalita. “Ituloy natin ang selebrasyon.”
Parang tumigil ang oras. Napahinto kaming lahat.
Nanlaki ang mga mata ni Celestine. “What?”
Pati si Benicio ay napatingin sa apo niya nang hindi makapaniwala. Marahil sa unang pagkakataon, narinig niya si Weston na pumapanig sa akin sa harap ng pamilya.
Ako man ay natigilan din.
“Ituloy natin ang selebrasyon,” ulit niya, mas kalmado. “Kambal ang dinadala ni Emery. Sapat na iyong dahilan para ipagdiwang.”
“Weston!” protesta ni Celestine. “Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Hindi ito ang tamang panahon para sa kung anu-anong handaan—”
“Mom,” malamig na putol ni Weston. “I said we’ll celebrate.”
Napasinghap si Celestine, waring hindi matanggap na pinatigil siya ng sarili niyang anak.
Samantala, si Benicio naman ay tila hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Unti-unting lumambot ang ekspresyon niya bago niya ako sinulyapan, na para bang gusto niyang sabihin na sa wakas ay may tamang ginawa rin si Weston.
Ngunit sa loob-loob ko, wala ni katiting na tuwang namuo.
Kaya habang unti-unting nagbabago ang timpla ng sala dahil sa sinabi niya, ako naman ay lalong nanlamig.“Good,” masayang sabi ni Benicio, halatang nabuhayan. “Iyan ang gusto kong marinig. Akala ko tuloy ay hindi mo kikilalanin ang dinadala ni Emery.”
Hindi sumagot si Weston. Ako lamang ang muli niyang tiningnan.
At sa titig na iyon, pakiramdam ko’y may malamig na kamay na unti-unting pumipisil sa lalamunan ko. Dahil alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang kambal na nasa sinapupunan ko.
Ipinagdiriwang niya ang paniwala niyang nagtagumpay ang plano nila ni Ravia.
***
Ginawa sa Regalia Crown Hotel ang selebrasyon—isa sa mga pinakasikat at pinaka-eksklusibong five-star hotel sa buong siyudad. Sa Imperial Astoria Ballroom idinaos ang pagtitipon, isang napakalawak na function hall na nababalutan ng kristal na mga chandelier, puting rosas, at gintong ilaw na kumikislap sa bawat sulok.Pagpasok pa lang namin, sinalubong na ako ng sunod-sunod na pagbati.
Mga senador at asawa ng pulitiko, mga kilalang negosyante, at mga pangalan at apelyidong madalas ko lamang marinig noon sa mga business articles ng daddy ko.
Lahat sila naroon, nakangiti at nakatingin sa akin na para bang ako ang pinakamasuwerteng babae sa gabing iyon.
“Congratulations, Emery!”
“Napakagandang balita nito para sa mga Montenegro!”
“Kambal? What a blessing!”
“Napakaswerte mo kay Weston.”
“At napakaswerte rin ng mga batang dinadala mo.”
Napilitan akong ngumiti nang paulit-ulit. Hanggang sa sumakit ang mga pisngi ko sa pagpipigil.
Sa gilid ng aking paningin, ramdam ko ang kamay ni Weston na nakapatong sa beywang ko. Sapat upang magmukhang maalaga siyang asawa sa harap ng mga bisita.Pero sa bawat dampi ng mga daliri niya sa akin, para akong nasusuklam.
Gusto kong iwaksi ang kamay niya. Gusto kong isigaw sa lahat ng tao dito na peke ang lahat ng ito.
Pero nanatili akong nakatayo, tuwid ang likod, mahinhin ang ngiti, at mahinahon ang mukha. Gaya ng inaasahan ng lipunan sa isang babaeng nagmula sa pamilyang Armani.
Isa-isang lumapit ang mga bisita upang mag-abot ng regalo.
May isang kilalang negosyanteng mag-asawa na nagbigay ng handcrafted French cradle mobile na ayon sa kanila ay nakuha pa raw sa isang auction sa Geneva. Isang mayamang biyuda mula sa political circle ang nagbigay ng sterling silver infant feeding set na may maliliit na diyamante sa hawakan. Ang isa pang prominenteng pamilya sa shipping industry ay nagpadala ng limited-edition Italian twin stroller, habang ang isang kilalang socialite ay masayang nagkwento na ang dala niya ay antique christening gowns na binili pa raw sa Sotheby’s para sa kambal kahit hindi nila alam ang gender.
May mga regalo rin para sa akin. Isang Hermès maternity travel bag. Isang set ng custom silk robes from Paris. At isang diamond brooch na hugis kambal na bituin.
“Deserve mo iyan, hija,” sabi pa ng isa sa mga kaibigan ng yumaong daddy ko. “Napakasuwerte mo. Nang mamatay si Enrico Armani, sa iyo niya ipinagkatiwala ang lahat. At ngayon, may asawa kang Montenegro at may kambal ka pang dinadala. Talagang favorite ka ng langit.”
Muntik akong matawa.
Kung alam lang nila kung gaano kagulo ang isip ko sa ilalim ng maingat kong ayos, baka hindi nila masambit ang salitang iyon.
May isa pang lumapit, isang matandang board member na dati ring business ally ng daddy ko.
“Your father would be proud of you,” malumanay niyang sabi. “Naingatan mo ang pangalang Armani, and he left everything in your hands. Napakaswerte ni Weston sa’yo.”
Sa pagkakataong iyon, mas lalong humigpit ang kamay ni Weston sa beywang ko.
Napatingin ako sa kaniya. Tanaw kong ngumiti siya sa matanda. Maayos. Maginoo. Kagalang-galang. Pinapakita kung gaano siya kaperpektong asawa.
“Thank you,” kalmadong sagot ni Weston. “We’re very grateful.” Maya-maya, matapos ang sunod-sunod na pakikipagkamay at pagbati, akala ko’y kahit paano ay humuhupa na ang ingay sa dibdib ko.Nagkamali ako.
Dahil sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pinto ng ballroom at pumasok si Ravia. Parang kusang napunta sa kaniya ang atensyon ng ilan.
Maganda siya—iyon ang unang salitang papasok sa isip ninuman. Nakasuot siya ng fitted crimson gown na mababa ang tabas sa dibdib, at sa bawat galaw niya ay kitang-kita ang kumpiyansa niya.
Kaakit-akit si Ravia. Kapansin-pansin. At malinaw na kabaligtaran ng suot ko.
Ang akin ay isang ivory gown na mahinhin ang tabas, mataas ang neckline, at maayos ang bagsak sa katawan ko. Isang modest attire, disente tingnan.
Samantalang si Ravia ay parang sadyang dumating upang ipaalala kung gaano siya kaganda ngayon kumpara sa akin.EMERYBahagya siyang natawa, pero agad ding napaubo.Agad akong napaupo sa kama. “Ayan kasi. Ang dami mong sinasabi.”Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa. Kita sa mukha niya ang sakit, kaya mabilis akong bumaba sa kama at inalalayan siya.“Careful,” sabi ko.“Mag-iingat ka rin,” sagot niya. “You’re pregnant.”“Can you stop reminding me every five seconds?” inis kong sabi.Napairap ako, pero hindi ko binitawan ang braso niya. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya habang inaalalayan ko siya, pero pilit niyang binabawasan ang pressure sa akin.Kahit sugatan, ako pa rin ang iniisip niya. At ayaw kong aminin kung gaano iyon nakakagulo sa dibdib ko.Mabagal siyang humiga sa kabilang gilid ng kama. Sinigurado kong may malaking pagitan sa amin. Halos pwede pang humiga ang isang maliit na bata sa gitna.Pero parang hindi pa sapat iyon.Kumuha ako ng isang malaking unan at inilagay iyon sa gitna naming dalawa.Napatingin si Zion sa unan. Tapos napatingin siya sa akin.“Seriously? Is that a w
EMERY Nagpunta ako kanina sa nurse station para kunin ang ilang gamit ko. Sinilip ko na rin ang kuwarto ko, at totoo ngang may naka-occupy na roon. Napabuga ako ng hangin habang hawak ang maliit kong bag. Gusto kong maniwala na coincidence lang iyon, pero kilala ko na si Zion kahit papaano. Sa mukha pa lang niya kanina, alam kong may kinalaman siya roon. Habang pabalik ako sa VIP suite niya, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko. Siguro dahil hindi ako sanay na may kasama sa iisang kuwarto. Kahit noong kasama ko pa si Weston, hindi naman kami naging ganito. Oo, may pangalan kaming mag-asawa sa harap ng ibang tao, pero ang totoo, ang layo-layo namin sa isa’t isa. Madalas wala siya. Madalas mag-isa ako. Madalas, kahit nasa iisang bahay kami, parang hindi kami magkakilala. Pero ngayon? Si Zion. Ang ex ko ang kasama ko mamayang gabi. Paano ako matutulog sa iisang kuwarto kasama siya? Paano ako kikilos nang normal kung ba
EMERYNatigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong humaplos sa dibdib ko. Gusto kong magreklamo. Gusto kong sabihin na hindi niya kailangang gawin iyon para sa akin. Pero hindi ko magawa, nakatikom lang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.“Zion…” mahina kong sabi.Doon lang niya ako nilingon.“Emery, he tried to hurt you and my children,” sabi niya, malamig pero pigil ang galit. “So no, I won’t just lie here and do nothing.”Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng mga salitang iyon, parang nabawasan ng kaunti ang takot sa loob ko.Ilang sandali pa, pumasok ang doctor kasama ang nurse para i-check ako. Sinukat nila ang blood pressure ko, tiningnan ang heartbeat ng kambal, at ilang beses tinanong kung may pananakit ba akong nararamdaman.Nakahiga ako sa kabilang couch habang inaayos ng nurse ang monitor.“Ma’am Emery,” sabi ng doctor, “stable naman po ang babies, pero kailangan niyo pong magpahinga. Malaki ang naging stress ng katawan niyo.
EMERYBigla akong nakaramdam ng takot, dahil kung kayang patahimikin ng lalaking iyon si Francis, ibig sabihin mas malakas siya kaysa inaakala namin.Mas nakakatakot pa roon, nakatakas ang taong nag-utos na saktan ako at ng mga anak ko. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang itsura niya.Akala ko kapag nakalabas na ako sa islang iyon, makahihinga na ako nang maluwag. Pero bakit parang kinakabahan pa rin ako?Huminga ako nang malalim. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa malayo. Kanina lang, inilipat na si Zion mula ICU papunta sa VIP suite. Mas maayos na raw ang lagay niya, at tinanggal na rin ang suwero sa kamay niya, pero may benda pa rin sa bandang dibdib niya at halata pa rin sa mukha niya ang panghihina.Pero kahit ganoon, siya pa rin ang mas kalmado sa aming dalawa. “Emery.”Napakurap ako nang marinig ang boses ni Zion.Napatingin ako sa kanya. Nakahiga siya sa kama, nakasandal sa headboard, suot ang hospital gown, pero kahit may sakit, hind
THIRD PERSON POVMabilis na lumapit ang mga medic habang hawak pa rin ni Emery ang kamay ni Zion. Halos hindi niya marinig ang sigawan sa paligid dahil nakatutok lang ang tingin niya sa dugong kumakalat sa damit ni Zion.“Ma’am, we need to move him now!” sabi ng medic.Umiling si Emery habang nanginginig. “Sasama ako.”“Ma’am—”“Sasama ako!” mariin niyang sigaw, puno ng takot at luha ang boses.Wala nang nakipagtalo sa kanya. Tinulungan siyang tumayo ni Spencer habang mabilis na inilagay si Zion sa stretcher. Ilang pulis ang nakapaligid sa kanila, may mga baril pa ring nakatutok sa paligid para siguraduhing ligtas ang daan papunta sa chopper.Sa di kalayuan, nakita ni Emery na sapilitang hinahawakan ng dalawang pulis si Francis Sterling. Sugatan ito sa braso, madumi ang damit, at puno ng galit ang mukha habang nakatitig sa direksyon nila.“Hindi pa ito tapos!” sigaw ni Francis.Napahigpit ang hawak ni Spencer sa braso ni Emery. “Don’t look at him, Ma’am.”Pero kahit hindi na siya tumi
THIRD PERSON POVMuling umikot ang chopper sa itaas. Lumakas ang hangin sa paligid. Nagliparan ang buhangin at dahon habang dahan-dahang bumababa ang isang rope ladder mula rito.Napaatras si Emery nang bahagya habang pinoprotektahan ang tiyan niya gamit ang isang kamay.“Emery!” muling sigaw ni Zion.Maya-maya, nakita niyang bumaba si Zion mula sa chopper. Nakahawak siya sa rope ladder habang may baril sa isang kamay. Malamig ang mukha nito, pero kitang-kita sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.“Hold on!” sigaw ni Zion.Mas lalong nanginig ang labi ni Emery. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiiyak. Pero nang makita niya si Zion na bumababa para sa kanya, biglang kumirot ang dibdib niya. Dumating ito, nahanap siya.Pero bago pa siya makalapit sa rope ladder, may sumigaw mula sa likod.“Nandiyan siya!”Napalingon si Emery at nakita ang ilang tauhan ni Francis na tumatakbo papunta sa direksyon niya.Nanlaki ang mga mata niya.“Zion!” sigaw niya.Agad na bumaba pa si Zion at t







