Accueil / Romance / Marry Me Instead / Chapter 044- The Bouquet Was From Mr. Zion

Partager

Chapter 044- The Bouquet Was From Mr. Zion

Auteur: Eliana Asher
last update Date de publication: 2026-05-19 23:58:50

EMERY

Tahimik lang akong nakatingin kay Weston habang hinihintay ang sagot niya. Mukhang nahirapan pa siyang tanggapin ang gusto ko, ngunit ilang segundo rin bago siya tuluyang napabuntong-hininga.

“Alright,” mababa niyang sabi habang pinapadaan ang kamay sa buhok niya. “Papayag na ako sa gusto mo.”

Bahagya akong natigilan. Hindi ko inasahang ganoon siya kabilis pumayag.

“But make sure na alam ko kung saan ka nakatira,” dugtong niya habang seryoso akong tinitingnan.

Tahimik lang akong tumango.
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Lilibeth Panlaque
sana idivorce ni emery ang asawa nyang ganid at cla ni Zion magkatuluyan
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • Marry Me Instead   Chapter 061- Eladaria Was Her Stepmother

    EMERYKararating ko lang sa condo unit. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang kondisyon na gusto ni Zion. Aba’t mas malala pa siya kina Weston at Ravia—para gawin niya akong parang breeding machine!Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot kong sofa at huminga nang malalim. Nilagay ko ang mga dala kong paper bags sa center table.Malalim akong napaisip. Noon, gusto niyang ipalaglag ang embryo nang malaman niyang may kumuha sa sperm niya… pero ngayon, nang malaman niyang ako ang nakakuha… gusto niya akong magpakasal sa kaniya?Maya-maya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako.“Teka, Emery…” wika ko nang napalitan iyon ng seryosong mukha.Agad kong sinampal-sampal sa katawan ko ang hawak kong folder. Bigla na lang kasi uminit ang pakiramdam ko. “Ano bang nangyayari sa’yo? Gusto mo na ngayon si Zion?!”Napatindig ako at dumiretso sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nang matapos kong isalin sa baso, agad kong nilagok iyon.Pinaypayan ko a

  • Marry Me Instead   Chapter 060- Marry Me Instead (MUST READ!)

    THIRD PERSON POVTahimik lang na nakatitig si Emery kay Zion habang mabilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya’y hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa isip niya ang lahat ng narinig. Alam ni Zion. Alam nitong kambal nito ang dinadala niya. At higit sa lahat… matagal na pala nitong alam.“Since when…” mahina ngunit nanginginig niyang tanong. “Since when mo nalaman?”Tahimik lang siyang tinitigan ni Zion bago marahang sumandal sa swivel chair niya.“Medyo matagal na.”Mas lalo pang kumunot ang noo ni Emery.“Matagal na? B-Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?” hindi makapaniwalang ulit niya. Dahan-dahang ibinaba ni Zion ang reading glasses niya bago tumayo mula sa upuan. Agad na napatahimik si Emery nang makita siyang lumapit. Mabagal at kalmado lang ito. Ngunit sa bawat hakbang nito, tila mas lalong bumibigat ang hangin sa loob ng opisina, hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap niya.“Kung sinabi ko agad sa’yo noon,” mababa nitong tanong, “anong gagawin mo? Magtatago ka rin ba

  • Marry Me Instead   Chapter 59- He Knew All Along

    THIRD PERSON POVNanlamig ang buong katawan ni Emery sa nasaksihan niya. Dahil doon ay nabitawan niya ang mga paper bags na hawak niya.Agad na napalingon ang ilang tao sa kanya, pero hindi niya iyon napansin.Biglang nagsimulang bumalik sa isip niya ang lahat. Kung paanong sobrang kalmado nina Doc Hidalgo at Nurse Joy noong nakausap niya ito sa phone no’ng nakaraan. Kung paanong parang wala silang takot o kaba kahit galit na galit si Zion no’ng panahong iyon.Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Emery.“Don’t tell me…” mahina niyang bulong.Kung tama ang hinala niyang baka alam na ni Zion ang tungkol sa nawawala nitong sperm?Kaya bang bigla itong lumipat sa katabing unit niya?Kaya bang sobrang baba ng renta niya?Kaya bang may mga welcome gifts siya pag-move in niya sa condo?Natigilan si Emery habang mabilis na tumitibok ang dibdib niya.Dagli-dagli niyang pinulot ang mga paper bags bago mabilis na lumabas ng restaurant. Halos hindi na niya maramdaman ang pagod habang dere-deretso

  • Marry Me Instead   Chapter 058- The Declined Card

    THIRD PERSON POVPagkababa ni Ravia ng tawag, agad siyang napasinghap habang mahigpit na hawak ang cellphone niya. Halatang namumutla pa ang mukha nito habang mabilis na tumitibok ang dibdib. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama, tulala at parang hindi mapakali matapos marinig ang mga sinabi ni Emery.Katabi niya si Weston na bahagyang napamulat dahil sa ingay. Nakahubad ang pang-itaas nito habang magulo pa ang buhok, halatang bagong gising lang. Nakatupi ang isang braso nito sa ibabaw ng unan habang bahagyang nakakunot-noo dahil sa antok. Kita rin sa balikat at leeg nito ang mapupulang marka ng halik ni Ravia sa gabing iyon.Mabigat pa ang boses ni Weston nang marahang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Saglit nitong hinaplos ang mukha bago tumingin kay Ravia na halatang balisa.“What’s wrong?” paos nitong tanong habang pinagmamasdan ang nanginginig nitong kamay.Napalunok si Ravia bago seryosong tumingin dito.“Alam na ni Emery na gusto nating agawin sa kanya ang Armani Group.

  • Marry Me Instead   Chapter 057- Ravia’s Provocation

    EMERY“Zion?” mahina kong sambit habang nakatitig lang sa kanya.Napakalapit namin.At kahit malakas ang ulan at umaamoy ang basang semento ng rooftop, mas nangingibabaw pa rin ang pabango niya. Iyong malamig at malinis na amoy na hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.Napalunok ako bago bahagyang umiwas ng tingin.“Anong ginagawa mo rito?” naguguluhan kong tanong. “Sinusundan mo na naman ba ako?”Hindi agad sumagot si Zion.Sa halip, napatingin muna siya sa metal container sa sahig. Napalingon din ako roon. Mabuti na lang at bago pa bumuhos nang malakas ang ulan, abo na lahat ng sinunog ko. Halo-halong basang abo, sunog na papel, at pira-pirasong litrato na hindi na makilala ang nakita niya.“Wala ka kanina sa unit mo,” mababa niyang sabi. “Hinahanap kita.”Bahagya akong natigilan.“Nabalitaan ko ang nangyari sa Armani Group,” dagdag pa niya.Bigla akong napatingin sa kanya.“Bakit, Zion… nag-aalala ka ba sa akin?” hindi ko napigilang tanungin.Tahi

  • Marry Me Instead   Chapter 056- Burning Memories

    EMERYPagkauwi ko sa condo, diretso lang akong pumasok sa kwarto dala ang malaking maleta ko. Tahimik ang buong unit, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, parang lalo lang bumigat ang dibdib ko habang isa-isang inilalabas ang mga gamit ko.Hanggang sa maya-maya, natigilan ako nang makita ko ang treasure box sa pinakailalim ng maleta.Walang imik kong kinuha ito. Naalala kong matagal-tagal ko nang hindi binubuksan ito. Dati, pakiramdam ko… ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na meron ako. Pero ngayon, parang isa na lang kahon ng katangahan ko.Mahigpit kong niyakap ang treasure box bago tahimik na lumabas ng unit. Dumiretso ako sa rooftop ng building habang may dala ring maliit na metal container na binili ko kanina sa convenience store bago ako bumalik dito sa condo. Doon ko balak ilagay ang abo ng lahat ng alaala naming dalawa ni Weston.Pagdating ko sa rooftop, agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Madilim na ang langit, ngunit makulimlim ang langit, parang anumang oras

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status