“Would you mind to tell me what happened?” napairap na lang si Mia, kailangan talaga sabihin pa niya lahat kay Stella. Kahit na tinatamad na siyang magpaliwanag ay sinabi pa rin niya kung anong nangyari hanggang sa ibigay ni Aiden ang coat niya kay Mia.Si Stella naman ngayon ang napabuntong hininga saka nahiga at ginawang unan ang dalawang braso.“Ang mga lalaki talaga, ang akala na lang palagi sa mga babae parausan. Para bang, para sa kanila ginawa ang babae para pasayahin sila sa pansarili nilang kagustuhan. Tsss. Maswerte ka pa rin dahil nandun si Sir Aiden.”“Kailangan ko pa bang ipagpasalamat na nagkataon na nandun siya? Kung hindi nga lang siya sumingit papatulan ko na yung lalaking yun e. Ang kapal ng mukha niyang igaya ako sa mga babaeng parausan, gagong yun.” Nanggigigil niyang saad, susuntukin niya na sana ito kanina kung hindi lang sumingit si Aiden.“Kumain na tayo, nagugutom na talaga ako.” pag-aaya ni Stella, nagbihis naman na muna si Mia ng skirt niya saka sila sabay
Wala na siyang ibang malalapitan at kung kailangan niyang ibaba ang pride niya gagawin niya tutal hindi naman libre ang hihingin niya. Kapalit ng pagtulong sa kaniya ni Aiden ay ang pagpayag niyang maging fiancée ni Aiden. Mahigpit niyang hinawakan ang sarili niyang kamay saka ngumiti kay Aiden.“Kung hindi ka pa naman nakakahanap ng babaeng magpapanggap na maging fiancée mo.” dagdag niya, tumayo naman si Aiden saka siya naupo sa sofa, sinenyasan niya rin si Mia na maupo na muna na sinunod niya rin naman.“Tell me, what do you need?” palihim na humugot ng malalim na hininga si Mia. Kailangan niyang lakasan ang loob niya tutal hindi rin naman biro ang gagawin niyang pagpapanggap na fiancée ni Aiden. Kinuha niya ang ilang papeles na nasa bag niya saka niya ito ipinaharap kay Aiden.Nagtataka man si Aiden ay kinuha niya ito at binasa. Bahagyang napataas ang kilay niya kaya napayuko si Mia, kinakain na siya ng hiya pero wala siyang magawa.“No problema, I can pay all of this. So, deal?” t
“May magagawa pa ba ako? Go girl, itaas mo ang bandera.” Pang-aasar niya na akala mo hindi nagalit kanina. Naiiling na lang si Mia dahil hindi mo maintindihan kung kumakampi ba sa kaniya o hindi ang kaibigan. Sumama na si Mia kay Raoul, nakayuko pa ang ulo niya dahil nakatingin sa kaniya ang ilang empleyado na nakakasalubong nila.“Mia!” rinig niyang pagtawag sa kaniya ng manager nila, napaatras naman si Raoul para tingnan kung sino ang tumawag kay Mia. Nang makita ni Miss Cruz na kasama ni Mia si Raoul ay bahagya siyang ngumiti.“Hindi na pala, just go.” Wika niya saka tumalikod na, nagpatuloy na rin silang dalawa na maglakad hanggang sa makarating office ni Aiden.“Puntahan mo na lang siya dahil hindi na ako papasok.” Saad ni Raould na tinanguan na lang ni Mia.“Salamat,” kinakabahan pa siya nang makapasok na siya sa loob. Hindi siya sanay na maiwan silang dalawa ng Boss niya lalo na ngayon kung sabay pa silang kakain. Paano siya makakakain ng maayos kung Boss niya ang kasama niya.
May kabang tumayo si Mia sa kinauupuan niya. Kilala nilang strikto pagdating sa trabaho ang Boss nila, narinig niya na rin ang usap-usapan dati na marami na itong inalis sa trabaho dahil hindi nasusunod ang gusto niya. Alam niyang hindi malabong mangyari yun sa kaniya kapag hindi siya nakinig.Minsan pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, mukhang okay naman na. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan na magpakita ngayon sa Boss niya.“Let’s go Miss, Mr. Hernandez is waiting for you outside.” Ngiting wika ng babae, tipid lang na ngumiti si Mia saka sumunod sa isang babae para idala na siya kay Aiden na matyagang naghihintay sa labas. Tinanggal na nila ang isang malaking kurtina na humaharang kay Mia. Nilalaro niya ang mga daliri niya, bakit ba siya kinakabahan? Wala pa naman silang ginagawa.Abalang nagbabasa ng magazine si Aiden nang maramdaman niya ang pagtanggal ng malaking kurtina sa harapan niya kaya tiningnan niya iyun. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak niyang magazi
Tiningnan niya si Aiden at tila wala lang itong pakialam sa pagkatalo niya.“Let’s go home, hindi mo siya matatalo kung wala kang alam sa mga bagay na ito. Sanay na siya sa mga ganitong bagay pero ikaw puro papeles ang hawak mo sa araw-araw. Let’s go home.” Pag-aaya ni Mia kay Aiden dahil hindi niya kakayanin kapag natalo ng milyon ang Boss niya.Ngumiti lang naman sa kaniya si Aiden saka niya hinawakan ang kamay ni Mia para pakalmahin ito. Sa tuwing hinahawakan ni Aiden ang ilang parte ng katawan ni Mia ay tila may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya mula kay Aiden.“You don’t have to worry, just trust me.” Ani nito, bagsak ang balikat ni Mia nang muling ikalat ang baraha. Nakangisi na ngayong nakatingin sa kaniya si Jaxson.Halos maubos niya na ang iniinom niya dahil pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa kaba. Kahit hindi niya alam kung paano laruin ang mga nilalaro ng mga ito ay nanuod na lang siya. Tinitingnan niya rin minsan ang expression ng mga
Lumipas ang mga araw at hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa labi ni Mia ang ngiti. Hindi dahil sa kinikilig siya sa Boss nila kundi dahil sa kabaitan nito. Mukha namang walang katotohanan ang mga sinasabi ng iba na wala siyang puso o sadyang hindi pa niya ito masyadong kilala? Wala na siyang pakialam dun, kung ano ang nakikita niya iyun ang paniniwalaan niya.“Iba talaga kapag in love ka no? hindi na mawawala ang ngiti sa labi.” Pang-aasar sa kaniya ng mga katrabaho nila.“Hindi naman, hindi naman yun ang dahilan ng pagngiti ko eh. Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako?”“Naku, huwag kami ang lokohin mo Mia. Masaya? Masaya ka talaga dahil in love ka. Ikakaila mo pa halata naman na.” saad ni Kirsten, napailing na lang si Mia. Isipin nila ang gusto nilang isipin basta siya masaya, wala ng masyadong iniisip na problema o baka ngayon lang dahil wala pa namang paramdam ang Boss nila.Napatigil siya sa pagsubo ng kakainin niya nang mapansin niya ang pag-ilaw ng cellphone niyang nasa ib
“Kausapin mo naman ako oh, I’m sorry, kung ano man ang nagawa ko sayo I’m really sorry. Masyado lang akong nabulag sa pansarili kong kasiyahan. Mahal pa rin kita, you still love me pa naman diba? Bumalik na tayo sa dati, yung ikaw at ako lang. Please Mia.” Nagmamakaawa niyang saad, ang mga empleyadong pauwi na sana ay napahinto dahil sa narinig nila. Kaniya-kaniya na naman lang silang bulungan at panlalait kay Mia.“She’s a gold digger, ang kapal ng mukha niyang paglaruan si Sir Aiden!” inis na wika ng isang babae.Wala ka namang mababakas na kahit anong emosyon kay Mia. Blangko lang siyang nakatingin kay Jaxson.“Umalis ka na, wala kang mapapala sakin.” Akmang lalampasan na sana siya ni Mia nang bigla siyang lumuhod sa harapan ni Mia. Naikukuyom na lang ni Mia ang mga kamao niya, alam niyang hinuhusgahan na naman siya ng mga matang nakamasid sa kanila.“Saktan mo ako kung gusto mo, sigawan mo ako, bumalik ka lang sakin Mia. Tama na please, alam kong nasaktan kita pero nasasaktan na r
MIA’S POVAlam kong wala nang atrasan sa kasunduan namin ni Sir pero hindi pa rin nawawala sa akin ang kaba. Sinabi ko sa sarili kong hinding hindi ko papasukin ang mundo ng mga mayayaman dahil sa mga katulad kong babae ay mahirap silang abutin, ano lang ba ang kaya ko at laban sa kanila.Napabuntong hininga na lang ako, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Masakit pa rin hanggang ngayon dahil sa ganitong paraan natapos ang kwento namin ni Jaxson. Siguro nga may mga dahilan ang lahat. Sa panahong pagtatrabaho ko rito ay hindi ko pa nakikita ang Mommy ni Sir Aiden at natatakot ako sa mga sinasabi pa lamang ni Sir. Kung siya hindi niya masuway ang Mommy niya o hindi niya kayang labanan, paano pa kaya ako na hindi man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko?Kung sa Daddy niya naman, hindi ko rin naman masyadong kilala si Sir Dave. Bihira ko silang makita rito sa hotel dahil mas madalas siya sa kompanya nila Sir Aiden.Para akong lantang gulay na naglalakad dito sa hallway, ano bang dapat