Share

0007

Author: Allecorianna
last update Last Updated: 2025-08-12 23:57:55

VANESSA

"Bobo ka ba? Bakit mo in-approve iyan? Sa tingin mo papasa iyan sa akin dahil nagustuhan mo? Ayoko ng ganiyan. Ipaulit mo sa kanila iyan," galit na sambit ng kanyang boss na si Hayden bago binato ang portfolio.

Nagkalat ang mga papeles na nakapaloob doon. Mariing napapikit si Vanessa. Isang linggo pa lang siyang nagtatrabaho bilang secretary ni Hayden ngunit napakadami ng masasakit na salita ang natanggap niya. Napakasungit ng boss niya at masyadong maarte. Kailangan perfect. Kahit almost perfect ang isang proyektong pinagagawa nito. Kaunting mali, pinauulit kaagad niya.

"Pasensya na po, sir. Ipapaulit ko na lang po," magalang niyang sabi at pilit na ngumiti.

Tiningnan siya ni Hayden. Titig na tumatagos sa loob niya at nakatatakot. Napalunok ng laway si Vanessa.

"Hindi mo ba alam kung gaano kasikat ang kumpanyang pinagtatrabahuhan mo? Hindi mo ba alam kung gaano ako tinitingala ng mga tao? Tapos ipapa-approved mo sa akin ang simpleng design na iyan? Sa susunod, i-check mo ang mga naipatayong bahay at kung anu-anong gusali ng kumpanyang ito bago ka magandahan sa gawa nila. Common na ang design na iyan. Masyado ng maraming ganiyang bahay," galit na sambit ni Hayden.

*Ano ba ang gusto ng lalaking ito? Paanong unique na design ng bahay ang gusto niya? Paanong kakaiba? Iyong wala bang pinto at bintana? Siraulo yata ang lalaking ito! Ang ganda-ganda ng design na ito tapos common lang para sa kanya?! Akala niya yata madaling mag-isip ng design!* sigaw ni Vanessa sa kanyang isip.

"Sige po, sir. Pasensya na po talaga," mahinahong niyang sabi bago tumalikod.

*Kainis ang lalaking ito! Hindi maintindihan ang ugali! Ubod pa ng yabang! Akala mo naman talaga sobrang gaganda ng mga designs ng bahay na napatayo nila. Hindi naman ganoon ka-unique! Maraming bahay na ganoon sa ibang bansa!* sabi pa ni Vanessa sa isip.

Bumuga ng hangin si Vanessa bago lumabas ng opisina ni Hayden. Dala niya ang kagagawa lang na bagong disenyo ng engineering design department ng kumpanyang iyon. Nakapaloob doon ang kalalabasan ng subdivision na ipapagawa, design ng bawat bahay at kung anu-anong amenities sa isang subdivision.

Tatlong beses kumatok si Vanessa sa opisina ng engineering design department bago siya pumasok. Kaagad siyang nagtungo sa table ng head ng department na iyon. Si Luke Sandoval ang head doon.

"Rejected na naman?" nakangiting sabi ni Luke sa kanya.

Mabagal na tumango si Vanessa bago inilapag sa table ang ipinasa nilang document design. Nakapaloob doon ang design plans, blue prints, detailed drawings at kung anu-ano pa.

"I'm sorry, Luke. Kulang yata talaga sa bakuna noong bata pa iyon si Hayden eh. Ibang klase ang lakas ng tama. Nakababaliw siya. Hindi ko maintindihan ang gusto niya. Nang makita ko ang pinasa ninyo, grabe na-amaze talaga ako sa ganda ng bagong design. Ang galing ng pagka-drawing at unique talaga. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi pumasa sa kanya. Ganiyan ba talaga siya? Matagal ka na bang head sa department na ito?" tanong ni Vanessa sa binata.

Mahinang natawa ang binata bago tumango. Kumibot ang labi ni Luke bago kinuha ang rejected design documents na pinasa nila.

"Tatlong taon na rin noong nakaraang buwan. Ganiyan talaga siya. Kakaiba ang timpla. Actually noong una balak ko na rin talagang sumuko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako para sa kumpanyang ito. Masyadong mataas ang standards niya pagdating sa pagde-design ng buildings, houses at kung anu-ano pa. But I realize na hindi ko siya sapat sukuan kasi parang natalo lang ako no'n. Nandito na ako sa pinakasikat at kilalang kumpanya, hindi na ako puwedeng mapunta pa sa iba. So ayon, nagpasa lang ako nang nagpasa hanggang sa ma-approve niya. Kaya wala kang dapat alalahanin pa, ma'am Benetiz. Sanay na ako sa kanya," mahinahong sabi ni Luke.

Ngumiwi si Vanessa bago tumango-tango. Sa isip niya, mabuti na lang talaga mahaba ang pasensya ni Luke at kalmado palagi.

*Kung si Luke sana ang boss ko, kalmado palagi, guwapo at masarap kausap, baka hayahay talaga ang buhay ko. Hindi ako kinakabahan kapag may iuutos siya sa akin. Wala sana akong takot na mararamdaman. Malaki nga ang sahod ko bilang secretary ng siraulong iyon pero stress naman ang abot ko,* sabi ni Vanessa sa isip.

"Sige na, babalik na ako sa office. Pasensya ka na talaga, Luke. Kahit gustong-gusto ko ang design ninyo at pinagtanggol ko pa talaga ito, ayaw niya. Isipin mo na lang na kulang siya sa pagmamahal kaya ganoon siya kasungit," sabi niya sabay tawa.

Natatawang napakamot sa kanyang noo si Luke. "Pasaway ka talaga kahit kailan ma'am Benetiz. Sige na po, bumalik ka na sa opisina niyo. Baka magwala na iyon."

Nginitian ni Vanessa si Luke bago umalis. Gustong-gusto niyang nagpupunta sa department na iyon dahil natutuwa siyang kausap ang binata. Magaan lang ang daloy ng usapan nila. May biruan pa nga. Natutuwa siyang kausap ang binata. Dagdag pa roon, nagaguwapuhan siya kay Luke.

*Ang guwapo talaga ng lalaking iyon! Perfect na perfect ang datingan! Ang suwerte naman ng magiging girlfriend niya kung sakali! Bakit kaya single pa rin siya hanggang ngayon? Pihikan kaya siya sa babae? Ano kaya ang tipo niya?* wika ni Vanessa sa isip habang naglalakad patungo sa elevator.

Nang makabalik siya sa opisina ni Hayden, isang matalim na titig kaagad ang sumalubong sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan.

"Bakit ang tagal mo naman yatang bumalik? Binigay mo lang naman sa kanila ang walang kwenta nilang design tapos inabot ka pa ng ilang minuto? Ayusin mo ang trabaho mo miss Benetiz! Hindi kita pinasasahod para lang makipag-chismisan sa oras ng trabaho!" bulyaw ni Hayden sa kanya.

"May mata po ba kayong nakasunod sa akin kaya naisip niyong nakikipag-chismisan ako?" hindi napigilang sabi ni Vanessa.

Naningkit ang mga mata ni Hayden sa inis. "Anong sinabi mo?" tumiim ang bagang ng kanyang boss.

Nakipagtitigan muna si Vanessa sa kanyang boss bago siya ngumiti ng matamis.

"Wala po, sir. Pasensya na. Hayaan niyo po sa susunod tatakbo po ako pabalik dito para hindi kayo nagagalit ng ganiyan. Pasensya na po ulit, sir!" magiliw niyang sabi bago pekeng ngumiti.

Umirap siya nang talikuran niya si Hayden. Naririndi na siya sa bunganga nito.

*Araw-araw na lang nakabunganga ang lalaking ito sa akin! Daig pa ang puwet ng manok kapupuputak! Mamaga sana ang nguso niya!* sigaw ni Vanessa sa isip.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My Arrogant Boss    00016

    Mabilis pang lumipas ang mga araw. Sa panahong iyon, naging normal na ang rhythm nila sa bahay—si Hayden, arogante, bossy, at suplado sa negosyo; si Vanessa, matalino, masigla, at pasaway. Ngunit sa opisina, wala ng nagpapanggap—back to work mode na pareho.Ngunit sa araw na iyon, napansin ni Hayden ang isang bagay na hindi niya inaasahan. Habang nakatingin siya kay Vanessa na nag-aayos ng mga documents sa desk niya, napangiti ito sa isang empleyado na nagtanong ng clarification.At doon nagsimula ang unti-unting pagka-irita niya sa sarili.“Vanessa…” panimula niya, nakatingin kay Vanessa mula sa likod ng executive chair. Bahagyang may pagka-bossy, “Huwag kang ngumiti masyado."Napatingin si Vanessa at nakataas ang kilay. "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?"Gustong mapangiti ni Hayden pero pinipigilan niya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya, lalong lumalala ang kakaibang damdamin niya para kay Vaness. Na dapat lang sana, nagpapanggap silang mag-asawa.Ngunit sa loob n

  • Marrying My Arrogant Boss    00015

    Dalawang araw na ang lumipas mula nang maayos na ma-settle ang kanilang stay sa mansion. Ngayon, back to reality na sina Hayden at Vanessa sa opisina ng Morgan Empire. Ang dating tahimik at kontroladong Hayden ay muling nakaupo sa kanyang executive chair, habang si Vanessa naman ay nakahanda sa kanyang secretary desk, kumpleto sa laptop, planner, at nakaayos na stack ng documents. “Okay, Vanessaa, let’s make this quick,” simula ni Hayden, nakatitig sa screen ng laptop habang may hawak na coffee mug. Taglish, parang natural sa kanya ang banat at bossy na tono. “May mga meetings tayo na dapat ma-cover before lunch. Don’t mess up this time ha.” Nakangiti si Vanessa ngunit may bahagyang kilay na nakataas, tumango lang. “Yes, sir… I mean, love. Noted, love,” sagot niya, pinipilit panatilihin ang biro sa tono kahit alam niyang iniinsulto siya ni Hayden sa kanyang pagka-bossy. Ngunit, hindi nagtagal, may isang report na pumasok sa desk ni Vanessa na mali ang na-input na figures. Tiningnan

  • Marrying My Arrogant Boss    00014

    Dalawang linggo na mula nang tumira si Vanessa sa mansion ng pamilya Morgan. Ang dating tahimik at kontroladong bahay ni Hayden ay unti-unting nagbago. Ang mga pasilyo at silid ay napupuno ng mga tawa at usapan ni Vanessa — isang kakaibang enerhiya na hindi sanay si Hayden, at para bang sinusubok ang kanyang pasensya sa bawat sandali.Si Hayden, nakatayo sa malaking bintana ng kanilang master bedroom, nakamasid sa labas. Ang lungsod ay kumikislap sa gabi, ngunit ang kanyang isip ay nakatutok sa isang bagay na mas nakakabahala kaysa sa anumang business deal: si Vanessa.“Ano ba ‘to?” bulong niya sa sarili. “Parang… may bagay hindi ko kayang kontrolin.”Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit may kakaibang init na dumadaloy sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya ang mga maliit na bagay na ginagawa ni Vanessa — ang paraan ng pagtawa nito kapag nakikipagbiruan kay mommy Imelda, niya, ang maliit na buntong-hininga kapag nag-uusap sila ng mommy niya, o kung paano nag-aadjust sa mansion ka

  • Marrying My Arrogant Boss    00013

    Isang linggo ang lumipas mula nang maganap ang kasal nina Hayden Morgan at Vanessa Ramirez. Sa mata ng publiko, isa itong engrandeng kasal na pinagusapan ng mga pahayagan at social media—ang pinakaaabangang pag-iisang dibdib ng cold, ruthless CEO ng Morgan Group at ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang tabi. Ngunit sa likod ng mga camera at palakpakan, nanatiling mabigat ang dibdib ni Vanessa. Habang nakatitig siya sa kanyang reflection sa salamin ng kotse, hindi pa rin siya makapaniwala na siya na ngayon si Mrs. Vanessa Morgan. Nasa gilid siya ng passenger seat, tahimik, samantalang nakasandal sa manibela si Hayden, walang kaimik-imik, ang malamig na tingin ay nakatuon lamang sa kalsadang kanilang tinatahak. “Pagod ka na ba?” tanong nito bigla, hindi inaalis ang tingin sa daan. “Medyo,” maikling sagot ni Vanessa. Hindi na ito sumagot. Ganito si Hayden—laging bitin ang mga salita, laging may distansya. Pero bago pa man siya makapagsalita ulit, biglang huminto ang sasak

  • Marrying My Arrogant Boss    00012

    Isang linggo ang mabilis na lumipas mula nang ianunsyo ni Hayden sa publiko ang engagement nila ni Vanessa. Parang isang whirlwind ang lahat ng pangyayari. Isang linggo lang pero parang taon ang bigat at tensyon na dinadala ni Vanessa. Ngayong araw, wala na siyang kawala. Ang engrandeng kasal na pinlano ni Imelda Morgan mismo ay narito na. At siya, si Vanessa Benitez, ay nakasuot ng puting bestidang halos hindi niya mawari kung para ba talagang sa kanya, o isang costume sa isang palabas na hindi niya kailanman pinili. Tahimik na nakaupo si Vanessa sa harap ng malaking salamin. Nakapalibot sa kanya ang glam team na pinadala mismo ni Imelda—kilalang stylist, hairdresser, at makeup artist. Bawat galaw ng kamay nila ay maingat, bawat pintig ng brush ay perpekto. Pero habang pinapaganda siya ng lahat, ang utak niya ay parang kulong sa isang hawla. "Ito na ba talaga? Ito na ba ang kapalit ng lahat ng pinaghirapan ko? Isang kasal na hindi ko ginusto?" sabi ni Vanessa sa isipan. “Miss B

  • Marrying My Arrogant Boss    00011

    Punong-puno ng ilaw at musika ang ballroom ng hotel. Mga kilalang personalidad sa negosyo, politika, at showbiz ang naroon. Sa bawat pag-ikot ng mga waiter dala ang champagne, ramdam ni Vanessa na para siyang isdang inilagay sa gitna ng dagat na puno ng pating. Nakahawak pa rin sa braso niya si Hayden, mahigpit na para bang ipinapakita sa lahat na pag-aari siya nito. Ilang beses na niyang pinilit ngumiti, ngunit parang natutuyo ang pisngi niya sa pilit na pagpapanggap. “Relax,” bulong ni Hayden, halos nakadikit ang labi sa tainga niya. “The more you look uncomfortable, the more they’ll think you’re not fit to be my wife.” Pinanlakihan niya ito ng mata, ngunit wala na siyang nagawa. Ngumiti siya ulit, kahit gusto na niyang sipain ang mamahaling sapatos ng lalaki. "Hindi ko akalain na marami pa lang ganap kapag mayaman. Kung mahirap lang sana, simpleng anunsyo lang tapos kasal," reklamo ni Vanessa. Natawa naman si Hayden. "Eh kung hindi ako mayaman, wala kang pera niyan." Umirap na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status