Matapos masawi sa pag-ibig, pinilit bumangon ni Vanessa at buuin ang durog niyang puso. Tinuon niya ang atensyon sa trabaho at naging secretary siya ng guwapo at arroganteng CEO na si Hayden. Ang boss niyang walang ibang ginawa kun'di magtrabaho at magpakayaman. Pero isang araw, nagbagong bigla ang lahat...
Lihat lebih banyakVANESSA
WALA PA RING TIGIL ANG PAG-AGOS ng luha ni Vanessa. Tatlong araw ang lumipas matapos niyang mahuli ang ex-boyfriend niyang si Hans. Nang magtungo kasi siya sa condo nito, naabutan niyang nasa kalagitnaan na ng kasarapan ang kanyang boyfriend. Ang katalik niya, ang babaeng sinasabi niyang kaibigan niya lang. "Tangina mo, Hans," lumuluha niyang sabi. Namumugto na ang kanyang mga mata. Tatlong araw na rin siyang umiiyak ng sunod-sunod. Naiinis na siya sa kanyang sarili lalo pa't nangako siya na hindi niya iiyakan ang isang manloloko. Nang mahuli niya si Hans, nakipaghiwalay din siya kaagad. "Vanessa, matulog ka na. Ala una na, oh. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok sa trabaho mo, ha," sabi ng kaibigan niyang si Danika. Pinahid ni Vanessa ang luha niya. "Hindi na ako papasok. Wala na akong ganang pumasok. Makikita ko lang ang pagmumukha niya." "Ngek! Paano iyan? Mahirap humanap ng trabaho sa panahon ngayon! Ang daming tambay kaya na fresh graduates!" Bumuntong hininga si Vanessa. "Alam mo naman ang nangyari sa akin, 'di ba? Niloko ako ng taong minahal ko ng sobra. Niloko ako niya ako at humanap ng iba dahil hindi ko maibigay ang gusto niya. Ibibigay ko na nga sana eh, sa anniversary namin ang sarili ko sa kanya pero hindi siya nakapaghintay. Ibig sabihin lang, hindi niya talaga ako mahal. Katawan niya lang ang habol niya sa akin. Sa tingin mo ba, magiging maayos pa ang itsura ko sa trabaho kapag palagi ko siyang nakikita?" Mayroong hinanakit sa tinig ni Vanessa. Bumuga ng hangin ang kaibigan niya at saka naupo sa kanyang harapan. Tiningnan siya nito bago ngumiwi. "Pasensya ka na. Ayoko lang naman na maging tambay ka. Syempre, alam mo namang hati tayo sa renta rito. Ang sa lahat ng bills. Hindi ko kayang sagutin lahat kung mawawalan ka ng trabaho. Sorry na, Vanessa. Kapos talaga ako," sabi ni Danika. "Huwag kang mag-alala may naitabi akong pera. Habang naghahanap pa ako ng trabaho, makakapag-ambag pa rin ako. At may back pay pa naman akong aasahan. Sa ngayon, hayaan mo muna akong umiyak nang umiyak. Ito lang ang paraan ko para mailabas ko ang sama ng loob ko. Ang galit ko. Ayokong mag-eskandalo pa. Kahit mahal ko pa rin siya, ayokong bawiin pa siya sa babaeng iyon. Magsama silang dalawa," nakangiting sabi ni Vanessa pero malungkot ang kanyang mata. "Ikaw ang bahala. Pero payo ko lang sa iyo, huwag mo na siyang iyakan pa nang iyakan. Alam kong sobra kang nasaktan pero huwag mong sayangin ang luha mo sa walang kwentang lalaki. Sa susunod kung iiyak ka man, dapat sa worth it na lalaki. Kunwari, sa mayamang lalaki, ganoon! Iyong tipong naiiyak ka dahil wala ng magbibigay sa iyo ng pera. Kaya dapat kung makikipagrelasyon ka sa susunod, sa mayamang lalaki na. Para kapag stress ka, shopping lang nang shopping! Pare-parehas lang naman silang manloloko." Natawa ng mahina si Vanessa. "Tama ka diyan. Hayaan mo sa susunod, mayamang lalaki na ang magiging boyfriend ko. Para kapag nahuli ko siyang may iba, wawaldasin ko ang pera niya." ..... Ilang araw pa ang lumipas, tuluyan na ngang nagpasa ng resignation letter si Vanessa. Nalaman iyon ng ex niyang si Hans dahil mataas ang posisyon nito sa kompanyang pinapasukan nila. Pinuntahan siya nito sa kanyang table. Break time ng mga oras na iyon kaya sila lang ang nasa department na iyon. "Ano? Talagang magre-resign ka? Saan ka kukuha ng pera panggastos, ha? Masyado naman yatang mataas ang pride mo. Eh kung hindi ka sana naging maarte, kung hindi ka lang pabebe diyan hindi na ako hahanap pa sana ng iba. Lalaki lang ako, Vanessa. May pangangailangan ako," sabi ni Hans sa kanya. Tumigil sa paghahakot ng gamit si Vanessa bago hinarap ang binata. Sinampal niya ito ng malakas. Nagulat si Hans. "Huwag mo akong gaguhïn, Hans. Ang sabihin mo, makati kang lalaki at hindi marunong makontento. Kasi kung mahal mo talaga ako, hindi ka maiinip. Séx lang naman iyan. Kung sakaling ready na akong ibigay ang sarili sa iyo, kahit araw-araw mo pa akong galawin, hindi ako magrereklamo. Kaso wala eh, nainip ka. Kaya gumalaw ka ng ibang babae! Kaya huwag mo nga akong sisihin! Talagang malandi ka lang!" nanginginig sa galit niyang sigaw. Asar na tumawa si Hans. "Eh sino naman kasing lalaki ang kayang magtiis ng ganoon? Hindi ko sigurado kung mayroon sa panahon ngayon. Tatlong taon na tayo sa susunod na buwan. Isipin mo iyon? Ang tagal nating nagsama pero walang ganap? Baduy!" "Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Basta, tapos na tayo. Mas pipiliin ko ang peace of mind kaysa makipagbalikan sa iyo. Magsama kayong dalawa ng babae mo. Bagay naman kayong dalawa," aniya bago pinagpatuloy ang paghahakot ng gamit. "Yabang mo. Wala ka namang maipagmayabang sa akin. Alam nating dalawa na isa ka lang hampaslupa," pahabol na sabi ni Hans bago siya iniwan. Humigpit ang hawak ni Vanessa sa kanyang ballpen. Kung puwede niya lang itusok iyon sa mata ni Hans, ginawa na niya. Mabilis ang naging pagkilos niya para makaalis na sa lugar na iyon. Sumasakit ang ulo ni Vanessa at nahihilo siya. Kaya naman mabagal siyang naglakad pauwi. Hindi muna siya sumakay dahil gusto niyang maglakad-lakad. May dadaan din kasi siyang botika para bumili ng gamot. Ngunit habang naglalakad siya, bigla na lang siyang natumba dahil sa hilo. Kumalat ang gamit niya sa gilid ng kalsada. Muntik pa nga siyang mahagip ng isang magarang sasakyan. "Argh..." aniya bago hinawakan ang kanyang ulo. "Ano ba? Magpapakamatay ka ba? Kung gusto mong magpakamatay, huwag kang mandamay ng ibang tao! Makukulong pa ako ng wala sa oras kung nabangga kita!" sigaw sa kanya ng isang lalaki. Kahit nanlalabo ang kanyang paningin, tiningnan niya ang lalaki. Matangkad ang binatang ito na nakasuot ng suit. Guwapo. Kulay brown ang mata. Umigting ang panga. Makapal ang magkasalubong na kilay. Postura pa lang ng binata, halatang hindi ito isang ordinaryong mamamayan. Ang ayos ng binatang nasa harapan niya ngayon ay parang boss nila sa dating pinapasukang kumpanya. Sa madaling salita, parang isang CEO ang lalaking nasa harapan niya ngayon. O kagalang-galang na tao. "I'm sorry po. Pasensya na po talaga," sabi niya sabay yuko. "Tsk. Tatanga-tanga." Nagulat siya nang biglang maghagis ng ilang libong salapi ang binata sa kanyang harapan. Napatitig siya doon ng ilang segundo. Pagkaangat niya ng tingin, wala na ang lalaki.VANESSA Sumunod na araw, naghanap ng trabaho si Vanessa online. Buong araw siyang nakababad sa laptop at naghahanap ng puwede niyang mapasukan. Kung saan-saang kumpanya siya nagpasa ng resume. Panay din ang tingin niya sa kaniyang cellphone para alamin kung sakaling may tatawag na sa kanya. Pero sumapit na lang ang gabi, wala pa ring tumatawag kay Vanessa. Bagsak ang balikat niyang nahiga sa kama. Kumikirot ang ulo niya. Dagdag pa ang hapdi na nararamdaman niya sa pagitan ng kanyang hita."Kainis talaga! Sinamantala ng lalaking iyon na lasing ako! Ang sama niya!" bulyaw niya bago hinawakan ang kanyang págkababae.Galit siya kay Hayden dahil sa pananamantala nito ng kanyang kalasingan. Pero mas galit siya sa sarili niya dahil kasalanan din naman niya iyon. Kung hindi sana siya nagpakalasing ng sobra, hindi sana siya makukuha na lang basta ng lalaking hindi naman niya lubusang kilala. Kaya wala na siyang magagawa pa kun'di piliting kalimutan ang nangyaring iyon. "Kumusta? May tum
VANESSA Umaga na nang magising si Vanessa. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang may katabi siyang lalaki sa kama. Hindi nakaharap sa kanya ang lalaki. "Ano ang nangyari kagabi?" mahinang usal niya. Hinawakan niya ang kanyang sintido at inalala ang mga nangyari kagabi. Doon niya lang napagtanto kung ano ang ginawa niya. Napangiwi siya nang maramdamang mahapdi at makirot ang kanyang págkababae. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot, kapwa sila walang saplot. Sinampal ni Vanessa ang kanyang sarili. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet doon na ang ibig sabihin lang, nakuha ng hindi niya kilalang lalaki ang kanyang virginity. "Anong katangahan ang ginawa mo, Vanessa?" umiiyak niyang sabi. Sinilip niya ang binata sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumaba sa kamang iyon at saka pinulot ang nagkalat niyang damit. Kahit makirot an
VANESSA HILONG-HILO NA si Vanessa dahil marami siyang alak na nainom. Hindi pa naman siya sanay uninom ng alak kaya ang lasing na kaagad siya. Siya mismo ang nagyaya sa kaibigan niyang si Danika na magpunta sa club para magpakasaya. Para pansamantalang makalimutan niya ang sakit na kanyang nararamdaman. "Wooh! Yeah!" sigaw niya habang nakangiti. Gumiling-giling siya sa dance floor. Hindi na niya alam ang kanyang ginagawa dahil sa sobrang kalasingan. Basta, gusto niya lang magpakasaya. Hindi niya napansing may isang lalaking nakatingin sa kanya. Nahanap siya nito gamit ang tingin. Tumayo ang lalaking iyon at saka lumapit sa kanya. "Ano ba? Bakit mo ba ako sinisiksik? Tanga ka ba? Ang luwag-luwag doon oh! Doon ka nga!" bulyaw niya sa binata. Nakatitig lamang sa kanya ang binata. Nagpatuloy si Vanessa sa pagsasayaw. Ngunit hindi umalis sa kanyang tabi ang binata. Kung kaya naman, nagkiskisan ang kanilang balat. "Bakit nandito ang babaeng tangang katulad mo? Akala ko, nagpakamatay
HAYDEN "Bobo ka ba? Ilang beses ko ng pinaulit sa iyo iyan, ha? Puro mali! Wala ka ng ginawang tama! Get out! Sumasakit ang ulo ko sa iyo!" sigaw ni Hayden sa kanyang secretary. Mariin siyang napapikit. Isang buwan pa lang siyang CEO sa kanilang kumpanya pero sumasakit na ang ulo niya. Simula nang ibinigay iyon sa kanya ng mommy niya, maraming nabago sa kanilang kumpanya. Ang daming pinabago ni Hayden. Nawala rin ang saya sa kumpanyang iyon. Napalitan ng takot at pangamba. Hindi puwedeng magkamali ang bawat empleyado roon lalo na kapag si Hayden ang kanilang kaharap. Dahil agad-agad silang matatanggal sa trabaho. "Hello, magpunta ka ngayon sa office ko. Faster," saad ni Hayden nang tawagan niya ang HR manager. Ilang minuto ang lumipas, dumating na nga ang ginang doon na siyang HR manager ng nasabing kumpanya. Ang Morgan Builders Corporation. Kumpanyang pinayaman ng knayang yumaong ama. Isa sila sa pinakasikat at kilalang construction company sa bansa. Naglalakihang mga gu
VANESSA WALA PA RING TIGIL ANG PAG-AGOS ng luha ni Vanessa. Tatlong araw ang lumipas matapos niyang mahuli ang ex-boyfriend niyang si Hans. Nang magtungo kasi siya sa condo nito, naabutan niyang nasa kalagitnaan na ng kasarapan ang kanyang boyfriend. Ang katalik niya, ang babaeng sinasabi niyang kaibigan niya lang. "Tangina mo, Hans," lumuluha niyang sabi. Namumugto na ang kanyang mga mata. Tatlong araw na rin siyang umiiyak ng sunod-sunod. Naiinis na siya sa kanyang sarili lalo pa't nangako siya na hindi niya iiyakan ang isang manloloko. Nang mahuli niya si Hans, nakipaghiwalay din siya kaagad. "Vanessa, matulog ka na. Ala una na, oh. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok sa trabaho mo, ha," sabi ng kaibigan niyang si Danika. Pinahid ni Vanessa ang luha niya. "Hindi na ako papasok. Wala na akong ganang pumasok. Makikita ko lang ang pagmumukha niya." "Ngek! Paano iyan? Mahirap humanap ng trabaho sa panahon ngayon! Ang daming tambay kaya na fresh graduates!" Bumuntong h
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen