VANESSA
Ilang segundo ng nakatingin si Vanessa sa kanyang boss na si Hayden. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang boss ay walang iba kun'di ang binatang inalayan niya ng kanyang sarili. Ang binatang kumuha ng kanyang pinakaiingatan sanang virginity. "Ha? Ah... eh... a-ano.... parang hi-hindi ko pala kaya ang trabaho kong ito. Si-Siguro... siguro deserve ito ng ibang tao," nauutal niyang sabi bago inalis ang tingin sa kanyang boss. Hindi niya magawang titigan si Hayden lalo pa't may nangyari sa kanila. Hindi niya alam kung makakaya niyang makasama palagi ang lalaking umangkin sa kanya. *Ang suwerte ko naman talaga oo! Bakit siya pa? Bakit siya pa ang boss ko? Hindi ko kaya ito! Hindi ko kayang makasama siya at maging boss!* sabi niya sa isip. Tumikhim si Hayden. "At bakit hindi mo kaya? Dahil sa nangyari sa atin? Hindi mo kayang maging professional na lang, miss Benitez? Puwede mo na lang kalimutan iyon dahil para sa akin, wala lang iyon." Asar siyang ngumisi. "Wala lang naman talaga sa iyo iyon dahil marami kang babaeng tinitikman. Mayaman ka. Guwapo. Natural lang sa iyong makatikim ng maraming babae. Virgin man o hindi. Sanay ka sa ganoon. Pero ako, hindi. At huwag mo sanang isiping malandi akong babae dahil ibinigay ko na lang sa iyo ng walang kahirap-hirap ang virginity ko. Sinamantala mo ang kalasingan ko. Ang pagiging emosyonal ko ng gabing iyon." Tinawanan lamang siya ng binata at mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Todo pigil hininga ang ginawa ni Vanessa. Hindi siya makagalaw. Hindi niya maihakbang ang paa niya paatras. "Hindi ko na kasalanan iyon, babae. Masyado kang nagpakalasing. Kung talagang ayaw mong magalaw ka ng kung sinong lalaki, hindi ka dapat nagpakalasing, 'di ba? Isa pa, dapat magpasalamat ka na lang na ako pa ang nakauna sa iyo. Kaysa naman sa ibang lalaki na pangit at walang maipagmamalaki. Hindi mo yata ako kilalang talaga, babae. Hindi mo alam kung gaano ako kayaman at makapangyarihan," mayabang na sabi ni Hayden. Inalis ni Vanessa ang tingin sa binata. Hindi naman niya talaga alam. Hindi naman niya narinig ni minsan ang pangalan ni Hayden. Sabagay, focus lang naman siya sa trabaho noon at wala siyang pakialam sa ibang lalaki dahil nga may nobyo pa siya. "Oo hindi talaga kita kilala. Okay na? Pasensya na po, sir. Hindi ko pala kayang maging secretary ninyo. At tama kayo, hindi nga ako professor. Hindi ko kayang makasama kayo dahil may nangyari sa atin kahit wala naman tayong relasyon," matigas niyang sabi bago humakbang paatras. Akma na sana siyang aalis ng opisinang iyon nang magsalita ang binata na naging dahilan para mapatigil siya. "Your monthly pay will be one hundred fifty thousand. It's not bad for you to be the new secretary. So you must perform your duties flawlessly. I don't like clumsy and foolish secretary. You must be grateful for this offer," wika ni Hayden. Nanlaki ang mga mata niya. Nanatili siyang nakatalikod at hindi pa hinaharap ang binata. Napakalaking sahod no'n. At kung tatanggapin niya iyon, madali siyang makakaipon ng malaking halaga. Marami siyang mabibili. Malaking tulong iyon para sa pamilya niya. "Kapag lumabas ka na ng opisina kong ito, there's no turning back. Kaya kung ayaw mo talaga, puwede ka ng umalis. Marami naman diyang mas magaling sa iyo at mas karapat-dapat sa posisyong ito," dagdag pang sabi ni Hayden. Napalunok ng laway si Vanessa. Aminado siyang nasisilaw siya sa ganoon kalaking sahod. Ang sahod kasi na pinakamalaki niyang natanggap ay nasa thirty thousand lang. Kaya talagang hindi siya makasagot agad. Ngunit iniisip niya ang peace of mind niya. Kung palagi niyang makakasama si Hayden, malamang sa malamang, maaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ang naganap kung paano siya nito angkinin sa kama. Sariwang-sariwa pa iyon sa isip niya. Tandang-tanda niya lahat. "One, two, three--" Hindi natapos ang pagbibilang ni Hayden nang pumihit siya paharap sa binata. Lumunok siya ng laway sabay ngiti. "Si-Sige. Ti-Tinatanggap ko na ang offer mo. Pero may pakiusap sana ako sa iyo," aniya sabay lunok ng laway. Tumaas ang isang kilay ni Hayden. "At ano naman iyon?" Kinuyom ni Vanessa ang kanyang kamao. "Wala dapat makaalam tungkol sa nangyari sa atin. Kahit na sino. Please lang. At huwag na huwag mong babanggitin iyon sa akin. Kahit tayong dalawa lang ang magkasama. Iisipin ko na lang na hindi kita kilala. Na hindi nangyari iyon. Para makapag-focus ako ng maigi sa trabaho ko bilang secretary mo. At pangako, gagawin ko ng maayos ang trabaho ko. Iyon lang," sabi niya bago humugot ng malalim na paghinga. Tinitigan siya ni Hayden ng ilang segundo bago tumango ng marahan. "Fine. Walang problema. So now, puwede ka ng maupo sa table mo. Puwede ka ng magsimula ngayong araw. Pag-aralan mo ang lahat ng magiging trabaho mo bilang secretary ko. And for your information, ayoko sa secretary na tatanga-tanga. Paganahin mo palagi ang isip mo. Ang common sense mo. Dapat mabilis kang maka-pick up. Lalo na kapag may mga kausap akong mga kilalang businessman. Naiintindihan mo ba?" Mabilis siyang tumango at pekeng ngumiti. "Yes, sir." "Good." Bumalik na si Hayden sa kanyang table. Sa opisinang iyon, may dalawang room doon. Ang conference room para kapag may pagme-meeting-an ang board members, ang isa naman ang room ni Hayden. Habang siya, nasa bungad ang table niya. Siya ang unang makikita at makakausap ng kung sinong papasok sa opisinang iyon. Sa kanya muna dadaan lahat bago niya iaakyat kay Hayden na kayang boss. Bumuga ng hangin si Vanessa at binasa ang job description. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil malaki nga ang sahod niya pero marami siyang gagawin. At kailangang palagi niyang hawak ang cellphone niya o 'di naman kaya laptop. "Kaya ko ito... kakayanin ko ito," bulong niya sa kanyang sarili. Sinimulan ng pag-aralan ni Vanessa ang kanyang mga gagawin. Natutuwa naman siya sa kanyang table doon dahil malaki at kompleto sa gamit. At kung sakaling may kakailanganin siya, puwede niya kaagad itong i-request. Hindi na niya kailangan pang maghintay ng approval ng iba bukod sa boss niyang si Hayden. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.Mabilis pang lumipas ang mga araw. Sa panahong iyon, naging normal na ang rhythm nila sa bahay—si Hayden, arogante, bossy, at suplado sa negosyo; si Vanessa, matalino, masigla, at pasaway. Ngunit sa opisina, wala ng nagpapanggap—back to work mode na pareho.Ngunit sa araw na iyon, napansin ni Hayden ang isang bagay na hindi niya inaasahan. Habang nakatingin siya kay Vanessa na nag-aayos ng mga documents sa desk niya, napangiti ito sa isang empleyado na nagtanong ng clarification.At doon nagsimula ang unti-unting pagka-irita niya sa sarili.“Vanessa…” panimula niya, nakatingin kay Vanessa mula sa likod ng executive chair. Bahagyang may pagka-bossy, “Huwag kang ngumiti masyado."Napatingin si Vanessa at nakataas ang kilay. "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?"Gustong mapangiti ni Hayden pero pinipigilan niya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya, lalong lumalala ang kakaibang damdamin niya para kay Vaness. Na dapat lang sana, nagpapanggap silang mag-asawa.Ngunit sa loob n
Dalawang araw na ang lumipas mula nang maayos na ma-settle ang kanilang stay sa mansion. Ngayon, back to reality na sina Hayden at Vanessa sa opisina ng Morgan Empire. Ang dating tahimik at kontroladong Hayden ay muling nakaupo sa kanyang executive chair, habang si Vanessa naman ay nakahanda sa kanyang secretary desk, kumpleto sa laptop, planner, at nakaayos na stack ng documents. “Okay, Vanessaa, let’s make this quick,” simula ni Hayden, nakatitig sa screen ng laptop habang may hawak na coffee mug. Taglish, parang natural sa kanya ang banat at bossy na tono. “May mga meetings tayo na dapat ma-cover before lunch. Don’t mess up this time ha.” Nakangiti si Vanessa ngunit may bahagyang kilay na nakataas, tumango lang. “Yes, sir… I mean, love. Noted, love,” sagot niya, pinipilit panatilihin ang biro sa tono kahit alam niyang iniinsulto siya ni Hayden sa kanyang pagka-bossy. Ngunit, hindi nagtagal, may isang report na pumasok sa desk ni Vanessa na mali ang na-input na figures. Tiningnan
Dalawang linggo na mula nang tumira si Vanessa sa mansion ng pamilya Morgan. Ang dating tahimik at kontroladong bahay ni Hayden ay unti-unting nagbago. Ang mga pasilyo at silid ay napupuno ng mga tawa at usapan ni Vanessa — isang kakaibang enerhiya na hindi sanay si Hayden, at para bang sinusubok ang kanyang pasensya sa bawat sandali.Si Hayden, nakatayo sa malaking bintana ng kanilang master bedroom, nakamasid sa labas. Ang lungsod ay kumikislap sa gabi, ngunit ang kanyang isip ay nakatutok sa isang bagay na mas nakakabahala kaysa sa anumang business deal: si Vanessa.“Ano ba ‘to?” bulong niya sa sarili. “Parang… may bagay hindi ko kayang kontrolin.”Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit may kakaibang init na dumadaloy sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya ang mga maliit na bagay na ginagawa ni Vanessa — ang paraan ng pagtawa nito kapag nakikipagbiruan kay mommy Imelda, niya, ang maliit na buntong-hininga kapag nag-uusap sila ng mommy niya, o kung paano nag-aadjust sa mansion ka
Isang linggo ang lumipas mula nang maganap ang kasal nina Hayden Morgan at Vanessa Ramirez. Sa mata ng publiko, isa itong engrandeng kasal na pinagusapan ng mga pahayagan at social media—ang pinakaaabangang pag-iisang dibdib ng cold, ruthless CEO ng Morgan Group at ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang tabi. Ngunit sa likod ng mga camera at palakpakan, nanatiling mabigat ang dibdib ni Vanessa. Habang nakatitig siya sa kanyang reflection sa salamin ng kotse, hindi pa rin siya makapaniwala na siya na ngayon si Mrs. Vanessa Morgan. Nasa gilid siya ng passenger seat, tahimik, samantalang nakasandal sa manibela si Hayden, walang kaimik-imik, ang malamig na tingin ay nakatuon lamang sa kalsadang kanilang tinatahak. “Pagod ka na ba?” tanong nito bigla, hindi inaalis ang tingin sa daan. “Medyo,” maikling sagot ni Vanessa. Hindi na ito sumagot. Ganito si Hayden—laging bitin ang mga salita, laging may distansya. Pero bago pa man siya makapagsalita ulit, biglang huminto ang sasak
Isang linggo ang mabilis na lumipas mula nang ianunsyo ni Hayden sa publiko ang engagement nila ni Vanessa. Parang isang whirlwind ang lahat ng pangyayari. Isang linggo lang pero parang taon ang bigat at tensyon na dinadala ni Vanessa. Ngayong araw, wala na siyang kawala. Ang engrandeng kasal na pinlano ni Imelda Morgan mismo ay narito na. At siya, si Vanessa Benitez, ay nakasuot ng puting bestidang halos hindi niya mawari kung para ba talagang sa kanya, o isang costume sa isang palabas na hindi niya kailanman pinili. Tahimik na nakaupo si Vanessa sa harap ng malaking salamin. Nakapalibot sa kanya ang glam team na pinadala mismo ni Imelda—kilalang stylist, hairdresser, at makeup artist. Bawat galaw ng kamay nila ay maingat, bawat pintig ng brush ay perpekto. Pero habang pinapaganda siya ng lahat, ang utak niya ay parang kulong sa isang hawla. "Ito na ba talaga? Ito na ba ang kapalit ng lahat ng pinaghirapan ko? Isang kasal na hindi ko ginusto?" sabi ni Vanessa sa isipan. “Miss B
Punong-puno ng ilaw at musika ang ballroom ng hotel. Mga kilalang personalidad sa negosyo, politika, at showbiz ang naroon. Sa bawat pag-ikot ng mga waiter dala ang champagne, ramdam ni Vanessa na para siyang isdang inilagay sa gitna ng dagat na puno ng pating. Nakahawak pa rin sa braso niya si Hayden, mahigpit na para bang ipinapakita sa lahat na pag-aari siya nito. Ilang beses na niyang pinilit ngumiti, ngunit parang natutuyo ang pisngi niya sa pilit na pagpapanggap. “Relax,” bulong ni Hayden, halos nakadikit ang labi sa tainga niya. “The more you look uncomfortable, the more they’ll think you’re not fit to be my wife.” Pinanlakihan niya ito ng mata, ngunit wala na siyang nagawa. Ngumiti siya ulit, kahit gusto na niyang sipain ang mamahaling sapatos ng lalaki. "Hindi ko akalain na marami pa lang ganap kapag mayaman. Kung mahirap lang sana, simpleng anunsyo lang tapos kasal," reklamo ni Vanessa. Natawa naman si Hayden. "Eh kung hindi ako mayaman, wala kang pera niyan." Umirap na