" SHIT! Why i feel so nervous?!"
Ibig matawa ni Camilla sa sinabing iyon ni Rochelle. Namumula ang pisngi nito sa kaba. Kasalukuyan silang nasa canteen at hinihintay ang binata.
" Relax ka nga lang , hindi naman celebrity ang imi-meet natin, 'no? Si Mico lang 'yun!"
Sa totoo lang ay pati siya ay nahahawa na rin sa kaba nito at hindi niya malaman kung bakit. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling mabaling dito ang pagtingin ng binata. Doon niya mapapatunayan na pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, mga playboy. Kakagat kaagad pag may magagandang ibig lumandi sa kanila. Pasimple niyang sinipat ang itsura ng katabi. Maganda talaga ito at mabango pa. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang pulubi pag magkatabi sila. Bahagya siyang nakaramdam ng insecurities at muling inisip ang itsura.
Lalo pa siyang nakaramdam ng kaba ng matanawan ang binata. Tila ito may hinahanap, nang makita siya ay agad itong napangiti.
" Shit,he's here na!"
Narinig pa niyang wika ng katabi. Kanina pa talaga siya naiirita sa ka OA-han nito.
" Nandito ka na pala, kanina ka pa?" nakangiting tanong nito na mukhang hindi napansin ang katabi niya.
" Ngayon lang," tipid niyang sagot.
Tumikhim si Rochelle dahilan para mapadako ang tingin dito ni Mico.
" Hi, Mico!"
Narinig pa niyang sambit ni Rochelle.
" Oh, hi! May kasama ka pala Camilla?"baling ng binata sa kaniya.
Tinapunan lang ito ng sandaling tingin si Rochelle at muli ay ibinalik ang tingin sa kaniya.
" Her classmate, i'm Rochelle nga pala."
Inabot nito ang kamay upang makipag shake hands sa binata. Pasimple niyang sinuri ang mukha ni Mico kung attracted ba agad 'to kay Rochelle ngunit blangko lang ang expression ng mukha nito. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil doon ngunit agad na pinagalitan ang sarili. Bakit ba parang apektado siya kung magkagusto ito sa dalaga,nagseselos ba siya?
" Oh, i see!" matipid pa ring wika ng binata at inabot ang mga palad
" Mas cute ka pala talaga sa malapitan,actually nirequest ko talaga kay Camilla na ipakilala ka niya sa akin kasi i like you!"
Napalingon siya dito,hindi niya inaasahang sasabihin agad nito ang nararamdaman sa binata. Sabagay,hindi na siya magtataka nasa itsura naman talaga nito ang pagiging liberated,ganon naman talaga siguro pag mayayaman. Lalo siyang nainis ng mapansin ang mukha ni Mico na lumapad ang pagkakangiti na tila nagpapacute pa. Gusto niya itong batuhin ng tinidor sa ngipin.
" Shit! Ang cute ng dimples mo!" kilig na kilig na sambit ni Rochelle.
Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi ng binata na tila nahihiya pa.
" Nakakatuwa pala 'tong kaibigan mo, Camilla," kamot-batok nitong turan.
Ngunit isang ngiting aso lang ang iginanti niya rito.
" Not just that! I'm pretty also!" nagpapacute pang sagot ni Rochelle.
" Wow! Ibang klase ang confident,kaniya-kaniyang buhat ng sariling bangko, ano na ba nangyayari sa mundo ngayon? Ayoko na sa earth!" hiyaw ng isip niya.
Sa totoo lang ay kanina niya pa gustong layasan ang dalawa dahil naaalibadbaran na siya sa mga ito. Ngunit hindi niya magawa,ayaw niyang iwan ang binata kay Rochelle.
" So, what's your course nga pala?"
" I'm taking architect and this is my lastyear," nakangiting sagot ng binata.
" Wew! Hindi ka lang pala cute,matalino ka pa!"
Halos hindi niya na naintindihan ang ibang pinagkwentuhan ng dalawa dahil sa inis na nararamdaman. Pakiramdam niya ay na out of place na siya dahil sa masayang usapan ng mga ito. Pinili niya na lang galawin ang in-order na pagkain at kahit hindi gutom ay pinilit niya itong ubusin. Sunod-sunod na subo ang ginawa niya dahil ang plano niya ay aalis na lang siya pagkatapos kumain. Tatayo na sana siya ng pigilan siya ng binata.
" Wait! Para ka namang bata kung kumain, Camilla."
Hawak nito ang chin niya at pinunasan ang sauce na nasa kaniyang bibig. Bumilis ang tibok ng puso niya ng magtama ang kanilang mga mata.
" Ow, you're so sweet naman, Mico."
Tila siya natauhan ng marinig ang sinabing iyon ni Rochelle. Agad niyang pinalis ang kamay ni Mico at tumayo na.
" Sige, mauna na ko sa inyo,ah!"
" Aalis ka na? Maaga pa,ah?"usisa ni Mico sa kaniya na tumayo na rin.
" Pupunta lang ako sa powder room, sige na, mag-usap lang kayo diyan."
Walang lingon-likod na naglakad na siya palayo. Ni hindi niya nagawang lumingon nang marinig ang pagtawag ni Mico sa kaniya. Dumiretso siya sa CR at doon nagmukmok. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, alam niya sa sarili na wala siyang gusto kay Mico ngunit bakit tila nagseselos siya? Wala nga ba talaga siyang nararamdaman para sa binata o niloloko niya lang ang kaniyang sarili? Nang mahimasmasan ay lumabas siya ng cubicle at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Natawa siya ng mapakla ng mapagmasdan ang sarili malayong-malayo talaga sa itsura ni Rochelle. Pakiramdam niya ay alangan na rin siya sa binata, ibang-iba na kasi ito. Matalino,guwapo at mayaman at pantasya na rin ng kababaihan. Maraming magaganda sa campus nila gaya ni Rochelle at hindi malayong makakilala pa ito ng kapantay nito ng katayuan sa buhay.
Tumingin siya sa wristwatch at hindi niya namalayan na kanina pa pala siya naroon sa CR. Agad siyang lumabas ngunit napahinto siya ng mamataan si Mico na nakaabang na wari siya ang hinintay. Tingin niya ay kanina pa ito naroon dahil mukhang nangangalay na ito at naiinip sa kakahintay. Hindi siya nito napansin kaya nag-iba siya ng daan at tinakasan ang binata. Hingal kabayo pa siya ng mkarating ng room na kasalukuyang nag uumpisa na ang lecture. Hindi niya alam kung bakit ayaw pa niyang makausap o makaharap ang salawahang binata.
***
ABALA si Damon sa pagluluto ng meryenda sa kusina ng matanggap ang text ni Athena. Napangiti siya ng mabasa iyon.
" I told you, hindi mo ako matitiis, Hon!"
Maaga siyang nakauwi galing office kaya naman nagpasya siyang gawan ng meryenda ang Ina at kapatid. Noon pa man ay nakahiligan niya na ang pagluluto. Noong nasa Amerika pa siya nag-aaral ay tuwing linggo naman ay nag-aaral siya ng culinary. Pangarap niya talaga kasi ang magkaroon ng sariling restaurant na siya mismo ang chef. Ngunit naglaho iyon ng iwan sila ng Daddy niya.
Dinala niya sa lamesa ang ginawa niyang bake macaroni and cheese at shrimp bacon pasta na paborito nilang mag-anak at madalas nilang pinagsasaluhan noon. Madalas kasi na maglambing ang Mommy niya dati na ipagluto ito. Natigilan siya saglit ng maalala 'yun.
Ngunit agad na hinubad ang suot na apron ng maalala na may lakad nga pala siya. Susunduin niya si Camilla at didiretso sila Batangas sa resthouse ng nobya.
Agad na inayos ang sarili at lumabas na ng kwarto. Sinilip niya muna ang kapatid, nakita niyang tulog pa ito. Nang makarating ng sala ay nakita niya pa ang Ina na hindi magkandatuto sa pagbukas ng bote ng alak. Nagulat pa ito ng makita siya.
" Mom? Saan mo na naman ba nakuha 'yan?" aniya na pilit na inaagaw ang bote ng alak.
" Anak naman,eh. Last na 'to promise, magpapaantok lang ako," anito habang inaabot kay Damon ang bote.
" Sino na naman ba ang nagbigay ng pera sa'yo, Mom? Bakit ba palagi kang nagkakaroon ng pera?"
" Anak naman,akin na kasi iyan. Hindi mo na nga ako binibigyan ng pera ako na Ina mo?!" asik nito sa kaniya.
" Mom,para sa'yo rin 'to. Ayokong patuloy mong lunurin ang sarili mo sa alak."
" Hmp! Minsan na nga lang,eh, Nanay mo ako hindi mo pa ako mapagbigyan!"
" Manang!" sigaw niya ng maalala na maaring ito ang salarin kaya nagkakapera ang Ina.
Taranta namang lumapit ang katulong na kakamot-kamot pa ng ulo.
" Kayo na naman po ba ang nagbigay ng pera kay Mommy?" naiinis niyang tanong sa katulong.
Nakita pa niya ang pagsenyas ng Ina na huwag sabihin, napabuntong-hininga siya dahil doon.
" E, kasi po, si Maam kasi namimilit,eh." Kamot-ulo nitong wika. " Saka, sir aayusin niya raw ang buhok ko, may date kasi ako mamaya, sir," dagdag pa nito na bahagyang napapangiti pa.
" Manang naman,eh! Paano naman siya titigil sa pag-inom kung palagi mong binibigyan?"
" Sorry po, sir," nakayukong sambit nito.
Napapailing na lang siya pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng pasensya sa sariling Ina.
" Okay , Mom just pack-up your things, ngayon din ihahatid ko na kayo sa rehabilitation center," baling niya sa Ina.
Agad na lumarawan ang takot sa mukha nito. Iyon kasi ang palaging panakot niya rito sa tuwing hindi ito nakikinig sa kaniya. Umiling-iling ito.
" Anak naman, sinabi ko naman sa'yo na last na 'yun 'di ba? Promise huli na talaga 'yun!"
" Mom, i'm doing this for you. Marami na akong iniisip na problema, please 'wag na po kayong dumagdag."
Sunod-sunod ang pagtango na ginawa nito at tinaas pa ang kamay. Bagsak ang balikat ay tumalikod na siya sa mga ito bitbit ang bote ng alak. Ang totoo ay tinatakot niya lang naman ang Ina, ayaw niya rin naman na ipadala ito sa rehab center dahil ayaw na niyang magkahiwa-hiwalay sila. Iniwan na sila ng Daddy nila at ayaw niyang pati ang Mommy niya ay mahiwalay pa sa kaniya.
Ilang minuto lang siyang naghintay ay nakita niya na si Camilla na lumabas ng gate. Palingon-lingon pa ito na tila may pinagtataguan. Nang makita siya ay agad itong lumapit sa kaniya at inutusan na siyang paandarin ang kotse.
" Nagmamadali ka yata? Asan na si Totoy?"
" Paandarin mo na, huwag ka na magtanong!" asik nito sa kaniya.
Nang pinaandar niya na ang kotse ay tila napanatag na ito. Ngunit napansin niya rin ang lungkot sa mga mukha nito.
" Mukhang may LQ sila ni Totoy, ah."
Pasipol-sipol pa siya habang nagda-drive. Pinagmamasdan niya lang ang dalaga sa rearview mirror ng kotse. Malamlam ang mga mata nito habang nakatanaw lang sa labas.
" Bakit kaya ang lungkot niya, anong problema ng isang 'to?"
Nakita pa niya ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga nito. Naninibago talaga siya sa ikinikilos ng dalaga. Kadalasan kasi ay matapang ang mukha nito at laging nakaangil sa kaniya. Ngunit ngayon ay isang mahinang babae ang nakikita niya. Ngayon niya lang din nagawang matitigan ang maamong mukha ni Camilla. Simple lang ang ganda nito ngunit hindi nakakasawang tignan. Nagtataglay ito ng matangos na ilong at heart-shaped na labi. Tumikhim siya upang agawin sana ang atensyon nito ngunit hindi ito tuminag. Nanatili lang itong tahimik na nakatanaw sa labas at nakasandig ang ulo sa salamin ng kotse.
" Ahm, gusto mo ba magmeryenda muna tayo bago pumunta sa resthouse? Sa tingin ko kasi mamaya pa pupunta si Athena dun, eh."
Ngunit wala pa rin siyang narinig na tugon mula rito.
" Kumain muna tayo, nagugutom na ako,eh!"
Sinadya niyang lakasan ang boses ngunit dedma pa rin.
" Alright! Sa bahay na lang tayo,sakto may niluto akong meryenda. Magugustuhan mo iyon lalo na 'yung specialty kong bacon shrimp pasta,ano gusto mo ba?"
Napansin niya ang pagbuntong hininga nito kaya naisip niyang okay lang sa dalaga na doon sila tumuloy para magmeryenda.
" Okay! Diretso tayo sa bahay!" niya at itinuro pa ang daliri sa daan.
Pasipol-sipol pa siya habang tinatahak ang direksyon papunta sa kanilang bahay.
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath