LOGINBuo na ang pasya ni Amaya!
Hindi siya magpapakasal kay Richrard kahit na magalit pa ang mga magulang niya. Hindi niya isasapalaran ang sariling kaligayahan sa pagpapakasal lang kay Richard. Nakahanda na siya sa kahihinatnan ng pag atras niya sa kasal. Handa siyang harapin kung ano man ang magiging bunga ng kanyang desisyon. Matapos siyang magbihis. Hindi na siya umuwi pa sa kanilang bahay. Dumeretso na siya mismo sa reception sa kasal nila ni Richard. Alam niyang naghihintay na doon ang kanyang mga magulang, pamilya ng mga Evans. Kinakabahan siya. Kay bilis ng pagtibok ng puso niya sa kaba. Alam niyang malaking magbabago ang nakaabang sa pag atras niya sa kasal nila ni Richard. Siguradong itatakwil siya ng pamilyang umampon sa kanya at kakamuhian dahil sa pagpapasya niya. Ngunit hindi niya kayang makisama sa lalaking ang mahal ay ang kapatid niya mismo at lalong hindi niya pakikisamahan ang lalaking ang tingin lamang sa kanya ay isang bagay at hindi isang tao. Tumunog ang kanyang cellphone. Napapiksi siya na napatingin doon. Ang kanyang ama. Nanginginig ang kamay na umangat iyon ng sagutin niya ang tawag nito. "Nasaan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay?" Tanong ng kanyang ama na nasa tono ang galit. "Parating na ako, papa." Mahina ang boses na sagot niya dito. "Bilisan mo. Nakabihis ka na ba? Nakaayos ka na ba?" "Oo, papa. Limang minuto, nandyan na ako." "Good! Good!" Tahimik na ibinaba niya ang cellphone na napatitig doon. "Patawarin mo ako papa." Ilang sandali pa ay narating na ni Amaya ang gusali kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Pagmamay-ari iyon ng mga Evans. Bumaba siya ng taxi. Nang makita siya ng guard na dumating ay agad na tumawag para abisuhan ang nasa loob ang pagdating niya. Nagtataka man ang guwardya dahil hindi siya nakasuot ng wedding gown ay hindi naman ito naglakas loob na tanungin siya. Suot niya ang ipinadala ng fifth master. Sa pagdating niya, narinig na niya ang malamyos na tugtugin na nanggagaling sa loob. Nagpapahiwatig na dumating na ang bride. Nababalot man siya ng kaba, ay hindi na magbabago ang kanyang pagpapasya. Nilakasan niya ang loob. At pumasok na ng tuluyan sa grand hall. Nasa harap na siya ng pinto ng grand hall na sa likod ng pintuang iyon naghihintay sa kanya ang mga bisita, ang pamilya niya, at ang pamilya ng mga Evans. Humugot at nagpakawala siya ng malalim na paghinga, itinaas ang kamay para itulak ang pinto. Pumailanlan ang malakas na musika ng tuluyan niya iyong mabuksan. Sa pagdating niya, agad na napako sa kanya ang mga mata ng mga tao sa loob. Nabahiran ng pagtataka ang ekspresyon nila ng makita siyang hindi nakasuot ng wedding gown. Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang mga magulang, mga magulang ni Richard, at si Richard mismo na nasa mga mata ang talim at pagbabanta. Kunot ang noo ni Richard na nakatingin sa kanya. Mahigpit pang hinawakan ang kaliwang braso niya. "Anong ibig mong sabihin sa suot mong iyan?" Hindi maitago ang galit sa tono ng boses nito kahit na halos siya lang ang nakarinig ng sinabi nito. "B-bitawan mo ako." Pumiksi siya, kinakalas ang kamay ni Richard na mahigpit na nakahawak sa kanya. "Amaya, bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong naman ng kanyang ama na lumapit sa kanya kaya binitawan siya ni Richard. Nag iwan ng pulang marka sa kanyang balat ang kamay ni Richard. "Papa, mama." Matatag ang boses na humarap siya sa kanyang mga magulang. Lumunok muna siya bago nagpatuloy. "Hindi ako magpapakasal kay Richard." "Ano?" Sabay sabay na tanong sa pagkagulat ang kanyang mga magulang, magulang ni Richard at ilang mga bisitang nakarinig sa kanyang sinabi. "Anong kalukuhan ito, Mr. Santiago?" Tanong naman ng papa ni Richard. Si Arnold Evans. "Pinagluluko ba ninyo kami? Kung wala naman palang balak ang ampon mo na magpakasal sa anak namin, bakit hinintay niyo pa na humantong tayo sa araw na ito? Ipapahiya ninyo ang pamilya ng mga Evans." Galit na galit na sumbat ni Arnold sa kanyang ama. "Huminahon na muna tayo, mr. Evans. Hindi ko din alam ang tumatakbo ngayon ng isip ng anak ko." Pagpapakalma naman ng kanyang dito. Muling bumaling sa kanya ang kanyang ama. May pagbabanta ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "Amaya, umayos ka? Huwag kang gumawa ng eskandalo. Pumanhik ka na sa dressing room at magpalit." "Papa, narinig mo ang sinabi ko. Hindi ako magpapakasal kay..." SLAP! Nanlaki ang mga mata ni Amaya ng dumapo ang palad ng papa niya sa kanyang pisngi. Hindi makapaniwala na sasampalin siya nito. "Papa." Nanginginig pa ang kamay niyang umangat para haplusin ang sariling pisngi na nanuot ang hapdi sa lakas ng pagkakasampal ng kanyang ama. "Huwag mo kaming ipahiya sa harap ng maraming tao, hindi ka namin inampon para suwayin ang mga gusto namin. Kaya bago pa kita masampal ulit, pumanhik ka na sa dressing room at magpalot ng damit." Muli ay mapagbantang utos ng kanyang ama. Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang hawak pa rin ang kanyang pisngi. "Hindi! Sorry, mr. Evans. Pero hindi ako magpapakasal sa anak ninyo." Matatag na sabi niya nang balingan ang ama ni Richard. "Amaya." Si Richard na muling humawak sa braso niya, hinatak siya palapit dito. "Papa, mama. Nagbibiro lamang si Amaya. Di'ba, Amaya?" Ngumiti pa si Richard ng umakbay sa kanya. Mahigpit na pinisil ang balikat niya na nagbabanta. Iwinaksi niya ang kamay nito at itinulak. Lumayo siya kay Richard. "Hindi ba mas maganda na maging malinaw na ngayon pa lang." Panimula niya. Buo na ang pasya niya bago pa man siya dumating kaya hindi na iyon magbabago. Ibubunyag niya ang relasyon ni Richard at ni Laura sa harapan nila para hindi lang siya ang masisis sa ginawa niyang pag atras sa kasal. "Amaya." Si Richard na balak siya nitong hawakan ulit ngunit mabilis ang ginawa niyang pag iwas. "Papa, mama. Bakit hindi ninyo tanungin si Ate Laura? Tito, tita, bakit hindi niya tanungin si Richard? Kung ano ang relasyon nilang dalawa." "Ano?" Muli na namang nagulat ang mga ito sa sinabi niya. "Huwag mo akong idamay sa kalukuhan mo, Amaya." Pagsabad naman ni Laura ng idawit ni Amaya ang pangalan nito. "Hindi nga ba, ate Laura? Hindi ba masaya kayo kahapon sa bar?" "Huwag kang gumawa ng kwento, Amaya." Galit na pagpapagitna din ni Richard. "Huwag mong idawit si Laura dito gayong ikaw ang hindi u.uwi kagabi sa inyong bahay. Huh!" "Oo, hindi ka umuwi kagabi." Sabad ni Laura. Tumingin pa ito sa leeg niya. "See." Sabay turo ng pulang marka sa leeg niya. "Siya ang gumaaa ng milagro kagabi. Iyan ang ibedensya." Napatingin nga sila sa leeg niya. Awtomatikong nasapo niya ang leeg para takpan iyon. Marahas na hinawakan ni Richard ang kamay niya na nakahawak sa leeg niya. "Ah! Kaya pala ang lakas ng loob mong umatras sa kasal natin. At sino ang bastardong lalaking gumalaw sayo. Malandi ka." Pagkasabi ni Richard iyon ay malakas na dumapo ang palad nito sa pisngi niya. Napangiwi siya. Mas humapdi ang pisngi niya. "Nasa loob mo pala ang kulo, malandi ka. Nagmamalinis ka pa at ayaw mong mahpahalik sa akin, iyon pala may ginagawa ka ng iba sa likuran ko." Umagat ulit ang kamay ni Richard at walang babalang sinakal siya. "Mr. Evans, huminahon ka." Ang kanyang ama na pumagitna at balak kalasin ang pagkakasakal ni Richard sa kanya. "Ganito ba ang itinuro ninyo sa ampon ninyo, Mr. Santiago? Ang makipaglandian sa ibang lalaki." Galit na galit na tanong ni Richard sa kanyang ama. Patulak siya nitong binitawan na halos hindi niya mabalanse ang katawan. Napaatras siya ng ilang hakbang. "Aha! Sinabi ko sa inyo, papa." Si Laura na halatang nais pang lalong silaban ang galit ni Richard, galit ng kanilang ama, at galit ng mga magulang ni Richard sa kanya. "Sinabi ko sa inyo na nakita ko si Amaya kahapon, na pumasok siya sa isang private suite kasama ng isang lalaki. Gusto ko sanang pigilan pero hinarang ako ng guwardya na nakabantay sa labas ng suite." Kunot ang noo ni Amaya sa sinabi ni Laura. "Huwag mong pagtakpan ang sarili mo, ate Laura. Hindi ba ikaw ang masaya kahapon na nakikipaghalikan sa fiance ko? Hindi ba?" "Aba't, huwag mong ipasa sa akin ang kalandian mo, Amaya. Hindi ba matibay na ibedensya iyan?" Sabay turo ulit ng marka sa leeg niya. Magsasalita pa sana siya ng muling dumapo ang palad ng kanyang papa sa pisngi niya. Muli siyang natigilan na napatitig dito. "Papa, hindi ako gumagawa lamang ng kwento, kahit tanungin niyo pa ang nga waiter sa club na iyon, ang mga kasama nila sa box. Hindi ako nagsisinungaling." "Tumahimik ka." Pagpapatahimik ng kanyang papa sa kanya. Bumaling ito sa papa ni Richard. "Mr. Evans, bakit hindi na muna nating pag usapan ito ng maayos. Ipagpaliban na muna natin kahit ilang oras lang para maayos natin ang gulo na ginawa ng dalaga ko." Pagkasabi nun ay bumaling sa kanya ang kanyang papa. "Dalhin nyo siya sa dressing room." Utos nito sa guard na nakatayo lamang sa gilid. Agad namang lumapit ito sa kanya at hinawakan sa magkabilang braso. "Bitawan nyo ako, sinabi kong hindi ako magpapakasal kay Richard. Papa!" Nagpumiglas si Amaya para makawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang guard. Sa pagpupumiglas niya, ay mas lalong nausisa ang mga bisitang nakasaksi ng kanilang gulo. "Dalhin niyo siya." Muling utos ng kanyang papa. Muli siyang hinila ng mga ito ngunit natigilan ang dalawang guard na nakahawak sa kanya ng may isang malaking pigura ang nakatayo na ngayon sa harap niya. Umangat ang mukha niya para tignan ito. Ito ang lalaking kasama niya kagabi. "Tito." -Richard. "Fifth master." -ang kanyang papa at mama. "Fifth master." -si Laura. "Kent." -ang ama at ina ni Richard. "Mmm." Sa gulat ng nakakita kay Kent ay iyon ang tanging lumabas sa bibig nito. Hindi nito pinansin ang iba dahil ang mga mata ay nakatuon kay Amaya.Mariing hinawakan ni Kent ang batok ni Amaya. At pinagdikit pa ang kanilang noo."Tandaan mo, you are my Mrs. Evans now, and I will make my mark in sign with you, para hindi mo makalimutan."Bago pa man muling makapagsalita si Amaya, niyuko siya ni Kent sa may leeg saka siya nito hinalikan.Sinipsip ni Kent ang balat sa leeg niya kaya napaigik si Amaya lalo na ng bahagya pa niyang maramdaman na kinagat siya sa bahaging hinahalikan nito."Ugh! T-tito Kent, it's hurt." mahigpit pa napahawak si Amaya sa coat ni Kent na may kasamang pagtulak sa dibdib nito hanggang sa pinakawalan na nito ang leeg niya.Napatingin pa si Kent doon na nag iwan na ng isang maliit na pulang marka.Nang tumingin si Kent sa kanyang mukha, ay para siyang maluluha. Agad naman na hinaplos ni Kent ang pisngi niya at muling niyuko saka hinalikan sa labi.Parang hindi na alam ni Amaya kung ano ang gagawin, masyado siyang nalilito sa mga emosyong nararamdaman niya sa mga kilos ni Kent. Minsan marahas ito tulad na lang
Naipilig ni Kent ang ulo ng nakatingin kay Amaya habang nakikipag usap ito sa kanyang pamangkin na si Richard."Amaya, kailan ka pa natutong sumigaw, kaya nga ikaw ang napili ni lolo na pakasalan ko dahil alam niyang mahinhin ka at hindi palasigaw." mahabang sabi pa ni Richard sa kabilang linya,Kahit na na gustong kunin ni Kent ang cellphone ni Amaya at kausapin si Richard para muling pagsabihan at palalahanan ay pinigil niya ang sarili, pinanuod niya si Amaya na hindi nga maitago ang galit kay Richard.Ang maamo at laging nakikiusap na ekspresyon ng mukha nito ay nababahiran na ng pagkairita."Sinasabi ko sayo, walang kasal na magaganap.""Amaya, huwag kang mag mataas. Ako lang ang may gustong magpakasal sayo dahil walang lalaking gustong makasal sa tulad mo na ampon lang. Baka nakakalimutan mo, na kaya tayo magpapakasal ay dahil sa kagustuhan ng inyong mga magulang. Tandaan mo na kung hindi tayo magpapakasal ay mawawalan ng pinansyal na suporta ang kompanya ng mga magulang mo. Wala
Napaangat ang mga paa ni Amaya sa lupa ng mas humigpit ang pagkakayakap ni Kent sa bewang niya. "Amaya, ganyan na ba ang takot mo sa akin?" tanong ni Kent sa kanya. Mariin na napapikit si Amaya at napapiksi ng maramdaman niya ang pagpisil ni Kent sa baba niya. Yumuko pa si Kent sa kanya at dumikit ang pisngi nito sa pisngi niya kaya napamulat siya ng mga mata kahit na patuloy pa rin siyang nakaramdam ng takot dito. "Mrs. Evans just got married, and you are running away. Are you that afraid of me? O baka naman hindi naging maganda ang performance ko ng gabing iyon kaya gusto mong tumakbo?" Nanginig si Amaya at nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan ng dahil sa init ng hanging nagmumula sa bibig ni Kent na dumadampi sa kanyang tainga. "N-no.. no..." sagot niya sabay ng kanyang pag iling. "You are strong and healthy, capable, powerful, and grand." "Is that it? Hmm," "Ah! Eh, mmm," napalunok si Amaya. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat sabihin para lang bitawan siya ni Kent. "
Pinagbuksan ni Kent si Amaya ng pinto, itinaas ang kamay sa may ulunan.Awtomatikong napatingin pa si Amaya sa kamay ni Kent. Nakaramdam siya ng paglakas ng tibok ng kanyang puso sa ipinapakitang pagkamaginoo nito sa kanya.Matapos masiguro ni Kent na maayos na ang pagkakaupo niya, isinara ang pinto at umibis sa kabilang bahagi at sumakay na rin."Tito Kent, h-hindi mo naman kailangang gawin ito. "Ako na lang ang babawi ng mga sinabi mo kay Lolo." mahina ang boses na sabi ni Amaya kay Kent."Mmm, wala ka na bang sasabihin maliban sa bagay na iyan?" malalim ang boses na tanong nito sa kanya."Hindi ko naman sinasadya ang nangyari sa atin, nalasing ako at akala ko ay isa ka lang male model noon."Naningkit ang mga mata ni Kent sa mga sinabi ni Amaya."Sigurado ka, iyan lang ang sasabihin mo? Para mo na ring sinabi na kung hindi ako ang nilapitan mo ng gabing iyon ay maaring ibang lalaki ang nakatabi mo ng gabing iyon,""Huh! No! Hindi ah!" agad na tanggi ni Amaya."Paanong hindi? Sinabi
Galit na galit ang matandang Santiago dahil hindi natuloy ang kasal sa pagitan ng kanyang paboritong apo na si Amaya at ang apo naman ng kaibigan nitong Evans.Hindi man kadugo ng matangdang Evans si Amaya ay mas gusto siya nito dahil sa mabait siyang bata kumpara sa totoong apo nitong si Laura. Kaya ang matandang Evans lang ang palaging takbuhan ni Amaya sa tuwing nakakaramdam ng pagkaapi sa pamilya ni Laura.Nakatanggap nga si Amaya ng tawag mula sa kanyang lolo kaya hindi na siya maayos na nakapagpasalamat kay Kent.Ipinahatid naman ni Kent si Amaya sa mansion ng matandang Santigao."Ano iyong nabalatian ko?" napatda si Amaya ng hindi inaasahan na sasalubungin siya ng kanyang lolo sa may sala kaya natigil siya sa pagpasok.Napatingin siya dito bago humakbang palapit at tumigil sa harap nito."Lolo," hindi alam ni Amaya kung saan sisimulan ang kanyang paliwanag tungkol sa hindi pagkatuloy ng kasal niya kay Richard."Alam ko na ang buong pangyayari." iyon ang narinig ni Amaya bago pa
"Ano ang sinabi ko sa inyo noong nakaraan?" Malalim ang boses na pagpapaalala ni Kent sa kanila. "Alam niyo na hindi ko ugaling ulitin ang nasabi ko na, pero uulitin ko para sa inyo. At ito na ang huli kong pagpapaalala sa inyo dahil hindi niyo magugustuhan kung ano ang magagawa ko kung hindi nyo sinunod ang payo ko." "Sumusobra ka na!" Pasigaw at hindi maitago ang galit sa boses ni Arnold sa kanya. Isang mapagbantang tingin ang ipinukol niya sa kapatid na balewala ang ipinapakitang galit nito. "Oh! Kung nakikinig lamang kayo sa sinasabi ko ay wala naman akong balak makialam sa inyo. Kilala mo ako, kuya Arnold. Hindi ako mapagbiro at wala akong balak magbiro." Mahina ngunit may diin sa kanyang mga kataga. "You..." "Oras na magising siya, makalakad man siya o hindi, maghanda kayo para sa pamamanhikan sa mga Santiago." Pangwakas niyang salita na ipinaalala ang unang sinabi sa kanila sa mansyon. Magsasalita pa sana siya ng naantala iyon dahil tumunog ang kany







