Marrying My Ex-Fiance's Uncle

Marrying My Ex-Fiance's Uncle

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-27
Oleh:  ElliseOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
25Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

    Malaki ang utang na loob ni Amaya sa pamilyang Santiago na umampon sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na sisingilin siya ng mga ito sa pag ampon sa kanya.     At ang kabayaran na hinihingi nila ay ang magpakasal sa pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya na kilala sa kanilang bansa, si Richard Evans, ang unang apo ng mayamang pamilya.     Dahil sa utang na loob niya at pagpapalaki ng pamilyang Santiago ay walang naging pagtutol si Amaya kundi ang sundin ang kagustuhan nila.     Sa pagpayag niya, naging maganda ang kasunduan ng pamilyang Santiago at Evans. Naitakda ang kanilang kasal. Naging maganda naman ang kanyang relasyon kay Richard sa kabila ng katotohanan na sa kasunduan lamang sila nagkakilala.     Ngunit ang akala niya na perpekto na ang lahat, gumuho iyon bigla sa mismong gabi bago ang kanilang kasal, nasaksihan ni Amaya ang pagtataksil ni Richard, at hindi lang sa kung sinong babae kundi sa tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.     Hindi siya nagsalita, at walang balak si Amaya na kumptontahin si Richard. Tumalikod siya, taas ang noo niyang humakbang palayo.     Para mailabas ang sama ng loob sa nasaksihan, inaliw niya ang sarili sa pag inum, hanggang sa malasing siya ng tuluyan.      At sa gabing iyon ng kanyang kalasingan, doon na mas naging magulo ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang batang tiyuhin ng kanyang fiance. At hindi lang simpleng pagkakakilala, kundi nagising siya sa kalasingan na katabi ang isang Kent Evans.

Lihat lebih banyak

Bab 1

#1

Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang nakatingin kay Richard, ang kanyang fiance na nakaakbay sa ibang babae.

No!

Hindi lang basta kung sinong babae kundi ang kapatid niya mismo ang kaakbay nito na hinalikan pa mismo ito sa harap niya.

"Ano pa ang tinatayo mo diyan? Ilapag mo na ang cake sa lamesa at ipaghiwa mo kami." Utos naman ng kapatid niya.

O matatawag ba niyang kapatid ito?

Hindi! Dahil isa lamang siyang ampon ng kanilang mga magulang. At hindi siya itinuring ni Laura na kapatid kundi mas matatawag pa niya ang sarili na utusan lamang nito kapag hindi nakatingin sa kanila ang kanilang mga magulang.

Inampun siya ng pamilyang Santiago. Maganda ang pakitungo sa kanya ng mga magulang nila. Ngunit sa kabila ng pag ampon ng mga ito sa kanya ay may naghihintay palang kabayaran, at iyon ay ang pakasalan ang unang apo ng pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang bansa.

Isa na rin rason ay dahil kailangan ng pinansyal na suporta sa paluging negosyo ng kanilang pamilya. At kahit na gusto ng mga magulang nila na ang kapatid niya ang ipakasal sa unang apo ng pamilyang Evans ay hindi nila iyon magawa dahil hindi gusto ng matandang Evans si Laura.

Wala siyang magawa kundi ang pumayag ng makiusap ang mga magulang niya sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na sa pagpayag niya sa pagpapakasal dito ay magtataksil si Richard sa kanya. At sa mismong kapatid pa niya.

"Ate Laura, alam mong ikakasal na kami bukas pero bakit?"

"Kasal lamang iyon, at walang magbabago sa kung ano ang magiging relasyon nating dalawa. Isa ka lamang ampon ng mga Santiago. Kung hindi naman ikaw gusto ng aking lolo ay hindi ako papayag na pakasal sayo."

Para siyang naipako sa kanyang kinatatayuan sa mga narinig mula kay Richard.

Kung ganun isa lamang pagpapanggap lahat ng ipinapakita nitong magandang pakikisama sa kanya sa harap ng lolo nito. At sa una pa lang ay ang talagang gusto ni Richard ay si Laura.

Tumayo si Richard. Humakbang palapit sa kanya. Hinawakan siya sa baba at mahigpit itong pinisil.

"Ngunit binabalaan kita, huwag na huwag kang magsasalita tungkol sa mga nasaksihan mo ngayon kay Lolo dahil hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sayo." Pagbabanta nito bago marahas din siyang patukak na binitawan.

Sa pagtulak nito sa kanya ay napaatras siya. Kung hindi niya nabalanse ang katawan ay baka natumba pa siya sa sahig.

"At huwag ka ding mag alala. Dahil kapag kasal na tayo ay gagampanan mo pa rin naman ang obligasyon mo bilang asawa ko, lalo na sa gabi. At sisiguraduhin kong hindi mo na maipagkakait sa akin ang iniingatan mong dangal na iyan." Sabi nito na narinig ng mga kasama sa loob ng box.

"Booo."

"Ayaw bang magpahalik? Naku, exciting yan sa unang gabi." Kantyaw pa ng mga ito kay Richard.

"Yeah! At siguradong magsasawa ako sa unang gabi namin." Taas noo nitong sagot na ikinalakas pa ng hiyawan nila.

Dahil sa hindi na niya matagalan ang tila pangbabastos sa mga naririnig niya ay nabitawan niya ang cake na hawak sa kanyang pagtalikod at pagmamadaling pagtakbo palabas ng box.

Tila umaalingawngaw pa rin sa kanyang pandinig ang tawanan ng mga ito kahit nakalabas na siya at nakalayo sa private box ng kanyang fiance.

Sa pagtakbo niya sa pasilyong iyon ng club. Hindi niya nakita ang pagbukas ng pinto ng isang box na madadaanan at bumangga siya sa isang matatag na pigura na lumabas doon.

Sa lakas ng pagkakabunggo niya ay hindi niya nabalanse ang katawan na para siyang tumilapon.

Mariing niyang naipikit ang kanyang mga mata at hinintay na lang ang kanyang pagbagsak sa sahig.

Ngunit isang malaking kamay ang humawak sa kanyang pulso saka siya hinila.

Sa paghatak ng humawak sa kanya naramdaman niya ang matatag na braso nitong pumulupot sa kanyang baywang.

Doon na niya iminulat ang mga mata ng maramdaman na hindi na sumasayad sa sahig ang mga paa niya dahil sa pagsalo nito at higpit na din ng pagkakahawak nito sa kanya.

Sa pagmulat niya ng mga mata ay sumalubong sa kanya itim na itim na kulay na mata ng lalaki.

"Mr. Evans, are you okay?"

Narinig ni Amaya na tawag ng isa pang lalaki na nakasunod sa lalaking sumalo sa kanya.

Napakurap siya, mabilis na umangat ang kamay niya at itinulak sa dibdib ang lalaki.

Sa pagtulak niya dito ay saka lang siya nito binitawan. Malalim ang mga matang nakatingin ito sa kanya kaya napayuko na siya dahil hindi kayang salubungin ng kanyang mata ang mga tingin nito.

"Mag sorry ka." Utos naman ng isa pang lalaki sa kanya na lumapit sa kanya at itinulak pa siya nito sa likod.

Sa lakas ng pagtulak nito ay napahakbang siya palapit. Tumama pa ang nuo niya sa malapad nitong dibdib.

Naramdaman ni Amaya ang paghawak ng lalaki sa kanyang braso kaya siya napatingala dito.

Sa pagtingala niya ay nakita niya na tumalim ang mga mata nito na nakatingin sa lalaking nanulak sa kanya.

"Get out." Malalim ang boses na pagpapalayas nito.

Nakaramdam naman ng takot si Amaya dahil sa pag aakalang siya ang pinapalayas nito kaya mabilis siyang kumalas sa pagkakahawak nito sa kanyang braso at kumaripas ng takbo kahit na nanginginig ang tuhod niya sa narinig na tono ng boses nito.

Hindi na lumingon si Amaya. Deretso siya sa paglabas ng club at umalis sa lugar na iyon.

.....

Napadpad si Amaya sa isa pang club para uminom, aliwin ang sarili sa kanyang mga nalaman.

Tinawagan niya si Sonia, isa sa matalik niyang kaibigan at pinsan ni Richard. Isa rin Evans si Sonia pero natakpan na ang apelyedong iyon dahil ang mama nito ang Evans.

"Anong ginawa ng gago kong pinsan na iyon? Bakit ka umiinum? Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon para sa kasal niyo bukas?" Nag aalalang tanong ni Sonia sa kanya.

Umiling siya. Hindi niya masabi dito ang nasaksihan niya. Lalo na at pinagbantaan pa siya ni Richard. Isama pa na sangkot si Laura, ang tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.

Kung hindi lang niya iniisip ang utang na loob niya sa pamilyang Santiago ay baka kanina pa siya tinawagan ang matandang Evans na lolo ni Richard at sabihin dito ang pagtataksil ng apo nito ngunit sumasagi sa isip niya na kailangan niyang maging masunurin dahil sa pamilyang umampon sa kanya.

"Iinum lang ako. Baka kapag kasal na kami ng pinsan mo ay hindi na ako makalabas pa." Sagot niya.

May katotohanan din ang naging sagot niya. Baka kapag kasal na sila ni Richard ay ikulong na lang siya nito para magawa nito ang lahat ng gusto nito lalo na sa makikipagrelasyon sa kapatid niya.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago tinungga ang alak sa baso niya.

"Dahan dahan lang. Wala namang aagaw ng iniinum mo." Pagpigil sa kanya ni Sonia na hinawakan ang kamay niya para ibaba ang hawak niyang baso.

"Hek."

Dahil hindi naman talaga sanay si Amaya na uminom, sa dalawang baso lamang ng alak na nainum niya ay tinamaan na siya. Nakaramdam na siya ng pagkahilo.

"Tsk, tama na iyan. Halika na, ihahatid na kita sa apartment mo." Sabay hawak sa braso niya si Sonia at umalalay sa kanya patayo.

Ngunit tumanggi siya na umuwi.

"H-hindi t-tayo uuwi ngayon. Hek. Sulitin na natin ang huling araw ng pagiging dalaga ko." Sabi niya kay Sonia sabay waksi ng kamay nito na nakahawak sa kanya.

"Amaya, umayos ka nga. At ano pang magagawa mo ngayon, halos hindi mo na kayang tumayo sa sarili mo."

"Hek!" Ngumisi pa si Amaya na tumingin kay Sonia. "Let's have a male model." Malakas na sabi niya sabay taas pa ng isang kamay niya. "Let's go." Sabay hila pa kay Sonia para pumunta sa counter at mag order ng male model para samahan sila sa pag inum.

"Nababaliw ka na ba? Baka magalit si Kuya Richard kapag nalaman niya na magbabayad ka ng male model."

"A-ayos lang. Hek. K-kasama naman niya ang ate Laura ko. K-kaya bakit hindi ako pwedeng magbayad ng sasama sa akin." Sa kalasingan at ginupo na ng alak ang katinuan ng isip niya ay nadulas na sa bibig niya ang dapat hindi niya sabihin.

"Ano? Magkasama ang ate mo at ang pinsan ko?"

"Shhh! Hehe." Tinakpan ni Amaya ang bibig ni Sonia sa pagkagulat nito sa sinabi niya. "Tayong dalawa lang ang makakaalam huh! Huwag mong sasabihin sa iba."

"Pero.."

"Hehe, a-ayos lang. Kaya nga mag babayad tayo ng male model para patas lang kami. Hehe. Tara nah." Sabay hila ulit kay Sonia.

Naguguluhan pa rin na nagpahila na lang si Sonia kay Amaya.

"Ouch!" daing ni Amaya.

Sabay na natigilan si Amaya at Sonia ng bumangga si Amaya sa isang matatag na pigura na nakatayo sa harap nila.

"Tito Kent." Nanlaki ang mga mata ni Sonia ng makilala ang lalaking nabangga ni Amaya.

Tumingala naman si Amaya na mas nadagdagan ang pagkahilo dahil sa pagkakatama ng ulo niya sa dibdib nito.

"Hmmm, gusto ko siya." Mapupungay ang mga matang nakatingin si Amaya na sinabayan pa ng pagturo sa pisngi nito.

"Amaya, umayos ka. Hindi mo kilala ang tinuturo mo." Pigil ni Sonia sa kaibigan.

Hindi kilala ni Amaya ang lalaki kaya hindi niya pinansin ang pagpigil sa kanya ni Sonia.

Habang si Sonia ay nakaramdam ng takot sa lalaki. Ang kanyang tiyuhin. Ang batang-bata na tiyuhin na kapatid ng mama nito.

Si Kent Evans.

They’ve come to know him as a man of few words, one who speaks only when necessary. His demeanor is serious and composed, which has earned him a reputation for being difficult to approach, and no one dares to approach him.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
4 Bab
#1
Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang nakatingin kay Richard, ang kanyang fiance na nakaakbay sa ibang babae. No! Hindi lang basta kung sinong babae kundi ang kapatid niya mismo ang kaakbay nito na hinalikan pa mismo ito sa harap niya. "Ano pa ang tinatayo mo diyan? Ilapag mo na ang cake sa lamesa at ipaghiwa mo kami." Utos naman ng kapatid niya. O matatawag ba niyang kapatid ito? Hindi! Dahil isa lamang siyang ampon ng kanilang mga magulang. At hindi siya itinuring ni Laura na kapatid kundi mas matatawag pa niya ang sarili na utusan lamang nito kapag hindi nakatingin sa kanila ang kanilang mga magulang. Inampun siya ng pamilyang Santiago. Maganda ang pakitungo sa kanya ng mga magulang nila. Ngunit sa kabila ng pag ampon ng mga ito sa kanya ay may naghihintay palang kabayaran, at iyon ay ang pakasalan ang unang apo ng pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang bansa. Isa na rin rason ay dahil kailangan ng pinansyal n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-26
Baca selengkapnya
#2:
"T-tito Kent, lasing lang ang kaibigan ko. K-kaya hindi niya alam ang sinasabi niya." Nanginginig ang boses na paliwanag ni Sonia sa tiyuhin na nagkandautal na sa pagsasalita. "Take her." Utos ni Kent sa dalawang bodyguard na nasa likod niya. Hindi pinansin ang paliwanag ng pamangkin. Agad namang kumilos ang dalawang bodyguard at lumapit kay Sonia. "Tara na, ms. Sonia. Ihahatid ka na namin." "Huh! N-no. I-isasama ko ang kaibigan ko." Pagtutol ni Sonia sabay hawak sa braso ni Amaya. Nag aalala si Sonia dahil sigurado itong magagalit ang tiyuhin. Habang si Amaya ay hindi na alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Iwinaksi niya ang kamay ni Sonia na nais sana siyang hilain. "I will take him." Sabi pa ni Amaya sabay taas ng mga kamay at naglambitin sa leeg ni Kent. Tuluyan ng niyakag ng dalawang bodyguard si Sonia palabas ng club. Naiwan si Amaya kay Kent. Seryoso, blanko ang ekspresyon ng mukha ni Kent na nakatingin kay Amaya, hindi kumilo
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-27
Baca selengkapnya
#3:
Buo na ang pasya ni Amaya! Hindi siya magpapakasal kay Richrard kahit na magalit pa ang mga magulang niya. Hindi niya isasapalaran ang sariling kaligayahan sa pagpapakasal lang kay Richard. Nakahanda na siya sa kahihinatnan ng pag atras niya sa kasal. Handa siyang harapin kung ano man ang magiging bunga ng kanyang desisyon. Matapos siyang magbihis. Hindi na siya umuwi pa sa kanilang bahay. Dumeretso na siya mismo sa reception sa kasal nila ni Richard. Alam niyang naghihintay na doon ang kanyang mga magulang, pamilya ng mga Evans. Kinakabahan siya. Kay bilis ng pagtibok ng puso niya sa kaba. Alam niyang malaking magbabago ang nakaabang sa pag atras niya sa kasal nila ni Richard. Siguradong itatakwil siya ng pamilyang umampon sa kanya at kakamuhian dahil sa pagpapasya niya. Ngunit hindi niya kayang makisama sa lalaking ang mahal ay ang kapatid niya mismo at lalong hindi niya pakikisamahan ang lalaking ang tingin lamang sa kanya ay isang bagay
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-27
Baca selengkapnya
#4:
"Kailan ka pa dumating?" Hindi lumingon si Kent kay Arnold ng tanungin siya nito. Binalingan niya ang dalawang guard na nakahawak kay Amaya. Sa tingin pa lang na ipinukol ni Kent sa dalawa ay agad na nakuha ang gusto nito. Mabilis na binitawan ng dalawa si Amaya. "F-fitht master." Si Amaya na hindi makatingin ng diretso kay Kent. Nakilala ni Amaya si Kent pero hindi niya alam na ito ang fitht master na tiyuhin ni Richard. Kahit na marami siyang nalalaman tungkol sa ugali nito ay wala naman siyang nakikitang litrato nito dahil ayon kay Sonia ay hindi ito pumapayag na makuhanan ng larawan. Kung may mangangahas man ay napaparusahan. Malalim ang mga matang napatingin si Kent sa namumulang pisngi ni Amaya. "Tito, pasensya na sa naabutan mong eksina. Mabuti at nakadalo ka sa kasal ko." Si Richard na agad lumapit para batiin si Kent. Tahimik na sumulyap lang si Kent kay Richard. Hindi nagsalita. "Halika dito, huwag mo akong ipahiya sa harap ng tiyuhin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-27
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status