"T-tito Kent, lasing lang ang kaibigan ko. K-kaya hindi niya alam ang sinasabi niya." Nanginginig ang boses na paliwanag ni Sonia sa tiyuhin na nagkandautal na sa pagsasalita.
"Take her." Utos ni Kent sa dalawang bodyguard na nasa likod niya. Hindi pinansin ang paliwanag ng pamangkin. Agad namang kumilos ang dalawang bodyguard at lumapit kay Sonia. "Tara na, ms. Sonia. Ihahatid ka na namin." "Huh! N-no. I-isasama ko ang kaibigan ko." Pagtutol ni Sonia sabay hawak sa braso ni Amaya. Nag aalala si Sonia dahil sigurado itong magagalit ang tiyuhin. Habang si Amaya ay hindi na alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Iwinaksi niya ang kamay ni Sonia na nais sana siyang hilain. "I will take him." Sabi pa ni Amaya sabay taas ng mga kamay at naglambitin sa leeg ni Kent. Tuluyan ng niyakag ng dalawang bodyguard si Sonia palabas ng club. Naiwan si Amaya kay Kent. Seryoso, blanko ang ekspresyon ng mukha ni Kent na nakatingin kay Amaya, hindi kumilos para tanggalin ang paglambitin ni Amaya sa leeg nito. "I have a secret, you wanna hear? Hek!" Paos na ang boses ni Amaya na sabi iyon kay Kent. "Mmm." Tanging tugon ni Kent sa kanya. "Hehe, l-lemme out here. Hek! C-carry me, and I will tell you." Pahagikgik pa na sabi ni Amaya. Tumingkayad, mas humigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ni Kent. Hindi nagsalita si Kent, umangat ang kamay at humawak sa baywang ni Amaya. Bahagyang yumuko at walang kahirap hirap na kinarga si Amaya sa mga bisig. "Lend me you suite." Baling ni Kent sa kaibigan na tahimik lang na nakamasid. Hindi maitago ang pagkagulat sa mukha ni Jeff dahil sa nasaksihan. Unang beses na makita si Kent na hindi nagalit na nilapitan ito ng isang babae. At unang beses na makitang humawak ito ng babae. "Okay!" Agad na sagot ni Jeff kay Kent, itinaas nito ang kamay saka nag"ok" sign. Ibinigay nito ang key card kay Kent. Hindi na sumunod sa kaibigan ngunit hindi maitago sa labi nito ang isang pilyong ngiti. "The iron tree is blooming." Mga kataga na lumabas sa bibig ni Jeff na napapailing habang nakatanaw sa papalayong imahe ng kaibigan karga ang kaibigan ng pamangkin nito. ..... "Behave, because I'm not a saint." May babala sa bawat kataga ni Kent matapos niyang ibaba si Amaya sa kama. Iiwan na sana niya ito ng mahawakan nito ang necktie niya at hinila siya kaya siya napasampa sa ibabaw nito. Kunot ang noo niya, napalunok habang nakatitig kay Amaya na halos hindi na maimulat ng maayos ang mga mata. "I-i t-told you, I have a secret." Muli ay sabi ni Amaya sa mahinang tinig na halos hindi na niya marinig kung hindi nito inilapit ang labi sa tainga niya. Tumaas baba ang adams apple ni Kent dahil nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya ng tumama ang mainit na hininga nito sa tainga niya. "Then, tell me?" "Hmm, hehe. P-promise me, first. Hek. H-hindi mo sasabihin sa iba." "Mmm." "Mayroon akong fiance, hehe." Mas nagsalubong ang kilay ni Kent sa sinabi ni Amaya. Alam niya iyon, dahil mismong pamangkin niya ang fiance nito. "Then?" "He does'nt like me. He like my sister." "Mmm. I'm listening, let me go first." Inaalis ni Kent ang pagkakahawak ni Amaya sa necktie niya dahil iba na ang nagiging epekto ng pagkakalapat ng katawan nila sa kanya. Ngunit mas hinigpitan naman ni Amaya ang pagkakahawak doon at mas hinila pa siya. Sa paghila ni Amaya ay gahibla na lang ang layo ng labi nito sa labi niya. Na kung hindi niya naitungkod ang kamay sa kama ay baka tuluyang magkadikit ang labi nila. "Hmmm, just listen to me." "Mmm." "We are getting married tomorrow." "Okay!" "Hehe, but I want to try something new first before that. W-wanna steal my first kiss, hmm." Sabi pa ni Amaya. Bago pa man makasagot si Kent ay umangat na ang ulo ni Amaya sa kama. Lumapat ang labi ni Amaya sa kanya. Habang magdikit ang labi niya dito ay nakatingin lamang siya sa nakapikit nitong mata. "Ugh!" Napangiwi siya ng pakawalan ni Amaya ang labi niya na kinagat nito. "Hehe. T-that was my first kiss." Napailing si Kent, pinahid ang labi niya na nabahiran ng dugo dahil sa pagkagat nito sa kanya. "You're starting a fire, little hamster." "Hmmm, I am not. Mmmm, want more? K-kiss me." "Don't blame me when you wake up tomorrow, little hamster. You started it, I'll finish it. Walang sagot si Amaya sa sinabi niya bagkus muling hinila ni Amaya ang necktie niya at sinalubong ulit ang labi niya ng isang halik. Hindi na napigilan ni Kent ang nabuhay na pagnanasa sa katawan niya. Ang damping halik sa kanya ni Amaya ay pinalalim niya. "Uhm." Mabining ungol ang kumawala sa bibig ni Amaya ng pakawalan ni Kent ang labi niya. Wala ng pagpipigil si Kent sa sarili, siya na ang tumapos sa sinimulang apoy ni Amaya. ..... Napadaing si Amaya ng magising siya kinaumagahan. Nagising siya sa pagtunog ng kanyang cellphone. Pakiramdam niya ay tila binugbog ang katawan niya dahil hindi siya makakilos ng maayos. Sumidhi pa ang kirot sa ibabang bahagi ng katawan niya ng sinubukan niyang kumilos para bumangon. Nanlaki ang mga mata niya, napabalikwas siya ng bangon kahit na nanakit ang balakang niya. "Anong nangyari?" Naguguluhang tanong niya dahil wala siyang maalala kung ano ang nangyari kagabi. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Kulay asul na pintura ng pader sa silid kung nasaan siya. Malabo man sa kanyang alaala kung sino ang kasama niya kagabi ay malinaw sa kanya kung bakit nanakit ang buong katawan niya lalo na sa ibabang bahagi ng katawan niya. "N-no! Anong nagawa ko?" Naisabunot ni Amaya ang kamay sa kanyang buhok na pilit inaalala kung sino ang lalaking nakaniig niya kagabi? Nasaan si Sonia? Bakit siya nito iniwan? Nalasing din ba ito kagaya niya? Mga katanungan lamang iyon ni Amaya na kailangan niya ng kasagutan. Sa kanyang pagkalito ay naabala ang kanyang isip sa muling pagtunog ng kanyang cellphone. Napapangiwi siyang kumilos para kunin ang cellphone niya na nasa bedside table. "Nasaan ka?" Si Richard ang tumawag sa kanya. Nailayo pa niya sa tainga ang cellphone sa pagsigaw nito sa kabilang linya. "Sinabi sa akin ni Laura na hindi ka daw umuwi kagabi? Umuwi ka na ngayon din dahil ikaw na lang ang hinihintay. At huwag mong balakin na huwag sumipot sa kasal natin." May pagbabanta sa tono ni Richard habang sinasabihan siya. Hindi na siya nakasagot dahil binabaan na siya nito ng linya. Mahigpit na napahawak siya sa kanyang cellphone. Naguguluhan na siya. Lalo na ay nakipagniig siya sa iba gayong ikakasal na siya ngayong araw. Ano na lang ang gagawin sa kanya ni Richard kung malalaman ang kanyang kapabayaan. Na ang matagal nitong hinahangad na maikama siya ay iba ang nauna sa kanya. Mabigat man ang katawan niya dala ng dami niyang iniisip idagdag pa ang pananakit ng katawan niya ay kumilos pa rin siya para ayusin ang sarili. Pagbaba niya ng kama ay nasulyapan pa niya ang mantsa ng dugo sa bedsheet. Napalunok siya, namuo ang luha sa kanyang mga mata. Tumingala siya para pigilan ang pagtulo ng mga iyon. Huminga siya ng malalim, kinalma niya ang sarili. Sinimulan niyang pulutin ang kanyang mga damit na nagkalat sa kung saan. Ngunit hindi na niya iyon mapapakinabangan. Her dress had a broken zipper, her bra had a broken hook, while her panties were torn on both sides. Wala na siyang maisip pa na paraan kung paano siya makakapagbihis kundi ang tawagan si Sonia. Si Sonia na lang ang malalapitan niya. Alam niyang hindi siya ibubuko ng kaibigan kahit na nakagawa na siya ng mali. Kinuha niya ang cellphone. Tatawagan niya si Sonia para sabihin na dalhan siya ng damit. Patawag na sana siya ng marinig niya ang mga katok sa labas ng pinto. Mabilis niyang ibinalot ang kumot sa katawan. Tumingin siya sa door lens para alamin kung sino ang nasa labas. "Bakit?" Nilakasan niya ang boses na tanong dito. Hindi niya binuksan ang pinto. "Nagpadala si Mr. Evans ng damit mo, ms." "Mr. Evans?" Pang uulit niya sa pangalang binanggit nito. "Opo, ang fifth master ng Evans, ms." "Iwan mo na lang dyan, kukunin ko pag alis mo. Salamat." Sagot niya dito kahit na naguguluhan kung bakit pinadalhan siya ng fifth master ng Evans. Ang batang tiyuhin ng fiance niya. Naririnig niya ang pangalan nito ngunit hindi pa niya ito nakikita. Pamilyar na rin sa kanya ang ugali nito ayon sa mga naririnig niya tungkol dito. At mga naikukwento sa kanya ng kaibigang si Sonia. Masungit daw ito. Wala daw isa man sa pamilya nila ang nais makagawa ng bagay na hindi nito magugustuhan dahil masama raw itong magalit. Kahit ang ama ni Richard ay wala din daw itong magagawa laban sa fifth master kahit ito pa ang panganay dahil na rin sa ito ang pinapaburan ng ama nila. "Sige, ms. Iiwan ko na lang dito." Pagkasabi nun ay nakita niyang umalis na ang cleaner. Mabilis niyang binuksan ang pinto ay nagmamadaling kinuha ang paper bag sa sahig at muling pumasok sa loob. Inusisa niya agad ang laman ng paper bag. Puting dress na may puti ding bulaklak na design. Hanggang taas lang ng tuhod niya ang haba. May kasama na ring panloob sa paper bag. Nakaramdam pa ng pag iinit ng pisngi si Amaya ng makita ang dalawan maliit na tela na kulay pula. Ngunit paanong nalaman ng fifth master ang size niya. Kahit na ang dress ay siguradong naisukat iyon sa katawan niya. Hindi kaya... No! Natigilan siya ng biglang may lumitaw na eksena sa isip niya. Eksena kung sino ang lalaking nakaniig niya kagabi.Nakayuko si Amaya, hindi niya masalubong ang mga mata ng batang tiyuhin ng kanyang fiance. Matapos siya nitong ibaba sa pagkakarga nito at maayos na mapaupo sa malambot na sofa, humakbang ito palayo. Amaya thought he was going to leave, so she let out her breath she was holding, lifted her face and followed Kent's departing image. Kent entered a door. Sa pag aakala ni Amaya na hindi na lalabas doon si Kent, nagpasya siyang tumayo, aalis din siya para maiwasan ng tuluyan si Kent at hindi maungkat ang nangyari sa kanila kagabi. As she hurried to walk out the house, Kent came out through the door he had entered earlier. "At saan mo balak pumunta?" Malalim ang tono ni Kent na tanong sa kanya. Natigil ang paghakbang niya. Hindi siya lumingon kay Kent hanggang sa ito na mismo ang tumayo sa harap niya. Napaangat ang tingin niya dito, seryoso at malalim ang mga matang sumalubong sa kanya kaya agad din niyang binawi ang tingin niya dito. "Maupo ka."
"Kailan ka pa dumating?" Hindi lumingon si Kent kay Arnold ng tanungin siya nito. Binalingan niya ang dalawang guard na nakahawak kay Amaya. Sa tingin pa lang na ipinukol ni Kent sa dalawa ay agad na nakuha ang gusto nito. Mabilis na binitawan ng dalawa si Amaya. "F-fitht master." Si Amaya na hindi makatingin ng diretso kay Kent. Nakilala ni Amaya si Kent pero hindi niya alam na ito ang fitht master na tiyuhin ni Richard. Kahit na marami siyang nalalaman tungkol sa ugali nito ay wala naman siyang nakikitang litrato nito dahil ayon kay Sonia ay hindi ito pumapayag na makuhanan ng larawan. Kung may mangangahas man ay napaparusahan. Malalim ang mga matang napatingin si Kent sa namumulang pisngi ni Amaya. "Tito, pasensya na sa naabutan mong eksina. Mabuti at nakadalo ka sa kasal ko." Si Richard na agad lumapit para batiin si Kent. Tahimik na sumulyap lang si Kent kay Richard. Hindi nagsalita. "Halika dito, huwag mo akong ipahiya sa harap ng tiyuhin
Buo na ang pasya ni Amaya! Hindi siya magpapakasal kay Richrard kahit na magalit pa ang mga magulang niya. Hindi niya isasapalaran ang sariling kaligayahan sa pagpapakasal lang kay Richard. Nakahanda na siya sa kahihinatnan ng pag atras niya sa kasal. Handa siyang harapin kung ano man ang magiging bunga ng kanyang desisyon. Matapos siyang magbihis. Hindi na siya umuwi pa sa kanilang bahay. Dumeretso na siya mismo sa reception sa kasal nila ni Richard. Alam niyang naghihintay na doon ang kanyang mga magulang, pamilya ng mga Evans. Kinakabahan siya. Kay bilis ng pagtibok ng puso niya sa kaba. Alam niyang malaking magbabago ang nakaabang sa pag atras niya sa kasal nila ni Richard. Siguradong itatakwil siya ng pamilyang umampon sa kanya at kakamuhian dahil sa pagpapasya niya. Ngunit hindi niya kayang makisama sa lalaking ang mahal ay ang kapatid niya mismo at lalong hindi niya pakikisamahan ang lalaking ang tingin lamang sa kanya ay isang bagay
"T-tito Kent, lasing lang ang kaibigan ko. K-kaya hindi niya alam ang sinasabi niya." Nanginginig ang boses na paliwanag ni Sonia sa tiyuhin na nagkandautal na sa pagsasalita. "Take her." Utos ni Kent sa dalawang bodyguard na nasa likod niya. Hindi pinansin ang paliwanag ng pamangkin. Agad namang kumilos ang dalawang bodyguard at lumapit kay Sonia. "Tara na, ms. Sonia. Ihahatid ka na namin." "Huh! N-no. I-isasama ko ang kaibigan ko." Pagtutol ni Sonia sabay hawak sa braso ni Amaya. Nag aalala si Sonia dahil sigurado itong magagalit ang tiyuhin. Habang si Amaya ay hindi na alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Iwinaksi niya ang kamay ni Sonia na nais sana siyang hilain. "I will take him." Sabi pa ni Amaya sabay taas ng mga kamay at naglambitin sa leeg ni Kent. Tuluyan ng niyakag ng dalawang bodyguard si Sonia palabas ng club. Naiwan si Amaya kay Kent. Seryoso, blanko ang ekspresyon ng mukha ni Kent na nakatingin kay Amaya, hindi kumilo
Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang nakatingin kay Richard, ang kanyang fiance na nakaakbay sa ibang babae. No! Hindi lang basta kung sinong babae kundi ang kapatid niya mismo ang kaakbay nito na hinalikan pa mismo ito sa harap niya. "Ano pa ang tinatayo mo diyan? Ilapag mo na ang cake sa lamesa at ipaghiwa mo kami." Utos naman ng kapatid niya. O matatawag ba niyang kapatid ito? Hindi! Dahil isa lamang siyang ampon ng kanilang mga magulang. At hindi siya itinuring ni Laura na kapatid kundi mas matatawag pa niya ang sarili na utusan lamang nito kapag hindi nakatingin sa kanila ang kanilang mga magulang. Inampun siya ng pamilyang Santiago. Maganda ang pakitungo sa kanya ng mga magulang nila. Ngunit sa kabila ng pag ampon ng mga ito sa kanya ay may naghihintay palang kabayaran, at iyon ay ang pakasalan ang unang apo ng pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang bansa. Isa na rin rason ay dahil kailangan ng pinansyal n