Mag-log in"Seryoso siya dun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nolan sa sarili.
Hindi niya sinipot si Lucilia, bagkus sinundo niya si Leland at Lilah at nagulat pa siya ng makitang puro pasa at kalmot si Lilah. Nabagot kakaintay si Lucilia kay sumakay na sila sa kotse. "Mommy, are we going home na?" Tanong ni Lilo. "No. Ito ang huling beses na pupunta tayo sa mga Marquez." Saad ni Lucilia saka nag drive. Tuwang-tuwa si manang Esther ng makita si Lucilia at Lilo na pumasok sa pintuan ng bahay. "Madam, miss, mabuti naman po at bumalik na kayo." Salubong sa kanila ni manang Esther. "Pumunta lang kami dito para mag impake." Saad ni Lucilia. Nalungkot naman agad si manag Esther. Ang akala niya kasi ay tuluyan ng bumalik ang mga amo niya. "Siya nga po papa nasa living room sina sir kasama si miss Lilah." Nagtungo naman roon sina Lucilia at Lilo. "Naku, sinuswerte lang talaga yung mga matatabang babae na iyon at hindi ko sila pinatulan dahil kung hindi sila ang bugbug sarado ngayon at hindi ako, aray!" Sigaw ni Lilah. "Dahan-dahan naman sa pagdiin." Saad pa nito. Nililinisan kasi ni Nolan ang mga sugat ni Lilah sa mukha. "Nolan, be gentle." Saad pa nito. "Tita Lilah, masakit po ba?" Tanong ni Leland. "No, makapal ata ang mukha ko kaya hindi masak-aray!" Saad nito pera napatili parin naman ng diniinan ni Nolan ang bulak kaya natawa ito ng mahina. Nakatitig lang sa kanila si Lucilia. Napaka maalaga ni Nolan pagdating kay Lilah samantalang sa kanya ay hindi. Minsan niyang nasugatan ang sarili habang naghihiwa noon pero wala namang pake si Nolan nun pero ngayong puro pasa at kalmot si Lilah ay todo alaga ito. Mukhang mas importante talaga ito sa kanya kaysa sa sariling asawa. Napatingin sa gawi nila si Lilah. "Lucil, nakauwi ka na pala." Saad nito. Hindi lumingon si Nolan pero alam niyang nandiyan na sina Lucilia. "Marumi ang damit ni Lilah, ikuha mo siya sa taas." Utos ni Nolan pero hindi nakinig si Lucilia. Umakyat sina Lucilia papuntang kwarto niya saka nag imapake. Maya-maya ay bumaba ito na may dalang malaking maleta. Pati si Lilo ay may dalang back pack na sakto lang sa kanya. "Lucil, saan ka pupunta? Bakit ang laki ng maleta mo?" This time, napalingon na si Nolan. "What are you doing?" Tanong nito. Hindi nagsalita si Lucilia. Hinubad niya ang singsing saka ito inilapag sa mesa na nasa harap nila. "Are you crazy?" Inis na tanong ni Nolan. Napatingin si Lucilia sa ring finger ni Nolan, simula nung ikasal sila ay hindi ito sinout ang wedding ring nila. Pero ngayon kitang-kita niya na may couple watch sina Lilah at Nolan. Natawa si Lucilia. "Naka couple watch kayo? Pero hindi mo manlang sinout noon yung relong ibinigay ko sayo." Saad ni Lucil. "Lucil naman, makaluma naman yung relong ibinigay mo eh. Kung sinout iyon ni Nolan ay malamang pagtatawanan siya nun." Natatawang saad ni Lilah. "By the way, nasabi sa akin ni Nolan na galit ka pa kaya ibili raw kita ng regalo." May kinuha itong itim na box. "Here. For you." Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang gold necklace na may pendant na emerald. Pero halata sa itsura na fake ito. Napatingin si Lucil sa kwintas na suot ni Lilah na kapareha nito pero halatang ito ang tunay. Itinuro iyon ni Lucil. "Paano kung sabihin ko na iyan ang gusto ko?" Tanong ni Lucil. Napangitj ng peke si Lilah. Balak niya sanang ipasuot kay Lucil yung fake na necklace para pagatawanan siya ng mga taong makakakita. "Sure, ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo." Nakangiting saad ni Lilah saka hinubad yung necklace na suot niya saka ito ibinigay kay Lucil. Isinout naman ni Lucil sa kanya yung pekeng necklace. "This suits you better." Nakangiting saad ni Lucil. Napipilitan nalang na ngumiti si Lilah at naging ngiwi pa ito. Naiinis siya dahil naisahan siya ni Lucil. Imbis na isuot atly itinapon ni Lucil sa basurahan yung necklace. Napaawang naman ang bibig ni Lilah. "Lucil, kung may galit ka sa akin, sabihin mo. Why ruin a good necklace?" Tanong nito. "Kung nanghihinayang ka, pulutin mo saka isuot mo ulit." Saad ni Lucil. Saka ngumiti. "Hindi ba nandito ka para makipag reconcile kay Nolan?" Tanong ni Lilah. "I'm not here for reconciliation. Hindi ko na kayang tumira sa isang bobong kasama ka, Nolan." Inilapag ni Lucil ang divorce papers sa mesa. "Ito ang divorce papers, pirmahan mo na sa lalong madaling panahon." "Nababaliwa ka na." Saad ni Nolan. "Mas mababaliwa ako kung patuloy pa akong makikisama sayo." Tiningnan ni Nolan ang divorce papres at natawa siya ng makitang makikihati si Lucil sa kalahati ng post-marriage property. "How can you know so much about the liquid funds and fixed assets under my name?" Manghang tanong ni Nolan. "Hindi mo na kailangang malaman kung paano ko nalaman kung ilang assets meron ka. I've been a full-time wife for seven years. Now it's time to settle accounts." "The funds, cars, houses, land, and equity under your name, we'll split it in half, and you have to give the child 200,000 in child support every month until she comes of age." Dagdag pa ni Lucil. "Dahil ba sa akin kaya makikipag hiwalay ka kay Nolan?" Singit ni Lilah. "Pwedi mo ring lakasan pa para marinig ng lahat ng tao dito ang sinasabi mo." Saad ni Lucil. "Mommy, bad ka. Bakit naman bibigyan ka ni daddy ng kalahati ng property niya?" Tanong ni Leland. "Kasi binigyan ko siya ng anak saka pinagsilbihan ko siya for seven years. I think deserve ko naman yun." "Pwes hindi ako sasama sayo." "Huwag kang mag alala wala akong balak na isama ka. Ikaw ang heir ng mga Marquez kaya hahayaan kita kasama nila. Malinaw na nakasulat diyan na ang custody lang ni Lilo ang gusto ko at hindi si Leland." "Pirmahan mo na." Dagdag pa ni Lucil. "Hindi mo kaya ng wala ako, Lucil." Saad ni Nolan. "Kakayanin ko." Matigas na saad ni Lucil. "Kaya pumirma ka na." "Fine. Pipirma ako. Gusto kong makita kung paano ka babalik at magmamakaawa para tanggapin ulit kita." Pinirmahan ni Nolan ang divorce papers saka itinapon sa mukha ni Lucil. "Don't worry, hindi mangyayari 'yan." Pinulot niya yung mga divorce papers saka umalis kasama si Lilo.“Asan na ‘yong baby ko? Ilabas niyo ‘yong baby ko!” Sigaw ni Lucil, natanggal na rin ‘yong swero sa kamay niya dahil sa pagwawala niya. Bigla namang nagtago sa pader si Donovan. Nanginig at nanghina ang mga tuhod niya dahil sa Nakita niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Lucil na Wala na Ang baby nila. Alam niyang guguho na naman ang Mundo nito kapag nalaman na nito Ang totoo.Muling sinilip ni Donovan ang Asawa at umiiyak at nagwawala parin ito. Samantalang pilit naman itong pinapakalma Nina Selene at Wilden. Maya-maya ay naisipan na niyang pumasok sa loob ng kwarto. Natigilan saglit si Lucil nang Makita siya. Pero kalaunan ay agad din itong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. Kwenilyuhan agad siya ni Lucil dahil sa Galit nito at Hindi na nakaawat pa sina Selene at Wilden.“Asan na ‘yong baby ko?!” Umiiyak pero Galit paring Tanong ni Lucil. Pero iyak lang din ang naisagot ni Donovan. Pinilit niyang magsalita pero walang boses na lumabas sa bibig niya.“Magsalita ka, asan
“Donovan, pwedi ba kitang makasabay sa pagkain?” Nakangiting Tanong ni Daphne.“Attorney Sanchez, nasaan ang manners mo? Supervisor mo si attorney Ferrer pero bakit pangalan niya Ang tinatawag mo?” Saway ni June kay Daphne.“First name basis po talaga ang tawagan namin ni Donovan. Ganun kmi ka close, attorney Perez.” Parang nagyayabang pa na Saad ni Daphne. Binalingan Naman niya si Donovan at hinawakan ito sa kanang kamay. “Please, Donovan, sabay na Tayo sa pagkain I’l treat you.” Pagpupumilit pa nito.Kaso nairita si Donovan sa ginagawa ni Daphne kaya iwinakli niya Ang kamay nito.“Attorney Sanchez, pasensiya na pero hindi Tayo ganyan ka close para umaasta ka ng ganito sa harap ko. Salamat nalang sa Alok mo pero may kasabay na akong kumain. Halika na, attorney Perez.” Saad pa ni Donovan at naglakad na papalayo. Natatawa namang sumunod sa kanya si June.Hindi Naman makapaniwala si Daphne sa ginawa sa kanya ni Donovan. Pinahiya siya nito sa harap ng iba nilang katrabaho kaya pinagbubul
Katanghaliangtapat nang mga oras na ito, nakaupo lang sa rocking chair si Lucil habang nakatanaw sa magandang tanawin sa harap niya. Naka play Naman mula sa mini speaker niya ang kantang ‘Close to you’ ng The Carpenters na mas damang-dama niya dahil sa malamig na ihip ng hangin. Pinanonood niya mula dito sa kwarto niya si Selene na masayang-masaya na inaaliw ang kambal nitong anak. Napangiti nalang siya sabay himas sa tiyan niya. “I can’t wait to hold you, my princess.” Saad ni Lucil. Siyam na buwan na Kasi ang tiyan niya at ngayong buwan ng October ang kabuwanan niya. Nakahanda na rin ang mga gamit nila na kung sakaling makaramdam na siya ng sakit ay susugod na agad sila ng hospital.Maya-maya ay napatingin sa gawi niya si Selene kaya kinawayan siya nito. Kumaway din Naman siya pabalik dito.“Kamusta ang maganda Kong misis?” Agad na napalingon si Lucil nang marinig ang boses ni Donovan. Nakauwi na pala ito galing trabaho.“Heto, maganda parin.” Pabiro namang wika ni Lucil. Lumapit n
Habang mahimbing pang natutulog si Donovan ay taimtim naman siyang tinititigan ni Lucil. Ngayon niya lang mas na appreciate ang kagwapuhan ng Asawa. Pinakatitigan niya talaga ito mula sa makakapal na kilay nito, pababa sa matangos na ilong, hanggang sa dumako siya sa mapula-pula nitong labi. Nakaramdam si Lucil na para bang inaakit siya ng mga labi ni Donovan. Kaya hinalikan niya ito. Smack lang dapat Ang gagawin niya kaso naramdaman nalang niya tumugon sa halik niya si Donovan at hinawakan nito Ang likod ng ulo niya para Hindi siya lumayo.Pagkatapos ng halik ay naupo ng maayos si Lucil at pinaypayan ang Sarili.“Ikaw ah, kanina mo pa siguro Ako pinagnanasaan?” May nakakalokong ngiti na Saad ni Donovan.“Hindi *huk* ah!” Depensa Naman ni Lucil sa Sarili. Pero tinawanan lang siya ni Donovan nang masinok siya. “Bahala ka nga diyan!” Inis na sad ni Lucil at tumayo na saka naglakad paalis.“Hon, biro lang. Mag-asawa Naman na Tayo kaya okay lang na pagnasaan mo Ako. Hon!” Sigaw pa ni Dono
“Kambal naman ang naging anak natin, bakit hindi mo nalang ibigay sa akin ‘yong isa at ‘yong isa naman ay sayo?” Bumagsak ang bibig ni Selene dahil sa sinabi ni Eric. Mas lalong sumiklab ang Galit niya dahil sa mga pinagsasabi nito.“Anong tingin mo sa mga anak ko, bagay na pweding ipamigay? Lumayas ka talaga sa harapan ko dahil nagdidilim ang paningin ko sayong walanghiya ka!” Pilit na hinihila ni Selene ‘yong stroller ng kambal pero mas malakas ang pagkakahawak ni Eric dito kaya Hindi niya ito Manila.“Huwag ka namang madamot, Selene! Anak ko rin Naman sila kaya may karapatan Ako sa kanila.” Saad pa ni Eric.“Anong anak? Wala kang anak, Eric. Itinapon mo ang karapatan mong maging ama nila Nung panahong tinalikuran mo kaming panagutan. Kaya makaka-alis ka na dahil Hindi ko ibibigay ang kahit sino sa kanila.” Pero ayaw parin bitawan ni Eric ‘yong stroller kaya napilitan si Selene na tapakan Ang paa nito. Dahil dun ay napabitaw na sa stroller si Eric. Dali-dali Namang itinulak papasok
Pagkaraan ng Isang linggo ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Selene, pati na Ang baby niyang si Sawyer ay okay na rin at pwedi na nilang iuwi. Kaya ngayong araw ay busy sina Lucil sa bahay sa paghahanda dahil pauwi na nga Ngayon sina Selene. Nagpahanda ito ng masasarap na mga putahe at nag order pa nga siya ng Isang buong lechon. Sakto Naman Nung tapos na Silang maghanda ay nagtatakbo na sina Lilo at Eli mula sa labas dagil ito ang ginawa nilang lookout kung dumating na ba sina Selene.“Nandito na po sila!” Sigaw ni Lilo habang tumatakbo.“Paparating na sila!” Sigaw Naman ni Eli habang nasa likuran ni Lilo at tumatakbo rin. Kaya agad nang nagsilapit sina Lucil at naghanda na Silang salubungin sina Selene.Karga-karga ni Selene si Sawyer at si Weston Naman kay Wilden. Sila Ang nangunguna habang papasok ng mansion. Parehong malalapad ang mga ngiti nila. Nakasunod Naman sa kanila ang parents ni Selene, sila na Ang nagbubuhat ng mga gamit ni Selene.Pagkababa palang ng kotse ay nagtaka n







