Share

Chapter 5

last update Petsa ng paglalathala: 2025-01-26 10:22:25

(Tianna POV)

Umupo ako sa hita niya at mas pinag-igihan pa ang pagha**k ko sa kanya dahil hindi siya gumaganti. Hinawakan ako ni Lev sa bewang at pinipigilan akong gumiling sa hita niya. “Tianna…” paos na anito.

“Please, Lev…”

Humigpit ang pagkakayakap ni Lev sa bewang ko. “Da*****!” Gumanti siya nang ha*** mas agresibo sa binibigay ko. Naramdaman ko na ipinasok niya ang dila niya sa bibig ko and I gave in…

His hands were travelling around my body, to my neck, to my legs until it found my b**st. He molded it like a dough. I felt the warmth of his palm kahit na may suot pa akong damit.

“Hmm…” hindi ko napigilang maglikha ng ingay sa ginagawa ni Lev sa katawan ko…

Bumaba ang ha**k ni Lev sa leeg ko so I tilted my head to give him an easy access.

Pilit kong hinahawakan ang natitirang katinuan ko at gusto ko siyang itulak ngunit wala akong lakas. Iinisin ko lang dapat siya, eh. Bakit gustong-gusto na rin ng katawan ko?

Bumaba ang isang kamay ni Lev sa tiyan ko. “Lev…” halos hindi ko na makilala ang boses ko… it's so womanly…

Natigilan kami nang may kumatok sa bintana ng kotse ni Lev.

Nagkatinginan kami ni Lev at tumawa siya. Namula ako at agad umalis sa pagkakandong sa kanya. Nakakahiya!

Inayos ko ang nagusot kong damit at sinenyasan si Lev na buksan ang bintana… pagbukas ng bintana ay bumungad sa amin ang dalawang traffic enforcer.

“Good morning po, ma'am and sir. May problema po ba?” magalang na tanong ng isang traffic enforcer. Habang ang isa naman na nasa gilid ay nagpipigil nang tawa.

“Ayos lang naman po, sir. Pasensya na po sa abala.” ani Lev.

Tinted ang kotse, sure ako doon. Bakit parang may clue iyong isa tungkol sa nangyari? Nang tignan ko si Lev ay nanlaki ang mata ko nang makita ko na may lipstick stain siya sa damit at pisngi. Itinago ko ang mukha ko sa palad ko. Grabeng kahihiyan na itong inabot ko.

Nang makaalis ang mga traffic enforcer ay nag-drive na si Lev. “Ayos ka lang ba?”

Umiling ako. “Paano ako magiging ayos? Nakakahiya kaya iyon.”

Tumawa si Lev. “Don't be shy. Hindi naman iyon ang unang beses na ginawa natin ang ganoong bagay, mas higit pa nga, eh.”

Umismid ako. “Tumigil ka nga.”

Pagkadating namin sa hotel na pinag-s-stay-an nina Louise at nang mga bridesmaids ay hinatid ako ni Lev sa hotel room kung nasaan ang mga make-up artist. “Please, make her beautiful.”

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong pinagsasabi nito? Na hindi ako maganda?! Mukhang na-gets niya iyon. Ang lakas nang tawa ng loko at rinig na rinig sa buong kwarto.

Habang mine-make-up-an ako ay panay ang tingin niya sa akin sa salamin.

Mamaya ay bumukas ang pinto at namilog ang mata ko nang makilala kung sino iyon. Lumapit siya kay Lev. “Kuya! Bakit ngayon ka lang?! Akala ko hindi ka na pupunta sa kasal ko,” malakas na sabi ni Louise.

Tumawa si Lev. “Ako pa ba?”

Yumakap si Louise sa kanya. “Bakit ka nandito sa make-up room? Balita ko may kasama kang babae, ah! Pinagpalit mo na si ate ganda ko?” She pouted.

Natawa ako nang mahina nakuha ko ang atensyon niya at lumingon siya sa akin. “Ate ganda!” Tumakbo siya sa akin.

Niyakap niya ako nang mahigpit. “Ate, you're here! I miss you so much!” masayang sabi niya.

Niyakap ko siya pabalik. “Kumusta ka, baby— hindi ka na pala baby. Mag-aasawa ka na. Naunahan mo pa si ate.”

Humagikhik siya. “Eh, kasi naman, ate ganda. Ayaw na akong pakawalan ng boyfriend ko pero ‘di bale, nandyan naman si Kuya Lev. Sunod na agad kayo next year.”

Nahuli kong nakatingin sa akin si Lev habang may naglalarong ngiti sa labi. Inirapan ko siya. “Louise, imposible iyang sinasabi mo. May sama ng loob iyang kuya mo sa akin, eh.”

Ngumiti si Louise. “Hindi mo sure, ate ganda.” Umangat-baba ang kilay nito.

Pinagkibit-balikat ko na lang iyon.

Hinila ni Louise si Lev palabas ng kwarto para daw suprise daw kapag nakita ako nito.

Habang mine-make-up-an ako ay panay ang kwento ni Louise sa akin tungkol sa ganap sa buhay nito. Ngunit may isang paksa na pumukaw sa atensyon ko.

“Minsan nga ate ay sinasama ko si Sierra sa date namin ni Jarren, eh.”

Tumingin ako sa kanya sa salamin. “Sino si Sierra?”

Natutop ni Louise ang bibig. “W-wala, pamangkin ko… s-sige, ate. Oras na ata nang picture taking namin ng mga bridesmaids ko.” Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto.

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin.

Mabilis lang din natapos ang make-up ko at sobrang simple lang iyon dahil iyon ang ni-request ko. Pinasuot din ako ng make-up artist ng deep v neck powder blue dress na may mahabang slit sa left leg ko na kulay ng motif sa kasal ni Louise.

Lumabas ako ng kwarto ngunit hindi ko nakita si Lev o Louise. Sinubukan kong pumunta sa garden ng hotel at umupo muna. Ang laki-laki naman kasi nitong hotel na ito. Saan ko naman kaya sila hahanapin? For sure, busy si Louise dahil kasal niya ngayon. Ayaw ko naman siyang abalahin. Naalala ko na may number pala ako ni Lev na hiningi ko pa ang number niya sa secretary nito nang pumunta ako sa opisina nito noong nakaraang linggo.

Tinawagan ko si Lev pero ring lang ang narinig ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Iniwan pa ata ako nang lalaking iyon. Hindi pa naman ako pamilyar dito sa lugar.

Nagulat ako ng may tumakip sa mga mata ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Inaalis ko iyon ngunit masyadong malakas ang may-ari ng kamay.

“Wait lang…” narinig ko ang boses ni Lev.

Kahit papaano ay kumalma ako nang malaman ko kung sino siya. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya. Bumungad sa akin tatlong piraso ng red roses. “For the most beautiful girl,” he gently said.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 138

    “What?! But how?” gulat na tanong ni Lev.Lucy pursed her lips. “I accidentally bumped into him and… nahulog ‘yong wallet ko kaya nakita niya ‘yong picture roon. It's our family picture with him.”I gasped. “Then? Paano niya napagtagpi-tagpi ‘yon? Eh, iba na ang mukha mo.”“It's not a simple picture. It only has one copy and it was so impromptu so the emotions and everything is so real kaya he knew Lucy, me… won't just randomly give it to someone because it's my treasure.”Nagkatinginan kami ni Lev. “What did he do then? Did he hurt you?”Umiling si Lucy. “He didn't. He called me and wanted to go near me but I panicked so I ran,” she bitterly smiled. “That was the first time I saw him since I got my memories back… that I'm Lucy, a girl once shared many beautiful memories with him but looking back… I can't help but be mad at him because… I remembered how I lost my baby because he didn't believe in me. I hate him but I love him too!” Punong-puno nang galit, lito at muhi ang boses ni

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 137

    Abala ako sa pag-luluto ng agahan namin nang maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. “Hmm, ang bango naman,” malambing na sabi ni Lev at tsaka inamoy ang batok ko.Natawa ako nang mahina. “Nambola ka na naman, Lev! ‘Di pa nga ako naliligo, oh!”“It's true. You smell like a baby.” Hinarap ko siya. “Anong baby ka d’yan?” Hinaplos niya ang tiyan ko. “Though you are literally carrying our baby. You will always be my baby,” he laughed softly and planted a gentle k**s on my lips. “Good morning, babe.”Pinigilan kong mapangiti. “Good morning,” kunwaring masungit na sabi ko.Tumawa si Lev at niyakap ako. “Babe, should we buy clothes for our baby after the check up?” he said excitedly.“Next time na lang siguro. Almost 6 months pa lang naman si baby. Masyado pang maaga.”Mabilis na umiling si Lev. “It's already too late. If we have been together since the day you found out that you are pregnant, maybe… I already bought a whole store of baby clothes. You know that I'm not with you w

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 136

    Pagkatapos kumain ni Sierra ay lumabas na kami. Bumungad sa amin si Lev na naglalakad, pabalik-balik na parang aligaga. Nang buksan ko ang pinto ay agad lumapit sa amin si Lev at pumantay kay Sierra. “Are you okay now, baby?” Lev asked his daughter.“Yes po, daddy. Sorry po, if I said those hurtful words.”Umiling si Lev. “You don't need to apologize, anak. I should be the one who must apologize. I'm sorry that I'm not a good f-father. I failed you and your brother,” his voice broke. “It's not true, daddy. You are the best! It's my fault naman po kasi. I shouted.”“Hindi lang ‘yon, anak. I wasn't there when your mom left us. I didn't r-realize that you, my children need a father to lean on during those times. I'm so s-sorry, anak.” Lev's tears started streaming down his face.Niyakap ni Sierra si Lev at marahang tinapik-tapik ang likod ng ama.Pumatak ang luha ko sa nasaksihan. I can’t believe that at such as young age ay ganito na ka-mature ang anak ko. She was the one who was hurt

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 135

    Huminga ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Sierra.Napagdesisyunan namin ni Lev na ako na lang muna ang kakausap sa anak namin para magpaliwanag.Hindi siya sumagot kaya I took it as a sign na pumasok.Nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot. “Baby, si mommy ito.” Inilapag ko sa bedside table niya ang dala kong pagkain at umupo sa kama niya.Inalis niya ang kumot at tinignan ako. “What are you doing here?!” I gently smiled. “I brought you breakfast, anak.”Bumaba ang tingin niya sa pagkain at nag-iwas nang tingin.Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. “I miss you, baby ko.”Nakahinga ako nang maluwag nang hindi siya nagprotesta sa yakap ko. Pinunasan ko ang marka ng luha sa pisngi ni Sierra.“Alam mo, noong nalaman kong totoo kitang anak. Sobrang saya ko dahil ilang beses ko iyong ipinagdasal na sana…. Ako na lang ang mommy mo…” malumanay kong pagsisimula. Hinaplos ko ang pisngi niya. “You are such a dream come true for me and your dad because when we were

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 134

    I was caught off guard and it took long for me recover.“B-baby, please hear me out first…”Umiling si Sierra. “Ayaw!” sabi niya ‘tsaka ako tinalikuran.Napalunok ako at lumapit sa kanya. “A-anak, huwag naman ganito. I'm sorry, kung matagal nawala si mommy,” puno nang pagsusumamo ang boses ko.Hindi siya sumagot at akmang aakyat na nang niyakap ko siya. “Please, baby ko. Huwag ka ng magtampo kay mommy…” Nagpumiglas siya at narinig ko ang pag-iyak niya. “I don't like you anymore!”Mabilis akong umiling. “No please, d-don’t say that, anak.” “Leave ka na lang ulit. Sanay naman na akong iniiwan mo!” Nabitawan ko siya at napaatras ako. Pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko sa mga sinabi niya. My child’s words hurt me but it's more painful to hear her sobbing because of me…. It's all my fault.“Sierra!” dumagundong ang galit na boses ni Lev na nasa puno na ng hagdan. Bakas ang ugat sa leeg ni Lev at pamumula ng tainga niya.“Don't you ever say that to your mom!” Nag-iwas nang t

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 133

    Naalimpungatan ako sa pagtama ng araw sa pisngi ko. Nang lingunin ko si Lev ay mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakayakap sa akin. I gently touched his jaw, may mga balbas na siya at medyo pumayat din siya. Anong nagawa ko? Pinahirapan ko lang ang mga sarili namin. “I'm sorry, Lev,” my voice broke.Niyakap ko siya hanggang sa makatulog ulit ako.Nang magising ulit ako ay tulog pa rin si Lev. Kaya naisipan kong ipagluto siya. Tutal ay medyo maaga pa naman. Gusto kong bumawi sa kanya sa paraang alam ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sobrang na-miss ko ang ganitong scenario, ‘yong malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin…Patapos na ako sa pagluluto ng ulam at nasa paggawa na ako ng meryenda namin mamaya.Habang naghahalo ako ay nagulat ako nang biglang may maliit na kamay ang humihila ng damit ko. “Sino ikaw?! My mommy will be mad if you steal my daddy!” galit na sigaw ni Nigel. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay kilalang-kilala k

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 12

    (Tianna POV) Natigilan ako sa sinabi ni Sierra. Bumigat ang aking paghinga. “Sierra, I'm sorry. Huwag kang mag-alaala. Hindi ko papakasalan ang daddy mo,” I hold her hand. “You don't have to be sad.” Nagliwanag ang mga mata ni Sierra. “Really?” Tumango ako at tipid na ngumiti. Tumayo siya s

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 11

    (Tianna POV) Bigla akong nabilaukan. Pumasok ata sa airway ko ang kanin na nginunguya ko sa sinabi ni Lev. Agad siyang lumapit sa akin at hinaplos ang likod ko. “Here's the water.” Tinanggap ko ‘yon at ininom agad. Makalipas ang ilang segundo ay naging okay rin ako. Masama ko siyang tinignan. “Na

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 9

    Napatayo ako sa upuan. “Ano?! May a-anak ka na? May asawa ka na…” natutop ko ang bibig ko. “Oh my goodness… ginawa mo akong kabit…” Umagos ang luha sa mga mata ko. I became the person I hate the most…Hindi ko napagilang mapahagulhol. Niyakap ako ni Lev. “Shh… you're not a mistress,” he gently said

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 8

    (Tianna POV) Naglagay ako ng lipstick sa labi ko at kaunting powder. Inayos ko rin ang suot kong skirt at blouse. Ngumiti ako sa salamin at kinuha ang documents na nilagay ko sa gilid ng sink. Hindi ko maiwasang sariwain ang nangyari kahapon. Sa tingin ko ay may bago na si Lev pero nandito ako

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status