Share

Chapter 6: Oppression

Author: inKca
last update Last Updated: 2025-05-01 23:54:57

Lulugo-lugo si Irene habang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo patungo sa ICU kung saan naroon ang ina niyang si Aling Lourdes.

Noon pa man, wala siyang ibang pinangarap kundi ang mabigyan ito ng masaganang buhay. Nagsikap siyang magtapos ng pag-aaral, at natapos naman niya iyon nang may karangalan. Ngunit sa kasamaang-palad, lahat ng plano niya para sa buhay nilang mag-ina ay nawalan ng saysay nang umibig siya kay Dave na siyang naghatid sa kanya ng kamalasan. Ngayon tuloy ay hindi niya maiwasan ang magsisi. Kung sana'y inuna niya ang kapakanan nilang mag-ina kaysa sa silakbo ng kanyang damdamin, siguro'y hindi ito nakaratay ngayon sa ospital.

Matinding awa ang lumukob kay Irene sa sandaling muling mapagmasdan niya ang kalagayan ni Aling Lourdes. Tulad nang una niya itong makita kanina, wala pa ring malay ito at tanging sa life support na lang ito kumukuha ng lakas upang mabuhay.

Hindi napigilan ni Irene ang mainit na luhang naglandas sa kanyang mga mata. Sa tatlong taon niya sa kulungan, hindi man lang niya nabalitaan na nagkaroon pala ito ng matinding karamdaman. Kaya pala nitong huling isang taon ay hindi na ito nakadalaw pa sa kanya. Hindi naman siya binalitaan ng pinsan niyang si Leni noong huling dinalaw siya nito sa kulungan. Marahil, ayaw lang nitong mag-alala siya. O, baka mas posibleng ayaw ng nanay niyang ipaalam sa kanya ang kalagayan nito.

Hindi lingid sa kanya noon ang madalas na pagsakit ng tyan ni Aling Lourdes, ngunit hindi niya inakala na mauuwi pala iyon sa colon cancer. Kung nasa tabi lang sana siya nito, malamang ay naagapan ang sakit nito at hindi lumala.

Ngayon, wala na siyang magagawa dahil kumalat na raw ang komplikasyon sa katawan nito. Ang pagkapit na lang talaga sa utos ni Sandra ang tangi niyang sandata upang kahit paano'y makapagpatuloy sa pagpapagamot ang kanyang ina.

Ngunit paano ang gagawin niya gayong napurnada ang transaksyon niya kay Rigor Buenaflor? Ibig sabihin ba ay hindi na rin itutuloy ni Sandra ang pagpapagamot kay Aling Lourdes?

Napahigpit ang paghawak niya sa tangan niyang cellphone. Ibinigay iyon sa kanya ni Kristoff kanina bago siya umalis sa hotel.

Muling sumagi tuloy sa alaala niya ang naging pag-uusap nilang dalawa.

FLASHBACK

"Paano kaya kung gawin na lang kitang fiancee ko?"

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Irene nang bigkasin ni Kristoff ang katanungang 'yon.

"H-Huh?"

"O, bigla ka yatang nabingi?" Hindi napigilan ni Kristoff ang mapangisi. "Sabihin na lang nating kailangan ko ng mapapangasawa—"

"Ayoko! Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko lubos na kilala." Agad na nag-iwas ng tingin si Irene. Hindi niya kayang tingnan ang kariktan ng lalaking nasa kanyang harapan. "At isa pa, hindi kita mahal..."

Nagpakawala ng mahinang pagtawa si Kristoff. "Kailangan pa ba 'yon? Wala naman akong sinabing mahalin mo ako."

Nagtatakang ibinalik ni Irene ang kanyang tingin kay Kristoff.

"Kahit na. Ayoko pa rin."

Matamang tumitig si Kristoff sa mga mata ni Irene. Naging seryoso ang anyo nito.

"Sige, hindi kita pipilitin sa ngayon. Pero gusto kong malaman mo na darating ang panahon na kakailanganin mo ang isang katulad ko." Matapos magsalita ay dinukot ni Kristoff ang cellphone niya sa kanyang bulsa at ibinigay ito kay Irene. "Kunin mo ito. Tawagan mo ako kung kakailanganin mo ng tulong."

END OF FLASHBACK

"Hindi. Ayaw ko. Sa sandaling gumaling si Nanay ay magpapakalayo-layo na kaming dalawa. Ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa mga Montecillo." usal ni Irene sa kanyang sarili habang ibinabalik sa kanyang bag ang cellphone.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang walang malay na si Aling Lourdes. Hinaplos niya ang humpak na pisngi nito at pagkatapos ay masuyong hinagod ang buhok nito.

"Naniniwala akong gagaling ka, Nay. Gagawa po ako ng paraan para mailipat ka ng ospital."

Nasa ganoong posisyon si Irene nang may malakas na sutsot siyang narinig mula sa kanyang likuran. Nang lumingon siya ay nakita niya ang madilim at seryosong mukha ni Sandra.

"Anong nangyari at napurnada ang transaksyon mo kay Rigor?!" bulyaw nito sa kanya nang makalabas siya sa ICU.

"Ahh... na—"

Hindi pa man siya nakakapagpaliwanag ay malakas na dumapo na ang palad nito sa kanyang kaliwang pisngi. Halos matulig si Irene sa sakit ng sampal na iyon.

"Alam mo bang napakalaking pera ang nawala sa amin nang dahil sa kapalpakan mo?! At dahil d'yan, akala mo ba ay ipapagamot ko pa 'yang nanay mo?! Manigas ka, Irene!"

Napahagulgol si Irene dahil sa kanyang narinig. "Huwag, Sandra... Maawa ka kay Nanay..."

"Maawa? Bakit, kung maaawa ba ako sa nanay mo, maibabalik ba ang malaking halaga ng perang nawala sa amin nang dahil sa kapalpakan mo?!"

"S-Sabihin mo sa'kin, Sandra... Ano bang dapat kong gawin para makabawi ako?" Halos lumuhod si Irene sa harapan ni Sandra. Hinawakan niya ito sa mga kamay ngunit winasiwas lamang nito ang mga kamay nito upang makabitaw siya.

"Sige, pagbibigyan kita. Hanggang bukas, kapag hindi mo nahanap si Rigor at hindi mo nagawang maisarado ang transaksyon ng arm deal sa mga Rosendahl, mawawalan ng hininga ang nanay mo d'yan mismo sa harapan mo!"

"S-Sandra... paano ko gagawin 'yon? Hindi ko alam kung nasaan na si Rigor Buenaflor..."

"Eh 'di hanapin mo! Problema mo na 'yon. Basta't hanggang bukas, kapag hindi mo nagawa ang gusto ko, pasensyahan na lang tayo!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

    Last Updated : 2025-02-17
  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

    Last Updated : 2025-02-17

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 6: Oppression

    Lulugo-lugo si Irene habang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo patungo sa ICU kung saan naroon ang ina niyang si Aling Lourdes. Noon pa man, wala siyang ibang pinangarap kundi ang mabigyan ito ng masaganang buhay. Nagsikap siyang magtapos ng pag-aaral, at natapos naman niya iyon nang may karangalan. Ngunit sa kasamaang-palad, lahat ng plano niya para sa buhay nilang mag-ina ay nawalan ng saysay nang umibig siya kay Dave na siyang naghatid sa kanya ng kamalasan. Ngayon tuloy ay hindi niya maiwasan ang magsisi. Kung sana'y inuna niya ang kapakanan nilang mag-ina kaysa sa silakbo ng kanyang damdamin, siguro'y hindi ito nakaratay ngayon sa ospital. Matinding awa ang lumukob kay Irene sa sandaling muling mapagmasdan niya ang kalagayan ni Aling Lourdes. Tulad nang una niya itong makita kanina, wala pa ring malay ito at tanging sa life support na lang ito kumukuha ng lakas upang mabuhay. Hindi napigilan ni Irene ang mainit na luhang naglandas sa kanyang mga mata. Sa tatlong taon niya sa k

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang.Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae.Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito.Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita?Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakakay

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng stepsister nitong si Sandra.Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali."Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status