Share

Chapter 7: Pressured

Author: inKca
last update publish date: 2026-09-05 08:54:27

"Sandra, alam mong imposible 'yang sinasabi mo... Wala akong alam sa mundong kinabibilangan n'yo... Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Rigor Buenaflor." Naroon ang pagmamakaawa sa tinig ni Irene.

Alam niyang imposibleng magkaroon siya ng koneksyon sa mga tao sa underworld. Simpleng mamamayan lang siya na nagkataong nagkaroon ng papel sa buhay ng mga Montecillo—isang bagay na parang gusto tuloy niyang pagsisihan.

"Uulitin ko... problema mo na 'yon!" sabay dutdot ni Sandra ng hintuturo nito sa noo ni Irene.

Sinubukang abutin ni Irene ang kamay ni Sandra, ngunit malakas siyang itinulak nito kaya't muntik nang tumama ang mukha niya sa malamig na sahig ng ospital.

"Binabalaan kita, Irene! Ihanda mo na ang libingan ng nanay mo kapag hindi mo natagpuan si Rigor Buenaflor!"

Hindi pa man nakakahuma si Irene ay mabilis na siyang tinalikuran ni Sandra. Dinig na dinig pa niya ang malutong nitong halakhak na umaalingawngaw sa buong pasilyo habang ito'y papalayo. Sa direksyon nito'y nakatingin rin ang iilang nurse at doktor na kasaluyang nasa paligid. Ngunit dahil isa ang mga Montecillo sa may-ari ng ospital, ay hindi nagawang makialam ng mga ito.

Mabilis na tumayo si Irene. Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago muling pumasok sa ICU.

"Huwag kayong mag-alala, Nay... Gagawa ako ng paraan para hindi mahinto ang pagpapagamot mo. Handa akong gawin ang lahat para madugtungan lang ang buhay mo. "

Matapos hagkan ang noo ng ina ay muling umalis si Irene ng ospital.

Habang nasa labas at naghihintay ng jeep na masasakyan, unti-unting pumapasok ang reyalidad kay Irene. Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan ba siya magsisimula. Alam niyang imposible nang makita pa niya si Rigor Buenaflor matapos ang nangyari kagabi. At dahil doon ay dinadaluyong tuloy ng kaba ang dibdib niya.

Ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Kailangan niyang gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat para sa kanyang ina.

Habang pauwi siya sa bahay nila, malayo pa lang ay ramdam na niya agad ang nanunuring mata ng kanilang mga kapitbahay. Umabot din sa tainga niya ang ugong ng pagbubulungan ng mga ito. Hindi na lamang niya pinansin ang mga iyon at sa halip ay nagtuloy-tuloy siya hanggang sapitin niya ang tapat ng bahay nila.

Hindi napigilan ni Irene ang pagtulo ng kanyang luha nang buksan niya ang kahoy na pintuan. Nakabibinging katahimikan ang bumungad sa kanya nang pumasok siya sa loob ng tahanan nila ng kanyang ina. Taliwas iyon sa nakasanayan niya noon na ang masiglang tinig ng kanyang ina ang sumasalubong sa kanya.

Sa nanlalabong paningin ay iginala niya ang kanyang mga mata sa loob ng bahay. Bawat sulok nito ay may kwento. Bawat parte ng bahay ay may masasaya at malulungkot na alaala.

Tila nauupos na kandilang umupo si Irene sa kawayang upuan. Dati-rati, sa upuang ito madalas na nagbabasa ng pocketbook ang kanyang ina tuwing namamahinga ito sa hapon. Madalas ding dito nakakatulog ito sa tuwing hinihintay siyang makauwi sa gabi.

"Kailangang magawan ko ng paraan ang pagpapagamot mo, Nay... " mahinang sambit ni Irene habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga pisngi.

Nasa ganoon siyang tagpo nang makarinig siya ng mahinang katok sa pintuan. Sinundan iyon ng mahinang pagtawag sa kanyang pangalan.

"Irene?"

Ang pinsan niyang si Leni ang nahagip ng mga mata niya nang bumukas ang pintuan.

Agad na inayos ni Irene ang kanyang sarili bago tumayo mula sa pagkakaupo. "Nakita mo na ba ang pinahahanap ko sa'yo?"

"Ahh... Ehh... Iyong tungkol sa itinawag mo kanina? Irene, may problema kasi..."

Napakunot ang noo ni Irene. "Bakit? Hindi mo ba nakita?"

"A-Ano kasi... Kuwan~"

Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Leni nang makarinig sila ng malalakas na katok sa pintuan. Agad na napatayo ang dalawa para tignan kung sino iyon.

"Oh, bakit hindi pa nakalabas ang mga gamit dito? Hindi ba't ayon sa napag-usapan namin ng nanay mo, dapat ay bakante na ang bahay na ito ngayon?" Nakapameywang na litanya ng may edad na ginang kina Irene at Leni nang makita sila nito sa pintuan. May kasama itong tatlong kalalakihan na malalaki ang mga pangangatawan.

"Eh sandali lang naman po, Mrs. Salvacion. Kauuwi lang kasi ng pinsan ko~" nagmamadaling lumabas si Leni upang puntahan ang ginang.

"Ay, hindi! Aba'y magulo naman yata kayong kausap?!" Tumingin ang ginang sa mga kasama nitong lalaki at nagmando. "Pwes, kayo na ang pumasok sa loob ng bahay na 'yan at ilabas ninyong lahat ang mga gamit! Aba'y mamaya'y darating na ang mga kagamitan ng anak kong si Tootchie! Hindi pwedeng mapurnada ang paglilipat-bahay niya!"

Naguguluhang napakamot sa ulo si Irene at tuluyan na rin siyang lumabas. "Teka lang po. Ano po ba ang nangyayari? Bakit pinapalabas n'yo ang mga kagamitan namin?"

Tumaas naman ang isang kilay ng babae. "Huwag kang makialam dito! Teka't nasaan ba si Loida?!Kami ang may kasunduan tungkol sa bahay na 'to!" Halos manlaki ang mata ng ginang sa panggagalaiti habang lumilinga-linga sa paligid.

"Nanay ko po ang may-ari ng bahay na 'to~" Hindi pa man nakakatapos sa pagsasalita si Irene nang putulin siya ng babae.

"Wala akong pakialam! Kung ang nanay mo pala ang may-ari niyan, eh kayo na lang ang magtubos!"

"T-Tubos?" Nagtatakang lumipat ang mga mata ni Irene kay Leni. "Sinanla ni Tiya Loida ang bahay namin? M-Magkano?"

"Isang milyon lang naman!" Sabat ng mataray na ginang. Nakataas pa ang isang sulok ng bibig nito habang nanlilibak na nakatingin kay Irene. "Ano, tutubusin mo ba?"

"H-Ha?" Pakiramdam ni Irene ay mauupos siya sa kanyang kinatatayuan. "W-Wala po akong ganyang kalaking halaga..." Halos hindi lumabas sa bibig niya ang mga katagang 'yon.

"Pwes, eh 'di bakantehin mo na ang bahay na 'yan dahil pagmamay-ari ko na 'yan!"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Irene. Hindi niya inasahan na bukod sa pagpapagamot sa kanyang ina, ay mawawalan na rin sila ng bahay.

Ang tanging pag-asa niyang makakapagsalba sa pagpapagamot ng kanyang ina ay hindi na pala niya maaasahan.

"Hala at alisin n'yo na ang gamit n'yo r'yan at huwag n'yo akong piliting ipahakot 'yan sa truck ng basura!"

Wala nang nagawa pa sila Irene nang sumakay na ang ginang sa sasakyan nito na mabilis ring sumibat nang makasakay ang mga kalalakihang kasama nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 7: Pressured

    "Sandra, alam mong imposible 'yang sinasabi mo... Wala akong alam sa mundong kinabibilangan n'yo... Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Rigor Buenaflor." Naroon ang pagmamakaawa sa tinig ni Irene.Alam niyang imposibleng magkaroon siya ng koneksyon sa mga tao sa underworld. Simpleng mamamayan lang siya na nagkataong nagkaroon ng papel sa buhay ng mga Montecillo—isang bagay na parang gusto tuloy niyang pagsisihan."Uulitin ko... problema mo na 'yon!" sabay dutdot ni Sandra ng hintuturo nito sa noo ni Irene.Sinubukang abutin ni Irene ang kamay ni Sandra, ngunit malakas siyang itinulak nito kaya't muntik nang tumama ang mukha niya sa malamig na sahig ng ospital. "Binabalaan kita, Irene! Ihanda mo na ang libingan ng nanay mo kapag hindi mo natagpuan si Rigor Buenaflor!"Hindi pa man nakakahuma si Irene ay mabilis na siyang tinalikuran ni Sandra. Dinig na dinig pa niya ang malutong nitong halakhak na umaalingawngaw sa buong pasilyo habang ito'y papalayo. Sa direksyon nito'y nakatingi

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 6: Oppression

    Lulugo-lugo si Irene habang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo patungo sa ICU kung saan naroon ang ina niyang si Aling Lourdes. Noon pa man, wala siyang ibang pinangarap kundi ang mabigyan ito ng masaganang buhay. Nagsikap siyang magtapos ng pag-aaral, at natapos naman niya iyon nang may karangalan. Ngunit sa kasamaang-palad, lahat ng plano niya para sa buhay nilang mag-ina ay nawalan ng saysay nang umibig siya kay Dave na siyang naghatid sa kanya ng kamalasan. Ngayon tuloy ay hindi niya maiwasan ang magsisi. Kung sana'y inuna niya ang kapakanan nilang mag-ina kaysa sa silakbo ng kanyang damdamin, siguro'y hindi ito nakaratay ngayon sa ospital. Matinding awa ang lumukob kay Irene sa sandaling muling mapagmasdan niya ang kalagayan ni Aling Lourdes. Tulad nang una niya itong makita kanina, wala pa ring malay ito at tanging sa life support na lang ito kumukuha ng lakas upang mabuhay. Hindi napigilan ni Irene ang mainit na luhang naglandas sa kanyang mga mata. Sa tatlong taon niya sa

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 5: A Proposal Of Power

    "Ahh!" Namilipit si Rigor sa sahig, humihiyaw sa matinding paghihirap. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Kristoff, ang dating mayabang na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. "Sino ka ba? Wala namang alitan sa pagitan natin!" "Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?" Lumingon si Kristoff kay Irene, ngunit hindi mabasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng babae gamit ang mahahaba niyang daliri. "Gusto mong angkinin ang babae ko. Kung ako, si Kristoff Montecillo, hahayaan kang lumaya matapos mo akong bastusin, maaaring isipin ng lahat na pwede na rin nilang gawin sa'kin 'yon." Nanginig si Rigor nang marinig ang pangalan ni Kristoff. Mabilis na bumaling kay Irene ang kanyang mga mata, habang ang kanyang mukha'y tila tinakasan na ng dugo. "Siya pala si Ms. Casareo. Nagkamali ako, Mr. Montecillo. Kung alam ko lang na malapit siya sa'yo, hindi ko siya iisiping lapitan!" Kung kani-kanina lang ay punong-puno siya ng galit at hinanakit, nang marini

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 4: The Power Play

    Hindi inasahan ni Irene ang halik na iyon. Sa tindi ng kanyang pagkabigla, ay hindi siya nakakilos. Hindi niya nagawang umiwas o tumugon man lang. Samantala, nanatiling nakatulala ang mga tauhan ni Kristoff. Nanlalaki ang mata ng mga ito dahil sa labis na pagkamangha. Matagal na silang nagta-trabaho para sa lalaki, ngunit kahit minsan ay hindi nila nakita itong naging malapit sa kahit na sinong babae. Palaging lumalayo sa mga babae si Kristoff. Noon, ang sinumang babaeng lumapit dito, ay nauuwi na lamang bilang pagkain ng mga isda, o kaya naman ay ipinapadala na lang sa minahan upang magtrabaho sa ilalim ng utos nito. Kaya't hindi nila lubos maisip kung anong mahika kaya mayroon ang babaeng nasa harapan nila ngayon? Paano nito nagawang pasunurin si Kristoff at sirain ang lahat ng patakaran ng lalaki sa una palang nilang pagkikita? Habang nananatili sa pagkalito ang mga taong nakapaligid, ay gulong-gulo rin ang isipan ni Irene, dahilan upang hindi siya makapag-isip nang maayos. Naka

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 3: A Deal With The Devil

    Tinanggap ni Kristoff ang panyo mula sa pinagkakatiwalaan nitong alalay na si Roland Silverio. Marahan nitong pinunasan ang dugo sa mga kamay nito nang may sadyang pagkilos at mala-haring paggalaw.Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara, at ibinunyag ang mukhang kayang agawin ang hininga ng sinuman. Ang mga mata nitong madilim, ay parang mga balong may mahiwagang pang-akit na sapat upang hilahin ang sinuman paloob. Sa itaas ng perpektong hubog ng mga labi nito, ay naroon ang isang matikas at tila inukit na ilong.Ang matitigas na linya ng mukha ni Kristoff ay nagpapakita ng kapangyarihan at kagandahan, halos masyadong perpekto para mapasama sa isang karaniwang lalaki. Ito ang klase ng mukha na kayang lamunin ang ningning ng pinakamalaking bituin sa showbiz.Ngunit higit pa sa itsura nito, ang taglay nitong awra ay makapangyarihan, hindi kayang supilin, at nagpapadala ng kilabot sa mga kalamnan. Ito ang uri ng lalaking may hawak sa kapalaran ng napakaraming buhay.

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 2: A Dangerous Encounter

    Nang gabing iyon, ay matuling tumatakbo ang sasakyang kinalululanan ni Irene sa tahimik na lansangan, habang ang headlights nito ay pumuputol sa pusikit na kadiliman.Bang!Isang malakas na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan, nakakabingi iyon at nakakatakot.Sumabog ang bintana ng sasakyan, at nagkalat ang bubog sa mga upuan habang kumikislap ang mga piraso nito sa mahina at madilim na ilaw ng kalye.Nagsimula ang kaguluhan. Ang mga takot na sigaw ay umalingawngaw sa kalsada, habang ang iilang mga tindahang nakabukas ay nagmamadaling binaba ang kanilang mga rehas.Ang driver ay biglang namutla at nanginig sa takot. Dahil doon ay dumulas ang sasakyan, madiing kumakaskas ang mga gulong nito bago bumangga sa bangketa. Malakas na humampas ang mukha ng driver sa manibela kaya't nawalan ito ng malay.Sa tabi ng driver, ay naroon si Irene na napapakurap-kurap. Tila wala pa siya sa huwisyo dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga nila.Idiniin niya ang kanyang kamay sa pumipintig niyang

  • Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle   Chapter 1: The Betrayal

    Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte. Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status