Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

last updateLast Updated : 2025-05-01
By:  inKcaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
295views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa mismong araw ng kanilang kasal, imbes na sa harap ng altar, ay sa presinto dinala ng kanyang mapapangasawa si Irene Casareo upang pagbintangan sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Doon din niya nalaman ang pagta-traydor nito sa kanya kasama ang stepsister nito. Baon ang galit at poot, ay tatlong taon niyang tiniis ang pagdurusa sa loob ng kulungan. Sa kanyang paglaya, hindi pa man siya nagtatagal sa labas, ay nasuong na siya sa isang madugong engkwentro. Doon niya nakilala si Kristoff Montecillo; isang makapangyarihang lalaki mula sa underworld, at tiyuhin ng ex-fiancee niyang si Dave Montecillo. Niligtas siya nito mula sa mga armadong lalaki, at bilang kabayaran ay niyanig nito ang mundo niya sa pamamagitan ng isang halik. Ang lalaki rin ang naging daan kung bakit nailigtas ang puri niya mula sa matandang huklubang nais kumuha ng kanyang pagkabirhen. Ngayong may utang na loob na siya kay Kristoff, papayag ba siyang maging fiancee nito kapalit ng ilang ulit na pagliligtas nito sa kanya? O, papayag siya upang gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nakapanakit sa kanya?

View More

Chapter 1

Chapter 1: The Betrayal

Kasabay ng malakas na ulan na siyang bumubuhos nang araw na iyon, ay ang walang patid na pagluha ni Irene habang siya'y nililitis sa loob ng korte.

Apat na taon ang naging relasyon nila ni Dave Montecillo bago nila maisipang magpakasal. Ang buong akala niya ay wagas at totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya nito, umasa rin siya na sa oras na kinasal sila ay puro ligaya na ang malalasap niya at wala nang haharaping problema.

Ngunit sa araw ng kanilang kasal, ang lalaki pa mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis dahil mas pinaniwalaan nito ang kasinungalingang ginawa ng  stepsister nitong si Sandra.

Sa loob ng tahimik at sagradong hukuman, ay umalingawngaw ang tunog ng malyete ng hukom na naghuhudyat ng isang tensyonadong sandali.

"Irene Casareo, ikaw ay pinaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas na pag-aari ni Doña Natividad Montecillo na nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Inaamin mo ba ang iyong kasalanan, o hindi?"

Ang namumugto at namumulang mga mata ni Irene ay napuno ng galit at desperasyon habang nakatingin kay Dave. Hindi niya napigilan ang mapangisi.

Ang pamilya ng mga Montecillo ay isa sa mayaman at maimpluwesyang pamilya sa bansa. Walang sinuman ang magtatangkang kalabanin ang mga ito para lang sa isang mahirap na katulad niya.

"Wala po akong masasabi." Naroon ang diin sa bawat salitang namutawi sa mga labi ni Irene.

Noon, buong akala ni Irene ay si Dave na ang binigay ng Diyos sa kanya upang pakamahalin siya at protektahan. Ngunit sa kasamaang palad, may lihim na relasyon pala ito sa stepsister nitong si Sandra. At ang pinakamalala, isinet-up siya ng mga ito na kunwari'y ibinigay sa kanya ang mga alahas ng nasira nilang ina, at sa bandang huli'y pinalabas ng mga itong ninakaw niya ang mga iyon.

Wala silang kasing sama.

Hindi na sila naawa.

Ano pa nga ba ang dapat niyang sabihin? Alam naman niyang kahit ilang beses niyang ipagtanggol ang sarili, ay matatalo pa rin siya.

Muling ipinukpok ng judge ang hawak nitong malyete upang ipahayag ang kanyang huling hatol.

"Hinahatulan ng hukumang ito ang akusadong si Irene Casareo ng walong taong pagkakabilanggo at multang limandaang libong piso."

Nang matapos ang paglilitis, ay agad dinaluhan si Irene ng mga pulis na siyang maghahatid sa kanya sa kulungan.

Habang papalabas ng hukuman, ay muling nilingon ni Irene si Dave na kasalukuyang nakaupo sa plaintiff's seat. Nagbabaga ang kanyang mga mata dahil sa matinding poot at galit.

---

Tatlong taon ang matuling lumipas mula nang makulong si Irene.

"Irene Casareo, may nagpyansa sa'yo. Makakalaya ka na."

Nang marinig niya iyon, ay agad siyang nagtaas ng tingin, at ang namumutlang mukha niya ay nabalot ng pagkabigla.

Matapos niyang magdusa sa walang hanggang pasakit sa kulungan sa loob ng tatlong taon, buong akala niya ay bubunuin niya talaga ang walong taong sentensya sa kanya. Hindi niya inakalang mapapaaga ang paglaya niya.

Makaraang ang isang oras buhat nang makalabas siya sa kulungan, ay hinatid siya ng isang sasakyan sa ospital.

Pumasok siya sa isang ward, at tila piniga ang puso niya nang makita ang kanyang ina na si Aling Lourdes mula sa babasaging bintana ng ICU. Hindi ito gumagalaw habang nakahiga sa hospital bed. Maputla ang mukha nito at maraming aparatong nakalagay sa katawan. Kung titignan ay tila wala na itong buhay.

"Nanay ko..." Hindi na napigilan pa ni Irene ang mapaiyak. Nanginginig ang kanyang boses dahil sa labis na emosyon. Gusto niyang pasukin ang nanay niya sa loob upang yakapin ito at hagkan.

"Magtigil ka, Irene! Secured ang ward na ito at hindi ka pwedeng basta-basta na lang pumasok nang walang permiso ko." Bigla ay umalingawngaw sa tainga niya ang boses ng isang babaeng nasa kanyang likuran.

Nang lumingon si Irene, ay nagulat siya nang makita ang babaeng nagsalita. "S-Sandra? Matagal nang walang koneksyon sa inyo ang nanay ko. Bakit ginagawa mo pa rin ito sa kanya?" Habang nagsasalita ay itinitig niya kay Sandra ang mga mata niyang punong-puno ng poot.

Nang tignan naman siya ni Sandra, ay nabanaag sa mga mata nito ang selos at pag aalimura sa kanya. Pagkatapos ay ngumisi ito.

"Nagkakamali ka, Irene. Hindi mo ba nakikitang sinasalba ko ang buhay niya? Kung wala ako, matagal nang natigok 'yang nanay mo. Kung hindi dahil sa'kin, baka sa libingan mo na siya nadatnan ngayon."

Humugot ng malalim na paghinga si Irene upang pakalmahin ang kanyang sarili. "Huwag kang ipokrita, Sandra. Sinasalba mo ang buhay ng nanay ko? Bobo at tanga lang ang maniniwala r'yan. Ano ba talaga ang gusto mong palabasin? O, baka naman ginagamit mo siya para manipulahin ako, tama ba?"

"Matalino ka talaga, Irene. No wonder, ikaw ang magna cum laude ng batch natin. Kaso, kawawa ka naman kasi sira na ang pangalan mo dahil convicted ka na. Sa ngayon, ang kapalaran mo ay nasa aking mga kamay." Panunuya ni Sandra. "Kaya ngayon, ang magagawa mo ay samahan ngayong gabi si Rigor Buenaflor. At pagkatapos no'n, bibigyan kita ng matutuluyan at ipagpapatuloy ko ang pagpapagamot d'yan sa nanay mo."

"Rigor Buenaflor? Matandang hukluban na ang isang 'yon, ah? Nababaliw ka na ba?" Nanlaki ang mga mata ni Irene dahil sa labis na pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Sandra.

"Oh, eh ano naman? Problema ko pa ba 'yon? Ikaw naman ang tatabi sa matandang 'yon, at hindi naman ako. Basta't samahan mo lang siya ng isang gabi, at mase-secure na ng pamilya namin ang arm's deal ng pamilya Rosendahl. Isang napakalaking negosyo no'n. Dapat nga ay matuwa ka dahil ibebenta mo ang katawan mo kapalit ng limpak-limpak na salapi para sa amin. Pero kung tatanggi ka..." Itinuro ni Sandra ang kanyang daliri sa ICU. "Ipatatanggal ko ang life support ng nanay mo, at unti-unti siyang mamamatay sa harapan mo. Bibigyan kita ng limang segundo para magdesisyon. Five... four... three..."

"Okay! Sige!" desperadong pagpayag ni Irene. Hindi na niya napigilan pa ang pagragasa ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Walang siyang mapagpipilian. Para sa buhay ng kanyang ina, ay kailangan niyang gawin iyon.

Matapos ang pag-uusap nila, ay inayos niya ang kanyang sarili. Pagkatapos ay agad siyang pinapasok sa isang itim na sasakyan.

Kailangan na niyang tanggapin ang kanyang kapalaran. Dahil ngayong gabi, ay nakatadhana siyang sumiping sa isang matandang hukluban para isuko ang pagkabirheng kanyang iniingat-ingatan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status