Share

Chapter 12: Lies

Author: Elisha Rue
last update Last Updated: 2025-04-22 15:07:11

Taliwas sa nais ni Dimitri na manatili siya sa penthouse nito, mas pinili niyang umuwi na lang sa kanila. May isang oras lang siyang nanatili roon kung saan niya nilinis ang sugat niya at nagpalit ng damit.

Umuwi siya bitbit ang ilang pirasong paper bag na bigay ni Dimitri na naglalaman ng mga bagong biling damit para sa kaniya. Ngunit ilang hakbang bago ang bahay nila ay napahinto siya at napatingala.

Hindi niya mapigilan ang sarili niya na magbalik-tanaw sa mga naging kaganapan ngayong araw. Tuloy, hindi na naman niya mapigilan ang mapabuntong-hininga. She’s a wreck, anyone would notice that. Pero mas wasak-wasak ang puso niya ngayon. Problemado pa siya dahil hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa kaniyang ina ang nangyari sa kaniya.

Hindi niya alam kung paano sisimulan. Ang hirap naman kasing ipaliwanag na pakakasalan niya ang Kuya ng lalaking mahal niya dahil lang sinaktan siya nito? Kahibangan!

“Maiintindihan naman siguro ni Mama?” pagkausap niya sa kaniyang sarili.

She menta
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 39: Mood Swings

    “Ang suwerte naman pala ni Venice kung gano’n,” komento niya pagkaraan.Hindi niya mapigilang mainis dahil sobrang kabaliktaran ang ugaling ipinapakita ni Dimitri sa kaniya. Sa kuwento ni Norman ay tila ba sobrang mahal na mahal ni Dimitri ang babaeng nagtaksil sa kaniya.Nauwi tuloy sa pagkukumpara ang takbo ng kaniyang isip. Sa loob kasi ng siyam na taong pinagkasundo siya kay Domino ay hindi man lang niya naranasan ang gano’ng klase nang pagtrato mula sa lalaking una niyang minahal. Parang wala pa itong ginawang ganito para sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang maramdaman ang sumisilay na inggit sa kaniyang puso.“Oo, suwerte talaga siya. Kaya nakakaawa rin si Sir dahil hindi naman alam ni Ma’am Venice ang mga ganitong bagay na ginagawa ni Sir para sa kaniya.” Napailing siya. “Napakabuti ni Sir Dimitri sa kaniya. Kaso mas pinili nito ang apatid ni Sir kaya nakakapanghinayang talaga.”Naging hindi siya komportable dahil sa tinatahak na direksyon ng kanilang pag-uusap. Kaya naman nana

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 38: Efforts

    Panandaliang natulala si Anastasha dahil sa mga narinig niyang salita kay Dimitri. Hindi niya iyon inaasahan. Sa isang araw na lumipas ay hindi niya inisip ang bagay na nagawa na nitong itanim sa isip niya ng ganon kabilis na minutong nagdaan. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin. Bagama't legal na silang mag-asawa, sa loob-loob niya, hindi pa rin niya kayang itinuring na asawa si Dimitri kahit pa anong pilit niya. At wala rin sa kaniyang intensyon ang hayana itong makapasok sa buhay niya.Dahil sapananahimik niya, muling hinawakan ni Dimitri ang control ng wheelchair niya at umastang aalis na ulit kung hindi lang siya napigilan ni Anastasha. Hinawakna niya ang kamay nito upang pigilan siya sa pagkilos.“Bakit kailangan kong intindihin ang sasabsihin nila?” Hindi napigilan ni anastasha ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. “Dapat ba may pakialam ako sa sasabihin ng iba? Pinoproblemako na nga ang pagtira ko sa isang bubong kasama si Domino, idadagdag ko pa ba sila sa problema ko

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 37: Husband

    Naging mabilis lang ang grocery ni Anastasha at Dimitri dahil na rin sa limitadong bagay na maaari nilang mabili. Kung bakit ba naman kasi nagpa-baby pa, eh.Nakapila na sila ngayon sa cashier habang naghihintay ng turn nila. Sa paghihintay ay may kumalabit sa kaniyang balikat dahila para lingunin niya ito.“Isn’t this the great Miss Intramurals?” the familiar woman greeted her with a knowing smile.Bagaman nag-aalangan, nginitian niya pa rin ang babae kahit pa hindi siya komportabble sa presensya nito. “Karen,” ngiti niya habang pasimple itong tinitingnan mula ulo hanggang paa.Karen is her classmate for years. Mula junior high school hanggang college ay magkaklase na sila. At hindi lingid sa kaalaman nito na may gusto rin ang babae kay Domino noon.Tulad pa rin noong college duwig naka-dress down sila, sexy pa rin ito kung manamit. Naka-mini skirt ito at crop top. Mukha na tuloy siyang walang tinatago sa suot niyang iyon. Sobrang kabaliktaran sa suot niyang plain shirt at low-rise j

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 36: Tame

    Alam ni Anastasha na hindi magiging madali para sa kaniya ang lumabas kasama si Dimitri. Ngunit hindi niya inaasahang magiging sobrang hirap pala nito.Pagkalabas na pagkalabas pa lang kasi ng penthouse ay ramdam na niyang hindi magiging madali ang pag-grocery nila. Lalo na sa pagsakay ng sasakyan dahil kailangan niyang alalayan si Dimitri roon. Marunong siyang magmaneho kaya hindi iyon problema. Ang naging pahirapan ay ang pag-alalay niya dahil sa bigat nito.“Careful,” uttered as I gently sat him on the passenger’s seat. Tahimik lang naman itong nagpapaalalay sa kaniya.Nararamdaman na niya, sasakit ang katawan niya kapag uwi niya.“Thanks,” iwas ang tingin na sabi nito.Tipid lang siyang ngumiti bago muling lumabas. Sunod niyang hinarap ang wheelchair ni Dimitri. Mabuti na lang ay madali lang iyong tiklupin kaya hindi na siya nahirapan. What was difficult for her was carrying such a heavy weight to put it in the trunk of Dimitri’s car. Sinubukan niyang itago sa ekspresyon ng kani

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 35: Grocery

    Nalaglag ang panga ni Anastasha habang nakatingin kay Dimitri na wala pa ring kangiti-ngiti. Kung makapagsalita kasi ito ay akala mo naman mayroon talaga silang relasyon."Kahapon lang nangyari ang lahat, okay? Hindi naman ako Diyos. Hindi rin ako robot. Tao lang din naman ako. Can't you give me some time to process think? Tsaka, nagkasundo lang naman tayo na magpakasal sa papel." Hindi na niya nagawa pang pigilan ang bahagyang pagtaas ng boses niya.Nakita niyang kumislap ang mga mata nito. At ilang sandali lang ay walang imik na muling tumalikod. Muli tuloy nalaglag ang kaniang panga dahil sa hindi pagkapaniwala.Nagtatampo ba siya?Mukhang nagtatampo nga!Hindi niya tuloy alam kung ano ang dapat niyang gawin sa lalaki. Ayaw naman niyang mas magkaroon pa sila ng problema. Mas gugustuhin niyang maging payapa na lamang ang pagsasama nila Nagbuntong-hininga siya at humarang sa harapan nito. “Okay, sorry. I mean…whatever!” She flipped her hair out of frustration. “I shouldn’t have said

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 34: Husband and Wife

    “Paano ka magluluto kung kulang-kulang ang sangkap mo?” masungit at malamig na tanong ni Dimitri sa kaniya nang makapasok siya sa penthouse nito.Agad tuloy nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi na niya inabala pa ang kaniyang sarili na mag-grocery dahil kagabi lang ang kumpleto pa ang laman ng refrigerator nito. Kaya kumpiyansa siyang nagpunta rito ng walang biniling kahit na ano.Masyado naman kasing aksaya kung mamimili pa siya ng mga panibagong sangkap tapos hindi lang din naman magagamit.“Eh, ang dami pa namang sangkap sa ref mo, ah? May gulay at karne ka pa nga?” nagtatakang sagot niya rito. Sinalubong niya ang malamig na mga mata nito kaya gano’n kabilis siyang natigilan sa pagsasalita.Sabi ko nga wala!Hindi na niya ito nagawa pang sagutin ulit kahit na ang dami niya pa sanang gustong sabihin dahil sa bigat ng tingin sa kaniya ng lalaki.Napanguso tuloy siya. Bakit ba kahit ang ternong silk PJs nito na kulay navy blue ay hindi rin nakatulong upang mabawasan ang masungit niy

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 33: Husband-To-Be

    “Huwag na,” agap ni Anastasha sa namumuong galit ng kaibigan niya para sa lalaking kaniyang pakakasalan. “Nakakaawa na nga iyong tao.”Muli na naman tuloy niyang naalala ang nasaksihan niyang tagpo kahapon. Naramdaman niya tuloy ulit ang awa para rito. Iyon bang, kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang tulungan ang sarili niya.“At bakit naman, aber?” masungit pa rin nitong tanong.“Dimitri’s a retired soldier. I mean, he was forced to retire because of his injury almost a year ago. Hindi ko alam ang buong detalye pero paralisado ang kalahati ng katawan niya. More specifically, his legs. Kaya naka-wheelchair siya,” kuwento ni Anastasha.“Ibig sabihin hindi siya nakakapaglakad ngayon?” Hindi naitago ni Lizzy ang gulat. Umiling siya. “Eh, sa future? May chance pa rin naman kaya na makalakad siya?”Mas lalo siyang nawalan ng imik. Kinuha na lang niya ang kaniyang inumin at sumimsim doon. She has only gotten a chance to spend a day with Dimitri kaya hindi niya alam ang sagot sa nagi

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 32: Regret

    Matapos ibaba ang tawag ni Lizzy ay sunod naman niyang tinawagan ay si Dimitri. Knowing his personality, sigurado siyang inaasahan na ng lalaki ang presensya niya.“Dimitri,” alangan niyang sambit nang sagutin nito ang tawag. “Ayos lang ba kung mamaya na ako makakapunta?”“Bakit?” Malamig na naman ang boses nito.“I’m meeting my friend now,” she answered honestly. “Pupunta na lang ako after lunch,” agad niyang dugtong.“No,” he replied more coldly than his earlier reply.Lumaylay tuloy ang balikat niya hindi lang dahil sa malamig nitong tugon kundi maging sa pakikitungo nito sa kaniya.Hindi lang niya talaga magawang tanggihan si Lizzy dahil hindi ito ang klase ng tao na papalampasin ang ganitong klase ng usapin.“Help me fix lunch with me,” he replied nonchalantly.“Eh, si Norman? Hindi mo ba siya kasama?” Hindi man niya kilala ng buo ang kanang-kamay nito, sigurado naman niyang makagagawa ito ng paraan para madalhan ng pagkain si Dimitri.“Wala siya rito,” tipid nitong tugon.Napabu

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 31: Living with Domino

    Ito na yata ang pinakamahabang araw sa buhay ni Anastasha sa loob ng siyam na taon. Sa rami ng nangyari, hindi na niya iyon kayang himayin pa.She covered herself with her thin blanket and hid herself beneath. And there she cried her frustrations over and over again. Mula sa saya, lungkot, sakit at pait, maging ang panghihinayang ay sabay-sabay niyang nararamdaman.Hindi niya maintindihan. Hindi niya kayang tanggapin. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali.Alam niyang kung ikukumpara kay Venice ay walang-wala ang hitsura niya rito. She’s a natural beauty. Her curves are to die for. Everyone likes her.Sa kabilang dako, malayo siya kung ikukumpara rito. Madalas na sinasabi na manang daw siya kung manamit. Masyado raw siyang mahinhin kumilos kaya matagal bago niya natatapos ang mga inaatas sa kaniya na tungkulin. Kaya hindi na dapat siya nagugulat kung bakit nahulog si Domino sa babaeng malayo ang agwat sa kaniya.Dahil kung siya ang tatanungin, hindi rin siya kagusto-gusto sa saril

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status