Hindi naitago ni Anastasha ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa narinig. Kahit pang-ilang beses nang nangyari ang ganito sa pagitan nila ay hindi niya pa rin magawang masanay kahit na kaunti.Gulat niya itong tiningnan. At ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pag-akyat nang inis mula sa kaniyang leeg hanggang sa kaniyang mukha. “Uhm, ano… Teka…”What should I do? Goodness! Tuwing nahaharap siya sa ganitong problema, si Norman ang agad na nagiging solusyon nilang mag-asawa. Pero gabi na. At naipaalam nito ang tungkol sa importanteng bagay na kailangan niyang asikasuhin. And it’s not an option to keep on seeking for Norman’s presence for this problem.Mukang nabasa nito ang laman ng isip niya dahil nagbuntong-hininga ito. “Tawagin mo na lang si Mark,” utos nito sa kaniya.Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. “Umakyat si Kuya Mark,” saad niya sabay iwas ng tingin.Nagbuntong-hininga ang kaniyang asawa. “Hihintayin ko na lang na bumaba.”Mas lalong kinain ng konsensya si A
Napuno nang katahimikan ang buong hapagkainan dahil sa nakabibinging ingay na nilikha nang malakas na sampal ni Dante sa bunso niyang anak. At kahit sino sa kanila ay walang dudang nararamdaman ang matinding galit nito para kay Domino.Bahagyang napaatras si Anastasha sa gulat dahil sa biglaang pagtaas ng emosyon ng lahat ng naroon. Lalo na nang makita niya kung paanong malinaw na bumalatay sa mukha ng lalaki ang galit para sa ama.“Why did you slap me, Dad?” he asked in a voice that was painted with betrayal. Nakahawak pa ito sa kaniyang pisngi at ang mukha ay larawan nang hindi pagkapaniwala.“Don’t you dare run your mouth like that again!” nagbabantang saad ni Dante sa anak. Muli pa itong nagtaas ng kamay dahil sa galit nunit mabilis nang nakalapit sa dalang nagtatalong lalaki si Adelaide upang pigilan ito sa binabalak.“Stop it, Dante!” Humarang ang kaniyang biyenan sa harapan ng lasing na si Domino upang protektahan ito. “Your son is drunk! Hindi mo siya kailangang pagbuhatan ng
Tahimik siyang lumuha habang pilit na pinipigilan ang sarili na humikbi. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay naramdaman niya ang magaang paglapat ng isang mainit na kamay sa kaniyang likod na tila ba tinathan siya.Naramdaman din niya ang pagsilip ni Dimitri sa kaniya. Sinikap niyang itago ang kaniyang mga luha ngunit alam niyang huli na siya. “Why are you crying?” he asked in a stern yet worried voice.Isang malaking kamay ang naglahad mula sa likod at inikot ang katawan niya para matingnan siya. Nang makita niya ang mga luha sa kanyang mga mata, sumimangot si Dimitri: "Bakit ka umiiyak?"Dumaan ang pagtutol sa isip ni Anastasha. Ayaw niyang sabihin dito ang totoong nangyari. Kaya pilit na lamang siyang ngumit at nagpanggap na okay lang. “I’m fine,” she lied.Nakaramdam siya nang pagkilos mula rito ngunit nanatili lamang siya sa kaniyang posisyon. “Of course you’re not fine. Bakit ka umiiyak?” muli ay tanong nito. Mas seryoso na ang boses nito.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata u
“Answer me!” Domino demanded.Hindi napigilan ni Anastasha ang mapangisi nang marinig ang pagiging desperado nito sa sagot na hindi niya pa rin ibinibigay. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Domino?” Pagak siyang natawa rito. “Dimitri and I are legally married. Wala kang pakialam kung may mangyari man sa pagitan namin o wala.”Naningkit ang mga mata nito sa kaniya. “Paralisado ang kalahati ng katawan ng kuya ko. At sigurado rin akong hindi ka niya gusto. No need to hide it from me. Walang nangyari sa inyo kagabi, tama?” tanong pa rin nito nang hindi man lang binibigyan ng atensyon ang mga salita niya.“Wala kang pakialam, Domino. Wala kang kinalaman sa kung ano man ang gawin namin o hindi. Bitawan mo nga ako!” Muli siyang nagpumiglas upang makawala sa pagkakahawak nito ngunit dahil sa hindi hamak na mas malaki ito at mas malakas sa kaniya ay walang hirap siyang nakokontrol ni Domino.Mas lalong nabuhay ang kaba sa kaniyang dibdib nang walang babalang hapitin siya nito palapit sa kaniya a
Pagkatapos ng kalahating oras na pananatili s sementeryo ay umalis na rin silang mag-asawa. Dumiretso ang dalawa sa villa ng mga Lazatine. Pagkapasok ng dalawa sa sala ay nakita nila roon si Domino na nakaupo sa sofa. Pansamantalang natigilan si Anastasha nang makita itong nakatuon ang atensyon sa kaniya.Sa isip ni Domino ay hindi niya mapigilang mapansi ang mga naging pagbabago sa pananamit ni Anastasha. Tila ba ibang tao ito. Umangat ang kagandahan ng dalaga dahil sa ayos nito kahit pa simpleng hapit na bistida lang naman ang kaniyang suot.Hindi mawari ni Domino kung dahil ba sa ang kuya niya ang napangasawa ng dalaga kaya umayos ang pananamit nito. Malinaw na kasi niyang nakikita ang angking ganda nito na noon ay nakatago sa likod ng halos walang kulay nitong mga kasuotan. Mas lalo tuloy nagiging malinaw sa kaniya na hindi ito bagay sa kuya niya.Sa kabilang banda, iwas na iwas ang tingin ni Anastasha sa nakababatang kapatid ng kaniyang asawa dahil hanggang ngayon ay malinaw pa r
Nang lumabas si Anastasha sa opisina ng doktor, nakita niya sina Norman at Dimitri na naghihintay sa dulo ng corridor. Maingat siyang tumakbo palapit sa dalawa at sabay silang tatlo na lumabas ng ospital. Nang sumakay si Anastasha sa kotse, nakita niyang isinara ni Norman ang pinto at hindi pumasok sa puwesto nito sa likod ng manibela.Dahil nasanay na sia sa routine na ganito ni Dimitri ay agad niyang napagtanto na may gustong sabihin si Dimitri sa kanya. "May sasabihin ka ba?” maingat niyang tanong dito.Sumulyap si Dimitri sa kanya, pagkatapos ay dahan-dahang tumingin sa kawalan. Nabasa niya pa ang pag-aalangan sa mga mata bago ito tuluyang makaiwas ng tingin. Kinabahan tuloy siya dahil mukhang seryoso ito base na rin sa pag-aalangan sa kaniyang mga mata.“I know that we agreed to this marriage only on papers. Pero legal pa rin kitang asawa. At parte ka na rin ng pamilyang Lazatine. Kaya gusto kitang isama at ipakilala sa isang tao,” sabi nito.Agad na nabuhay ang kaba sa dibdib ni