“Something came up, but I’ll do everything to arrive on time,” paliwanag ni Vander sa kausap nito sa kabilang linya.
“You must, Vander! Nakakahiya kay Miss Abegail kung male-late ka,” problemadong sabi ni Crista, ang manager ni Vander.
“I won’t disappoint her. I promise,” pangako niya rito bago siya pagbabaan ng tawag.
Hinilot ni Vander ang sentido. Hindi niya pwedeng biguin si Miss Abegail dahil malaki ang magiging epekto niyon sa career niya. Miss Abegail is the most popular and respected person in modeling world. Sikat din itong fashion designer. Maraming modelo ang nais itong makatrabaho at isa na siya roon. Malaking oportunidad ang inihain sa kaniya para magkaroon ng pagkakataon na maging modelo ng isa nitong clothing line. Pupunta siya sa lokasyon ng photoshoot pero isang aksidente ang nangyari na nagpaantala sa lakad niya.
“Excuse me, Sir. Kaano-ano mo po ang pasyente?” tanong ng lumapit na nurse kay Vander.
“Ahm...” Hindi niya pwedeng sabihin na muntik na niya itong masagasaan. Baka lalo siyang maabala kapag tumawag ng pulis ang pamunuan ng ospital. Hindi siya pinaalis kanina hangga’t hindi nasusuri ang babae. Ilang oras na siyang nananatili sa ospital at kailangan na niyang umalis dahil malapit nang sumapit ang umaga. Hindi siya maaaring mahuli sa photoshoot. Once in a lifetime opportunity lang iyon kaya hindi dapat palampasin. “I just saw her lying on the ground. I think she encountered an accident that’s why I immediately brought her to the nearest hospital,” dahilan niya.
Tumango-tango naman ang nurse. “Thank you for your concern, Sir. Nalaman din po namin na nakainom ang pasyente. Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya naaksidente.”
Hindi interesado si Vander na malaman ang tungkol doon pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa nurse.
“Anyway, can I go now?” maayos niyang tanong dito.
“Sure, Sir! Maayos na ang kalagayan ng pasyente at any moment magigising na po siya.”
Mabilis namang umalis si Vander nang marinig ang sinabi ng Nurse. Halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng sasakyan para lang makaalis sa lugar, pero hindi niya inaasahan ang sasalubong sa kaniya sa daan.
“Dammit!” Hinampas niya ang manibela nang makasalubong ang mahabang traffic Ito ang iniiwasan niyang mangyari kaya gabi siya umalis para puntahan ang lokasyon ng photoshoot pero tinanghali pa rin siya sa daan.
Nawala ang atensyon ni Vander sa mahabang trapiko nang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya iyon habang nakakonekta sa kaniyang earphone.
“Vander, where are you?” galit na bungad sa kaniya ni Manager Crista.
“I’m on my way but I’m stuck in the traffic,” sagot niya.
“Oh my God! You’re still on your way? God, Vander! Magsisimula na ang photoshoot!”
“I’m sorry. Can you ask them to wait for a little bit more?” hiling niya.
Alam niyang imposible ang kaniyang hinihiling. He can’t ask them to wait for him. Hindi obligasyon ng studio team na hintayin siya. Maaaring humanap ang mga ito ng kapalit niya kung hindi siya sisipot sa shoot.
“Are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ni manager Crista. “You wasted our chance, Vander. I am very disappointed with you!” galit nitong pinatay ang tawag.
“Fuckshit! Argh!” naiinis na sigaw ni Vander. Inalis niya ang earphone at ibinato. Tumama iyon sa kaniyang dashboard bago nahulog sa ibaba.
He lost his chance to become more popular dahil sa aksidenteng iyon. Nagtagis ang kaniyang bagang habang seryosong nakatingin sa hulihan ng sinusundang sasakyan.
“It’s all her fault!” paninisi niya sa babaeng dinala sa ospital. Kung hindi ito lasing habang nagmamaneho, hindi sana siya naabala sa pupuntahan. Sana nakarating siya in time sa photoshoot. “Damn her!” dugtong niya.
Muling tumunog ang cellphone ni Vander. Mabilis niyang sinagot iyon nang makitang tumatawag ang kaniyang Ama.
“Dad,” bati niya rito.
“Come to my office, now!” may otoridad at seryoso nitong utos bago patayin ang tawag. Hindi man lang sinabi kung ano ang dahilan nito.
Napabuntong hininga si Vander. Bihira lang siyang tawagan ng Ama. Tumatawag lang ito kapag emergency o importante ang sadya nito sa kaniya. Kapag ganoon ang tono ng ama, wala siyang magagawa kundi puntahan ito sa opisina.
Nang umusad ang trapiko, kinabig ni Vander ang manibela patungo sa opisina ng kaniyang Ama. Hindi na siya tutuloy sa photoshoot dahil sinira na niya iyon. Magsasayang lang siya ng oras doon at magmumukhang kaawa-awa kung ipipilit niyang makahabol sa photoshoot na iyon.
Mabilis siyang nakarating sa opisina ng kaniyang Ama dahil medyo maluwag ang kalsada patungo roon.
“Good morning, Sir!” bati sa kaniya ni Mr. Luwale, ang secretary ng kaniyang Ama. “Hinihintay ka na po ni Mr. Alero sa loob,” tukoy nito sa pangalan ng kaniyang Ama.
“Thank you,” sambit niya nang buksan nito ang pintuan.
Nakita ni Vander na seryosong nagbabasa ng hawak na papeles ang kaniyang Ama kaya binati niya ito upang ipaalam ang kaniyang presensya.
“Dad, I’m here.”
Inangat nito ang tingin sa kaniya. “Sit down,” utos nito bago ibaba ang hawak na papel.
“Why did you call me? Is there anything you want from me?” walang paligoy-ligoy niyang tanong pagkaupo sa visitor’s chair sa harap ng office table nito.
“I’ll be direct to the point, Vander.” Kinabahan si Vander sa seryosong tono ng kaniyang Ama. Parang hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito sa tono at pagkaseryoso pa lang ng mukha nito. “Break up with your girlfriend,” walang pasakalyeng saad ng Daddy niya.
“What? Are you kidding me?” gulat niyang tanong. Hindi siya makapaniwala na inutusan siya nito tungkol sa kaniyang personal na buhay. Hindi naman nakikialam ang kaniyang Ama noon sa relasyon nila ng nobya pero ngayon gusto nitong hiwalayan niya ito.
“Choose between your career and your girlfriend?” seryosong sabi pa nito.
“I won’t choose between them. They’re both important to me and you can’t dictate me, Dad!” matapang niyang sagot.
Prenteng sumandal sa swivel chair ang Daddy niya at pinindot ang intercom upang kausapin ang secretary nito.
“Luwale, pull out our shares in Kleuntly Enterprise and stop everyone who wants to invest--”
“No!” pigil ni Vander sa sasabihin ng kaniyang Ama. That company is owned by his girlfriend’s family at hindi niya hahayaan na may gawin ang Ama rito. “You can’t do that, Dad!” inis na dugtong niya.
“You heard my son, Luwale?” muli nitong sabi sa secretary na nakaantabay pa rin sa intercom. “Then, call Cala Pathy Agency to terminate my son’s contract.”
“Dad!” malakas niyang sabi sa Ama. “Why are you doing this to me? I’m your son!”
“You’re doing this to yourself, not me,” balewala nitong sagot.
Frustrated na ginulo ni Vander ang buhok. Ginigipit siya ng Ama para sundin niya ang gusto nito.
“Fine. What do you want me to do?” pagsuko ni Vander. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pamilya ng girlfriend niya. Ayaw din niyang panghimasukan nito ang kaniyang karera. Kaya wala siyang ibang pagpipilian ngayon kundi sumunod sa nais nito.
“Marry Mr. Silueta’s daughter. Then you can do whatever you want, Son.”
Bahagya napaisip si Vander sa sinabi nito. “Even I continued my relationship and career?” paninigurado niyang tanong. Gusto niyang siguraduhin na walang mawawala sa kaniya kapag sumunod siya sa gusto nito.
“Yes.”
Kung iyon lang ang kondisyon ng Ama, mas madaling piliin iyon kaysa sa dalawang nauna. Hindi niya kakayanin na mawala isa man sa kaniyang kasintahan at karera. Na sa tuktok na siya ng pagiging modelo. Hindi madali ang kaniyang pinagdaanan para marating iyon. Hindi siya sumuko noon kaya mas lalong hindi siya susuko ngayon.
“What kind of marriage is that?”
“Marriage with benefits, for business.” Kibit balikat na sagot ni Mr. Alero.
He knew it. This is for his father’s business expansion. Wala na itong ginawa kundi palawakin ang negosyo. Maging ang kaniyang mga kapatid ay ginagamit nito para sa negosyo. His elder sister and brother married their partners for business at ngayon ay siya naman ang tinatarget ng Daddy nila. Ngunit na sa panganib ang dalawang importante sa kaniyang buhay kapag hindi sumunod sa kagustuhan ng Daddy niya. He knows his father capabilities and connections at hindi niya kayang labanan iyon.
“When do you want me to marry his daughter?”
Malawak na ngumiti ang kaniyang Ama sa tanong niya. “That’s my boy! You’re getting married as soon as possible,” may ngising tagumpay na sambit ng Daddy niya.
“Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma
Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our
Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa
“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng