Share

ABANDONED

Author: Maybel Abutar
last update Huling Na-update: 2025-03-30 17:43:00

Samantala, sa ospital ay may agad na bumisita kay Dawn. Hindi niya alam kung paano nakarating sa mga ito ang pagkaka-aksidente niya. Marahil nakuha ng nurse ang kaniyang wallet o kaya ay cellphone para kontakin ang taong naroon sa silid niya sa ospital.

“Alam kong gising ka, Dawn.”

Umikot ang mata ni Dawn kahit nakapikit nang marinig ang boses ng kaniyang Ama. Alam niyang na sa ospital siya kahit hindi magmulat ng mata. Amoy pa lang, kabisado na niya. Madalas kasi siyang manatili rito, pero nagtataka siya kung bakit ang kaniyang Ama ang kasama niya ngayon. Madalas katulong ang nag-aasikaso sa kaniya.

“Hi, Pa! Napadalaw ka?” nakangiti niyang bati sa Ama pagmulat ng mga mata.

Umiwas ng tingin si Dawn nang sinalubong siya nito ng galit na titig.

“Huwag kang magalit. Hindi naman kita pinilit na dalawin ako, ’di ba?” Balewala siyang bumangon pero muli siyang humiga nang kumirot ang kaniyang katawan. Mukhang nabalian ako ng buto ah!

“What happened to you? Bakit narito ka na naman sa ospital? Nag-motor ka na naman ba ng lasing?”

Tumingin si Dawn sa kaniyang Ama at ngumiti ng nakakaloko. “Sinubukan ko ’yong kalsada kung mas matibay kaysa sa ’kin. Ngayon ko lang napatunayan na maganda ang construction niyon dahil—”

“Dawn!” inis na putol nito sa kaniyang sinasabi.

Inirapan niya ito. Alam niyang hindi iyon ang gustong malaman ng Papa niya.

Bakit nga ba ganito ang pakikitungo niya rito? Bakit ba naging pasaway siya? Oo, inaamin niya ’yon. Pasaway talaga siya pero lahat ng ’yon ay may rason. Hindi naman siya magiging ganoon ng walang dahilan.

“Ask yourself, Pa!” sagot niya.

Narinig ni Dawn ang buntong hininga ng Ama pero hindi siya nag-abalang tumingin dito.

“Your Tita Maira is paying your bills. Pinagdala ka namin ng mga damit mo. Magpalit ka na at lalabas ka na ngayon din,” saad nito.

Narinig ni Dawn ang pagsara ng pintuan kaya pinilit niyang bumangon kahit masakit pa ang kaniyang katawan. Kinuha niya ang pares ng damit sa ibabaw ng higaan niya at nagtungo sa banyo. Pagkatapos ay lumabas siya sa silid kahit wala pa ang Papa niya. Iniinda niya ang sakit sa katawan habang naglalakad.

“Miss! Bakit lumabas ka na? Kailangan mo pang magpahinga,” saad ng nurse na nakakita sa kaniya. Mabilis itong lumapit at inalalayan siya.

“Ayos na ang pakiramdam ko, Nurse.” Marahan naman niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.

“Pero may damage ang—”

“Kapag sinabi niyang maayos na siya, maayos na siya!” Putol ng isang boses sa sasabihin ng nurse.

“P-pero, Ma’am—”

“Ayos lang, Nurse. Salamat.” Pigil ni Dawn sa nurse.

Nag-aalinlangan naman itong umalis.

“How are you, my daughter?”

Inirapan ni Dawn ang bagong dating na babae bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Napangiwi siya nang hablutin nito ang kaniyang braso.

“Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita!” madiin nitong sabi habang nakangiti nang peke.

Tinabig niya ang kamay nito sa kaniyang braso. “Hindi ko kailangan ang plastik na kagaya mo, kaya umalis ka sa harapan ko! Naiirita ako sa pagmumukha mo!” taboy niya kay Maira, ang kaniyang madrasta.

“Oh, Dawn, my poor daughter. Bakit hindi ka pa natuluyan?” bulong nito habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

“Buhay ka pa kasi. Hindi ako pwedeng mamatay hangga’t buhay ka pa!” pabalang at gigil niyang sagot. Muli niyang tinabig ang kamay nito.

“Ahh!” umaarteng sigaw nito.

Tumaas ang kilay ni Dawn sa inasta ng madrasta. Hawak nito ang kamay at nanunubig ang matang nakatingin sa kaniya. Alam niyang umaarte na naman ang babaeng ito. Hindi naman ganoon kalakas ang tapik niya sa kamay nito.

“Dawn! What did you do to Maira?” galit na tanong ng kaniyang Ama na hindi niya namalayan ang pagdating.

As usual. Nasa paligid pala ang kaniyang Papa kaya nag-feeling santa ang tarantadang bruha!

“Ask her. Magaling naman ’yan gumawa ng kwento e. Baka muling bumenta sa ’yo,” sagot niya sa Papa niya.

Hindi napaghandaan ni Dawn nang kaladkarin siya ng Ama palabas ng ospital. Binitawan lang siya nito pagkarating sa harap ng sasakyan. Napangiwi siya nang tumama ang kaniyang likod sa gilid ng sasakyan, pero binalewala niya iyon at hinarap ang Ama.

“Thank you sa effort mo, Pa. Inilayo mo ako sa mangkukulam na ’yon,” sarkastiko niyang sabi.

“Habang tumatagal mas lalong tumitigas ang ulo mo, Dawn. Hindi na kita maintindihan!" sermon nito sa kaniya.

“Kasi Pa, habang tumatagal din mas lalong lumalala ang kaplastikan ng asawa mo. Tapos ikaw naman habang tumatagal lumalala din ang katangahan mo. Bakit ka ba naniniwala sa—”

Natigilan si Dawn sa pagsasalita nang dumapo ang palad ng Ama sa pisngi niya.

“Disrespectful! I am your father! How dare you say that, huh?” galit nitong sigaw.

Mahinahon niya itong tiningnan taliwas na naghihimagsik niyang kalooban. “Apology for calling you an idiot, Pa. But, apology for saying this again. You’re really an idiot, Pa. Yes, you are!” muling bumaling ang kaniyang ulo nang sampalin ulit nito.

Namanhid ang kaniyang pisngi sa magkasunod nitong sampal.

“Get in the car, now!" galit nitong utos sa kaniya.

Balewalang binuksan ni Dawn ang pintuan sa backseat. Hindi niya pinansin ang mahapding pisngi. Galit namang pumasok sa driver’s seat ang kaniyang Ama. Wala silang imikan sa loob hanggang pumasok ang mangkukulam niyang madrasta. Matamis pa itong ngumiti sa kaniya.

“Let’s go?” malambing nitong sabi sa Papa niya.

Umingos si Dawn sa kilos ng babae.

“Huwag mong ipakita ang matamis mong ngiti. Baka matuwa ako at hagisan kita ng isang kumpol na langgam.”

“Dawn!” saway ng kaniyang Ama sa sinabi niya.

“Hayaan mo na siya, Romano. Alam kong hindi pa siya nakaka-recover sa aksidente kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya,” mahinahon nitong sabi sa kaniyang Ama.

“Alam mo palang hindi pa ako nakakarecover. Bakit nagmamadali kang paalisin ako sa ospital? Ayaw mo pang sabihin na gusto mo akong matuluyan,” sagot niya sa babaeng mangkukulam.

“Dawn, I’m warning you,” babala ng kaniyang Ama.

“Bigyan mo rin ng warning ang—”

“Shut up!” malakas nitong sigaw. “Don’t try me, Dawn. Iiwan kita sa gitna ng daan!” banta ng galit na Ama sa kaniya.

Tumigil si Dawn sa sinabi nito. Wala siyang hawak na cellphone para makatawag ng sundo mula sa kakilala at wala rin siyang pera para may pamasahe siya. Secluded din ang lugar kung nasaan sila at wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Mahihirapan siyang maka-survive sa daan kaysa mag-survive kasama ang bruhang madrasta niya kaya magtitiis na lang muna siya.

***

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng maliit na bahay. Dali-dali namang lumabas si Dawn para lumanghap ng sariwang hangin. Na-suffocate siya sa loob kasama ang bruha niyang madrasta.

“From now on, you’ll be staying here.” Narinig ni Dawn na sinabi ng kaniyang Ama.

Nakaalis na ang sasakyan ng Ama bago pa mag-sink in sa kaniyang isip ang sinabi nito.

“What? Me? Staying here?” parang ewan niyang kinakausap ang sarili. “N-no, no, no! Hindi pwede!”HiH paulit-ulit niyang sabi.

Inisip niya na baka panaginip lang ang lahat o pinagtitripan lang siya ng Ama para magtanda siya. Paano siya mabubuhay sa lugar na ito kung puro puno ang nasa paligid niya? Wala rin siyang natatanaw na kapitbahay. Itinapon na ba siya ng Ama dahil sa sobrang katigasan ng ulo niya at pagsagot-sagot sa bruha nitong asawa?

“Pa! You can’t do this to me! I’m your daughter!” sigaw niya habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng Papa niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying Rebellious Heiress   HAPPY ENDING

    “Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma

  • Marrying Rebellious Heiress   WOKE UP

    Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our

  • Marrying Rebellious Heiress   CRITICAL CONDITION

    Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa

  • Marrying Rebellious Heiress   GETTING BACK TOGETHER

    “Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta

  • Marrying Rebellious Heiress   THE HEIRESS MOTHER

    Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la

  • Marrying Rebellious Heiress   UNEXPECTED VISITOR

    Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status