Share

Marrying The Arrogant CEO
Marrying The Arrogant CEO
Author: eZymSeXy_05

Chapter One: Wrong Accusation

Disclaimer:

This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental. The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!

***

MANGIYAK-NGIYAK ako habang nagkukuwento sa mga pulis tungkol sa nawawala kong wallet na puro i.d, ATM at credit cards ang laman.

Ngayon ay nasa harapan ko ang guwapong lalaki na pinagbibintangan kong dumukot sa wallet ko. Siya lang naman kasi ang bumangga saakin kanina sa labas ng mall kaya't sigurado akong siya talaga ang nagnakaw no'n.

"Ano ba? Wala ka pa rin talaga'ng balak na umamin?" singhal ko sa lalaki na hindi man lang natinag sa kanyang kinauupuan.

Kalmado lamang itong nakaupo habang nakalagay sa kanyang batok ang pareho niyang mga kamay.

Guwapo ito. May matangos na ilong at kulay abo ang nangungusap niyang mga mata. Kung iyong pagmamasdan'g maigi ay hindi mo ito mapagkakamalan na isang mandurukot lalo pa't nakasuot ito ng isang business suit na talaga naman'g bumagay sa matipuno niyang pangangatawan. Tila isa nga itong modelo dahil sa tikas ng tindig nito kanina. Ngunit hindi sapat ang mga katangian na iyon upang makumbinsi ako na hindi nga siya mandurukot.

"Will you please stop eye raping me, Miss?" mayabang na wika ng lalaki dahilan upang lalo akong mainis sa kanya.

"Wow ha! Hindi ka lang basta-basta mandurukot. Mayabang ka rin!"

"Hindi nga kasi ako ang dumukot sa wallet mo!" Patuloy na pagtanggi ng lalaki. "Can't you see? I am a businessman at sa katunayan ay may meeting ako na kailangan kong daluhan kaya't nagmamadali ako kanina. Kaya lang ay bigla kang humarang sa daan kaya't aksidenteng nabangga kita." Seryosong pahayag nito.

Pagak akong natawa sa kanyang tinuran ngunit hindi pa rin ako nakumbinsi.

"Sa tingin mo naman eh maniniwala ako sa'yo? Nowadays ay marami ng scammer! Magsusuot ng magara at mamahaling damit para lang mapaniwala ang kanilang biktima na mayaman sila at kagalang-galang. Pagkatapos ay-"

"Hindi mo ako kilala miss! Kaya huwag mong husgahan ang pagkatao ko!" singhal niya.

Bahagya pa nga akong nagulat sa biglaan niyang pagsigaw kaya naman hindi ko na rin natapos ang iba ko pang sasabihin.

"Uhm...Miss Freya, paano na po 'yan? Ayaw naman pong umamin ng suspek at isa pa wala ka naman'g ebidensiya na siya nga ang dumukot sa wallet mo kaya't hindi natin siya pwedeng kasuhan." Sabad ng pulis.

"So ano, wala kayong gagawin na aksiyon, chief?" kunot noong usisa ko.

"Sinasayang niyo lang ang oras ko." Sabad naman ng lalaki na ngayon ay tumayo na at desidido ng umalis. "Marami pa akong kailangan'g gawin. Papapuntahin ko na lang dito ang aking personal lawyer para siya na ang makipag-usap sainyo." Dagdag pa nito.

"No!" maagap kong pagprotesta."Sigurado akong tatakasan mo lang ang ginawa mong kasalanan saakin!"

Sa halip na ipagtanggol ang kanyang sarili ay mas minabuti na lamang nito ang manahimik. Kapagkuwa'y may dinukot ito sa kanyang bulsa.

"Here's my calling card and my company i.d." Aniya na iniabot ang mga 'yon saakin. "Kapag hindi dumating ang abogado ko within one hour, you're free to go to my company. Doon mo ako sugurin at ipadampot mo ulit ako sa mga pulis.Nariyan sa i.d ko ang address ng kompanya at ng condo unit ko sa Makati. Batid kong sapat na 'yan para madali mo akong mahanap."

Hindi agad ako nakapagsalita. Nanatilii lamang akong nakatitig sa i.d niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakaalis na pala siya.

"Miss Freya Alcantara, may naghahanap po sainyo. Mommy niyo raw po." Anang pulis.

Tumayo ako at nilapitan ko si mommy.

" Ano ka ba naman Freya? Masyado ka ng makakalimutin!" kaagad na bulalas ng aking ina.

"Bakit na naman mom?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Naku, naiwan mo sa bahay ang wallet mo. Pagkatapos mong tumawag kanina ay saka ko lang ito nakita sa mesa." Anang aking ina na kinuha pa mula sa kanyang bag ang wallet na kanina ko pang hinahanap.

Namimilog ang mga matang napatingin ako sa dalawang pulis na kanina pang saksi sa katangahan at kahihiyan na ginawa ko.

Humingi ako ng paumanhin sa kanila at pagkatapos ay ikinuwento ko kay mommy ang buong pangyayari. Kaya naman dismayado itong napatitig saakin.

" Ano na ang plano mo?" nakangiwing sambit pa nito. "Kawawa naman 'yong lalaking pinagbintangan mo. Kailangan mong humingi sa kanya ng paumanhin." Seryosong pahayag ng aking ina. Tinanguan ko naman ito ngunit sa isip ko ay wala talaga akong balak na hanapin pa ang lalaking iyon.

Tama na ang kahihiyan'g sinapit ko mula sa mga pulis kaya't ayoko ng dagdagan pa 'yon ng panibagong kahihiyan mula sa guwapong estranghero na iyon.

"Umuwi na lang tayo mom." Pag-iiba ko ng usapan na agad naman'g sinang-ayunan ng aking ina.

Hindi ko na hinintay pang dumating ang abogado na sinasabi ng guwapong lalaki na iyon kanina. Kaya't halos kaladkalarin ko na si mommy palabas ng headquarters na iyon.

Nang makarating kami sa aking kotse ay nagpresinta ng magmaneho si mom kaya't pinagbigyan ko na ito. Subalit ilang sandali pa'y napansin kong ibang direksiyon ang tinatahak namin. Hindi iyon patungo sa bahay namin sa Makati.

"Mom! Saan ba tayo pupunta?" hindi na ako nakatiis pa at tinanong ko na nga siya.

"Tsk...um-oo ka sa'kin kanina na hihingi ka ng sorry do'n sa lalaking pinagbintangan mo. Kaya heto, pupuntahan natin siya."

"Mom, pabigla-bigla ka naman magdesisyon!" reklamo ko. "Ni-hindi ko nga alam kung saang sulok ng mundo 'yon nakatira eh."

"Liar! Nariyan sa i.d niya ang address ah. Imposibleng hindi mo alam." Giit pa ng aking ina.

Saka ko lang din napansin na kanina ko pa pa 'lang tangan ang id at calling card ng aroganteng lalaki na iyon.

"Pasimple akong sumulyap sa mga nakasulat do'n at halos mapasigaw ako sa aking nabasa. "Damon Fuentebella, Chief Excecutive officer"

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa aking mga kamay at paa.

Binalingan ko si mom. Kinumbinsi ko itong huwag na kaming tumuloy ngunit hindi pa rin ito nagpaawat.

Nag-isip ako ng paraan.

Kapagkuwa'y nagkunwari akong masakit ang tiyan.

Nataranta si mommy kaya't iniliko niya agad ang kotse at dinala niya ako sa pinakamalapit na clinic.

Maya-maya pa ay in-eksamin na ako ng doctor. Mabuti na lang at napakiusapan ko ito na huwag sabihin kay mommy ang totoo kong kondisyon.

Masinsinan kong kinausap ang doktor at napapayag ko naman ito sa aking kalokohan. Kinausap niya ang aking ina at kung anu-ano ang sinabi para makumbinsi itong masakit nga ang aking tiyan.

Halos tatlong oras na rin kaming naroon sa clinic na iyon. Hanggang sa mawala na nga sa isip ni mom ang paghahanap namin sa lalaking pinabintangan ko ng pandurukot.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ni mommy.

Batid kong si dad iyon dahil sa tono ng pananalita ni mom ay halatang namumroblema na naman ito.

Matapos nilang mag-usap ay muling lumapit saakin si mom.

"Freya, we need to go home honey." Anang malungkot na tinig ni mom." May importante raw na sasabihin sa'tin ang dad mo.''

"Is it all about the company mom?"paniniyak ko.

Nitong mga nakaraang linggo kasi ay naririnig ko silang nag-uusap ni dad patungkol sa lagay ng aming kompanya. At ayon sa mga narinig ko sa kanila ay unti-unti na nga itong nalulugi.

"Let's go honey! Bibilhin na lang natin ang mga gamot na inireseta ng doctor para mawala na ang pananakit ng tiyan mo." Aniya dahilan upang walang imik na sumunod na lang ako sa sinabi ni mom.

PAGDATING sa bahay ay naabutan namin si dad na mag-isang umiinom ng wine sa sala. Nilapitan ko ito at hinalikan ko sa pisngi.

"Hey! Are you okay dad?" kaagad na tanong ko sa kanya.

"Yeah, i'm okay honey."

Binalingan rin ni dad si mom na ngayon ay tahimik lang na nakaupo sa kanyang tabi.

"Uhm...Fatima, may gusto sana akong hingiin na pabor sa anak natin." Panimula ng aking ama. Kunot noong napatingin ako sa mag-asawa at tahimik kong hinintay ang mga susunod pang sasabihin ni dad.

"Joaquin, ano bang klaseng pabor 'yon? Bakit hindi mo masabi kanina habang kausap mo ako sa cellphone?" ani mom.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni dad bago nito sinagot si mommy.

Kapagkuwa'y malungkot na nga itong nagwika.

"Malapit ng bumagsak ang ating kompanya. At ayaw ko sana'ng mangyari 'yon dahil paniguradong maapektuhan tayong lahat sa oras na wala na akong mapagkuhaan ng perang panggastos natin sa araw-araw."

"Anong gusto mong gawin namin ngayon ng anak mo?" sa wakas ay naisatinig rin ni mom.

"I want Freya to get married soon." Seryong sagot ng aking ama.

"What?" kaagad na naibulalas ko.

"Uso pa rin ba ngayon Joaquin ang arrange marriage?" sabad naman ni mom.

"Fatima, uso man o hindi, wala na akong pakialam do'n. Ang mahalaga ngayon ay maisalba ang ating kompanya."

"Pero hindi laruan o ano man'g bagay ang anak natin! Hindi mo siya pwedeng basta na lang ipakasal sa taong hindi niya naman kilala at hindi niya rin minamahal." Nanggagalaiting sambit ng aking ina.

Samantalang ako ay wala ni-isang salita ang namutawi sa aking labi.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga sinabi ni dad. Year 2015 na kasi eh, pero ang mga kilos at desisyon ni dad ay pang Year 2000 pa kung saan ay uso ang arrange married. Isa't kalahating dekada na ang matulin'g lumipas, tapos heto at ibinabalik niya na naman ang gano'ng sistema.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status