Share

Chapter Three

CHAPTER THREE

Maureen's POINT of VIEW

"Sigurado po ba kayong ayaw niyong magpa-hospital?" nag-aalala kong tanong kay Mom.

Nakaupo siya sa sofa habang hinihilot ko ang palad niya. High blood din kasi 'to e at gustuhin ko mang dalhin siya sa hospital, panay naman ang tanggi niya at paulit na sinasabing okay lang daw siya.

"I'm okay." simpleng sagot niya.

Kita niyo na?

"Heto na ang tubig." Nagmamadaling lumapit si Dad sa pwesto namin at ibinigay ang basong may lamang tubig kay Mom.

Inalalayan ko si Mom na umupo nang maayos para uminom ng tubig at pagkatapos niyang uminom, kaagad siyang bumaling sakin. "Saan mo nakilala 'yan?" Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya si Reich na prenteng nakaupo sa single sofa at mukhang walang pakialam.

Hindi daw siya aalis hangga't hindi niya nasisigurado na okay lang si Mom. E, sa hitsura niya pa lang ngayon, halatang iba ang pakay niya at idinadahilan niya lang ang nangyari kay mom.

Sinabihan ko na siya kahapon na hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Hindi pa ako handa sa mga ganyan. The fact, na hindi namin mahal ang isa't isa? Magsasayang lang siya ng pera sa kasal kapag nagkataon.

"Ang totoo—"

"How are you feeling po?" singit ng lalaking kanina lang ay abala sa kakagala ng paningin sa kabuuan ng bahay.

Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanya.

"Hindi kita gusto para sa anak ko." Matalim bagang sagot ni Mommy sa kanya.

Napahawak ako kay Mom dahil alam kong anytime, handa siyang sugurin si Reich base sa expresyon niya. Parang sinakop pa ako ng kaba dahil sa tono nito. Seryoso siya at 'yon ang kinakatakot ko. Minsan lang siya magseryoso, pero tatayuan ka talaga ng balahibo lalo na sa tingin na ipinupukol niya kay Reich.

"Pero gusto po ako ng anak niyo." giit naman ng lalaking 'to na siya'ng ikinalaki ng mga mata ko

What did he say? Ako? May gusto sa kanya? Balak ko na sanang sumagot nang magsalita si Dad.

"Baka nagkakamali lang siguro kayo, Mister Lionel. Alam niyo kasi, 'yang anak kong si Kiana. . . Hindi pa 'yan nagawang makipagrelasyon sa ibang lalaki, kaya isang napakalaking pagkakamali—"

"Dad!" suway ko. Parang pinapamukha niya kasi na walang nagkakagusto sakin, kaya never akong nagkaka-boyfriend. Hindi ba pwedeng, sabihin niya na lang na mapili ako? Tch.

"If loving her is really a mistake, then I won't stop from committing that mistake over and over again even if I get tired."

Bahagya akong napairap dahil sa sagot ni Reich. His voice sounds like a Knight and shining armour, trying to save our relationship from antagonists. Hindi ba siya kinikilabutan sa mga pinagsasabi niya?

"B-Bakit mo ba gustong pakasalan ang anak ko?" Halos mangunot ang noo ko dahil sa tanong ni Dad. Naniniwala talaga siya na magpapakasal ako sa lalaking 'yan?

"Hindi naman po talaga—"

"She's the one. . ." putol ni Reich at saglit siyang napatitig sakin bago muling tumingin sa mga magulang ko. "When I first saw her, I knew she's the one." Pilit siyang ngumiti tsaka napayoko.

Best actor din naman pala 'to e. Sana nag-artista na lang siya kesa maging business man. Mas malaki pa siguro ang kikitain niya sa gano'n.

“She is unlike any other girls I have come across. She is a rare find... a valuable gem, and I cannot fathom my future without her beside me. She's everything to me.” Tumayo siya at naglakad palapit sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at sinenyasan akong tumayo, ngunit inagaw ko ang kamay ko sa kanya at napairap ng kusa.

He's a great liar. Tch.

"Please allow me to marry your daughter, sir. I promise not to hurt her, no matter what." sabi pa niya dahilan ng pagsapo ko sa noo ko at natawa nang tuluyan.

"Seryoso ka?" I mockingly asked him after laughing so hard.

Nakita kong medyo nagtaka naman sina Dad dahil sa inasta ko. I don't care kung iisipin nilang nababaliw na ang nag-iisa nilang anak. Sino ba naman ang hindi mababaliw kung may isang siraulo dito na nag-aaya ng kasal sakin?

"Hindi parin ako kumbinsido sa sinasabi mo." biglang sabat ni Mom.

Mabuti pa 'tong nanay ko, hindi kagaya ni Dad na paniwalang-paniwala kaagad sa sinasabi ng iba without a valid proof.

"Mahal ko po ang anak niyo," there he go again.

He really loves lying, huh? Sad.

"Bakit mo kinuha sa amin ang Herrerro Enterprise?" hirit pa ni Mom.

Napatingin ako kay Reich at hinintay ang sagot niya. He paused for a while at nag-isip ng maisasagot. Tingnan natin kung hanggang saan mo magawang panindigan ang kasinungalingan mo.

"Ibang usapan na po 'yan atsaka hindi ko naman kinuha, binenta niyo po sakin 'yon." rason niya

"There will be no wedding!"

"Pero—"

"GET OUT!" Napatayo si Mom kaya kaagad ko siyang inawat para paupuin ulit. Baka bigla na naman siyang mahimatay.

"Mom, kumalma nga muna kayo at baka mahimatay na naman kayo." paalala ko.

"Paalisin niyo 'yan!" utos niya bago huminga ng malalim at sumandal sa sofa.

Kinuha ko ang pamaypay at pinaypayan siya dahil medyo namamawis na naman siya kahit naka-aircon naman 'tong buong bahay. May katabaan kasi si Mom, kaya hindi malabong madalas siyang ma-high blood at mahimatay.

"Y-Your daughter is pregnant."

Natigil ako sa ginagawa ko nang magpintig ang dalawa kong tenga sa sinabi ni Reich. "What?" Nanlaki ang mga mata kong tanong at napatayo nang wala sa oras.

What the hell is he talking about? Papanong buntis? Ni wala pa ngang lalaki ang nakakagalaw sakin tapos sasabihin niya ngayong buntis ako? Baliw ba siya?

"KIANA MAUREEN!" biglang sigaw ni Dad.

I gulped as I saw him clenched his fists in anger. "It's not what you think. Hindi po totoo ang sinasabi niya.” tanggi ko. Napatingin pa ako kay Mom at ngayo'y parehas na sila ng reaksyon ni Dad.

Kaagad namang lumapit si Mister Lionel at nagsalita. "Look, sir. Papanagutan ko po ang anak niyo that's why I want to marry her as soon as possible." he said trying to convince my Dad at mukhang ako yata ang gigisahin sa sariling mantika ng lalaking 'to.

I regret meeting him yesterday. I knew he's into something kaya siya nagpupumilit na ikasal ako sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status