Share

Marrying The Billionaire
Marrying The Billionaire
Author: nhumbhii

Chapter One

CHAPTER ONE

MAUREEN's POINT of VIEW

"Siya ba talaga 'yan?" tanong ko sa kasama ko habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nakaupo, di kalayuan sa pwesto namin dito sa Starbucks.

Saglit akong napatingin sa kaibigan kong si Fhaye at nakita kong nakatutok ito sa kanyang ipad. "Walang duda, siya nga 'yan." sagot niya pagkatingin niya sakin.

"Sigurado ka?" paninigurado ko kaya bigla niyang inilapit sa mukha ko ang ipad niya. Tinitigan ko muna ang picture sa ipad bago tumayo at kumuha ng bwelo.

Okay. This is a matter between life and death. Kailangan kong mapakiusapan ang lalaking 'yon.

Taas noo akong naglakad palapit sa table ng lalaki. Pigil hininga pa ang ginawa ko dahil medyo hindi ako sanay na naka-chin up. Mahirap, pero kakayanin ko 'to.

Medyo malapit na ako sa pwesto ng lalaking kakausapin ko, nang biglang may tumulak sa likuran ko dahilan ng pagkakatapilok ko kaya nawalan ako ng balanse at sumalampak sa sahig.

"Aray ko. . ." napatingin ako sa suot kong stiletto at nakitang naputol ang heels. Kainis!

Sunod kong tiningnan kung sino ang may sala sa pagkakatumba ko pero nanlumo na lang ako nang makitang isa pa lang bata.

Jusko! Bakit may bata dito?

"Anong ginawa mo?" mabilis na lumapit sa amin ang isang Ginang at kaagad na tinulungan akong makatayo.

"Naku, hija pasensya na talaga. Buong akala ko kasi ay nasa likuran ko lang ang anak ko kaya hindi ko namalayan na nakaalis siya." pagpaumanhin nito.

Chineck ko muna ang suot kong stiletto bago sumagot. "Okay lang po. Hindi naman po siguro niya sinasadya." pilit ang ngiti ko.

Napatingin ako sa table ng kaibigan ko at nakitang nakangiwi siya sakin ngayon. Ngayon ko lang din napagtanto na pinagtitinginan pala ako ng mga tao dito. Gustuhin ko mang baliwalain ang mga titig nila pero nakakahiya parin.

"Pasensya na talaga." umalis na ang Ginang at pinagsabihan ang anak niya habang papalabas sila sa Starbucks.

Ako naman 'tong si mukhang engot at paika-ikang naglakad dahil nga sa naputol ang heels ko. Pero buo pa din ang desisyon kong gawin ang balak. Hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga tao, at dumiretso na lang sa table ng lalaking pakay ko.

"Mister Reich Lionel?" usal ko nang makalapit ako sa table ng lalaki.

Walang emosyong tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling tumitig sakin. Naghintay ako ng ilang saglit sa sagot niya pero mukhang naghihintay lang ata ako para sa wala.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan at nang mapasandal ako, bigla kong naramdaman na parang may napunit sa likuran ko. Kaagad akong kinapa ito at napagtantong natanggal ang dalawang butones sa back part ng suot kong dress.

Bakit ang malas ko yata ngayong araw?

Napatingin ako sa direksyon ni Fhaye at sinenyasan siyang nasira ang damit ko. Todo senyas din naman ang loka na hayaan ko lang muna ang damit at unahin ang pakay ko sa lalaking nasa harap ko.

Umaayos na lang ako ng upo habang hawak ng isang kamay ko ang dress kong nasira sa likuran. Muli akong tumingin kay Mister Lionel at halos lunukin na ako ng gulat dahil sa masamang tingin na ipinupukol niya sakin.

"I-I'm Kiana Maureen Silvanna. But you can call me Maureen to make it short." nakangiti kong sambit at pilit na inabot ang kamay ko sa kanya para makipagkamayan pero tinabig niya lang ito.

Attitude lang? Pasalamat nga siya at nagawa ko pang makipagkamayan sa kanya kahit na hirap na hirap na akong pigilan 'tong dress para hindi tuluyang matanggal ang iba pang mga butones.

"O-Okay. . . Uhm. . ." saglit akong napaisip kung paano ko sisimulan ang sadya ko sa kanya. Masyadong mahirap lumagap ng salitang sasabihin lalo pa't mas ma-attitude siya kumpara sakin.

"Did your parents sent you here para kausapin ako patungkol sa kompanya niyo?"

Bingo! Mabuti naman at nasabi niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Walang kaalam-alam ang parents ko na kausap kita ngayon dahil sarili kong desisyon ang kausapin ka nang masinsinan." sabi ko sa kanya.

"What do you want? Is there anything else that I could help or assist you with?" ngisi niya sakin dahilan ng pagtayuan ng mga balahibo ko sa katawan.

He creeps the h*ll outa me!

The way he looked at me, parang may gagawin siyang masama base sa sinasabi ng kanyang mga mata. "Ibalik mo ang kompanya namin." I said trying to hide my uneasiness.

"Why would I?"

"Because it was never been yours in the first place." napahampas ako sa table dala ng inis na nararamdaman. He tricked my Dad kaya niya nakuha sa amin ang kompanya.

"I already bought it."

"Edi bibilhin ko."

"Five hundred million?" patanong niyang sagot.

Halos mangunot naman ang noo ko sa laki ng pera na sinabi niya. "Pero three hundred million lang ang benta sayo ni Dad." rason ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

Nalulubog na sa utang si Dad at malaking pera ang inutang niya. Malapit na din malugi ang negosyo namin kaya binenta na lang ni Dad ang kompanya sa halagang three hundred million para kahit papano'y may ipambayad siya sa utang niya sa bangko.

"Am I your Dad?" napaawang na lamang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "But if you really want me as your Dad, then should I call you babygirl instead of Maureen?" dagdag niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Pwede ko ba siyang itulak katulad ng ginawa sakin kanina ng bata? Baka sakaling maalog ang utak nito at tumigil sa kalokohan.

"I'm serious."

"Do I look like I'm kidding?" hirit niya kaya inismiran ko na lang siya.

Ang seryoso ko dito tapos sasabayan niya ng mga ganyang klaseng usapan? Tch.

"C'mon! Saan ako kukuha ng five hundred million?" pagbabalik ko sa usapan.

Ni hindi nga umabot sa isang milyon ang sweldo ko sa isang buwan, tapos five hundred million pa kaya? Saan ako kukuha ng ganyang kalaking halaga?

"Problema ko ba 'yon?" kumunot ang noo niya tsaka ininom ang laman ng tasa na nasa harap niya.

Bumaling muna ako kay Fhaye para humingi ng tulong pero may sariling business ang loka kaya mukhang wala akong makukuhang tulong galing sa kanya.

If hindi ko mababawi ang kompanya nila Dad, hindi lang ang kompanya ang mawawala, kundi pati sina mom at dad na din dahil narinig ko sila kaninang umaga na nag-aaway. Mom blamed Dad for selling our company without a proper consent coming from her. Ang sabi pa ni mom ay makikipag-hiwalay na siya kay Dad kapag hindi nabawi ang company namin.

"Mag-aapply na lang ako sa company mo then swelduhan mo ako ng one million per day." suhesyon ko at nanunuyong tinitigan siya dahil wala na akong mahanap na paraan.

Daig ko pa ang presidente sa sweldong one million per day. Pero malay natin at pumayag , although ang labo nga lang mangyari.

Bigla siyang natawa at naiiling na tinitigan ako. "You really are good at making jokes babygirl."

"Pero seryoso ako."

"Saan ka makakahanap ng trabaho na magpapasweldo sayo ng one million sa isang araw lang?"

"Sayo," diretsa kong sagot.

"Okay." maikli niyang tugon tsaka tumayo.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Teka, papayag ka na?" usisa ko. Tanging 'okay' lang kasi ang sinagot niya at hindi pa ako sigurado kung ano ang ibig sabihin ng 'okay' niya.

"No."

"Paano 'yong company namin?" giit ko pero umiling lang siya.

"Kompanya ko na." pagtatama niya sabay tanggal sa kamay kong nakahawak sa kanya at tumalikod para umalis.

Balak ko pa sanang sumunod sa kanya nang maalala kong sira nga pala ang stiletto ko at pati na din ang butones ng damit ko. Kainis talaga.

"Fine! I'll do whatever you asked me to do, basta ibalik mo lang sa amin ang company ng parents ko." pahabol ko kaya huminto naman siya at lumingon sakin.

"Sigurado ka?" naglakad siya pabalik sakin at nag-aabang sa sagot ko.

Dahan dahan akong tumango dahil mukhang hindi maganda ang dating ng sinabi ko sa kanya. Normal lang siguro na magpaka-desperada ako diba? Lalo na sa sitwasyon ko.

"Are you single?" tanong niya.

Medyo nagtaka pa 'ko kasi hindi ko ini-expect na itanong niya sakin 'yan. Balak niya ba akong ligawan kapag sinabi kong single ako? Pero what if hindi pala ganyan ang ibig niyang sabihin? I mean, ibang single ang tinutukoy niya, o edi pahiya pa ako kapag gano'n.

"Dati may kakambal ako pero—"

"I am asking about your relationship status."

"Oo."

Ayt. Akala ko kung ano na, balak ko pa naman ikwento sana ang kakambal ko, kaso mukhang ayaw niyang makinig kaya huwag na lang.

"Then marry me."

"E, magpapakasal lang naman pala—WHAT DID YOU SAY?" pasigaw kong tanong na nakapag-agaw sa atensyon ng mga taong nandirito.

Marry him? Seryoso ba siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status