Share

Chapter Six

MAUREEN

“Kanina ka pa tulala. Ayos ka lang, teach?”

I was taken aback when Fhaye suddenly snapped her finger in front of me. “Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo. Malapit na kaya matapos ang lunchbreak.” dagdag pa niya.

“I have something to tell you...” medyo nag-aalinlangan kong sabi.

Sa totoo lang, kagabi pa ako binabagabag nitong iniisip ko. Halos hindi nga din ako makapagturo nang maayos dahil dito.

“Bakit? Ano ba 'yan?” pag-uusisa niya.

-F-L-A-S-H-B-A-C-K-

“Hurry! Kailangan kong makahabol sa flight ko ngayong gabi,” nagmamadaling ibinigay sakin ni Reich ang marriage contract saka tumalikod at tinipa ang cellphone niya. “Few more minutes. I'm on my way,” dinig kong kausap niya sa kabilang linya ng telepono.

Halos manlumo ako habang nakatitig sa kontratang nasa harap ko. Marriage Contract? Ganitong wedding pala ang tinutukoy niya? I was expecting na bibigyan niya ako ng isang engrandeng kasal pero tanging civil wedding lang set up namin.

Kaya pala ang lakas ng loob niya kanina na sabihin sakin na naka-ready na daw ang wedding. Pero ano 'to? Kahit parents ko wala nga dito. Tanging kaming dalawa lang at ang judge na nagkasal sa'min.

Pinasadhan ko ng tingin ang aking kamay. Kahit singsing, wala man lang binigay sakin. So, ano 'to? Talaga bang kasal lang kami sa papel? Walang proof na kasal na ako kapag may magtanong sakin? At paano naman ang dream wedding ko na maikasal sa isang mala-engrande? Maglalaho na lang ba 'yon na parang bula?

“Tapos na ba?”

Nagising ako sa wisyo nang biglang lumapit sa gawi ko si Reich. “May problema ba?” nag-aalala niyang tanong nang makita niya akong nakabusangot ang mukha.

Oras na pipirmahan ko 'tong marriage contract, ibig sabihin wala nang pag-asang matupad ang pangarap kong wedding.

“P-Pagkatapos nito, anong mangyayari?” utal kong tanong. Muli kong iginawi ang tingin sa hawak kong marriage contract. “You should've atleast called my parents.”

I bit my lower lip bago pinirmahan ang kontrata. I tried to hold back my tears dahil ayokong mag-inarte dito.

I made a promise to my dad na siya ang kasama kong pupunta sa altar oras na ikasal ako. I even told him na magpapakasal lang ako sa taong mahal ko at mahal ako para makampanti siyang nasa mabuting kamay ako oras na bumukod na ako.

I had no boyfriend since birth, kasi gusto kong ang maging una at huli sa buhay ko ang magiging asawa ko kung saka-sakali.

“We're at legal age and right age to decide for our wedding without parental consent. Civil wedding lang naman 'to. Ang importante, kasal na tayo.” paliwanag niya.

“Uuwi na 'ko,” Tumayo ako at kinuha ang bag saka siya tinalikuran at lumabas sa opisina ng judge. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya.

Chineck ko ang phone ko at nakitang mag-aalas syete na ng gabi.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan kong marating ang exit nitong gusali.

Napatingin ako sa nangingitim na kalangitan saka bumuntong hininga. Today marks our wedding anniversary date, but I don't feel like I'm married. Masyadong napakabilis ng mga pangyayari para i-sink in lahat sa utak ko.

“HEY!”

Napabaling ako ng tingin at nakita ang naghahabol ng hininga na si Reich.

“K...Kanina pa kita... t...tinatawag,” kapos sa hininga niyang sambit. Napahawak pa siya sa magkabila niyang tuhod at pilit na ikinakalma ang paghinga.

“May kailangan ka pa ba? Gabi na din naman at kailangan ko nang umuwi,”

Inayos niya muna ang paghinga niya bago ako sinagot. “I already asked someone para ihatid ka pauwi. I have business to attend abroad and I can't accompany you tonight. I'm sorry,”

“Ayos lang. Kaya ko namang—”

“I simply want to ensure your safety because I now have the responsibility as your husband.” He said, cutting me off.

Bahagyang nagsitayuan 'yong mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya, or sadyang malamig lang ang simoy ng hangin dito.

“Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi. Sa ngayon, do'n ka na lang muna tumira sa parents mo. If you need anything, don't hesitate to call me, okay?” he added, and he's serious. I can see it written on his face.

Hindi yata ako sanay na ganito siya ngayon.

-E-N-D—O-F—F-L-A-S-H-B-A-C-K-

“Seryoso ka?” tila hindi makapaniwala si Fhaye nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. “Si Reich Lionel? Nagpakasal kayo kagabi? Bakit hindi ko man lang napanood sa balita? Sa sobrang yaman ng lalaking 'yon, paniguradong madami ang gustong mag-cover ng wedding niya.”

“Kasi nga biglaan lang din,” pabulong kong sabi sa kanya dahil baka may makarinig. “Saka naalala mo noong una kaming nagkita? Inalok niya ako ng kasal no'n diba?”

Hindi ko pa sinabi kina Mom ang tungkol sa kasal ko, at tanging si Fhaye pa lang ang nakakaalam.

“Oh? Asan 'yong singsing mo? Hindi ako maniniwala sa'yo hangga't wala kang may ipinapakita sakin?” pinagtaasan niya pa ako ng kilay at daig pa ako kung magtaray.

Saglit akong napatingin sa kaliwa kong kamay. Ayon lang, wala nga pala akong singsing.

“Oh, diba? Wala? Naku, ikaw ha. Ang hilig mong mangarap, teach. Sa susunod kasi, huwag si Reich Lionel. Alam ng lahat kung gaano kataas abutin ang isang katulad niya. Sigurado akong matataas din ang standard niya. Hindi 'yon papatol sa mga kagaya natin, ano!” nakangiwi niyang paliwanag at naiiling pa. Pinapamukha niya talaga na walang papatol sakin na kasing yaman ng Reich na 'yon.

“Kumain ka na nga diyan. Magbabayad lang ako.”

Hindi ko na siya pinilit na maniwala sakin. Wala naman akong proweba na kasal nga talaga kami.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Coleen Gorordo
update please
goodnovel comment avatar
Arlyn Formacil
update plss
goodnovel comment avatar
Coleen Gorordo
next update po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status