Share

Chapter Two

CHAPTER TWO

REICH's POINT of VIEW

"When are you planning to get married?" tanong ni Dad habang nasa kalagitnaan kami ng dinner.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. He keeps on asking me these past few months patungkol diyan, pero kagaya ng nakasanayan ko. Hinahayaan ko na lang na magtanong siya ng magtanong at hindi binibigyan ng sagot.

"Dad? Hindi pa nga siya naka-move on sa dati niyang—"

"Next month." putol ko sa lalaking sumagot. Seryoso ang mga matang tinitigan ko si Risen at ngayo'y nakangisi na siya sakin.

This jerk needs a proper guidance na huwag sumagot sa tanong na hindi naman para sa kanya. Tch.

"Really, huh?" pang-aasar niya.

"May girlfriend ka, kuya?" kaagad na tanong sakin ni Rullet at hindi makapaniwalang tinitigan ang katabi niyang si Rexie. "Kailan mo ipapakilala samin?" sunod niyang tanong.

"Is she pretty?" tanong naman ng katabi niya. "Oh maybe, she looks like a model?" hirit uli niya.

"She's not." maikli kong sagot sabay nguya sa kinakain ko.

"WHAT?. . . WHY?" magkasabay nilang tanong.

Hindi ko sila sinagot dahil wala naman akong kaalam-alam patungkol sa babaeng 'yon. I just met her yesterday at hindi ko pwedeng sabihin 'yon sa kanila.

"Kamusta naman ang Highlights Advancement?" pag-iiba ni Dad sa usapan.

"He fired more than half of his employee, Dad." sabat na naman ni Risen. Ikinuyom ko na lang ang kamao ko at muling ipinagpatuloy ang kinakain. "Sinasabi ko naman kasi sa inyo na hindi nararapat para sa kanya ang Highlights Advancement." dagdag niya na nakapagpangisi sakin.

He's really into my company. Walang-wala na ba 'to? Tch.

"Ni hindi nga yan pumapasok sa opisina niya at puro gala lang ang alam. Ganyan ba ang tunay na CEO?" pagpaparinig pa ng g-go kung kaya't pabagsak kong binitawan ang hawak kong tinidor tsaka inis siyang tinitigan.

"Son," bulong ni Mom at hinawakan pa ako sa kamay.

Napatingin ako sa kanya at marahang inalis ang kamay niya sakin. "Akala ko ba, simpleng dinner lang 'to?" matabang kong tanong at tinitigan ang bawat isa sa kanila.

"Sitdown!" pagalit na utos ni Dad pero umiling lang ako.

"No. Aalis na po ako." sabi ko sa kanya at inismiran ang mga kapatid ko.

"Ilugar mo ang kabastusan mo, Reich." suway naman ni Rianna kaya napatingin ako sa kanya.

"Kasalanan ko bang hindi ako na-informed na may pabibo pala tayong kasama? Tch." kawalan ng paggalang kong sagot. "Mom, mauna na po ako." baling ko kay Mom at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Maybe, she's still hoping na sana magkasundo na kami ng mga kapatid ko, but hell! That will never happen.

I glanced at them once more before turning my back without saying a proper goodbyes. Dumiretso ako sa garahe at pumasok sa kotse ko. Kaagad ko itong pinaharorot para mabilis kong marating ang destinasyon ko.

Within twenty five minutes, I finally reach my destination, the Silvanna Residence. Ipinarada ko muna ang kotse ko bago lumabas at tinungo ang gateway ng bahay.

"Nandiyan po ba si Maureen?" tanong ko sa isang security na nakabantay dito. Napatingin pa ito sa kasama niyang isa pang security at may kung anong pinag-usapan bago muling bumaling sakin.

"Pumasok po kayo, sir." sabi niya at pinagbuksan ako ng gate. Pagkabukas sa gate, kaagad akong pumasok at dumiretso sa loob ng bahay. Feel at home lang.

"KASALANAN MO LAHAT NG KAMALASANG NANGYAYARI SA PAMILYA NATIN!"

"Why do you keep on blaming me? Sinabi ko naman sayo na 'yon lang ang paraan natin para mabayaran lahat ng utang."

Bumungad kaagad sakin ang dalawang mag-asawa na nagtatalo sa living area nitong bahay. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin kung nasaan si Maureen, pero wala akong makita ni anino niya.

"Mom? Pwede bang itigil niyo na 'yan? Kanina pa kayo away ng away. Hindi ba kayo nagsasawa sa kakasigaw?"

Napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan. She's only wearing a plain white huge shirt at sleeping pants na mas lalong nakapag-pandak tignan sa kanya. I guess, she's 5'2 high?

"Kanina pa nakahain ang dinner sa dining at kayo na lang ang hinihintay." usal pa niya nang makalapit siya sa parents niya sa living area.

Hindi na din ako nagpaligoy ligoy at pumunta sa gawi nila. "Good evening po," magalang kong bati dahilan para maagaw ko ang atensyon nila at mapatingin sakin.

"M-Mister Lionel? Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Mister Silvanna kaya ngumiti lang ako bilang tugon. "M-May problema ba s-sa kompanya na—"

"Wala naman po," putol ko tsaka bumaling kay Maureen.

Pinandilatan niya ako ng mata na para bang sinasabing 'I'll kill you, kung hindi ka aalis dito'

Tch. As if I care.

"Huwag mong sabihin na pumunta ka lang dito para sa wala?" sabat ni Misis Silvanna at tinitigan pa ako ng masama.

Mangangain ata 'to ng tao.

"B-Baka naliligaw lang po siya, hehe." parang engot naman 'tong si Maureen at kaagad akong hinila palayo. "Diba sinabi ko naman sayo na hindi ako papayag?" bulong niya pero puno nang diin ang bawat salita.

"May sinabi ka ba?" tanong ko at inis siyang napatitig sakin sabay hinto sa paghila. Sa kadahilanang pandak siya, hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at sapilitan siyang pinaharap sa living area. Ako naman ngayon ang tumulak sa kanya pabalik.

"Put your hands off me." halata ang panggigigil niya sabay hampas pa sa kamay ko pero hindi ko siya sinunod hanggang sa makabalik kami sa gawi ng parents niya.

"Hey mom! Hey Dad! We have something to tell you." nakangiti kong sambit at halos malukot naman ang mukha ni Misis Silvanna dahil sa tinawag ko sa kanila.

"Hijo, mukhang—"

"Your daughter is getting married." putol ko kay Mister Silvanna sabay akbay sa anak niya.

Napatingin ako kay Misis Silvanna nang bigla niyang hawakan ang kanyang dibdib na para bang nahihirapan sa paghinga.

"And I am her fiancè. Your future son in law." dagdag ko dahilan ng pagkakatumba ni Misis Silvanna. Mabuti na lang at kaagad siyang nasalo ng kanyang asawa.

"Mom!" mabilis na pumunta si Maureen sa mommy niya at sinapo nito ang pulsuhan.

Nahimatay ata? Maybe this is not the right time to throw surprises, right?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status