Share

Chapeter Seven

last update Last Updated: 2025-10-15 21:31:32

Dahil sa nangyari kanina ay hindi na kami pinapasok pa ni mommy sa school, sa halip ay pinapagalitan kami nang walang tigil.

Simpleng pangaral na masakit na sa tainga lalo na habang senisermonan kami nina Mommy, nagsisipaan naman kami ng paa ni Gianna sa ilalim ng mesa. Imbes na sa school kami pupunta, sa hospital ang bagsak namin, para ipa-checkup. Dahil sa mga para at sugat, dagdag na nag-concussion ako kanina. Baka daw may bumarang dugo sa utak ko.

Minsan talaga nagpapasalamat din ako kay Mommy, dahil siya ang naging mommy ko kahit na lagi niya akong inaaway kung nag-away kami ni Gianna. Lagi na lang akong nasasaktan dahil kay Tomboy. Wala talagang kuwenta na babae si Gianna, kahit kailan. Subukan niya lang palakihin ang boses niya at sasabunutan ko talaga siya. Inis kung tiningnan si Tomboy na ngayon ay katabi ko sa sasakyan. P'wede naman ako sa unahan katabi ni Mommy, pero dito talaga ako pina-upo sa likod kasama itong Tomboy na 'to. Nakakainis! Sarap bigwasan sa matres.

"Tomboy umusod ka nga nang kaunti palayo sa akin, ayokong naaamoy kita. Eww!" inis kong utos kay Gianna sabay tulak ng ulo nito palayo sa akin gamit ang aking hintuturo.

"The feeling is mutual Mr. Romano." sagot sa akin ni Tomboy saka umusod. Kung p'wede lang e-extend itong upuan ginawa ko na kanina pa Romane." inis na sagot sa akin ni tomboy sabay irap.

Aba't sasagot pa talaga. Wala talaga akong salita na walang pabalang na sagot itong babaetang ito. Akala niya talaga uurungan ko siya kumo kinakampihan siya ni Mommy. Puwes, nagkakamali siya dahil kahit itakwil pa ako ng Pamilyang Romano papatol talaga ako sa lalaking may boobs.

"Kung gusto mo doon kana sa bubong doon ang extension ng kotse." sagot ko naman sa kanya. Maygad. Nagmumukha na akong babaeng may menstruation at may pairap-irap pa akong nalalaman. Hayst. Umiiba na talaga ang mood ko at ugali kapag si tomboy ang katabi, kasama at kausap ko.

'I am not a girl and I am not a bisexual, I am a man.' ani ko sa isip ko. And I don't hate LGBT I just hate this person's beside me. Hindi naman kami ganito dati ni tomboy, actually medyo friends pa kami dati una pa lang kasi ramdam ko na ang pagkasiga ni Tomboy at ako namang totoong lalaki ay hinahayaan ko lang siya dahil I have respect for her. Nagsimula lang naman talaga to sa laruan kong dragon ball Z e at sa damit na mga binibigay sa kanya ni mommy.

Bakit ako nagagalit kapag nagbibigay ng damit si mommy sa kanya? Kasi damit ko lang naman ang kinukuha niya. Kapag sinabi niya kay mommy na gusto niya ang damit ko na ganito hala bigay naman nang bigay si mommy at hindi nagpapaalam sa akin. Ako kaya ang may-ari hindi si mommy at gusto ko din ang mga damit na binili ko, kaya talagang nagagalit ako kay tomboy. Binili ko nga yon kasi gusto ko tapos kukunin niya lang, hihingiin niya lang. Ano akala niya sa akin sugar daddy niya, eww. Ang bata ko para maging sugar daddy niya at wala sa bokabularyo kong magkaroon ng kabet na tomboy. Lalong-lalo na ayaw ko kay Gianna tomboy. Yuck!

"Kung gusto mo ikaw nalang sa bubong. sagot sa akin ni Gianna sabay cross arms. Di ko pa kasi napag-aralan ang style ni Jackie Chan." dugtong pa ni Gianna habang masama ang tingin.

"Anong konek ni Jackie Chan sa bubong? tanong ko kay Gianna na nakangisi.

"Hello. Di ka ba nanonood ng Jackie Chan movies? Palibhasa maniac ka kaya mahilig ka sa p**n. wika ni tomboy sa akin. Anak ng...kita niyo lang kung paano ako sagutin ng tomboy na 'to. Sarap iumpog ng sampung beses. Malay ko ba na ang tinutukoy niya ay ang mga pakapit-kapit ni Jackie Chan sa bubong ng kotse kapag nakikipag-away siya at nakipaghabulan sa kalaban. Siraulo talaga to si Gianna dinamay pa si Jackie Chan sa kawalang kwenta niyang kausap. Sa mga napanood ko sa movie ni sir Jackie Chan kapag tuwing malapit na niyang maabutan ang sasakyan ng mga kalaban niya ay bigla nalang itong tatalon sa bubong ng kotse ng kalaban at kahit anong bilis ng pagpatakbo ng kalaban si sir Jackie Chan ay hindi nahuhulog at nakakapit parin. Akala niya sa akin walang alam. Kainis.

"Kung sinabi mong movie pala ni Jackie Chan ang isasagot mo di sana in-inform mo ako, sa layo ba naman ng sagot mo sa pinag-uusapan natin. Akala ko nga nagjo-joke ka seryoso ka pala, anyway walley ang joke mo. As in patay. Panis." sagot ko naman sa kanya sabay tingin sa unahan. Doon ko napansin na nakatingin pala sa amin ni Gianna si mommy sa salamin. Nagkatinginan kami ni mommy at pinandilatan ako ng mga mata nito dahil sa sabog ako today nginitian ko lang si mommy. Kakaiba din tong si mommy istrikta pero kawawa ang anak niya dahil sa iba siya kumakampi. Kawawa tuloy ako palagi.

"Pasensiya na ha, nakalimutan kong slow ka pala." wika ni Gianna sa akin kaya napatingin ako sa kanya na magkasalubong ang kilay sa inis.

"At pakiramdam mo ang tali-talino mo. Wake up Gianna Rae you're not the top one in our school so don't act that you're the smartest Tomboy in the world." sagot ko naman sa kanya.

"Did I say that I am the smartest in the world? Sinabi ko lang na slow ka at hindi ko sinabi na matalino ako. Hear that?" sagot naman nito sa akin. Ayaw talaga patalo.

"First time kong makakita ng isang Tomboy na manok, putak nang putak." nanggigil kong sagot kay Gianna. Ulitin mo pang sabihin na slow ako't itutulak talaga kita palabas sa bintana ng kotse. I am not slow you know that I am just enjoying my life with a heart, happy, single, and healthy sex life." proud kong wika kay Gianna with matching kumpas pa ng kamay.

"What did you say son, sex life?" sabat ni mommy sa usapan namin ni Gianna. "Who the hell is your girlfriend? I will tell her parents that I don't want to become a grandma soon." may pagbabantang wika sa akin ni mommy sabay pakita ng kanyang kamao. Shit.

"Did I say sex life, Mom? nagkukunwari kong tanong kay mommy. I just want to say sexy lifestyle, why you interrupt me?" pagsisinungaling ko pa mabuti nalang at naniwala naman kaagad si Mommy at tumango sa akin.

"Just make sure na hindi ka nakikipag-sex son ayokong maging lola ng maaga. Babantayan kita." wika ulit ni mommy na siyang ikinatigil ko.

"Don't worry-- napahinto ako sa iba ko pang sasabihin ng bigla na lang umubo si Gianna sa tabi na halata namang peke. Siraulo talaga itong Tomboy na ‘to, ipapahamak pa ako kay mommy. Budol talaga si Tomboy. Pero wala akong pakialam kay Gianna kaya itinuloy ko ang aking sasabihin. “As of now, I don't have a girlfriend kaya huwag kang matakot, Mommy." nakangiti kong wika kay mommy.

"What? Bakit? Break na ba kayo Leanna?" gulat na tanong sa akin ni tomboy at dahil sa inis pinitik ko ang bibig nito. Pakialamera talaga to, gumagawa na nga ako ng kuwento para hindi ako mabuking ni mommy magtatanong pa talaga. Nanggigil na talaga ako kay tomboy. Ibenta ko nalang kaya siya per kilo. Kapag ako talaga mabisto ni mommy dahil sa kanya isasabit ko talaga siya sa bubong ng kotse na parang si Jackie Chan tulad ng pinagsasabi niya kanina.

"Aray naman." daing ni Tomboy sabay hipo ng bibig nitong pinitik ko.

"What's wrong Gia, anak?" nag-alalang tanong ni Mommy kay Tomboy. Mabuti nalang at hindi ni mommy nakita ang ginawa ko e di sana nasabon naman ako. Anak ng patis talaga.

"Ah, nakagat yata ni Tomboy- este ni Gianna ang labi niya Mommy." mabilis kong sagot kay mommy at kunwari ay mag-alala akong tumingin kay Tomboy. At ng hindi na tumingin si mommy pinanlakihan ko siya ng mata. Subukan niya lang magsumbong at huwag sumakay sa kasinungalingan ko at itatapon ko na talaga siya sa Afghanistan.

"Tama si Romane tita, nakagat ko ang aking labi." sagot naman ni Gianna kay mommy habang nakatingin sa akin ng masama.

"Huwag mong titigan masyado si Gianna anak baka pati pag-otot nito alam mo." biro sa akin ni mommy na di ko ikinatuwa. Masama ang mukhang tumingin ako kay mommy.

"In your dreams." ani ko kay tomboy sabay pakita ng kamao ko dito.

"Manigas ka." pabulong na wika sa akin tomboy sabay pakita din ng kamao niya sa akin. Ang tapang talaga ni Tomboy.

"Mas manigas ka." pabulong ko ding wika kay tomboy sabay pakita ng patago ng aking middle finger. Ngunit hindi pa nagtapos diyan ang aming bangayan ni tomboy dahil hinawakan niya lang naman ang middle finger ko at inikot.

"Aray. Ang sakit." mahina kong daing saka inikot ko din ang kamay ni Tomboy. Akala niya.

"Aray!” Marahan na daing ni Gianna. Napatingin ako kay Mommy baka kasi maririnig niya na nag-aaway na naman kami ni Tomboy dito sa likod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mariaciliena
guds talaga ang story nila Roman. nakakatanggal ng pagod,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Seven

    PARTY."Hi, sweetie, how are you?" malanding bati sa akin ni Stefanie San Diego. Si Stefanie and siyang paka-kasalan ko sana, ngunit pinili kong pakasalan si Gianna at siyang asawa ko na ngayon. Humawak sa aking balikat si Stefanie saka nilaro-laro ang kuwelyo ng suot kong white long-sleeves. Pahaplos na nilandas ng kamay ni Stefanie ang aking balikat pababa sa aking dibdib habang kagat-kagat ang ibabang labi nito. Sobrang landi talag."Romane. Oh my, Romane.” bigkas nito ng pangalan ko na puno nang pang-aakit. “I missed you, Romane.” ani nito saka dumukwang at binigyan ako ng wet kiss sa pisngi. Eww! Gusto ko siyang itulak kaso hindi ko magawa dahil kay Mayor. Isa pa, oyoko nang eskandalo sa ika-23rd year anniversary nina mommy at daddy. Ninong sa kasal ni Mommy at Daddy si Mayor, respected person, pero itong anak niya walang respeto.Bisita nina Mommy si Mayor San Diego at ang pamilya nito, kaya tiis muna ako. Hahanap na lang ako ng paraan para makalayo sa babaeng ito. Umatras ako

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Six

    Hayst!Tatlong buwang na kaming kasal ni Gianna at isang buwan na ring sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya. Walang may nakakaalam ng kasal na kami bukod sa mga iilang kamag-anak at pili na kaibigan namin ni Gianna. Kaya kahit papa’no malaya pa siyang makagala and worst makapanligaw. Ilang beses ko na siyang nahuling nag-aakyat ng ligaw sa bagong lipat na kapitbahay namin. May dalwang dalaga at dalawang lalaking anak kasi ang mag-asawa. At ang masaklap ay natipuhan ni Gianna ang isa. Kay heto ako ngayon, stress na stress na sa kaniya. Gusto ko na nga balian ng paa si Tomboy, para hindi na makalabas ng bahay. Higit sa lahat, hindi na makapangharana. Yes, hinarana ni Gianna ang anak ng kapitbahay namin. Kinuntsaba pa nito ang driver at katulong ng mga ito. Naiinis at nagagalit na napahilamos ako sa aking mukha at pabalik-balik na nagpalakad-lakad dito sa sala ng bahay. Napauwi ako ng maaga galing sa opisina dahil sa tawag ni mommy. Grabe pa naman ang pinagsasabi ni Mommy Joyce sa ak

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Five

    "LET’s go, Babe. Swimming tayo." yaya ko kay Gianna habang nakatingin sa kan’ya na may malaking ngiti sa labi. Gusto kong magtampisaw sa dagat at umuwing na-enjoy ang bakasyon. Hindi po ito honeymoon, bakasyon lang ito. Paano ba naman ako maka-score nito kung masyadong mailap at amazona itong asawa ko? May sugat pa nga ako sa balikat dulot ng pagkakagat nito sa akin kahapon. May sugat din ako bibig ng sinuntok niya ako at kahapon din nangyari iyon. Ang kaninang malakinh ngiti sa labi ko ay biglang napalis nang tumama sa pagmumukha ko ang magkasunod na unan. Hindi man lang ako nakailag at sapol kaagad ako sa mukha. Siraulo talaga itong si Gianna. Muntik pa akong matumba sa lakas nang pagkabato niya sa akin. "Ano na naman na ang kasalanan ko sa’yo, Babe?" asik ko saka pinulot ang dalawang unan na nasa sahig. Habang si Gianna ay nangangaligkig na tila giniginaw kapag sinasambit ko ang katagang "babe". Shit, nandidiri ang putik. Dadating ang araw uungol ka din sa akin. 'Sakyan mo lang

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Four

    Nagising ako ng naramdaman ko ang sakit ng tiyan. Bigla na lang kasi may tumamang tuhod, tubod ni Gianna. Sa laki ng kamang ito, heto, si Gianna nakayakap sa akin. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako. Pagkatapos ko kasing maligo kanina humiga na ako kaagad. Bigla kasinh ginupo nang antok dahil na din sa pagod. Nauna akong maligo kaysa kay Tomboy. Busy kasi ito kanina sa kawre- wrestling ng dove at rose petals at hindi nito tinigilan hanggang sa walang matira sa kama. Sa huli tumawag na ito sa intercom at nanghingi ng walis at dustpan. Si Gianna na rin mismo ang nagwalis kahit sinasabi na ng taga-linis na siya na lang ang gagawa. Hindi talaga ito pumayag, gigil na gigil pa ito sa pagwawalis habang kagat ang ibabang labi. Pagkatapos nitong masiguro na wala ng petals sa sahig at sa kama namin ngumisi ito ng malaki na tila nanalo sa lotto. Baliw talaga. Bumalik ang tingin ko kay Gianna ng bigla na lang itong yumakap sa akin. Nagulat pa ako. Hindi ko nga siya niyakap pabalik

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Three

    Pagka-akyat namin sa eroplano, hinanap ko kaagad ang designated sets namin ni Gianna. Inaantok pa rin kasi ito at gusto ko din na makatulog siya kahit ilang minuto lang. May bata pa akong kasabay maglakad sa isle ng eroplano. At may kasama din akong alagain na akala mo batang hindi nabigyan ng candy. Nilingon ko si Gianna na nakasunod sa akin. Wala itong kagan- gana kong maglakad at halos hinahatak ko na lang siya. Lalakqd, hindi ang ginagawa ni Gianna, gusto ko na siyang kutusan. "Gianna bilisan mo, please." wika ko. Imbes na bilisan, kabaliktaran ang ginagawa nito. Mukhanga sinusubok ni Tomboy ang pasensiya ko. Imbes na maglakad tumigil ito sa paglalakad. Kamuntik pa itong madapa dahil sa pagkahila ko sa kan’ya. Mabuti na lang mabilis ako at nasalo ko siya kaagad, kung hindi tatama sa semento ang tuhod niya. "Umayos ka nga kasi Gianna." nagtitimpi kong wika sa kan’ya. "Ayoko ng maglakad, Romane, pagod na ako." wika sa akin ni Gianna na tila iiyak. Napabuntong hininga na lang ak

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Two

    "NAKAPIKIT na ako." mabilis kong sagot saka tumalikod na din. Ayokong masuntok pa ulit ang guwapo kong mukha, no. Sana hindi ko na lang sinabi kanina na titiisin ko lahat. Kasi hindi ko na matiis ang sakit ng suntok niya. Parang gusto ko na siyang putulan ng mga kamay. "Tapos kana ba?" tanong ko sa kan’ya habang nakatalikod at nakapikit pa rin."Hindi pa. Hindi ko nga matanggal-tanggal itong suot ko na ‘to. Nakakainit na ng ulo." sagot sa akin ni Gianna. Halatang nahihirapan ito, sa dami ba naman kasi ng petticoat na suot nito."Lagi naman mainit ang ulo mo. Gaano ba kabigat at kadami iyang suot mo?" nagtataka kong tanong ko at humarap dito. Hinawakan ko ang gown na suot nito para tulungan sana ito. Ngunit winaksi nito ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Tutulungan na nga kita parang ayaw mo pa. Tapos galit ka pa.” ani ko sabay talikod. Ilang minuto ang nakalipas ng bigla na lang itong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status