LOGINPARTY."Hi, sweetie, how are you?" malanding bati sa akin ni Stefanie San Diego. Si Stefanie and siyang paka-kasalan ko sana, ngunit pinili kong pakasalan si Gianna at siyang asawa ko na ngayon. Humawak sa aking balikat si Stefanie saka nilaro-laro ang kuwelyo ng suot kong white long-sleeves. Pahaplos na nilandas ng kamay ni Stefanie ang aking balikat pababa sa aking dibdib habang kagat-kagat ang ibabang labi nito. Sobrang landi talag."Romane. Oh my, Romane.” bigkas nito ng pangalan ko na puno nang pang-aakit. “I missed you, Romane.” ani nito saka dumukwang at binigyan ako ng wet kiss sa pisngi. Eww! Gusto ko siyang itulak kaso hindi ko magawa dahil kay Mayor. Isa pa, oyoko nang eskandalo sa ika-23rd year anniversary nina mommy at daddy. Ninong sa kasal ni Mommy at Daddy si Mayor, respected person, pero itong anak niya walang respeto.Bisita nina Mommy si Mayor San Diego at ang pamilya nito, kaya tiis muna ako. Hahanap na lang ako ng paraan para makalayo sa babaeng ito. Umatras ako
Hayst!Tatlong buwang na kaming kasal ni Gianna at isang buwan na ring sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya. Walang may nakakaalam ng kasal na kami bukod sa mga iilang kamag-anak at pili na kaibigan namin ni Gianna. Kaya kahit papa’no malaya pa siyang makagala and worst makapanligaw. Ilang beses ko na siyang nahuling nag-aakyat ng ligaw sa bagong lipat na kapitbahay namin. May dalwang dalaga at dalawang lalaking anak kasi ang mag-asawa. At ang masaklap ay natipuhan ni Gianna ang isa. Kay heto ako ngayon, stress na stress na sa kaniya. Gusto ko na nga balian ng paa si Tomboy, para hindi na makalabas ng bahay. Higit sa lahat, hindi na makapangharana. Yes, hinarana ni Gianna ang anak ng kapitbahay namin. Kinuntsaba pa nito ang driver at katulong ng mga ito. Naiinis at nagagalit na napahilamos ako sa aking mukha at pabalik-balik na nagpalakad-lakad dito sa sala ng bahay. Napauwi ako ng maaga galing sa opisina dahil sa tawag ni mommy. Grabe pa naman ang pinagsasabi ni Mommy Joyce sa ak
"LET’s go, Babe. Swimming tayo." yaya ko kay Gianna habang nakatingin sa kan’ya na may malaking ngiti sa labi. Gusto kong magtampisaw sa dagat at umuwing na-enjoy ang bakasyon. Hindi po ito honeymoon, bakasyon lang ito. Paano ba naman ako maka-score nito kung masyadong mailap at amazona itong asawa ko? May sugat pa nga ako sa balikat dulot ng pagkakagat nito sa akin kahapon. May sugat din ako bibig ng sinuntok niya ako at kahapon din nangyari iyon. Ang kaninang malakinh ngiti sa labi ko ay biglang napalis nang tumama sa pagmumukha ko ang magkasunod na unan. Hindi man lang ako nakailag at sapol kaagad ako sa mukha. Siraulo talaga itong si Gianna. Muntik pa akong matumba sa lakas nang pagkabato niya sa akin. "Ano na naman na ang kasalanan ko sa’yo, Babe?" asik ko saka pinulot ang dalawang unan na nasa sahig. Habang si Gianna ay nangangaligkig na tila giniginaw kapag sinasambit ko ang katagang "babe". Shit, nandidiri ang putik. Dadating ang araw uungol ka din sa akin. 'Sakyan mo lang
Nagising ako ng naramdaman ko ang sakit ng tiyan. Bigla na lang kasi may tumamang tuhod, tubod ni Gianna. Sa laki ng kamang ito, heto, si Gianna nakayakap sa akin. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako. Pagkatapos ko kasing maligo kanina humiga na ako kaagad. Bigla kasinh ginupo nang antok dahil na din sa pagod. Nauna akong maligo kaysa kay Tomboy. Busy kasi ito kanina sa kawre- wrestling ng dove at rose petals at hindi nito tinigilan hanggang sa walang matira sa kama. Sa huli tumawag na ito sa intercom at nanghingi ng walis at dustpan. Si Gianna na rin mismo ang nagwalis kahit sinasabi na ng taga-linis na siya na lang ang gagawa. Hindi talaga ito pumayag, gigil na gigil pa ito sa pagwawalis habang kagat ang ibabang labi. Pagkatapos nitong masiguro na wala ng petals sa sahig at sa kama namin ngumisi ito ng malaki na tila nanalo sa lotto. Baliw talaga. Bumalik ang tingin ko kay Gianna ng bigla na lang itong yumakap sa akin. Nagulat pa ako. Hindi ko nga siya niyakap pabalik
Pagka-akyat namin sa eroplano, hinanap ko kaagad ang designated sets namin ni Gianna. Inaantok pa rin kasi ito at gusto ko din na makatulog siya kahit ilang minuto lang. May bata pa akong kasabay maglakad sa isle ng eroplano. At may kasama din akong alagain na akala mo batang hindi nabigyan ng candy. Nilingon ko si Gianna na nakasunod sa akin. Wala itong kagan- gana kong maglakad at halos hinahatak ko na lang siya. Lalakqd, hindi ang ginagawa ni Gianna, gusto ko na siyang kutusan. "Gianna bilisan mo, please." wika ko. Imbes na bilisan, kabaliktaran ang ginagawa nito. Mukhanga sinusubok ni Tomboy ang pasensiya ko. Imbes na maglakad tumigil ito sa paglalakad. Kamuntik pa itong madapa dahil sa pagkahila ko sa kan’ya. Mabuti na lang mabilis ako at nasalo ko siya kaagad, kung hindi tatama sa semento ang tuhod niya. "Umayos ka nga kasi Gianna." nagtitimpi kong wika sa kan’ya. "Ayoko ng maglakad, Romane, pagod na ako." wika sa akin ni Gianna na tila iiyak. Napabuntong hininga na lang ak
"NAKAPIKIT na ako." mabilis kong sagot saka tumalikod na din. Ayokong masuntok pa ulit ang guwapo kong mukha, no. Sana hindi ko na lang sinabi kanina na titiisin ko lahat. Kasi hindi ko na matiis ang sakit ng suntok niya. Parang gusto ko na siyang putulan ng mga kamay. "Tapos kana ba?" tanong ko sa kan’ya habang nakatalikod at nakapikit pa rin."Hindi pa. Hindi ko nga matanggal-tanggal itong suot ko na ‘to. Nakakainit na ng ulo." sagot sa akin ni Gianna. Halatang nahihirapan ito, sa dami ba naman kasi ng petticoat na suot nito."Lagi naman mainit ang ulo mo. Gaano ba kabigat at kadami iyang suot mo?" nagtataka kong tanong ko at humarap dito. Hinawakan ko ang gown na suot nito para tulungan sana ito. Ngunit winaksi nito ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Tutulungan na nga kita parang ayaw mo pa. Tapos galit ka pa.” ani ko sabay talikod. Ilang minuto ang nakalipas ng bigla na lang itong







