공유

Chapter 10

last update 최신 업데이트: 2022-05-25 11:29:10

Nagising ako nang may narinig na ingay sa labas ng kwarto. Parang may kung anong nahulog kaya lumabas na ako.

Inaantok akong lumabas. Kinukusot ko pa nga ang mata ko para tuluyan na akong magising.

"Hurry up. May klase pa tayo."

Nakita kong nakasuot ng apron si Ruan. Nagluluto ba siya?

"Bilis. Baka iwan pa kita."

"O-o heto na!"

Tumakbo ako para mag-ayos ng sarili bago pumunta sa mesa.

Pero bago pa ako makaupo ay sinilip ko muna kung totoong si Ruan ba talaga ang nagluto. Kung ganoon nga e ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinagluto ako ni Ruan. At kami lang talaga nandito sa bahay.

Parang newly wed lang? Ano ba ba't kinikilig ako?!

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina nang  napahinto ako.

"Mom, don't worry I will. Ako ang bahala sa kanya. And I will marry Debbie. So you don't have to worry."

Teka, tama ba narinig ko? Saka iyong Debbie ba na sinasabi ni Ruan na papakasalan niya ay...

"Kanina ka pa dyan?"

Napaangat ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"A-ano k-kasi tu-tulungan sana kita," nauutal na paliwanag ko sa kanya.

"It's all done. Kumain na tayo."

Bitbit niya ang niluto at nilagay sa mesa.

Hindi ako mapakali buong araw. Dahil buong araw na nagre-replay sa utak ko ang narinig na magpapakasal na si Ruan.

Ganito ba talaga pag broken-hearted?

Naubos na lahat ng calories na kinain ko kakaisip kay Ruan. Wala na yata akong lakas na maglakad pauwi.

"Uy, Twink di ka pa uuwi?"

Napalingon ako sa likod at nakita si Khian.

"Uuwi na."

"E bakit ka papuntang Engineering Building?"

Tinuro niya ang likuran ko. Lumingon ako sa daan na tinatahak ko kanina at laking gulat ko nang makita na papuntang Engineering Building nga iyon.

Lumulutang na talaga ang utak ko. Hindi ko na napansin ang tamang daan.

"Ah e hindi naman. Gusto ko lang dito dumaan. Para naman makapaglibot naman ako bago umuwi."

Sana gumana ang palusot ko. Ayaw ko ng makipag-usap e. Tinatamad na akong sumagot at magpaliwanag. Nakakaubos ng lakas.

Ngumiti ako kay Khian at kinawayan siya para makapagpaalam.

Mabilis akong naglakad palabas ng gate pero ilang hakbang lang ay huminto ako. Pakiramdam ko ang gaan ng katawan ko na parang konting hangin lang ay liliparin na ako.

Nilibot ko ang tingin sa paligid pero parang umiikot na ang lahat. At sa isang iglap ay binalot na ng kadiliman ang buong paligid.

"Mom, she's okay. I will."

Narinig ko ang boses ni Ruan. Masakit ang ulo ko pero alam kung boses iyon ni Ruan.

Unti-unti kong minulat ang mata at agad na bumungad ang gwapong mukha ni Ruan na parang naiinis pa sa kung ano.

"Good that you're awake now. Sana sinabi mo na may lagnat ka pala para hinatid na kita sa bahay. Baka kung hindi pa---"

"Pasensiya na."

Nagiging abala na siguro ako sa kanila. Nakakaistorbo na yata ako.

"Sa susunod na may ganitong..."

"Hindi na mauulit ito. Pangako. Hindi na ako magiging istorbo," sabi ko kay Ruan nang hindi tinitingnan siya sa mata.

Nakayuko lang ako at hindi itinaas ang tingin sa kanya.

"Hindi mo na naman nakukuha ang punto ko. All I want is to make you feel better. Bakit ba lagi mo na lang iniiba ang kahulugan ng mga sinasabi ko?," napahawak siya ngayon sa noo niya.

Ano ba talaga gusto niya? Naiinis ba siya sa akin o sa akin lang niya binubuntong lahat ng inis niya sa kung ano man ang kinaiinisan niya ngayon?

"Ayaw ko lang maging pabigat sa inyo. Alam ko kung saan ako lulugar. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit parang galit ka. Sabihin mo lang kung sobrang nagiging abala na ako sa'yo."

Huminga siya nang malalim at aktong magsasalita pero hindi na niya tinuloy. Tumayo lang siya nang maayos at kinuha ang isang papel sa mesa at binigay sa akin.

"Ano 'to?" Lukot ang noo ko habang tinatanong siya.

Alam niya bang naiinis na rin ako sa kanya! Di ko siya magets.

"You read it. Baka maintindihan mo na. At para malaman mo kung saan ka talaga dapat lumugar."

Buong araw akong hindi makapagsalita. Inuwi na ako ni Ruan sa mansion nila pero hindi ako lumabas ng kwarto mula pa kagabi. Kinakatok ako ng mga kasambahay na lumabas para kumain pero sinabihan ko lang sila na busog ako at ayaw ko pang kumain.

Sinalubong ako ng mga magulang ni Ruan pag-uwi namin galing sa ospital pero nagpaalam lang ako na magpapahinga kaya hindi ko sila kinausap.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga sinabi ni Ruan matapos niyang ipakita sa akin ang laman ng papel.

Isang katok na naman ang narinig ko kaya napabaling ako sa bintana. Dumidilim na pala. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras dahil sa lahat ng iniisip ko.

"Mamaya na ako kakain. Pakisabi na lang na huwag na nila ako hintayin," sabi ko nang hindi parin tumatayo sa hinihigaan.

Ayaw ko pang lumabas. Hindi pa ako handa sa kung ano man ang sasabihin nila.

Pinagkait sa akin ang lumaki kasama ang totoong pamilya. Pero ang pinakahindi ko matanggap ay ang katotohanan na pinaniwala nila ako na hindi nila alam kung sino ang mga magulang ko. Ang mga taong tinuring kong pamilya ay pinagkaitan ako sa katotohanan.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Sa mga Inang ko at sa pamilya nila Ruan.

"Go out and eat. Hihintayin kita dito sa labas." Boses ni Ruan ang narinig ko.

"Mauna na kayo kumain. Mamaya na lang ako."

Lahat ng ginawa ng mga Guevarra para sa akin ay isa lang kabayaran sa nangyaring trahedya sa pamilya ko. Ang totoong rason kung bakit nila ako tinutustusan sa pag-aaral ay dahil sa iniwang habilin ng mga magulang ko sa kanila.

"Wala akong ibang makausap dito kasi umalis na rin sila mama. Lumabas ka na diyan."

Aba! Anong sabi niya? Wala siyang makausap?

"Humanap ka ng kausap! Huwag mo ako kulitin dito."

Naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko ng peace of mind. Gulung-gulo na nga ako sa nalaman ko pati pa ba siya makikigulo pa? Ginugulo niya ang puso ko e!

Ayaw kong umasa sa taong hindi ako gusto. Kaya sana puso ko tumigil ka na ha. Huwag mo na siyang gustuhin dahil sa huli masasaktan ka lang.

"That is not the right thing to do!"

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 34

    "Nakita ko nga pala ito sa bukana. Sa iyo ba ito, Twinkleann?" Nakita kong hawak ni Erwan ang red shoulder bag ko na ninakaw sa akin."Hinabol ko ang batang naghablot ng bag ko kaya napunta ako doon sa lugar na nawalan ako ng malay. Mukhang akin nga ito," sabi ko nang tingnan ang laman nito.Nasa loob pa rin naman ang lamang mga ID ko. Buti at ang pera lang ang kinuha."Pasensya tiningnan ko ang laman ng bag para makita kung may impormasyon ng may-ari at nakita ko ang ID mo. May nakita rin akong litrato ng isang batang lalaki, kapatid mo ba siya?" Usisa ni Erwan sa akin nang buksan ko ang wallet ko."Ah, ito ba?" Pinakita ko sa kanila ang litrato na nasa loob ng wallet ko. "Baby pic ito ni Ruan, tinago ko nang makita ko ito. Ang cute niya kasi," nahihiya kong amin sa kanila."Kuya Erick, ganito rin ba mukha ko ng bata pa ako? Hindi ko na maalala eh," napakamot sa ulo niya si Erwan habang nagtatanong sa kuya niya."Siguro kong mas maputi ka lang. Pero batang yagit ka lang noon eh kaya m

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 33

    "Pasenya na, wala. Isang taga-bundok lang ako kaya hindi ko na kailangan ng mga ganyang teknolohiya para mabuhay," mapait na wika ng lalaki sa akin habang nakatalikod pa rin at iniilawan ang mga lamparang nakasabit."Kung ganoon ay wala na akong ibang magagawa. Hihintayin ko na lang dumating ang araw bukas. May kasama ka ba rito? Narinig ko kasing may kausap ka kanina?"I was wondering if he lived with someone else. Sigurado akong may narinig akong kausap niya kanina. Puro boses ng lalaki iyon."Oo pero, bumaba na siya. Pumasok na sa trabaho. Kung nagugutom ka ay pagtiisan mo na lamg muna ang hinanda kong lugaw. Bukas babalik si Erwan at magdadala ng pagkain."Ngayon ay hinarap ako ng lalaking kausap. Kahit na ang ilaw lang sa nakasabit na lampara ang nagliliwanag sa paligid ay kita ko parin ang malaking peklat sa mukha niya. Halos kalahati ng mukha niya ang peklat."Pagpasensiyahan mo na ang mukha ko. Kung natatakot ka ay huwag mo na lang akong pansinin. Kumain ka muna rito at ako ay

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 32

    "Suki! Bili ka na ngayon. Tingnan mo ang sariwa ng mga gulay ko. Kakaangkat ko lang nito mula sa nagtatanim." Panay ang sigaw ng nagtitinda sa mga taong dumadaan."Nakabili na ako suki eh. Bukas babalik ako," sagot ng ginang na dumaan.Umaga pa lang ay marami na ang mga tao rito. Maraming nagtitinda sa gilid ng daan at marami na rin ang mga may bitbit ng plastic bag na pinamili. Ganito naman talaga sa palengke. At nataunan pang linggo ngayon kaya maraming namimili.At dahil sa init ng araw ay di mapagkakaila na pawisan na ng mga taong nandito. I can see some men curiously staring at me as I pass by on a small souvenier shop. But they continued their work after taking a glance.This place is just a small village. Siguro magkakakilala lang lahat ng mga tao rito. They can easily tell if someone is a stranger. Although, I am wearing a cap to hide myself, I still look different from them.Dito ang lugar na sinabi nila Isaac kung saan posible namin makita si Ruan. Isa itong palengke sa ibab

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 31

    It's almost a week now since Ruan and I had a fight. In the first three days, I would purposely avoid bumping into Ruan in the house. Kaya hindi ako lumalabas ng kwarto ko kapag hindi pa umaalis si Ruan ng bahay. While he will just knock on my door once, before leaving. Siguro para ipaalam sa akin na aalis na siya.Habang ako ay nagkukulong lang sa bahay at pinagpapatuloy ang paggawa ko ng mga sketches ko. Marami-rami na rin akong nagawa pero parang hindi ko parin nakukuha na maging kuntento. I want draw more and satisfy myself.Bawat araw ay sobrang busy ko. Hindi ko na napapansin na lagi nang ginagabi ng uwi si Ruan pagdaan ng mga araw.Pagdating ng gabi, habang naghahanda na akong matulog ay saka ko pa naririnig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya na kaharap lang ng kwarto ko. Hindi ko na rin sinusubukan silipin kung ano ang lagay niya dahil sa pagod ko buong araw kakagawa ng mga sketches.Naging ganoon na ang daily routine namin hanggang isang araw. Things just changed so drasti

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 30

    Ngayong araw ay pinili ko na lang na manatili sa bahay. I want to make use of this time to start sketching drafts for my dream fashion show. I finished my fine arts degree. At panahon na para magamit ko kung ano ang mga natutunan ko.I was sipping my green tea while holding my pencil and still stucked on what theme should I start.Nakaupo ako sa gilid ng bintana at tanaw ko ang mga matatayog na puno ng kahoy. All I can see are green and shades of brown.Aha! Should I try to recreate the trees in my dresses?Binalikan ko ang blangkong sketchpad ko at gumuhit ng katawan ng babae. Sunod na ginuhit ko ay ang mga korte ng dahon na nakapalibot sa bandang dibdib nito.It was a tube dress filled with leaves-like ornaments. It was beautiful and it made me smile.Naisip kong gamitin ang kayumangging kulay sa laylayan ng damit. The lower part of the dress is derived from circle skirt added with flower petal stitches. Using organza cloth on the lower skirt will give it more emphasis.My first dr

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 29

    Nang makalabas kami sa horror mansion ay umupo kami sa isang bench na nasa harap ng carousel.May eyes are still sore from crying. Naging palpak na naman ang plano ko. Bumigay na naman ang mahinang Twinkle sa loob ko. Kapag lagi na lang ganito, masasanay na siyang laging nakadepende sa tulong ng iba. Ayaw ko na maging ganito na lang lagi.I want a strong and independent Twinkle."I'll get water for you." Tumayo si Ruan. Patalikod na siya nang biglang sinampal siya ng mascot na pikachu. Napahawak siya sa mukha at nilingon ang mascot."Bakit mo ako sinampal?" Ruan angrily asked but the mascot just stand there and pointed at me.Tinuro niya ako bago inilagay ang dalawang kamay sa gilid ng mukha niya at tinuro ng dalawang hintuturo niya ang lupa."What is he saying," Ruan confusedly asked."Hindi ako sigurado...but looking at his actions. Ah!" I now realized what the mascot is trying to say. "Sinampal mo siya kasi akala mo na pinaiyak niya ako?" Tanong ko sa mascot at tumango ito."I don'

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status