Home / Romance / Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir / Chapter 3: Ang Muling Pagkikita

Share

Chapter 3: Ang Muling Pagkikita

Author: Dior28
last update Huling Na-update: 2025-09-05 19:35:08

Napasulyap si Fabian sa hubog ng katawan ni Monica- lantad at may pagnanasa.

Bahagyang nanigas ang katawan ni Monica, ngunit hindi siya umatras. Hindi siya makapaniwala na magagawa talaga ng lalaki ang iniisip niya.

Iniangat nya ng bahagya ang kanyang damit.

Lumantad ang sexy at maputing baywang, at ang gilid ng kanyang puting underwear ay kapansin-pansin.

Ngunit bigla siyang itinulak pababa ng lalaki, mariin at walang pag-aalinlangan—kita ang matinding pagkasuklam sa kanyang mukha.

Halos matumba si Monica, ngunit naitayo niya agad ang kaniyang  sarili. Pinigil niya ang saya sa dibdib, bagama’t pinilit nyang hindi magmukhang nasaktan.

Isang malamig na tingin ang ipinukol ni Fabian sa babaeng sanay magpanggap, na kaya pang isakripisyo ang lahat kapalit ng pera.

“Get out of here!” galit na wika ni Fabian

Galit na galit siya sa ganitong klaseng babaeng mapagkunwari.

“My Husband…” bulong ni Monica

Nainis lalo si Fabian. “Get out!”

Hindi na nagdalawang-isip si Monica—inayos ang kanyang damit, dinampot ang coat, at agad na umalis.

Pagkalabas sa clubhouse, nakahinga siya nang maluwag.

Hindi niya alintana ang lamig kahit wala siyang suot na coat, at ang tibok ng puso niya’y nanatiling magulo at mabilis.

Nakakakaba at mapanganib ang lahat ng nangyari—ngunit sa huli, ligtas siyang nakalayo.

At sa sumunod na araw, niyaya niya si Patricia na kumain sa labas.

“Iba ka,” napailing si Patricia, ngunit kita ang paghanga kay Monica.

Kumapit si Monica sa braso niya. “Kung walang panganib, walang yaman.”

“Hindi ka ba natatakot na baka tinuloyan ka niya talaga?” tanong ni Patricia.

Ngumiti si Monica. “Kung tutuusin, sa itsura, katawan, at pinagmulan niya, madaling mahulog ang babae sa kanya.”

Napakunot ang noo ni Patricia.

“At kung magkaroon pa kami ng anak,” dagdag pa ni Monica, “siguradong mas maganda.” 

Napatahimik si Patricia.

Ngumiti si Monica, ngunit agad siyang binalaan ng kaibigan, “’Wag ka masyadong magpahalata. Pag binanggit niya ulit ang divorce, baka siya pa ang masunod.”

Alam ni Monica na para sa ikabubuti din nya ang paalala ng kaibigan, kaya’t tumango na lang siya.

Pagkatapos kumain, mas gumaan ang loob ni Patricia.

Masaya silang nagtatawanan habang naglalakad sa mall,  biglang napahinto si Monica.

Napatigil din si Patricia, at agad na kumunot ang noo. “Hayop.”

Ayaw nang makita ni Monica si Jhorby. Hindi dahil sa may nararamdaman pa sya dito—kundi dahil sa matinding galit.

“Tara na,” hinila niya si Patricia palayo.

“Bakit natatakot ka ba?” pang aasar ni Patricia. “Hindi pa kita naigaganti sa kanya.” At sa galit, sinubukan pa nitong alisin ang kamay ni Monica at itinaas ang manggas, handang handa siyang sapakin si Jhorby anumang oras.

Pinigilan naman sya ni Monica. “Hindi ako natatakot—ayaw ko lang madumihan pag napadikit ako sakanya.” wika pa  nito

“Sh*t tama ka . Nakakadiri talaga.” tugon naman ni Patricia

Kaya’t tumalikod silang dalawa.

Ngunit sumunod si Jhorby at hinarangan sila.

“Monica!”

Agad na pumagitna si Patricia, handang ipagtanggol ang kaibigan.

Hinila siya ni Monica sa gilid at hinarap mismo si Jhorby. “Ano bang gusto mong mangyari?”

“Simula nang magsend ka ng video sa group chat.  Napahiya ako ng sobra. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” Matatahamik lang ako pag nakaganti ako sayo.’’ Galit na sagot ni Jhorby.

Hihilahin nya sana si Monica.

Pero mabilis itong nakailag.

Lalong nanggigigil si Jhorby, at muling sinunggaban ang kanyang pulso—ngunit mas marahas.

Sa isang iglap, sinalubong siya ni Monica ng malutong na sampal.

Pak! Malinaw at malakas, pati ang kamay niya’y sumakit.

Napaatras si Jhorby, gulat na gulat, at namutla ang mukha. “Monica… nagawa mo akong sampalin?”

Matalim ang titig ni Monica, puno ng poot. “Magpasalamat ka pa nga dapat at wala akong hawak na kutsilyo ngayon. At isa pa—kung guguluhin mo pa ako ulit… papatayin kita sa mismong bahay mo.”

Sa katunayan, bihira lang magkita sina Jhorby at Monica noong sila’y magkasintahan. Kadalasan ay sa tawag at WeChat lang sila nagkakausap.

Sa bawat pagkakataon, maamo at maalaga si Monica kay Jhorby, hinahangaan niya ito dahil isa siyang kaakit-akit at mabuting babae.

Hindi niya inakalang kayang maging matapang ni Monica.

Isang babaeng gaya nito, ayon kay Jhorby, ay kailangang paamuhin.

Dumami ang mga nanonood at nagbubulungan. Hinila ni Patricia si Monica palayo, dahil sa ganitong sitwasyon, babae ang madalas puntiryahin ng tsismis.

Hinaplos ni Jhorby ang kaniyang pisngi na mukhang namaga sa lakas ng nasampal at sumigaw habang papalayo sila Monica:

“Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!” 

Hindi kalayuan, nasaksihan ni Fabian ang lahat ng nangyari.

Kahit ang malutong na sampal na binigay niya kay Jhorby.

Nagulat si Marlon sa tapang ni Monica, na tila walang kinatatakutan.

“Ang pangalan ng lalaking iyon ay Jhorby, kilala siya bilang isang mabait at mabuting tao. Pero ilang araw na ang nakalipas, kumalat sa kanilang grupo ang isang video tungkol sa kanya. Sa tingin ko, si Ms Monica  ang nag-record at nagpakalat nun.” wika ni Marlon kay Fabian

Bagaman pinabura na ni Jhorby ang video, nakuha pa rin iyong isave ni Marlon at iniabot kay Fabian.

Tahimik na pinanood ni Fabian ang video.

Pa iling na itinabi ni Marlon ang cellphone. “Hindi mabuting tao si Jhorby. At sa kahihiyang natanggap niya mula kay Ms Monica, panigurado maghihiganti siya.”

“Anumang gawin mo, dapat handa ka rin sa kapalit na parusa,” malamig na wika ni Fabian. 

Dapat pa ba niyang ipaalala kay Sir Fabian na si Ms Monica ay opisyal na asawa niya ngayon?

Habang sinusundan niya ang amo, nagtanong siya: “tuloy pa rin ba ang plano niyong mag-divorce?”

Naalala ni Fabian ang mapagkunwaring mukha ni Monica.

Nanatili si Monica kasama si Patricia hanggang gabi. Paulit-ulit nitong minumura si Jhorby, ngunit hindi rin maiwasang mag-alala para sa kaibigan—baka gantihan siya.

Ngunit hindi natakot si Monica.

“Ano kaya kung humingi ka ng tulong sa asawa mo? Asawa ka pa rin niya. Kahiti ipaligpit mo na lang si Jhorby sa kanya.”

Ngunit nang maalala niya si Fabian, nanlamig ang buong katawan ni Monica.

“Napakasama ng taong iyon.Sa tingin mo ba, kaya ko siyang ituring na asawa?” sagot ni Monica

“E ano’ng gagawin mo? Dito ka muna mag stay sa bahay.” tugon naman ni patricia

“Hindi nya kayang gawin sa akin iyon.” nakasisigurong sagot ni Monica

Paulit-ulit niyang sinigurado kay Patricia na kaya niyang ipagtanggol ang sarili. At nang makumbinsi, hinayaan na niya ng umuwi si Monica.

Ang bahay ni Monica ay isang maliit na unit na binili pa ng kanyang ama bago mag-asawang muli. Dalawang kwarto lang, ngunit sapat na para sa kanya.

Matapos maligo, nakahiga siya sa sofa habang nanonood ng video nang biglang may tumawag sa kanyang hindi kilalang numero.

Sandali siyang naghintay bago sagutin.

“Sino ‘to?”

“Bukas, alas otso ng umaga, sa Civil Affairs Bureau—magdi-divorce tayo.”

Nang marinig ang boses, agad niyang tinignan ang number.

Unang pumasok sa isip niya—paano niya nakuha ang number ko?

Ngunit bigla niya naalala: hindi malabo na sa isang mayamang gaya niya, napakadali lang gawan ng paraan.

“Napaka-mapilit ng taong ito.” wika ni Monica 

Naka de kwatrong umupo si Monica, saka ngumiti at nagsalita nang mahinahon at malambing:

“Kaya ako nagpakasal para may makasama ako habangbuhay. Ang mag asawa, hindi dapat maghiwalay.”

“Kung gano’n na hindi divorce, eh mabibiyuda ka na lang?” sagot ni Fabian

Parang may kirot sa dibdib niya ang mga salitang iyon. Totoo, iyon ang una niyang iniisip noon—ngunit iba pa din ang pakiramdam kapag sa mismong bibig niya narinig.

“‘Wag mong sabihin ‘yan. Ngayon, napaka-advanced ng gamot. Basta’t handa kang tulungan ang sarili mo, maging think positive ka lang samahan mo ng dasal panigurado na gagaling ka.” positibong sagot ni Monica

Nakatayo si Fabian sa harap ng malaking bintana. Alam niyang seryoso at walang pakundangan ang ekspresyon ng babae.

“Huwag kang masyadong magpakampante. Mas maganda pa kung sumunod ka na lang,” malamig na paalala ni Fabian

Alam ni Monica na hindi tanggap ng lalaki ang kanilang kasal.

Pareho silang may pinag aralan. Alam nila kung alin ang totoo at alin ang pakitang-tao.

“Hindi ko maipapangako ‘yan. Maliban na lang kung kausapin mo ang mga magulang mo. Kapag pumayag sila, sige papayag din ako. Lahat ng kasal ay may halong bugso ng damdamin—at kahit sino pa ang mapangasawa, baka pareho lang din ang kahihinatnan.” wika ni Monica

“In your case, mas madali para sa akin ang pakasalan ka.” dagdag pa niya

Napatigil si Fabian . “Matalino ka ha”.

Masayang-masaya ang kanyang mga magulang—hinding-hindi sila papayag.

Lalo siyang nainis sa mapanlinlang na pamamaraan ng babae.

“Sa tingin mo ba, madali lang akong  kalabanin?”

Mababa ngunit mariing tinig ni Fabian

 Bahagyang kinabahan si Monica at nag wika “Gabi na. Mahina ang katawan mo, magpahinga ka na. Kapag nagbago ang isip mo, o nakipag-usap ka na sa mga magulang mo, saka tayo mag-usap. Good night.”

Hindi na siya binigyan ni Monica ng pagkakataong magsalita pa at agad niyang ibinaba ang tawag.

Napabuntong-hininga siya matapos ibaba ang cellphone.

Tinitigan ang number lumabas sa screen, at isinave iyon sa pangalan na:

“Fabian Monterde.”

Muling sumagi sa isip niya ang maputlang guwapo nitong mukha.

Panigurado na galit na galit siya ngayon.

Kaya’t iwas na lamang ang dapat niyang gawin. Mas bihira ang pagkikita, mas mabuti.

Ngunit kinabukasan, nagulat siya nang may pinapunta si Ginang Monterde para sunduin siya pabalik sa mansiyon ng pamilya Monterde.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 30:Ang pagbisita ng ama ni Monica

    Sumagot ni Vince ang tawag, na para bang inaasahan niya na tatawagan siya ng babae.“Hello Vince, may alam ka ba na pwedeng puntahan ni Fabian.” dali daling tanong ni Monica.“Wag kang mag-alala, ok lang siya, uuwi rin yun.”,” sagot ni Vince. Nang marinig iyon, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Monica.Naghintay si Monica sa sala hanggang lagpas alas-diyes ng gabi bago niya marinig ang pagbukas ng pinto.Pagpasok ni Fabian, nandoon si Monica na nakatingin sa kanya mula hindi kalayuan.Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Fabian ay balot ng lamig, may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.“Nasabi ko na kina Tita na nandito ka lang sa bahay. Matulog ka na nang maaga.” Hindi na siya tinanong ni Monica kung saan ito nagpunta, o kung bakit hindi siya makontak at diretsong pumasok sa kwarto.Pinanood siya ni Fabian na pumasok ng kwarto at isinara ang pinto—hindi man lang nagtangkang magtanong.Kanina pa niya iniisip kung paano niya iiwasan ang mga tanong nito kung sakaling kumustahin siya

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 29:Nasaan si Fabian

    Habang tanghalian, nag-vibrate ang cellphone ni Monica.Tawag iyon mula kay Patricia.Mabilis na tumingin si Monica sa paligid, saka pabulong na nagpaalam: “Tita, sasagutin ko lang muna ang tawag.”Tumango naman Ginang.Pagkalabas, agad na sinagot ni Monica ang tawag.“Pat.”Sa kabilang linya, wala siyang ibang narinig kundi hikb ng kaibigan.Biglang kumabog ang dibdib ni Monica. “Pat, ano nangyari? Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin.”“Gusto na lang ni mama mamatay ko, huhuhu, ayaw niya akong paalisin.” Humugot ng malalim na hininga si Patricia at namamaos na wika, “Monica, hindi na sana ako bumalik.”“Hindi ba pwedeng pag-usapan nang maayos?” Natataranta si Monica. “Bakit kailangan ka nilang pwersahin?”Mapait na ngumiti si Patricia. “Para sa tinatawag nilang dangal, kaya nilang gawin ang kahit ano.” Humikbi siya. “Kasalanan ko rin, sana hindi na ko pumayag na makipag blind date”“Wala ka namang kasalanan dito, gusto mo lang naman pagbigyan ang mga magulang mo” Mariing kinagat

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 28:Meet my Relatives

    Sa unang araw ng bagong taon, nais ni Ginang Monterde na magsimba upang magdasal at magpasalamat.Nais ding sumama ni Monica, kaya sabay silang umalis ng bahay.Samantala, magkasama naman sina Fabian at ang ama nito.Sa daan, bahagyang malungkot ang anyo ng Ginang. Dapat sana ay masaya siya ngayong Bagong Taon, ngunit sa tuwing maiisip niya na paliit nang paliit ang oras ng kanyang anak, lalo lamang siyang nababalisa.Iba naman si Monica.Kahit sa papel lang sila mag-asawa, taimtim pa rin niyang hinahangad na manatiling ligtas si Fabian.Pagdating nila sa simbahan, napakaraming taong naroon upang magdasal—karamihan ay mga babae.Sumunod si Monica sa Ginang, lumuhod, pumikit, at taimtim na nanalangin sa mga diyos na pagpalain ang kanyang mga hangarin at matupad ang mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang Ginang, basa ng luha ang kanyang mga mata.Paglabas nila ng simbahan at pagsakay sa kotse, tumingin sa malayo ang Ginang at nagtanong, “Sa tingin mo ba, matutupad ang mga das

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 27: Bagong Taon na kasama ka

    May kalahating oras pa bago sumapit ang Bagong Taon.Matagal nang nakaupo si Fabian sa labas, kaya medyo nag-aalala si Monica para sa kanyang kalusugan.“Matulog ka na.” wika ni Monica.“Ang daldal mo.” mabilis na sagot ni Fabian.Maya maya ay tumayo si Monica at pumasok sa loob ng bahay.Paglabas niya, may dala na siyang kumot at marahang ibinalot iyon kay Fabian mula sa likuran.Napatigil si Fabian at tiningnan siya nang dahan dahan.“Baka sipunin ka.” Umupo muli si Monica, “Ayokong magkasakit ka, lalo ngayong Bagong Taon.”Akmang tatanggalin ni Fabian ang kumot ng titigan siya ng masama ni Monica sabay sabi.“Mas mabuti pang makinig ka sa akin, kung hindi…”“Ano’ng gagawin mo?” Sumulyap si Fabian, bahagyang nakakunot ang noo nang makita niyang parang nagbabanta ang babae.“Kung hindi, yayakapin kita.”Tinanggal ni Fabian ang kumot at itinapon pabalik sa kanya.“Fabian, alagaan mo naman ang sarili mo.” Tumayo si Monica at muling ipinilit na ibalot sa kanya ang kumot.“Napakadaldal m

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 26:Pag aalala ni Monica kay Patricia

    Napakaganda at makukulay ang kalangitan sa Bisperas ng Bagong Taon.Bagama’t lumalalim na ang gabi, mas lalo lamang nagiging masigla ang lahat.Sina Ginoo at Ginang Monterde, dahil matanda na at ayaw mapuyat, ay bumalik na sa kanilang silid bago pa tumunog ang kampana ng Bagong Taon.Si Fabian naman, kaagad na nagbalik sa kanyang silid matapos kumain at hindi na muling lumabas.Si Monica, kasama ang mga kasambahay, ay nagsindi ng bonfire sa bakuran at nagsama-sama upang magpainit.Matapos ang ilang saglit ng kuwentuhan, nagpadala ng mensahe si Monica kay Patricia at tinanong kung kumusta na siya.Makalipas ang halos kalahating oras, tumawag si Patricia.Tumayo si Monica at lumayo ng kaunti upang sagutin ito.“Hoy, kumusta ka na?”“Halos mabaliw na ako!”Kumunot ang noo ni Monica, “Bakit, anong nangyari?”“Gusto ko nang makipaghiwalay kay Lance, pero ayaw pumayag ng nanay ko. Ang sabi niya, alam na ng lahat ng kakilala niya na kami ni Lance ay magkasintahan, at kung makikipaghiwalay ak

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 25: Monica's 3 wishes

    Pagkatapos kumain, umupo si Monica sa hardin, tahimik siyang nakaupo, habang umaamoy ang halimuyak ng bulaklak sa paligid. Sa loob ng bahay, nakatayo si Fabian sa tapat ng malaking bintanang salamin, pinagmamasdan si Monica, kitang kita ang kalungkutan nito.Sa pagkakaalala niya, bihira niya itong makita nang ganito—tahimik ngunit puno ng alalahanin.“Hindi ko alam kung uuwi siya bukas sa pamilya niya,” wika ni Ginang Monterde habang iniaabot sa anak ang isang tasa ng ginseng tea. Tumayo rin siya sa tabi nito at tumingin sa dalaga.Tinanggap ni Fabian ang tsaa at nagpasalamat, “Magkano ba ang ibinigay sa pamilya nila?”“Binigyan lang namin ng kaunting negosyo ang tatay niya,” sagot ni Ginang Monterde.“Ibinenta niya ang anak niya?” tanong ni Fabian.“Hindi naman sa ganoon. Narinig ko na siya mismo ang pumayag. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pera. Basta, nang iabot ang tulong, tinanggap lang niya agad at wala ng ibang sinabi,” paliwanag ni Ginang Monterde.Humigop ng tsaa si Fabi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status