Share

Kabanata 57

Penulis: Georgina Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-31 21:52:20
Narinig niya ang pabulong na pagsasalita ni Owen sa kabilang linya na para bang kinakausap nito ang sarili. Sigurado siyang kung anu-anong senaryo na naman ang pumapasok sa isipan nito kaya naman agad niyang iniba ang usapan.

"Anong balita kay Grandma?"

"Narinig ko pong nagpabili siya sa isa sa mga housekeeper ng panibagong tela dahil balak niyang manahi," sagot ni Owen.

Nakahinga ng maluwag si Drake sa narinig. Kahit na sinabi ng matanda na balak nitong ipahanap ang nagligtas sa buhay nito at gawing isang ganap na Yoshida, mukhang nakalimutan na yata iyon ng matanda na ipinagpasalamat niya. Suportado niya ito sa kung anuman ang balak nitong gawin pwera lang sa pamimilit sa kanya na magpakasal na.

"Sabihan mo ang mga guards at kasambahay na bantayang maigi si Grandma dahil kung mauulit pa ang nangyari noong nakaraan, sila ang mananagot sakin."

"Masusunod po, Master Levine," agaran na tugon ni Owen.

Saktong pagkatapos niyang makausap si Owen, narinig niya ang papalapit na yabag ni Graci
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
totohan nlng tunay mg Asawa..
goodnovel comment avatar
Victoria Lumague
Thank you so much
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 281

    Hindi alam ni Kimmy kung matatawa siya o hindi. "Ano ba yang iniisip mo? Sinabi ko lang naman na masarap ang tindang prutas ni Kuya Garett. At dahil may various employee benefits kada taon, bakit hindi nalang tayo kumuha ng stocks sa kanya?" "Really?" Paninigurado ni Oliver."Oo naman no! Sobrang bait ni Kuya Garett at hindi ko pa siya nagpapasalamatan sa pagligtas niya sakin. Kung bibigyan naman natin siya ng pera, hindi niya iyon tatanggapin kaya naisip kong ang Inoue Corporation nalang ang bibili ng fruit gift boxes sa kanyang tindahan. Hindi ba't mas maganda yun?"Nakahinga ng maluwag si Oliver sa naging paliwanag ng kanyang kapatid. Mukhang napasobra rin yata ang sinabi siya kanina.Kahit na mabait si Garett, masyadong malayo ang agwat ng estado ng pamilya nila. Pamilyadong tao pa ito. Imposible naman sigurong mahulog ang kapatid niya kay Garett, hindi ba?Sa kaisipang iyon ay napatango-tango na si Oliver. "Okay, since siya ang benefactor mo, gagawin ko ang naiisip mo bilang pas

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 280

    Simple lang naman ang ideya na naisip ni Kimmy. Maghihiwalay na si Garett at ang asawa nito at para mabilis na mawala sa landas nito ang higad nitong asawa, ibebenta nito ang apartment. Sigurado siyang kailangan nito ng pera.Pero naisip niya na kung ibibigay niya kay Garett nh diretso ang pera, hindi iyon tatanggapin ng lalaki kaya naman, hinanap niya sa online ang fruitshop ni Garett at nag-order ng sandamakmak na prutas. Ay dahil order lang siya ng order, sobrang daming prutas ang dumating sa mansion nila.Sandali siyang natahimik habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa mga prutas. Kung sila lang ang kakain nun, kahit na umabot pa ng isang buwan, hindi nila iyon mauubos."Ang ganda ng quality nitong mga prutas Ma'am Kimberly. Gagawin niyo po ba itong regalo?" Tanong ng isa sa mga kasambahay nila.Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha. "Tama! Ang galing-galing ng naisip mo!" Natutuwa niyang sambit.At dahil hindi nila iyon mauubos, gagawin niya iyong regalo! Pero ilang sag

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 279

    Hindi parin humuhupa ang malakas na tibok ng puso ni Graciella kahit na malayo na siya sa apartment nila ni Drake. Nakakainis! Dati palagi naman siyang kalmado pero ngayon, hindi na niya halos makontrol ang emosyon niya!Sumagi sa isipan niya ang mangyayari mamayang gabi. Magtatabi ulit silang matulog. Naiinis siya sa sarili niya. Bakit parang excited siya kahit na ayaw niya? Ang gulo-gulo.Mabuti nalang at hindi sila magkaharap ni Gavin. Kahit na maliit pa ito, madali lang itong makapansin ng mga bagay-bagay sa paligid nito. At mainam narin na hindi ito nagtanong ng kung anu-ano hanggang sa makarating sila sa paaralan nito.Habang nagmamaneho siya paalis sa eskwelahan ni Gavin, nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy dahil nais nitong magpatulong sa kanya. May baging building na nabili si Kimmy na balak sana nitong ibigay kay Felip noon. At dahil hindi naman natuloy, plano ni Kimmy na gamitin nalang iyon sa ibang bagay."Matagal na akong nagresign at naghahanap ako ng bagong mapagli

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 278

    Nanlaki ang mga mata ni Graciella. Bakit parang ang bilis ng karma niya sa pagsisinungaling niya kay Gavin. Dahil sa pagkaasiwa ay kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi.Kahit na kasal sila, sa papel lang naman sila mag-asawa. At ilang buwan nalang maghihiwalay na sila kaya mas mainam sa kanya na magkaiba sila ng silid.Sa ngayon ay maayos man ang relasyon nila ni Drake, hindi parin siya kampante na magtatabi sila. Pero nagawa na naman nila iyon doon sa bahay ng lolo at lola nito kaya lang, noong mga panahong yun, wala pa namang halikang naganap bukod sa nangyari sa kanila noong nakaraang buwan.Pero ngayon...Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Pero kung hindi siya tatabi kay Drake, magtatanong na namang muli si Gavin kinabukasan. At ang mas inaalala pa niya ay kung ikukwento ni Gavin sa kapatid niya ang tungkol sa set-up nila ni Drake. Baka magkaroon ng pagdududa ang Kuya Garett niya sa relasyon nilang mag-asawa.Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang boses ni D

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 276

    Nanigas si Graciella sa kinatatayuan niya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Talagang hinalikan siya ni Drake!Oh my gosh!Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang marahang galaw ng malambot nitong mga labi. Nakakaliyo. Nakakadala. Wala sa sarili siyang napakapit sa matipuno nitong balikat at unti-unti naring tinugon ang halik na ipinagkaloob ni Drake sa kanya. At habang magkalapat ang labi nila, para bang sasabog na ang puso niya sa labis na saya.Hindi niya alam kung bakit siya nito hinalikan. Wala naman ito sa kasunduan nila. Dapat ay pinigilan niya ang lalaki pero hindi niya ginawa. Ayaw niyang gawin. Magiging sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya nagugustuhan ang halik na ipinagkaloob ni Drake sa kanya.Maya-maya pa'y lumalim na ang halik nito kasabay ng marahang paghaplos nito sa kanyang bewang na may kasama ng pagpisil. Para namang sinisilaban ang katawan niya sa init na nararamdaman niya. Masyadong pamilyar. Parang ganito rin ang naramdaman niya noong gabing m

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 276

    Napansin ni Drake na hindi maganda ang pakiramdam ni Gavin kahit pa pilit itong nagpapakasigla sa harapan nila. Nang matapos na sa isang kanta si Gavin at akmang lilipat sa susunod na pahina, mabilis itong pinigilan ni Drake."Gusto mo bang maglaro tayo ng building blocks?" Tanong ni Drake sabay turo sa bagong bili niyang Lego set na hindi pa niya naibibigay kay Gavin.Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Gavin sa narinig subalit nakaramdam parin siya ng pag-aalangan. Pero nang hawakan ni Drake ang kanyang kamay, hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na sumama sa asawa ng kanyang tiyahin.Bahagyang nasorpresa si Graciella sa pagiging malapit masyado ni Gavin kay Drake at ang mas higit na sumorpresa sa kanya ay ang mahabang pasensya ng asawa niya sa kanyang pamangkin.Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang tiyan. Ganyan din kaya si Drake sa magiging anak nila?Sandaling natulala si Graciella habang pinapanood ang dalawa subalit maya-maya lang ay nahimasmasan na siya at mariin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status