Share

Kabanata 50

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-03-26 16:48:46

Pero aminin man niya o sa hindi, unti-unti ng naglalaho ang galit niya sa babae. Lalo pa't wala siyang kakaibang napapasin sa mga ikinikilos nito at kaswal lang siyang pinagsisilbihan. Hindi niya maiwasang isipin na baka nagkamali lang talaga siya sa nakita niya kanina.

At para matapos na ang lahat, napagpasyahan ni Drake na subukan si Graciella.

Maingat na inilapag ni Drake ang hawak niyang mangkok bago nagsalita. "Graciella, may nakita akong dalawang partikular na tao kanina sa Burgos Street pero napansin ko na kamukhang-kamukha mo yung babae."

"Burgos Street? Inimbitahan kami ng general manager namin kanina para sa team dinner ng Dynamic Wheels. Doon kami sa restaurant na malapit sa sinasabi mo—"

Sandaling natigilan si Graciella nang may mapagtanto siya. "Baka nga ako yung nakita mo at ang lalaki naman ay si Felip, kaibigan ko. Teka lang ha."

Felip…

That's so bold of her to say his lover's name infront of him.

Nagkamali lang kaya talaga siya?

Habang nag-aalangan siya, nakita niya s
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
bk ngbgo ang pananaw nya Ng iba n Ng mamahalin.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 284

    "Ayos kalang ba?" Tanong ni Graciella nang makitang natigilan si Drake.Napakurap-kurap naman ang lalaki bago tumango. "Yeah. I'm fine."Sandali pa itong tiningnan ni Graciella bago napatango-tango. "Oh, okay. Back to the topic. Narinig ko sa mga kasamahan ko na kaya daw hindi ako natanggal sa trabaho ay dahil kamag-anak ako ni Mr.Ortega. Hindi ba nakakatawa yun?"Nakahinga ng maluwag si Drake sa idinugtong ni Graciella. Akala niya ay nabuking na siya. Well, kung sakaling mangyayari ang bagay na iyon, wala na siyang choice kundi ang umamin nalang.Lihim namang pinagmasdan ni Graciella ang reaksyon ni Drake para tingnan kung may sinabi ba ito kay Mr.Ortega at tinulungan siya ng lalaki para hindi siya matanggal sa trabaho. "Dapat siguro sabihin mo kay Mr.Ortega ang tungkol sa bagay na ito. Baka kasi makarating sa tenga niya ang tungkol sa tsismis. Nakakahiya naman sa kanya," nag-aalalang ani Graciella. Baka mamaya maapektuhan ang trabaho ng asawa niya."Dapat sinulit na nila ang tsismi

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 283

    Lampas alas singko na ng hapon ng makalabas sa trabaho si Graciella. Halos kalahating oras na naghintay si Gavin sa kanyang tiyahin."Tita, ano po ang ulam natin ngayong gabi? Ang saya-saya ko po na sinundo niyo ako," masiglang ani Gavin habang naglalakad sila palabas ng school gate.Hindi naman nagpapanggap lang si Gavin sa sinabi niya. Hindi siya sinusundo ng Mommy niya noon dahil malapit lang naman daw ang apartment nila sa paaralan niya. Minsan naman ay sinasabay nalang siya pauwi ng kapitbahay nila.Kahit na naramdaman niya na may tiwala ang kanyang ina sa kanya dahil hindi na siya sinusundo ng mga ito, naiinggit parin siya sa ibang bata na araw-araw sinusundo ng mga magulang nila at binibilhan pa ng meryenda.Nakangiti namang hinaplos ni Graciella ang buhok ni Gavin. "Hmm, how about sweet and sour pork ribs? Gusto mo ba?"Sandaling nag-isip si Gavin. Ramdam niya ang panunubig ng kanyang bagang. "Gusto ko po yan!"Malapit na sila sa may gate nang tumunog ang kanyang cellphone at

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 282

    Nangunot ang noo ni Graciella sa narinig. Big boss? Sinong big boss ba ang tinutukoy ng mga ito? "Balita ko kamag-anak yan ni Mr.Ortega kaya kahit na umaabsent siya araw-araw, hindi siya basta-basta natatanggal dahil malakas ang kapit sa itaas."Nais niyang mapairap. Noong nakaraan inaakala ng mga ito na kabít siya ni Mr.Ortega tapos ngayon naman kamag-anak. Baka sa susunod ibabalita na siyang asawa ni Mr.Ortega!"Kaya pala ano? Sikat nadin siya ngayon. Narinig mo naman ang balita sa kanya diba? Napakalaking eskandalo ang kinasasangkutan niya." Pagpapatuloy pa ng dalawa kasabay ng kakaibang titig ng mga ito sa isa't-isa.Sandali pang nag-usap ang mga ito bago lumabas. Nanatili namang tahimik si Graciella. Wala sa plano niya ang makipagbangayan sa ngayon. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang trabaho niya. Pagkatapos niyang makapagbihis, lumabas na siya ng locker room at hinanap si Ma'am Andrea.Dapat matagal na siyang nakabalik sa trabaho. Ang supervisor lang naman nila ang may aya

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 281

    Hindi alam ni Kimmy kung matatawa siya o hindi. "Ano ba yang iniisip mo? Sinabi ko lang naman na masarap ang tindang prutas ni Kuya Garett. At dahil may various employee benefits kada taon, bakit hindi nalang tayo kumuha ng stocks sa kanya?" "Really?" Paninigurado ni Oliver."Oo naman no! Sobrang bait ni Kuya Garett at hindi ko pa siya nagpapasalamatan sa pagligtas niya sakin. Kung bibigyan naman natin siya ng pera, hindi niya iyon tatanggapin kaya naisip kong ang Inoue Corporation nalang ang bibili ng fruit gift boxes sa kanyang tindahan. Hindi ba't mas maganda yun?"Nakahinga ng maluwag si Oliver sa naging paliwanag ng kanyang kapatid. Mukhang napasobra rin yata ang sinabi siya kanina.Kahit na mabait si Garett, masyadong malayo ang agwat ng estado ng pamilya nila. Pamilyadong tao pa ito. Imposible naman sigurong mahulog ang kapatid niya kay Garett, hindi ba?Sa kaisipang iyon ay napatango-tango na si Oliver. "Okay, since siya ang benefactor mo, gagawin ko ang naiisip mo bilang pas

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 280

    Simple lang naman ang ideya na naisip ni Kimmy. Maghihiwalay na si Garett at ang asawa nito at para mabilis na mawala sa landas nito ang higad nitong asawa, ibebenta nito ang apartment. Sigurado siyang kailangan nito ng pera.Pero naisip niya na kung ibibigay niya kay Garett nh diretso ang pera, hindi iyon tatanggapin ng lalaki kaya naman, hinanap niya sa online ang fruitshop ni Garett at nag-order ng sandamakmak na prutas. Ay dahil order lang siya ng order, sobrang daming prutas ang dumating sa mansion nila.Sandali siyang natahimik habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa mga prutas. Kung sila lang ang kakain nun, kahit na umabot pa ng isang buwan, hindi nila iyon mauubos."Ang ganda ng quality nitong mga prutas Ma'am Kimberly. Gagawin niyo po ba itong regalo?" Tanong ng isa sa mga kasambahay nila.Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha. "Tama! Ang galing-galing ng naisip mo!" Natutuwa niyang sambit.At dahil hindi nila iyon mauubos, gagawin niya iyong regalo! Pero ilang sag

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 279

    Hindi parin humuhupa ang malakas na tibok ng puso ni Graciella kahit na malayo na siya sa apartment nila ni Drake. Nakakainis! Dati palagi naman siyang kalmado pero ngayon, hindi na niya halos makontrol ang emosyon niya!Sumagi sa isipan niya ang mangyayari mamayang gabi. Magtatabi ulit silang matulog. Naiinis siya sa sarili niya. Bakit parang excited siya kahit na ayaw niya? Ang gulo-gulo.Mabuti nalang at hindi sila magkaharap ni Gavin. Kahit na maliit pa ito, madali lang itong makapansin ng mga bagay-bagay sa paligid nito. At mainam narin na hindi ito nagtanong ng kung anu-ano hanggang sa makarating sila sa paaralan nito.Habang nagmamaneho siya paalis sa eskwelahan ni Gavin, nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy dahil nais nitong magpatulong sa kanya. May baging building na nabili si Kimmy na balak sana nitong ibigay kay Felip noon. At dahil hindi naman natuloy, plano ni Kimmy na gamitin nalang iyon sa ibang bagay."Matagal na akong nagresign at naghahanap ako ng bagong mapagli

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status