Share

Kabanata 512

Penulis: Georgina Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-18 20:01:55

Nanuot sa ilong ni Graciella ang pinaghalong amoy ng ulan, putik at alikabok. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kisame. Ilang butil ng tubig pa ang tumulo sa kanyang mukha mula sa butas-butas na bubong na naging dahilan kung bakit siya nagising.

Pakiramdam niya mababaliw siya sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon. Mukhang dinala siya ng kanyang ama sa mas bukirin pang lugar base sa lamig ng temperatura. Maliit ang silid na kinalalagyan niya at lupa ang nagsisilbing sahig. Magkahalong lamig at uhaw ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Napagtanto niyang nakatali parin ang mga kamay at paa niya. Nakita niya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa isang sulok habang ang ama naman niya ay may kausap sa cellphone nito habang nakatayo sa may bandang pinto.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang walang malay. Basta nalang siya itinapon ng dalawa sa malamig na lupa at hindi man lang nag-abala na lagyan siya ng kumo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 514

    Subalit habang sinusubukan ni Graciella na putulin ang lubid, hindi niya inaasahan na masyado pala iyong makapal at matibay pa. Kaya naman natagalan siya at makailang beses pa na tumigil para siguraduhin na hindi magigising ang kanyang ama sa ingay.Nang makita niyang walang reaksyon ang mga ito ay mas binilisan pa niya ang kanyang kilos. Sumabog na sa buong paligid ang amoy ng preskong dugo mula sa sugat niya kasabay ng pagsigid ng ibayong kirot. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at tiniis ang sakit. Ito nalang ang pagkakataon niya. Kapag nag-umaga na, sigurado siyang hindi na siya makakatakas pa.Ilang sandali pa'y tuluyan ng naputol ang lubid na nakatali sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag at mabilis na tinanggal ang lubid sa na nakatali sa kanyang mga paa.Matapos niyang magtagumpay na maalis ang kanyang mga tali, sandali pa niyang hinilot ang namamanhid niyang mga kamay bago siya tumayo. Maingat ang kanyang bawat galaw. Isang pagkakamali niya lang, tapos na ang laha

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 513

    Hindi niya mapigilan ang maluha. Dahil sa inis niya, marahas niya iyong pinunasan gamit ang kanyang balikat. Hindi siya dapat umiyak! Hindi ito karapat-dapat sa mga luha niya! Ilang sandali pa'y tinapos na nito ang tawag kasabay ng mga hakbang nito papalapit sa gawi niya. Agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagkunwaring wala paring malay.Isang malamig na titig ang ipinukol ni Garry sa nakahandusay na si Graciella. Nang masiguro niyang wala parin itong malay, nakahinga siya ng maluwag at nagpunta na sa kabilang sulok ng bahay para doon magpahinga.Dahil sa takot ni Graciella na mapansin nitong gising na siya, iniwasan niya ang makagawa ng anumang ingay. Kahit nga ang paghinga ay pigil niya. At dahil inaapoy pa siya ng lagnat, maya-maya lang ay nagsimula na siyang manginig dahil sa lamig.Kahit naman sanay na siyang pinapabayaan lang ng mga ito noon, sa kaibuturan ng puso niya, naghahanap parin siya ng kalinga mula sa mga magulang niya. At dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya,

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 512

    Nanuot sa ilong ni Graciella ang pinaghalong amoy ng ulan, putik at alikabok. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kisame. Ilang butil ng tubig pa ang tumulo sa kanyang mukha mula sa butas-butas na bubong na naging dahilan kung bakit siya nagising.Pakiramdam niya mababaliw siya sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon. Mukhang dinala siya ng kanyang ama sa mas bukirin pang lugar base sa lamig ng temperatura. Maliit ang silid na kinalalagyan niya at lupa ang nagsisilbing sahig. Magkahalong lamig at uhaw ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Napagtanto niyang nakatali parin ang mga kamay at paa niya. Nakita niya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa isang sulok habang ang ama naman niya ay may kausap sa cellphone nito habang nakatayo sa may bandang pinto.Hindi niya alam kung ilang oras na siyang walang malay. Basta nalang siya itinapon ng dalawa sa malamig na lupa at hindi man lang nag-abala na lagyan siya ng kumo

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 511

    Ramdam na ramdam ni Wilbert ang sarkasmo sa boses ni Levine pero nagkunwari siyang walang narinig at binalewala lang ang napansin niya."Magkaibigan ang dalawang pamilya natin mula pa noon. Kung ano ang kakaharapin na problema ng bawat isa sa atin, natural lang na magtulungan tayong lutasin iyon. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang maitutulong ko, Levine, nang sa ganun ay mas mabilis nating mahanap si Graciella," mahinahon niyang wika.Hindi naman pinansin ni Drake ang mga sinabi nito, bagkus ay iniba niya ang usapan. "Uncle, hindi ba't noong hinanap mo si Hannah, nakumpirma mo na patay na siya? Ngayong narinig mo mula sa dalawang matanda na malaki ang posibilidad na si Graciella at Hannah ay iisa, hindi ka man lang ba nagulat?"Sandaling natigilan si Wilbert pero ilang saglit lang ay agad din siyang nakabawi. "Sobrang nagulat ako, Levine pero hindi parin naman tayo sigurado, hindi ba? At kung totoo man na si Graciella nga si Hannah, isa ako sa magiging pinakamasayang tao sa buong m

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 510

    Sigurado si Drake na may bakas pa ni Graciella na maaaring maging lead nila para matunton kung nasaan ngayon ang babae. Kung wala naman silang makikita, possibleng nasa loob lang ng Apex ang asawa niya. Ang importante sa ngayon ay mahanap niya ito kahit pa saang lupalop ng mundo man ito dinala ni Garry.His wife is pregnant for fúcksake! Kapag may nangyaring masama dito, he will go through hell para lang maparusahan ang mga may sala! There will be no mercy anymore!Agad namang tumalima si Owen sa utos niya. Pinagpawisan ng malamig si Mr.Dela Cruz sa presensya ni Master Levine sa loob ng building. Kahit pa kinakabahan siya, lumapit siya sa lalaki para magtanong."Master Levine, ano pong nangyayari? Baka may maitutulong po ako sa inyo," mahinahon niyang bigkas."Nawawala ang asawa ko at dito sa building siya mismo huling nakita kaya kailangan ko siyang mahanap agad!"Agad namang nakakuha ng atensyon ng lahat ang sinabi ni Master Levine. Totoo ba ang narinig nila? May asawa na si Master

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 509

    Namutla naman si Thelma sa narinig. Hindi naman siya bobo para hindi maisip kung ano ang mangyayari oras na mahuli sila ni Drake. Baka matuloy na talaga ang kinakatakutan niya na ipapakain siya ni Drake sa mga aso nito!Wala pa siyang balak na mamatay! Ayaw niyang maging pagkain ng aso!"Okay! Hindi na ako babalik! Umalis na tayo dito!" Determinado niyang wika."Siguraduhin mo yang desisyon mo, Thelma. Sa oras na tatraydurin mo ako, ako na mismo ang papatay sayo!" May diing asik ni Garry sa nanlilisik nitong mga mata.Wala namang balak na magpapigil pa si Garry. Saka lang siya makakahinga ng maluwag kapag nawala na si Graciella sa landas nila! Hanggang sa walang makakakita sa kanila, mananatiling lihim ang sikreto nila hanggang sa kamatayan nila!"Wag kang mag-alala. Wala akong balak na mapahamak!" Naiinis namang tugon ni Thelma sa kabila ng takot na nararamdaman niya sa asawa niya. Muli niyang tinakpan ng tela si Graciella para hindi halata sa mga taong madadaanan nila. Ilang san

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status