Share

Kabanata 555

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-09-10 20:14:45

Makalipas ang dalawang araw, nakalabas narin ng ospital si Grandma Hermania kaya nagpunta si Drake sa ospital kasama si Graciella para salubungin ang matandang babae.

"Kapag tuluyan na po kayong nakauwi sa villa, bibisitahin ko po kayo gaya ng pangako ko sayo noong nakaraan. Dapat sundin niyo po ang utos ng doctor para mas mabilis kayong gumaling."

"Aasahan ko yan. Marami kang utang na kwento sa akin," nakangiti nitong sagot.

Masaya silang nag-uusap nang bigla nalang lumitaw ang isang pamilyar na pigura sa harapan nila at walang pag-aalinlangan na lumuhod. Magulo ang buhok ni Beatrice at mukha itong miserable. Taliwas at ibang-iba sa nakagawian nito.

Gulat namang napatitig si Hermania kay Beatrice. Ilang segundo pa ang lumipas bago nakapagsalita ang ginang. "Bakit nandito ka? Ano na naman ang kailangan mo?"

"Nandito po ako para humingi ng tawad, Grandma. Alam kong mali ang nagawa ko. Magmula ngayon, nangangako po ako na makikipag-ayos na po ako kay Graciella. Masama lang po talaga an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jessa Andam
salamat po
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Ayyy mas mgaling pla c Graciella s acting kaysa ky Beatrice
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 555

    Makalipas ang dalawang araw, nakalabas narin ng ospital si Grandma Hermania kaya nagpunta si Drake sa ospital kasama si Graciella para salubungin ang matandang babae."Kapag tuluyan na po kayong nakauwi sa villa, bibisitahin ko po kayo gaya ng pangako ko sayo noong nakaraan. Dapat sundin niyo po ang utos ng doctor para mas mabilis kayong gumaling.""Aasahan ko yan. Marami kang utang na kwento sa akin," nakangiti nitong sagot.Masaya silang nag-uusap nang bigla nalang lumitaw ang isang pamilyar na pigura sa harapan nila at walang pag-aalinlangan na lumuhod. Magulo ang buhok ni Beatrice at mukha itong miserable. Taliwas at ibang-iba sa nakagawian nito.Gulat namang napatitig si Hermania kay Beatrice. Ilang segundo pa ang lumipas bago nakapagsalita ang ginang. "Bakit nandito ka? Ano na naman ang kailangan mo?" "Nandito po ako para humingi ng tawad, Grandma. Alam kong mali ang nagawa ko. Magmula ngayon, nangangako po ako na makikipag-ayos na po ako kay Graciella. Masama lang po talaga an

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 554

    Akmang aalis na si Owen nang mabilis itong pinigilan ni Graciella. "Wag na!"Kunot noo namang lumingon ang lalaki. "Seryoso po kayo, Madam? Hindi po natin isusumbong si Miss Beatrice?"Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Graciella bago siya nagsalita. "Kahit na alam na natin na siya ang may gawa, wala parin naman tayong matibay na ebidensya na magtuturo na siya nga ang salarin. At kung kukumprontahin naman natin si Beatrice, kilala natin ang ugali ng babaeng yun. Hinding-hindi yun aamin at maghahanap pa yan ng paraan para gumanti.""So palalampasin nalang po natin ang ginawa niya kay Mrs.Nagamori?" Hindi makapaniwalang tanong ni Owen.Marahan na umiling si Graciella habang may kakaibang ningning sa mga mata ng babae. "Ako na ang hahanap ng paraan para mapanagot si Beatrice. Wag mo na munang sabihin kahit kanino ang nalalaman natin. Kailangan mapaniwala natin si Beatrice na malinis ang ginawa niyang krimen at walang nakakahalata kahit na isa."Talagang lumalala na ang g

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 553

    "May naiisip na po na kayong paraan, Mrs.Yoshida" Curious na tanong ni Owen.Tumango naman si Graciella. "I already have but first of all, pwede bang kagaya noon, Miss Graciella nalang ang itawag mo sa akin?"Napakamot naman ng ulo si Owen. "Utos po kasi ni Master Levine. Baka kapag sumuway ako pagagalitan niya ako."Napanguso si Graciella bago muling nagsalita. "Kung ganun ay tawagin mo lang ako ng ganyan kapag nandyan siya. Okay ba yun?"Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila pero sa huli, wala ring nagawa pa si Owen kundi ang sumang-ayon. "Masusunod po, Miss Graciella."Tuluyan ng napangiti si Graciella nang marinig ang itinawag sa kanya ni Owen at iniabot na niya ang compact powder na hawak niya.Nanlaki naman ang mga mata ng huli. Compact powder? Kanino ba iyon? Hindi lang ba ang nanakit kay Mrs.Nagamori ang hanap ni Graciella kundi maging ang babae ni Master Levine? Parang nais niyang kaltukin ang ulo niya. Bakit niya ba naisip ang mga bagay na iyon gayong mahal na

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 552

    Hindi mapigilan ni Beatrice ang maging emosyonal. At least kakampi niya si Uncle Wilbert na akala niya ay naroon din sa tabi ni Graciella. "Kung ganun ay ano ba ang dapat kong gawin, Uncle Wilbert? Tell me how can I make Levine mine. Because honestly, hindi ako mabubuhay kapag hindi siya mapapasakin, Uncle..."Parang pinira-piraso ang puso niya sa kaisipan na muling magpapakasal ang dalawa at may engagement ring na si Graciella. Idagdag mo pang umalis ang dalawa na magkahawak kamay. Parang sasabog ang ulo niya sa labis na selos."Okay. Come a little closer, hija," anito na agad naman niyang sinunod.Nang makalapit siya ay bumulong sa kanya ang lalaki. Nang matapos nitong sabihin ang bagay na nais nito at humakbang paatras ng dalawang beses si Beatrice at kunot noong tinitigan ang lalaki."Are you really sure it will work?" Paninigurado pa niya."Of course! You have my support, Beatrice. How can it not work?"Kung pagbabasehan lang ang sitwasyon ngayon, there's a big chance that she w

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 551

    Napayuko naman siya dahil sa hiya. Kinagat niya ng pang-ibaba niyang labi at hinintay na umalis ang lalaki subalit naglakad ito palapit sa kanya at huminto ilang dangkal ang layo sa kinatatayuan niya. Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin at nakitang inabutan siya ng lalaki ng panyo. "Don't worry. Malinis yan." "Thank you," mahina niyang sambit at tinanggap ang panyo. "Wag ka ng malungkot, Beatrice. Magiging maayos din ang lahat. Maya-maya lang, mawawala na ang inis ni Mommy sayo. Nagalit lang naman yun kasi naingayan gawa ng nagpapahinga pa siya. Isa pa, hindi ka matitiis nun. You are her god-daughter and that Graciella is a fake. Hindi ka na dapat pang makipagkumpitensya sa kanya. Kapag humupa na ang tensyon, lambingin mo lang si Mommy then the two if you will be okay..." Sa narinig niya ay mas lalo lang siyang nalungkot. Pinrotektahan nito si Graciella kahit paman sa katotohanan na hindi ito tunay ba apo ng ginang samantalang siya na inaanak nito, pinagalitan siya at pinahiya s

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 550

    Nang makalayo na sina Drake sa kinaroroonan ni Beatrice ay huminto siya para suyurin ng tingin ang kabuuan ni Graciella."Ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ni Beatrice?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.Tipid naman itong nyumiti bago umiling. "Nope. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako sumugod doon kung alam kong madedehado ako."Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Kahit na. You should've reconsidered going after her. Baka mamaya masaktan ka niya at mapahamak kayong dalawa ng baby."Napanguso si Graciella bago lumapit sa kanya. Nitong mga nakaraan lang, napapansin niyang nagiging magkaugali na ito at ang pusa nitong si Molly. Bigla-bigla nalang itong lumalapit sa kanya at lumilingkis na parang pusa.And though he likes that gesture of her, sigurado naman siyang ginagawa lang iyon ni Graciella para makalusot ito o hindi kaya ay may hihingin na pabor sa kanya. But what can he do? He loves her and wanted to spoil her. Makakapareklamo pa ba siya?"Sorry,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status