Share

Kabanata 76

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-04-06 21:30:22

Nakahinga ng maluwag si Garett sa kaisipang hindi man mayaman ang napangasawa ng kapatid niya, maayos naman ang trato nito kay Graciella. Sapat na iyon para sa kanya. Naisip ng kanilang ina na isang mahirap lang si Drake mas mainam na isang ordinaryong tao lang ang asawa ni Graciella.

Hindi rin naman mayaman ang pamilya nila. Natatakot siya na baka kapag nakapag-asawa ng mayaman ang kapatid niya ay aapihin lang ito ng pamilya ng lalaki dahil hindi pantay ang estado ng dalawa. Kapag nangyari iyon, hindi siya basta-basta makakalaban at maipagtanggol ang kapatid niya. Di bale ng mahirap, basta mahal nito Graciella.

Maraming niluto si Graciella kanina para sa tanghalian pero hindi iyon naubos dahil nagkagulo sila. Naisipan niyang itabi nalang ang mga ulam at iinitin nalang nila para sa hapunan.

Pero ang pinoproblema niya ay marami pang stocks ang nasa kusina. Okay lang ang karne at gulay dahil pwede naman iyong ilagay sa freezer pero itong organic fish at hipon na nabili nila ay buhay na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
ganun talaga un ngmamahal.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 438

    Nakangiti namang naglahad ng kamay si Mr.Dela Cruz kay Graciella. "I wish us a happy cooperation, Miss Graciella."Makapangyarihan si Beatrice kumpara sa kanya at sa buong Apex. Mahirap makahanap ng taong katapat ng babae. Pero dumating si Graciella. Hindi niya man alam ang pinagmulan ng babae, pero si Mr.Oliver Inoue ang nagrecommend dito kaya sigurado siyang hindi ito basta-basta."Wag po kayong mag-alala, Mr.Dela Cruz, pag-iigihan ko po ang trabaho ko," magiliw na sambit ni Graciella.Hindi parin humuhupa ang galit sa sistema ni Beatrice hanggang sa makarating siya sa parking lot. Marahas niyang hinawakan ang braso ng kanyang agent bago nagsalita."Mag-isip ka ng paraan para masira si Graciella!""Miss Beatrice, paano nalang kapag nalaman ni Sir Oliver ang gagawin natin!" Nag-aalalang tugon ng agent.Pinukol niya ito ng isang nakamamatay na tingin kaya't wala itong ibang mapagpipilian kundi sundin amg nais ng dalaga."Okay. Gagawin ko na. Bumalik ka na doon sa loob. Dapat ay noong

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 437

    Nais na palakpakan ni Graciella ang CEO ng Apex sa mga sinabi nito."Hindi mo ba alam na sinabi ko na mismo kay Mr.Yoshida na boses ko ang dapat na gamitin sa palabas? Hindi ka ba natatakot kay Master Levine?" Mapang-uyam na tanong ni Beatrice.Pero imbes na kabahan ay ngumiti lang si Mr.Dela Cruz. "Naisip narin namin ang sinasabi mo Miss Beatrice. Ayos lang naman kay Master Levine. Sabi niya pa nga na mukhang mas maganda ang ideya namin. Kung hindi kayo maniniwala sa sinasabi ko, pwede niyo ring tawagan si Master Levine."Nais ng magwala ni Beatrice. Kaya pa niya na si Graciella ang nangbastos sa kanya dahil wala naman itong bilang but this fúcking CEO also dared to ignore her?Ito ang comeback project niya pagkatapos ng tatlong taon. Nais niyang patunayan sa lahat na hindi lang siya umaasa sa koneksyon at ipakitang all-in-one ang talento niya.Subalit ano itong nangyayari ngayon? Hinayaan ng lahat na si Graciella ang gaganap sa dubbing? Sa hindi sinasadya, napasulyap siya kay Gracie

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 436

    "You gotta be kidding me!" Hindi makapaniwalang sambit ni Beatrice.Huminga ng malalim si Mr.Dela Cruz bago nagsalita. "Kung hindi po kayo naniniwala sa sinasabi ko, pwede niyo pong tawagin ang inyong nakakatandang kapatid para itanong sa kanya.""Stop spitting a fúcking nonsense words, idiot!" Singhal niya sa lalaki.Sa pagkakataong iyon ay sapilitan na talagang hinila ng agent si Beatrice palayo sa mga ito. Nang makarating sila sa tagong parte ay agad na tumawag si Beatrice kay Oliver.Napasimangot naman si Oliver nang makita niyang tumatawag ang kanyang kapatid. "I'm still working Beatrice. Kung anuman yang sasabihin mo, just save it for later on.""Hindi na ako makapaghintay ng mamaya pa, Kuya! I saw Graciella here in Apex! Ipaliwanag mo sakin kung bakit pinayagan mo siya na mag-dub ng movie ko gayong nasabi ko na, na boses ko mismo ang gagamitin sa palabas?! Alam mo naman na hindi kami magkasundo diba? Yet you still brought her here! Kapatid ba talaga kita?!" Nanggagalaiting asik

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 435

    Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Mayaman lang si Beatrice pero para itong lata na walang laman. Maingay. Sanay itong maghari-harian dahil sa impluwensya ng pamilya nito."Miss Beatrice, hindi ako ang klase ng babae na umaasa sa pera ng asawa ko. May trabaho ako. May sahod ako na kagaya ng isang normal na empleyado. Siguro normal lang naman na mamili online, hindi ba? Hindi naman kami kagaya mo na kayang kumita ng milyon sa isang araw. Kung basura na pala ang mga damit sa online, sa tingin mo, saan ako bibili ng damit pati na ang mga empleyado dito?"Nanlaki ang mga mata ni Beatrice sa sinabi ni Graciella. Bakit parang siya pa ang nahulog sa bitag nito at nagmukhang masama?Napalingon siya sa mga staffs na nagbubulungan sa paligid."Hindi ko inaasahan na mapangmata pala si Miss Beatrice. Akala ko mabait siya...""Nakakadismaya. Ang baba pala ng tingin niya sa atin sa kabila ng matamis niyang mga ngiti."Tumalim ang titig ng mga mata ni Beatrice dahilan para makaramdam ng takot a

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 434

    Nang maalala niya ang ginawa nitong paglalandi kay Levine kagabi at ang posibleng nangyari sa dalawa pagkatapos ng tawag, hindi na kaya pa ni Beatrice ang magtimpi. Kailangan makaganti siya kay Graciella nang hindi pa natatapos ang araw na iyon!Akmang susugurin niya si Graciella nang mabilis siyang pinigilan ng kanyang agent. "Wag kang basta-basta nalang magpadalos-dalos, Miss Beatrice."Walang buhay na natawa si Beatrice. "Wag magpadalos-dalos? Kung ginawa mo lang ng tama ang iniutos ko sayo, wala sana ang babaeng yan dito ngayon!""Hindi ko alam kung bakit siya nandito, Miss Beatrice pero sigurado akong ginawa ko ng maayos ang inutos mo sa akin. Lahat sila ay tumupad sa sinabi mo at siniguradong hindi siya makakahanap ng trabaho sa kahit saang kumpanya."Sandaling natigilan si Beatrice at unti-unting kumalma. Kung iisipin, sinusuportahan siya ng Apex Production kaya bakit siya kakabahan na nandito si Graciella? Walang sinuman ang nais na kumalaban sa pamilya nila.Hindi kaya..."Hi

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 433

    "That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status