LOGINDi ko maimagine yung tibak kay Amelia huhuhu! #Traumatized
Samarah’s POV “Mama?! Tita Yassy?! Levi?!” Grabe para akong pumasok sa panaginip, totoo ba ‘to? “Hey Sam! Your Mom is freaking cool, look at this! Hahaha!” Itinaas niya ang isang bra na nabubuksan sa harap, “Dang easy access. I should make my girlfriends wear this.” Girlfriends?!! Pero teka balik tayo sa importanteng bagay. “Anak, ang sabi ko mamayang gabi ka pa pupunta dito hindi ba? Hali ka nga rito!” Hinila ako ni Mama papunta sa may kusina. “Oh gosh this is embarassing.” Dinig kong sabi ni Mama habang tawang tawa naman si Tita Yassy. “Okay lang ‘yan, bakit sila lang ba ang may love life? Hahaha!” Kinawayan pa ako ni Tita Yassy na parang naexcite pa na makita ako. “Ma, ano ‘to? Bakit ang daming tao dito?” bulong ko. “Naghohome selling kami ng Tita mo. Ikaw ang bakit nandito? Hindi ba’t sabi ko mamaya ka pa pumunta? Saka teka nga, kilala mo ba yung mayaman na mga babae na ‘yon?” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. “Ma, biyenan ko ‘yon.” Nakakaiyak, nakakahiya! “Nak
Samarah’s POV “Uiy Madam! Hello!” Napakaingay talaga ni Lebron, kung hindi mo siya kilala matatakot ka dahil parang rock formation ang mga muscle niya pero kung makatili at umakto parang batang babae. “Hello! Si Ate Jopay?” tanong ko habang papalapit kami sa desk niya. “Nasa CR lang Madam baka naglalabas ng sama ng loob hahaha! Eme!” Pati ang mga katabi ng desk niya na hindi naman namin kausap tawang-tawa sa mga banat niya. “Hahaha baliw ka talaga. Rowan, dito na lang ako. Bitiwan mo na kamay ko.” Sibusubukan kong hilahin ang kamay ko pero ayaw bitawan ng loko. “Ay bongga! HHWW!” “No, doon ka sa office ko.” Dire-diretso niya akong hinatak papunta sa office niya, kahit nagpupumiglas ako wala ring talab. Hay nako, gusto na naman niya akong masolo, enebee! “Pero sina Ate Jopay ang pinunta ko rito,” maktol ko. “Ay okay lang Madam walang problema! Goodluck na lang sa panganganak after nine months!” Hindi na yata nakapagpigil ang mga ka-office niya, panay ang hagalpakan nila
Samarah's POV “Hey, that's not fair. Hindi ko ginusto ‘yon. Why am I sleeping here?” maktol niya pero hindi ko ‘yon pinansin. Binato ko sa kanya ang unan at kumot niya saka siya inirapan. “Ano? Gusto mo ako ang matulog sa sofa? Ganon ba ‘yon?” Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! Asawa ako rito kaya may karapatan ako. Isa pa, wala naman dito sina Mama at Lola kaya ako muna ang masusunod. Mwehehehe! “No, of course not. Pero, how can I sleep without you?” “Eeew!” side comment ni Chelsea na dumadaan sa likod niya at may hawak na isang tub ng ice cream. “Ewan ko sa ‘yo Rowan, problema mo na ‘yan.” Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ‘yon, “Ano ba?!” Sapilitan niyang binuksan ang pintuan saka siya pumasok, “If you're jealous that then you can have my lips as much as you want.” “Jealous?! Ako??” Itinuro ko ang sarili ko, “Asa ka hoy, hindi ako nagseselos.” Ngumisi siya ng nakakaloko, “Really? Should I call her again and kiss her then?” “Gusto mo mamatay?” Pinanla
Samarah’s POV “Papa?” Lahat kami ay napatayo sa lamesa nang marinig namin ‘yon. “Thea, anak! Kamusta kayo? Namiss niyo ba ako? Miss na miss ko kayo eh!” Lumapit siya sa amin at akmang yayakap sana kay Thea pero umiwas ang kapatid ko sa kanya, “Oh? Bakit ka naman umiiwas kay Papa? Mabaho ba ako? Teka amuyin ko nga. Hay oo nga ang baho ng kilikili ko hahaha! Galing kasi sa pamamasada ng tricycle ang Papa anak, kaya ganon.” “Anong ginagawa mo rito, Eldon? Bakit nandito ka na naman?” Pumunta si Mama sa harap namin ni Thea na ani mong pinoprotektahan kami mula kay Papa. “Oh Mary Joy, bakit naman ganyan ang salubong mo sa akin? Hindi mo ba ako namiss man lang? Nasaan ang kiss ko?” Lumapit siya kay Mama ng nakabukas ang mga bisig pero sinampal siya ng malakas ni Mama, “Aray ko! Joy naman! Ang sakit non!” “Talagang masakit Eldon, para matauhan ka sa lahat ng kahibangan mo! Anong ginagawa o rito ha?” “Joy let me exlplain.” Ay wiow, Piolo Pascual? “Gusto ko kasi magpasalamat kay Sam
Samarah's POV “Be careful what you wish for, dahil hindi lang halik ang gusto ko.” Hindi pa ako tuluyang nakakasagot nang muli niyang akong siniil ng halik. Pero hindi gaya ng nauna na dampi lang, ngayon ay gumagalaw ang mga labi niya na para bang hinihikayat na sumabay sa kanya ang mga labi ko! Humawak ako sa magkabilang balikat niya para sana itulak siya pero lalo niya lang akong hinila palapit, mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at parang ayaw akong pakawalan. Magsisinungaling ako kung sasabihin mong hindi ko nagugustuhan ‘yon, dahil sa totoo lang. Ang sarap. Ang sarap niyang humalik! Ibinuka ko ng kaunti ang mga kabi ko at doon niya na ako tuluyang sinakop, at ang gagang si Samarah, nagpapasakop naman kay Rowan! Ano bang ginagawa ko? Bakit ako nag-eenjoy?! At… kelan pa ako natutong humalik?! Hindi ko na namalayang sumasabay na pala ako sa galaw ng mga labi niya. Pareho kaming nakapikit, ang mga braso ko nakayakap sa leeg niya habang nakahawak naman siya sa bewang k
Samarah’s POV Lambing sa kama? Paano ko kaya gagawin ‘yon? Hmmm… kanina pa ako nakatayo sa gilid ng kama at nakatitig dito pero wala pa rin akong maisip. Paano? Breakfast in bed? Yayakapin ko kaya siya? Kaso baka laitin na naman ng baklang ‘yon ang balat ko at sermonan na naman ako para gumamit ng kung ano anong pang haplas na nilagay niya sa banyo. Teka… alam ko na! Masahiin ko kaya siya? Hmmm okay siguro kung mamasahiin ko siya para naman marelax siya after ng matagal niyang work. Hihi! Ang talino ko talaga. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch ng mga bagay na nakakapagpa relax. Scented candle, dim lights, at rose petals. At… ano ‘to? Bakit manipis na lingerie? Hmmm wala naman akong ganito eh. Isa lang ang meron ako pero ayas naman ni Rowan sasabihin na naman niyang pangit ako ron. Siguro, okay na yung white sando ko na dress. Medyo manipis naman ‘yon. Tama! Ang talino mo talaga Sam! Inayos ko na lahat ng gagamitin ko. Nag-ready pa ako ng matcha milk tea saka bluebe
Samarah’s POV “That smells nice. Nagugutom na ‘ko.” “Wala pa naghihiwa pa lang oh! Hahaha!” “Ay sorry sorry hahaha!” Mula nung binanggit ni Maureen ang itsura ko kanina, eh hindi niya na ako tinigilan sa pang-aasar. “Buttered shrimp?” “Buttered shrimp na may pechay at kamatis? Sinigang!”
“Happy?” Nakabusangot ang mukha niya habang suot-suot ang cat costume na pinarisan pa ng cat paws at cat ears. Kulay pula at hapit na hapit ang damit, at may choker na may kasamang bell. “Hahaha! Isa pa! Mag meow ka dali, pakita mo yung
“Hoy! Buksan mo ‘to!” Bigla niyang sinara ang pintuan at Ikinulong ako ron. Paulit-ulit kong kinakalampag ‘yon, “Hoy! Peppa pig buksan mo ‘to!” Tumakbo ako papunta sa gilid ng rooftop para sana humingi ng tulong sa mga taong nasa baba pero kaagad akong nal
Samarah's POV “Bastos ka talaga!” Inirapan ko siya. “Patuyuin mo muna ang yang moisturizer.” Isinara niya ang mga ginamit niyang skin care saka nag-cross arms habang nakatingin sa akin sa salamin







