PERFECT MISTAKE 2 “Papa Uncle, you’re here. You’re here,” kanda tili si Jada nang makita siyang pumasok sa bahay ng Kuya Kien niya. Excited na tumalon-talon ang batang anim na taong gulang. Agad na kumapit ito sa kanya na parang tuko. “Hey, Baby.” Bahagya siyang umuklo para buhatin ito. “You’re heavy. Did you eat a lot?” “Yes!” tumango ito dahilan para tumalbog ang matambok nitong pisngi. “Talo ko na si Kuya sa kain. Yehey!” Naaaliw na kinandong niya ang bata para mas madaldal siya nito. “Kain po ako ng vegetable. Kuya Quinn gave his carrots to me because he loves me.” Natawa siya bago gigil sa ka-cute-an na h inalikan niya ang pisngi nito. Kung ganito ba naman ka-cute at kalambing ang daratnan mo sa bahay, hindi na siya nagtataka kung bakit palaging uwing-uwi ang kanyang kapatid mula sa opisina. Kung dati ay hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing dinadalaw siya ng
PERFECT MISTAKE 3 Napa-second look si Rosey sa kanyang working table para siguraduhin na hindi nga siya namamalik-mata lang. Si Killian nga ang lalaking prenteng naka-upo bakanteng pwesto ng kanyang mesa. Wala siyang natatandaan na pumwesto ito roon simula nang pumasok ito kompanya. Dahil kung hindi nagkukulong sa loob ng opisina, ay lumalabas lang ito kapag pupunahin ang mali niya. Madalas ay pinapagalitan siya. “G-Good morning, Sir,” kimi niyang bati rito. Agad naman itong tumayo sabay abot sa kanya ng pamilyar na styro cup. Gulat na napatingin siya roon bago ibinalik ang mga mata sa mukha ni Killian. “A-Ano po—.” “I-I’m giving you coffee.” Bagaman hindi na arogante, wala pa rin kaemo-emosyon ang boses ng lalaki. Ano bang nakain nito ngayong umaga at binigyan siya ng kape? O baka naman, ay nilagyan nito ng pampapurga ang inumin para makaganti. “My hand is waiting, Ms.
PERFECT MISTAKE 4 “Thank you, Gurl,” madamdamin niyang pasasalamat kay Antonia sa kabilang linya matapos nitong sabihin na ito na raw ang bahala sa anak niya. Hindi pa kasi siya makakauwi dahil pinag-overtime siya ni Killian. May dinner meeting ito sa isa sa mga Vice President ng ibang department ng Revamonte Tradings. Nahahalata niya ang pagkadisgusto ni Killian sa pagsingit ng meeting ng dis-oras. Subalit, wala naman magawa ang lalaki dahil iyon lang daw ang libreng oras ni Mr. Carpio. Mas nadagdagan ang linya sa noo ni Killian nang sampung minuto na ang nakalipas ay wala pa ang hinihintay nila. Naririnig na niya ang mahihina nitong mura at himutok na sinasayang ang oras nito. Kaya naman, hindi na siya nagulat nang makatikim agad ang nasa singkwenta na ang edad na lalaki ng matalim na tabas ng dila ni Killian. “This is very unprofessional, Mr. Carpio. If you want to meet with me, you need to set a time with
PERFECT MISTAKE 5 Akala niya pagkatapos ng gabing ipagtanggol siya ni Killian ay maalis na ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa. Subalit, siya lang pala ang nag-iisip ng ganon dahil matapos nitong makilala si Celine ay dumistansya na naman ito. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi na siya nito sinusungitan o tinatambakan ng trabaho. He was just distant and cold. Kapag kinakausap niya ay hindi man lang siya binibigyan ng kahit tipid na tingin. Sigurado siyang dahil kay Celine kung bakit nagkakaganon ito. Malinaw pa sa kanya kung paano nagsalubong ang kilay ng lalaki nang itanong ng anak niya kung bakit kamukha ni Killian si Chairman Revamonte. Nabasa niya agad ang tumatakbo sa utak nito. Plastik na plastik na nginitian lang ang baby niya at inabot sa kanya ang breakfast na dala bago siya nilayasan. Nagkanda-irap si Celine habang tinatanaw ang lalaki. Ang sungit daw! Gus
PERFECT MISTAKE 6Pinainom niya agad ng gamot si Celine at pinagpahinga kaya hindi natuloy ang lagnat nito. May duplicate key ang bata sa backpack nito kaya nakapasok sila sa bahay. “Daddy mo talaga si Daddy Cast?” Nakapangalumbaba si Celine sa countertop habang nakatingin sa kanya gamit ang bagong gising na mga mata. “Yeah.” “Bakit siya mabait tapos ikaw hindi?” prangka nitong tanong na muntik niya ng ikapaso. Mabilis niyang binitawan ang siyanse. “Sh!t!” “Kita mo na po? Nagmumura ka pa. Daddy Cast doesn’t say bad words.” “I almost got burned.” Lumabi ito na parang baby. “Si Mommy nga nagluluto pa ng fish tapos maraming oil ang tumatalsik, hindi nagmumura.” Sumasakit yata ang ulo niya sa pangangatwiran ng bata. Palaging may sagot. Mana yata kay Castiel dahil no’ng bata siya ay ganon din siya. Kapag pinapagalitan ng ina ay palaging naghahanap ng lusot. Kaya nga halimaw s
PERFECT MISTAKE 7 “Daddy.” Awtomatiko ang ngiti ni Killian nang marinig ang matinis na boses ni Celine. Maligayang kumaway ito sa kanya nang makita siyang nakaupo sa harapan ng classroom nito. “Hey,” he greeted the girl and gave her a peck on her temple. Nagpalinga-linga ang bata. Nang hindi makita ang ina ay tiningala siya. “Nasaan si Mommy ko?” Napaungol siya sa pagkadisgusto nang maalalang ni-kidnap na naman ng mommy niya si Rosemarie. Gusto niya sanang magkasama silang sumundo kay Celine kaya lang hindi rin naman siya nanalo sa mommy niya. “She went out with a friend. Ako na muna ang kasama mo para makapag-bonding tayo.” “Okay,” kibit-balikat nitong wika at saka kumapit sa kanyang kamay. Isa sa mga napansin niya kay Celine ay mature ito mag-isip kapag ang ina ang pinag-uusapan. Masyadong protective ang bata at talagang mahal na mahal si Rosemarie. “Where do you want
PERFECT MISTAKE 8 “What happened before I left for London?” tanong ni Killian kay Joana nang mahanap niya ito sa hardin ng mansyon ng mga Revamonte. a “Hi, Baby. You’re here.” Sa halip na sagutin ay h inalikan siya ni Joana sa magkabilang pisngi. “We gave you a send off party. Why?” Pasalampak siyang umupo sa tabi nito at tumingin sa kawalan. Hindi niya makalimutan ang takot sa mukha ni Rosemarie kagabi. Hindi pwedeng napagkamalan lang siya nito na ibang tao dahil pangalan niya ang tinatawag. ‘Tama na. Please pakawalan mo na ako, Killian.’ Hindi mag-aakto ng ganon ang babae kung hindi talaga iyon nangyari. Wala siyang natatandaan na may ginawa siyang masama rito maliban na lang sa pagpapahirap niya rito bilang sekretarya niya. “When you and Dad found me at jail…” “Kung guilty ka pa rin sa ginawa mo, sinabi na namin ng daddy mo na napatawad ka na namin. You did a great job, Anak. You already prove
PERFECT MISTAKE 9 Napalingon siya kay Killian nang ipinatong nito ang braso sa sandalan ng sofa na kinaroroonan nila. Halos nakaakbay na sa kanya ang lalaki. Kung wala lang si Celine sa gitna nila ay malamang kanina pa nakapatong sa balikat niya ang braso nito. Hindi na talaga sila makakauwi ni Celine ngayong gabi kahit ano pang idahilan niya. Komportable na ang anak niya sa pajama pairs nitong pinabili pa ni Killian sa isa sa mga tauhan nito. Habang siya naman ay nakasuot ng boxer ng lalaki at malaking t-shirt. Ang hudyo, nagpabili na lang rin naman ng damit, hindi pa siya isinama. “What?” mababa ang boses na tanong ni Killian nang lumingon ito sa kanya. Tiningnan niya ang kamay nito para ipahiwatig na alisin. Subalit, sa halip na sundin ay tumaas lamang ang sulok ng labi ng lalaki at mas ginawa pang komportable ang sarili sa sofa. Napanganga si Rosemarie nang kinindatan siya nito na parang teenager.