“Salamat sa mga pagkain, Celine. Ang galing pa lang magluto ng asawa mo kaya ’yong iba nasubrahan na sa luto...” agad siyang pinaglakihan ng mata ni Celine. “Kapag narinig ka no’n at ’yon tinopak dahil sa ’yo. Lagot ka talaga sa akin!” seryosong usal ni Celine sa kaniya. Ngumisi naman sa kaniya ang binata. “Nakakatuwa na nasa maayos na kayong dalawa.” Inirapan siya ni Celine, “May balak ka ba’ng batiin?” “Hanggang ngayon nagdududa ka pa rin sa kaniya?” “Hindi sa gano’n, okay? Hindi ko gusto na pagdudahan siya pero hindi ko rin talaga maiwasan.” “Hindi naman siguro kailangan na madaliin mo agad-agad. Lalo na’t may proseso naman ang lahat. Hindi ba’t kung sakali na totoo lahat ng ipinapakita niya sa ’yo ay napakaganda ng balita ’yon?” seryoso pang usal niya na ikinatango ni Celine. “Kaya huwag ka ng mag-alala. Isipin mo na lang kung paano kayo magsasama niyan ni Sir ivan.” Iyon na lamang ang kanilang naging pag-uusap bago ito tuluyang umalis. Tanghali na rin ang tagpong ’yon. Ka
Niligpit niya na ang mga plato na pinaggamitan nilang dalawa habang si Ivan ay abala sa kaniyang cellphone. Nasa sala ito habang nakaupo sa sofa. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kaniyang cellphone. Hilig din kasi nito ang paglalaro ng mobile legends. Isang sikat na laro na kinakaadikan ng mga nakararami ngayon. Nang matapos niya na ang gawain niya mabilis siyang nagtungo ng kuwarto. Naligo na. Tanging naka-oversize shirt lang na kulay gray at maong na kulay white ang sinuot niya. Bago bumaba para tumambay sa sala. “Iniimbitahan tayo ni Mommy, Celine.” Napatingin siya kay Ivan nang sabihin niya ’yon matapos nitong tumabi sa kaniya. “Gano’n ba? Ano’ng oras para makapagbihis na rin ako...” Suminghap siya, “For dinner, so please be ready.” Tumayo siya at naglabas ng susi. “Saan ka naman pupunta?” “Saan tayo, pupunta? Secret.” “Ha? Ano’ng tayo?” “Let's go,” Kinuha niya ang kamay nito dahilan para mabitawan niya ang remote. Mabilis niya ’yon ginawa bago pinatay ang TV. “T
“SIGURADO ka ba talaga, Ivan. Na maganda tignan sa akin 'to?” naguguluhan at nagdududang usal ni Celine habang ang mata ay nakaharap sa salamin. Habang si Ivan ay nasa upuan at pinagmamasdan siya. Gusto kasi nito na mag-date muna sila. Dahil tapos na sila sa paglalaro, at pagkain ngayon naman ay nasa pamilihan na sila. Tapos na nga silang pumunta ng Calvin Klein, SheIn, Gucci at ilan pang branded na damit, at sapatos sa loob ng yayamanin na mall na ’to. Bago pa sa paningin niya ang lahat ng mga nakikita niya. Ang iba rito ay hindi siya makapaniwala na nag-e-exist talaga ang isa na ro’n ang mga presyo, hindi kapani-paniwala! Napakamahal ng mga ito. Malabong ma-afford na kagaya niya. Gusto na lang niya tuloy isipin na Sugar Daddy niya ang kasama niya ngayon. “Well, you looked really great in those dress...” usal ni Ivan habang nakatingin pa sa hawak ni Celine na mga dress. Napataas balikat na lang siya at hindi na sinagot si Ivan. Masaya siyang umikot sa salamin at hindi nagawa
“T-Teka! Saan naman dito ang banyo? Bakit kasi ang hilig nila sa malalaking bahay? Hindi naman nila siguro mapapasok lahat ng ’to sa dami ng rooms!” inis na bulong niya. Patuloy lang siya sa paghahanap ngunit napatigil siya ng mayroong humarang sa mga mata niya gamit ang kamay nito. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako, sino ka ba?! Ano sa tingin mo ginagawa mo?” galit niyang tanong habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa mga mata niya. “Hulaan mo...” “Puwede ba? Wala akong oras para makipag-biruan!” Kusa naman siyang tumigil at inalis ang kamay niya sa mga mata ni Celine. Dahilan para magkaroon siya ng tyansa para tignan ito. “Arvin?” “The one and only!” usal niya na may malawak na ngiti sa labi. “Bakit naman ang sungit mo ah? Palala ng palala ’yan, panigurado mas mauuna ka pa magmukhang matanda sa akin pag palagi kang gan’yan!” bumungisngis pa ito na ikinairap ni Celine. “Sino ba naman kasi ang hindi magpapanik? Bigla-bigla kang nangtatakip ng mata.” “I'm just kidding, okay? A
CELINE'S POINT OF VIEW ILANG linggo na nga ang nakalipas at katulad pa rin ng dati. Wala naman nagbago bukod sa hindi na siya sinusungitan ni Ivan, pinakita at pinararamdam niya naman na kay Celine na mahal niya ito at hindi niya na dapat pang kwestunin ’yon. Day by day, nag-e-effort ito kay Celine. Pinaghahandaan ng almusal, at sinasamahan manood ng paborito nito k-drama sa T.V.. Hindi niya tuloy din maiwasan na matuwa sa mga pinaggagawa ni Ivan sa kaniya. Minsan pa nang magkaroon sila ng movie marathon at nakatulog si Celine sa sofa, nagising na lang siya na nakahiga na sa sofa at may kumot. Hindi na kasi ito nag-abala pang abalahin ang tulog niya para gisingin siya at ipalipat sa kama niya. Siya tuloy ang unang hinanap ng mga mata ni Celine pag gising niya. Ngunit agad din nawala ang lungkot sa mata niya dahil nakita niya itong natutulog na mayroong sapin at nasa baba lamang niya. Mahimbing itong doon natutulog. Hindi niya maiwasang mapangiti matapos niya itong masaksihan.
“IVAN?” sambit ni Celine kay Ivan matapos niya itong makitang maglakad paalis. Hindi niya maiwasan ang mapatanong sa sarili niya. Hindi kasi nito nagawang humarap sa kaniya. Tanging sa cellphone lamang nakatutok ang atensiyon nito. Tila balisa pa ang asawa niyang si Ivan habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa cellphone nito. May hindi ba ako nalalaman? HIndi ko alam kung bakit bigla ko naramdaman`to ni hindi ko alam kung ano`ng nangyayari sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Seryoso ngunit kabadong sunod-sunod na pagkuwestyon ni Celine sa sarili. Pero mas nanaig kay Celine ang pagtataka at ayaw niya itong ipagpatuloy, ayaw niya ang ganitong pakiramdam lalo na kung si Ivan na ang usapan. Ilang buwan na rin silang nagsasama rito kaya unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Minamahal na niya ito. Ngunit isa ’yon kalokohan, dahil magkaiba sila. ’Yon ang napagtanto ni Celine matapos niyang sundan ito. Napagtanto niya na lubhang magkaiba sila ng nararamdaman. Na
“Nathalia, please,” “Please what, Ivan?” “Come back to me, Nathalia...” “Come back? Gusto mo akong bumalik sa ’yo, Ivan? Have you forgotten? You're married now, and I don't even know why I showed up with you.” “Because you love me, Nathalia. So please let me handle this.” “You're now married because you choose her, right? Because of what? Because you don't want to lose your wealth, right?” “Pero hindi tayo puwedeng magsama, Nathalia kung mawawala lahat sa akin ’yon. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang lahat ng ’yon, Nathalia.” Sa kabilang banda, makikitang nag-uusap sina Ivan at ang dati nitong kasintahan. Kung saan makikita ang tila hindi magkaunawaan ng dalawa. Taas bagang tumingin kay Ivan ang tinutukoy nitong nathalia bago sarkastikong tumawa. “Kaya mas pinili mong ikasal sa kaniya? Kaya ba ang dali sa ’yo bitawan lahat ng pinagsamahan natin? So ako? What about me? W-Wala ba akong h-halaga sa ’yo, Ivan?” “You know it wasn't easy for me, Nathalia. But I have to d
“Good morning, love!” agad siyang nilapitan ni Celine at niyakap. “Good morning too, Love,” may ngiting usal ni Ivan pabalik dito. “Lasing na lasing ka kagabi sa venue, hindi na tayo tuloy pinauwi dahil mahirap nang bumbyahe. Gano’n din kasi ang mga bodyguards nin’yo, lasing na lasing din halos lahat.” Napahawak siya sa ulo niya at tinignan si Celine, “I'm sorry, Love. I even lost my time for you dahil sa kalasingan ko kagabi.” seryosong kunong sambit ni Ivan. Na alam niyang hindi naman iyon ang rason. Sinadya niyang uminom ng madami dahil hindi niya gustong magkipagplastikan dito. Ngumiti na lamang si Celine, “Ano ka ba?Hindi na ’yon mahalaga! Nga pala nag-prepared pala ako ng breakfast natin sa baba,” muli saad ni Celine bago ngumuso sa gilid ng kabinet ng kama na pinagtulugan niya. “Pinagtimpla rin kita ng kape para mawala ’yang hang-over mo.” “Ang bait talaga ng mahal ’ko! Halika nga rito!”.Nagulat si Celine sa mabilis nitong kilos. Hinila kasi siya ni Ivan papalapit sa kaniy