Share

Marrying with You
Marrying with You
Author: Queen_ilaria

CHAPTER 1

CELINE’S Point of View

“Bili na kayo! Turon, banana que, at kamote que kayo d'yan! Mainit pa!” sigaw ko habang tirik na tirik ang araw rito.

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? Kung hindi ako magtra-trabaho ay baka mamatay kami sa gutom ng kapatid ko. Hindi ko maasahan ang mayaman naming Ama dahil kailanman ay hindi na kami nito binalikan. Ang aking Ina naman ay iyon kasama ng bago niyang kinakasama.

Napailing ako at muli nang nagsisigaw rito.

“Manong ano ba ‘yan pagod na pagod tayo ha? Magmeryenda muna kayo may pancit dito pang pahaba nang buhay Manong!”

“O s'ya bigyan mo ko nito,” lumapit siya at itunuro ang turon kaya naman umupo ako para ilapag saglit ang mga ito. “At itong turon nga dalawa,” ani niya na ikinangiti ko. “Mamaya balikan mo ‘ko pautang muna.” maya-maya niyang saad agad naman akong tumayo at mahinang pinalo ang kamay niya sa basket na nasa tapat ko.

“Mahirap na ang buhay ngayon Manong kaya wala nang utang-utang bayad muna!”

Wala itong nagawa kung ‘di ang dumukot sa bulsa niya dahilan para gumuhit muli ang ngiti sa labi ko. “Ayan Manong kapag ganyan ka magkakasundo tayo! S'ya bukas ulit ha?” mahinang tanong ko rito.

“Oo na! Buti sana kung may palag pa ako sa iyo iha! Pasalamat ka maganda ka, mataba nga lang!” sambit nito dahilan para tignan ko siya ng masama.

“May sinasabi ka ba Manong?” kunwaring tanong ko.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at mahinang tumawa. Kinuha nito ang kaniyang bimpo na nasa balikat niya at marahang pinunasan ang noo niya at muling nang nagsalita. "Wala naman iha ang ibig kong sabihin tumuloy ka na masiyado nang mainit dito. Ang ganda-ganda mo para ihawin.”

Napailing na lamang ako rito ngunit ngumiti at magpasalamat pa rin sa kaniya.

Mataba naman talaga ako pero hindi naman sa mataba na halos kapag tumatakbo ay bumibiyak na ang lupa.

Kilala ko na halos ang mga tao rito maloloko pero may mga mabubuting puso pa rin naman. Sanay na ako sa mga pangbubuyo nila dahil madalas talaga akong maglako rito lalo't marami na akong suki rito.

Nilagay ko na sa gilid ko ang bag ko kinuha ko na rin ang bilao na dala ko at nilagay iyon sa balikat ko isinunod ko naman ang basket at kinarga ang mga iyon.

Kinuha ko ang bimpo ko sa bag at pinunasan na ang mga pawis na namumuo na sa aking noo. Nagpahinga lamang ako rito sa gitna ng kalsada ngunit mamaya ay lalarga na muli ako. Pawis at pagod na pagod na ako pero kailangan ko pang ayusin itong mga natira sa bahay mamaya, at ipamimigay ang iba sa mga kapitbahay namin. Alas sais na pasado kaya hindi na ako

magtataka kung bakit wala ng tao rito sa amin. Dito sa probinsiya pa naman ay maaga pa lang ay tulog na mga tao pero dahil sa kagustuhan kong makabenta kailangan ko pang abutin ng gabi para maubos itong paninda ko.

Nasa gitna ako ng paglalakad ngunit laking gulat ko ng mapansin ang isang kotse may usok na lumalabas dito at tama nga ako, bumangga ito sa isang malaking puno!

Nagmadali akong pumunta sa kotse at ibinaba itong paninda ko roon sa gilid at lumapit sa kotseng ‘yon.

Madugo-dugo ang ulo ng lalaki. Mukhang mayaman at lasing! Oo, sa dami ba namang bote ng alak ang napansin ko sa paahan niya.

“Tulong!” rinig kong mahina niyang sambit.

Animong takot na takot na rin at hirap na hirap.

Pinilit ko naman siyang hilahin ngunit naipit doon ang paa niya.

“Ilabas mo ‘ko at sasabog ito!” mahina niyang utos sa akin.

Kaya naman kahit hirap na hirap ako dahil hindi naman siya gano’n kagaan ay pinilit ko pa rin siyang tulungan. At salamat sa diyos nagawa ko siyang ilabas doon.

Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa balikat ko at naglakad ng palayo roon.

“Iha please… Kung ano man ang iniisip mo huwag mo ng gawin dahil mapapahamak ka lang!” sigaw naman ng lalaking ito na naka-akbay saakin matapos kong subukan kunin ang mga natira ko pang paninda na nasa gilid lang ng kotse niya.

Wala akong nagawa kung ‘di piliting maglakad palayo. Narinig ko na lamang ang malakas na pagsabog ng kotse nito. Mabuti na lamang at nakalayo na kami.

Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang manghinayang sa dami ng paninda kong nasayang.

Gusto ko man siyang tanungin ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko at nanatili lamang akong tulala ng makarating kami sa bahay.

“Marco?” nanlulumong tawag ko sa kapatid ko.

Habang akbay-akbay pa ang lalaking ito na wala ng malay.

“Marco, buksan mo itong pinto nandito na si Ate!” muli kong sigaw at patuloy ang pagkatok sa pintong ito.

Ngunit kahit ano'ng sigaw at katok ko sa pinto ay hindi ko narinig ang boses ng kapatid ko. Kaya naman napilitan akong buksan ito gamit ang isiksik ang kamay ko sa pinto mabuti na lamang na buksan pa rin ito.

Awtomatiko akong napabitaw sa lalaking hawak-hawak ko ng makita ko si Marco walang malay na nakahiga sa sahig.

“Aw, aray!” rinig kong d***g niya mula sa likod ko.

Hindi ko na ito mas piniling bigyan ng pansin dahil nasa panganib ang kapatid ko at mukhang umatake na naman ang sakit niya.

Tinignan ko ang inhaler niya mas lalong kong kinabahan ng makitang ubos na ang laman nito.

“Bunso hintayin mo si ate ha?” Maluha-luha ng tanong ko sa kaniya at Puwersahan ko siyang kinarga.

Kailangan ko itong dalhin sa hospital.

Kahit nahihirapan ako kinuha ko ang matandang lalaki at muling inakbay sa balikat ko lalo’t kailangan din itong dalhin sa hospital.

Nang makarating kami roon ay agad naman silang inasikaso ng mga nurse, at pinalabas muna ako pansamantala.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa.

"Ahhh… Ma'am Bianca baka hindi po ako makapasok—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsigaw nito.

“Magdadahilan ka na naman ba? Napakaraming costumer ngayon ka pa ba hindi papasok?” sigaw nito saakin.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin at uunahin ko at sabay-sabay ang lahat.

Rumaraket rin ako bilang isang waitress sa isang sikat na restaurants dito sa amin ngunit walang kasing sama ang naging amo ko palagi na lamang ako nitong sinisigawan at pinapagalitan. Hindi ko tuloy minsan maiwasang maisip na mayroon talaga itong personal na galit sa akin.

Suminghap ako.

Kailangan kong maging matatag at kumalma sa mga oras na ito dahil wala rin akong mapapala kung sasabayan ko ang galit nito. “Ma'am Bianca, sinabi ko naman sainyo sinugod ko ang kapatid ko ngayon sa hospital kaya kaunti pag-i-intindi naman po."

Tulad ng inaasahan ko ay muli ako nitong sinigawan. “Kung hindi ka papasok, wala ka ng babalikan pa rito!” ani niya. “Sinisiguro ko ‘yan sa'yo! Walang kuwenta!” dugtong nito at pinatay na ang tawag.

Napasapo na lang ako sa akin noo.

Ano'ng gagawin ko ngayon?

Mahina ang puso ng kapatid ko dahil bata pa lamang siya ay nagkaroon na ng deperensiya ang puso niya nang ipanganak siya ng nanay namin.

Ginagawa ko naman ang lahat para maiwasan ang ganito ngunit bata pa ang kapatid ko alam kong marami pa siyang gustong malaman at masubukan sa mundo kaya kahit alam niyang mali at bawal sa kaniya. Ay magagawa niyang suwayin ang utos ko magawa lang at makuha lang ang nais niya.

“Manong Guard naman? Sinabi ko naman sainyo nag-tra-trabaho ako rito ano'ng pinagsasabi n'yong bawal akong pumasok d'yan e! Nakikita n'yo naman ako dati pa d'yan!” sigaw ko dahil kanina pa ako nito ayaw pa papasukin at sinasabing hindi ako nagtra-trabaho rito.“Huwag na ho tayong maglokohan Manong! Papasukin n'yo na ako kailangan kong makausap si Ma'am Bianca!” sigaw kong muli.

“At ano'ng kailangan mo saakin? Ano pang ginagawa n'yan dito? And you!" sigaw niya at itinuro ang hintuturo niya sa mukha ko. "Sinabi ko na sa'yo ‘di ba? Na once na hindi ka pumasok, wala ka nang babalikan pa rito kaya ano pang ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa iyo? Then sige, Ms. Celine you're fired!”

“Pero Ma'am? Hindi ho puwede ito! Hindi n'yo ako puwedeng basta-basta pa-alisin dito!”

“Bakit hindi? Tandaan mo pangmamay-ari ko ang lahat nang nandito so i can do everything i want! Guard alisin n'yo sa harap ko ang babaeng ‘yan!”

Napaluhod ako, “Bitawan n'yo ako! Dahil aalis na ako!” Pagpupumiglas na sigaw ko kaya naman wala silang nagawa kung ‘di ang bitawan ako.

"Ako pa kasi ang kinalaban mo, Celine." Natatawa niyang saad. Lumapit ito sa akin at marahang hinawakan ang baba ko. May kinuha siya sa wallet niya na tig-iisang libo bago muli akong balingan ng tingin. "Next time kasi alamin mo 'yung lugar mo, okay? Dahil kumpara sa akin, walang-wala ka." Ngumisi siya at ibinato sa akin ang mga pera 'yon. "Take that, kailangan mo 'yan 'di ba?"

Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong maging reaction ngayon. Kung dapat ba'ng matuwa dahil kahit papaano ay may malaking halaga na rin akong nakuha, o maluluha sa hiya.

Napatigil ako ng maramdaman ko ang isa marahang paghawak sa balikat ko. "Umalis ka na Ma'am Celine, pasensiya na rin talaga. Kailangan ko lang din ng trabaho."

Ngumiti ako sa kaniya at tumayo. Inaayos ko na ang sarili ko bago muling maglakad at umalis na sa lugar na 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status