Share

CHAPTER 2

Celine's Point of View

KUMUHA ako ng mga damit na susuoutin ng kapatid ko dahil sabi ng doctor ay may nakakabuti kong doon lamang muna ito. Para maobserbahan ng mga doctor bago pa magsimula ang operasiyon.

Hindi ko pa alam ngunit handa akong gawin lahat para makakuha ng pera pagbayad roon. Ang kapatid ko na lamang ang buhay ko, siya na lamang ang nag-i-isang pag-asa ko kaya lumalaban pa rin ako.

“Manang Gloria!” pagtawag ko rito habang patuloy sa pagkatok.

“Oh, iha? Gabi na ano'ng sadya mo?" tanong nito saakin.

Agad akong yumuko sa tanong niya. Bago muling bumuntong-hininga. Kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko. “Manang baka may pera kayong mahihiram saakin? Babayaran ko ho kapag nakaluwag-luwag na ho ako!”

“Nako iha? Magkano ba ang perang kailangan mo” tanong nito.

“Kahit magkano lang ho ang kaya n'yo, kailangan po kasi nang pang-paopera kay Marco pero hindi sapat lahat ng na-ipon ‘ko,” nanlulumo akong muling napayuko.

Ang perang naipon ko ay sapat lamang sa gagastusin ng kapatid ko para sa pag-a-aral niya. Ayaw kong matulad siya saakin kaya kahit nagkakanda hirap hirap ako sa pagtra-trabaho pinilit ko pa rin iyon ngunit ngayon ay ang pera na 'yon ay idadagdag ko na lamang para sa pangbayad sa operasiyon niya.

"Iha, pasensiya ka na ngunit sa totoo lamang ay pareho rin tayo dahil katatanggal lang ng Asawa ko sa trabaho niya at sapat lamang ang pera ko ngayon para sa pagkain namin." paliwanag nito at hinawakan ang kamay ko.

”Gano’n ho ba? Okay lang ho!”

“Basta iha, ipagpapanalangin ko ang kapatid nawa'y gumaling s'ya huwag ka rin susuko, iha! Matapang ang kapatid mo basta manalangin lang tayo sa diyos.” Tumango naman ako rito.

“Opo salamat po,” ani ko at umalis na ron.

Iba't ibang bahay na ang pinuntahan ko pero wala akong natanggap na ni isang tulong. Sa huli ay namalayan ko na lamang ang sarili ko na nasa silid na nang kuwarto ni Marco.

Gusto ko nang sumuko.

Napagtanto ko ng mga oras na ito na hindi lahat kayang ibalik lahat ng kabutihang ginawa mo, na ikaw palaging nariyan sa tabi nila ngunit kapag ikaw na ang mangangailangan ay wala na silang paramdam.

Napailing ako pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ang kamay ng kapatid ko.

“Hindi, hindi susuko si Ate! Kaya please gano'n ka rin Marco! Huwag mo namang iiwan si Ate ‘di ba iniwan na tayo nila Mama, at Papa gano'n ka rin ba bunso? Iiwan mo na rin ba si Ate? Pero syempre, mahal mo si Ate 'di ba? Mamamasyal pa tayo, lalaki ka pa. Makikita at lilibutin pa natin ang mundo pagdating ng araw 'di ba? Kaya Marco please kumapit ka lang kay Ate kakayanin natin 'to. Basta walang susuko sa atin, ha? Lalaban ka, syempre mas lalaban si Ate. Ikaw ang lakas ni Ate e!"

Napatigil ako ng marinig ang pagkatok ng pinto mula sa likod ko. “Pasok bukas iyan."

“Narinig ko kailangan n'ya ng malaking halaga magpaopera? May pangbayad ka ba ng mga gagastusin n'yo rito?”

Taas kilay kong siyang hinarap.

“Nang-i-insulto ka ba? Sa sinabi mo pa lang halatang chismoso ka. Puwede bang sabihin mo na lang kung bakit nandirito ka pa? Hindi nangingialam ka pa sa problema namin."

Umiwas naman siya nang tingin. “Hindi ko naman iyon sinasadya. Nagkataon na pupuntahan kita rito para magpasalamat kaya lang nag-u-usap pala kayo ni Dra. Reyes.” paliwanag niya.

“Magpapasalamat ka ba talaga o pinuntahan mo lang talaga ako para insultihin kami? Para sabihin ko sa'yo. Mayroon. Dahil gagawan ko ng paraan, kapatid ko ang nakahilata rito, ano'ng ini-e-expect mo? Tutunganga na lamang ako hanggang sa umakyat ang kapatid ko sa langit? Anyway, hindi muna kailangan magpasalamat dahil kahit sinong tao naman siguro na makakakita ay gano'n rin ang gagawin. Kaya maari ka nang umalis."

Nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig ko ang pagbagsak ng pinto marahil ay lumabas na ito.

“Ms. Celine good news!”

“Good news?” nagtatakang tanong ko rito.

“Yes! Nakahanap na kami ng heart donor para sa kapatid mo. Kakailanganin na lang natin maghanda para sa nalalapit ng operasiyon n'ya!”

“Pero Dra. Reyes wala pa ho akong binabayaran—" hindi na ako nito pinatapos pa humarap siya saakin at hinawakan pa ang dalawang braso ko.

“Hindi pa ba sinabi sa’yo ni Mr. Lorenzo?”

Umiling ako hindi ko nga kilala ang tinutukoy nitong lorenzo.

“Mr. Lorenzo? Wala ho akong kilalang Lorenzo,” naguguluhang tanong ko rito.

Kunot-noo niya naman akong tinignan ngunit maya-maya ay ngumiti rin siya.

“Kung hindi ako nagkakamali ‘yong lalaking lumabas kanina-kanina lang ang tinutukoy kong Lorenzo. Kaya nga akala ko nagkausap na kayo.”

Dahil sa sinabi nito ay agad akong nagmadali na lumabas roon. Kailangan ko itong makausap, alam ko naman na utang na loob niya saakin ang buhay niya ngunit napakalaking halaga ang lahat ng kailangan bayaran sa operasiyon ng kapatid ko!

Mukhang mayaman nga siya at malabo naman na dahil lang sa ginawa kong pagligtas sa kaniya kaya niya binayaran ‘yon? Ni hindi niya nga ako kilala kahit ang kapatid ko, paniguradong hindi niya sasayangin ang pera niya para sa mga kagaya namin.

“Sir?!” sigaw ko ng maabutan ko siya.

Kasalukuyan itong naglalakad na sa exit nitong hospital. Kahit hingal na hingal na ako ay inubos ko na ang buong lakas ko para lang mahabol siya. “Hoy Sir!” Napakamot naman ako ng hindi ako nito hinarap.

"Yes, Iha?" Nakangisi nang tanong nito kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Bakit niyo ginawa 'yon? Bakit niyo binayaran lahat ng 'yon? Kahit sino naman siguro ang makakakita sainyo ay tutulungan kayo, hindi niyo kailangan gawin 'yun. Hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit sa taong natulungan ko."

Suminghap ito, "Napakaswerte ng mapapangasawa mo, Iha."

"Eh?"

"Napakaswerte ng anak ko."

"Hindi ko kayo maintindihan. Ano'ng ibig niyong sabihin?"

"Kung ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa akin, then marry my Son. Pakasalan mo siya at mahalin. That's all!"

HINDI ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon.

Kung dapat ba'ng matuwa dahil successful ang operasiyon ng kapatid ko o pangamba sa buhay na bagong tatahakin namin simula sa araw na ito?

Pumayag na ako sa gusto nito.

Ang pakasalan ang anak niya.

Ngunit sa bawat segundo, minuto at oras na lumilipas parang gusto kong hilingin na bumagal ang mga ito.

Tinignan ko ang kapatid kong si Marco. Masaya niyang nilalaro ang laruan kotse.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya.

Kung mapapaliwanag ko man ay alam ko namang hindi niya pa rin mauunawan pero isa lang naman ang gusto ko at hinihiling ko at 'yon ay sana sa desisyon kong 'to, hindi ko pagsisihan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status