Share

CHAPTER 4

Author: Queen_ilaria
last update Last Updated: 2023-04-29 01:03:11

MATAPOS ang eksena ni Celine sa labas ng restaurants ng pinagtratrabahuhan niya na noon ay sunod siyang nagtungo ng bahay nila.

Hindi na nga niya naabutan pa ang kaniyang Ina. Dahil sumama na raw ito sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki. Na hindi nagawang pigilan ng kaniyang kapatid.

Ngunit hindi na ’yon mahalaga para kay Celine. Dahil totoong hindi rin nito randam ang kaniyang Ina kahit narito ito. Kaya sanay na siyang saluhin lahat dahil hindi naman ’to minsan nagpaka-Ina sa kanila. Wala rin itong pinagkaiba sa kanilang Ama na iniwan sila.

“Kulang ito,” seryosong usal ni Celine. Habang hawak na hawak ang ilang barya at papel mula sa alkasiya niya.

Nagtungo kasi siya rito upang buksan ang mga naipon niya para mayroon siyang maipangbayad sa hospital bills ng kapatid niya lalo’t tumataas ito dahil naka-confine ito sa hospital. Kasabay no'n ay nagmadali rin siyang ayusin ang laman ng bag na dadalhin niya sa hospital para sa susuotin niya at ilang gamit ni Marco.

Hindi kasi niya ito maari pang-iuwi dahil kinakailangan niyang mag-stay roon hangga't hindi pa nakakasiguro ang mga doctor niya sa lagay ng puso nito. Kailangan pa rin ni Marco ng matinding pagsusuri at maging handa dahil isasalang siya sa operasyon.

Kagaya ng iniisip ni Celine– buhay ng kapatid niya ang nakasalalay sa bawat desisyon na tatahakin niya. Kaya kahit hindi biro ang gagastusin niya ay desigido siyang gawan iyon ng paraan. Ito na lang ang meron siya, ang tanging kapatid niya na lamang.

Pero hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula. Dahil natapos na niyang bilangin ang lahat ng laman ng alkasiya niya ngunit hindi ito umangkop sa dapat niyang maabot. Mayroon siyang ilang mga nilapitan ngunit hindi pa rin ito sumapat. Lalo't hindi rito sa pilipinas ang inirekomenda ni Doc Santos sa dalaga.

Napasabunot siya sa init at frustration. Inis na ibinato ang mga hawak niya.

“Ano na lang ang gagawin ko? Kailangan mabuhay ng kapatid ko!”

Hindi ito ang bagay na makakapagpasuko kay Celine. 'Yon ang muli niyang itinatak sa isip niya.

“Manang Gloria!” pagtawag ni Celine habang patuloy na kumakatok sa bahay ng isa sa mga kapitbahay niya.

Mas mabuting may gawin muna bago sumuko.

At ito ang naisip niyang paraan.

Wala na siyang pakialam sa kung ano`ng iisipin ng mga ito sa kaniya.

“Iha, Celine? Ano`ng sadya mo rito?”

Napayuko siya sa tanong nito bago Bumuntong-hininga. “Kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko. Para rin ito sa kapatid mo, Celine.” bulong niya sa sarili. “Manang Gloria, puwede po ba kayong makausap? Baka puwede po ba akong umutang sainyo? Humiram ng kahit kaunting pandagdag lamang.” usal niya rito. Hawak pa ang kaniyang mga nakaplastic na dalang barya.

“Ano iyan, Iha? Para saan ba?”

“Si Marco ho kasi inatake na naman po ng hika at ngayon nasa malalang kalagayan.”

“Nasaan ba kasi ang nanay niyo? Bakit ikaw ang gumagawa ng mga responsibilidad niya bilang Ina sainyo? Pasensiya na, Iha. Sadyang hindi ko lang maatim na nagagawa niyang sumama sa ibang lalaki samantalang ikaw nagpapakahirap kung saan kukunin ang ipangbabayad mo para sa kapatid mong si Marco.”

“Manang Gloria...”

“Huwag sana sumama ang loob mo sa akin. Hindi ako nakikisali sainyo. Sadyang naawa ako sa 'yo. Pero paseniya na. Katatanggal lang kasi ng Asawa ko sa trabaho niya. Kaya wala akong maiaabot.” dirediretso na tugon nito bago marahan isara ang pinto kay Celine.

Nanghina si Celine sa ginawa nito at walang nagawa kundi ang umalis at sumubok sa ilang kapitbahay niya.

“Tignan mo siya, 'yan 'yong anak ni Miana.” Napaangat ng tingin si Celine sa nagkukumpulan ng mga matatandang babae sa isang lamesa. Hawak pa ang mga baraha nito kung saan maraming barya na nakalapag sa mga kani-kanilang harapan. “`Yong masipag na anak na minalas sa Nanay! Aba, akala mo kung sinong suwerte sa sugalan dito! Samantalang hindi naman nananalo sa akin!”

Nagtawanan ang mga ito sa harap niya, “Totoo

’yan! Ang balita ko, umalis daw ’yon kahapon! At may nakakita na dala raw ang mga damit niya!”

“Baliw ang isang ’yon! Nakapag-asawa lang ng mayaman, yumabang na! Dito pa rin naman umuwi, at ang huli...” pinutol nito ang sasabihin. “Iniwan lang din naman ng lalaki! Pinagyabang pa sa atin!”

“Bakit nga ba umalis `yon, Iha?” natatawang tanong nito kay Celine.

Muling napatikom kamao si Celine, “Sabagay, saan ba ’yon galing at saan ka ba nabuo?” sarkastikong tanong nito. “Hindi ba...” muli itong ngumisi kay Celine at marahan na hinampas ang balikat nito. “Hindi na ’yon mahalaga, Iha. Mabait ka naman, sadyang ’yong nanay niyo lang ’yong mayabang. Kaya tignan mo, umalis kasi may nahanap na naman na lalaki. Ang alam ko nasa Nueva Ecija siya nakabingwit eh.”

“Malupit nga!” muling nagtawanan ang mga ito at bumalik sa pagsusugal.

Dahilan para mas lalong makaramdam ng inis ang dalaga. Hindi sa mga ito kundi sa nanay niya. Kung maayos lang ito hindi siya pagchi-chismisan ng mga tao rito ngayon.

Nang matapos niyang ikutin ang buong lugar nila ay pumunta na siya ng hospital. Doon ay naabutan niya ang kapatid niyang payapa ng natutulog.

Inabot kasi siya ng gabi sa paglilikom ng pera. Mabuti at may ilang nag-abot sa kaniya dahil gusto rin makatulong dahil nakita rin daw nila ang kapatid ni Celine kung gaano ito nahihirapan. May ibang nag-abot na ipapanalangin ito upang gumaling. May ibang nagbigay ng pera kay Celine na lubos niyang ikinatuwa dahil malaking tulong 'yon sa kaniya pero sa ngayon alam niyang hindi pa rin ito sapat.

Marahan niyang kinuha ang kamay ni Marco at inalapit ito sa labi niya at mahinang hinalikan. “Lumaban ka, Marco 'ha? Kasi si Ate Celine mo pagod na pero dahil nandyan ka... hindi pa rin susuko si Ate Celine mo lumaban. Kaya please gano'n ka rin ha? Huwag mo akong iiwan. Huwag mo naman iiwan si Ate Celine mo. Hindi mo naman ako iiwan `di ba? Mahal mo ko `di ba at ang mahal hindi `yon iniiwan, Marco.” maluha-luha niyang saad habang nakadikit na sa pisngi niya ang kamay nito. “Sabi mo gusto mo pang makapagkinder. Mag-aaral ka pa, gragraduate ka pa at mangyayari `yon kung hindi ka susuko.” itunuro niya ang puso niya. “Kahit gaano pa kabigat `to.” dagdag niya. “Mamasyal tayo, at lalaki ka pa! Lilibutin pa natin `tong mundo, kaya Marco. Magpapakatatag ka 'ha?” malalim na boses niya at rinig na rinig pa rin ang paghikbi ni Celine.

Habang ito ay payapa pa rin na natutulog.

Ngunit tila napatigil si Celine dahil narinig niya ang pagbukas ng pinto mabilis niyang pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya. “Nandito ka na pala.” tila nagulat ito. “Ang akala ko magtatagal ka pa, hindi kita tinawagan dahil wala naman paghahanap na nangyari. Napakabait ng bata na `yan napakamaunawain.” seryoso nitong pagkukuwento kay Celine. Dahil dito napansin na ni Celine ang mga galas nito at pati ang pagkakaroon nito ng benda sa ulo.

Hindi niya pa pala ito natanong tungkol sa lagay nito.

Tumikhim siya, “Kamusta po pala ang kalagayan niyo?”

“Mabuti na ang pakiramdam ko nalagyan na rin ng benda ang paa kong napilay sa ipit pero kahit gano'n ay ang sabi ng doctor lilipas din ito at babalik din sa normal. Gano'n din ang sugat ko rito,” Tinuro niya sa dalaga ang ulo niya. “Hindi naman daw ako masiyado napuruhan kaya dapat pa raw ako magpasalamat.” natatawang saad na nito.

“Kung gano'n maari na po pala kayong umuwi. Ano pa po pa lang ginagawa niyo rito? Dapat ay nagpapahinga na kayo ngayon sa bahay niyo. Lalo't kahit gaano pa 'ho 'yan kababaw, siguradong malaking trauma pa rin 'ho iyon sa 'yo.”

“Gusto ko muna sana magpasalamat sa ginawa mong pagligtas sa buhay ko. Dahil kagaya ng sinabi ko, Iha. Kung wala ka siguro ng mga panahon na `yon tanging abo o alikabok na lang siguro ako sa gitna ng daan na 'yon.”

“Puwede ba`ng malaman kung bakit kayo umiinom at kung bakit nagmaneho pa kayo kahit alam niyong lasing kayo?”

Napangisi siya, “Galing ako sa bussiness meeting at nagkayayaan. May kaunti akong problema sa bahay at nadala ko. Kaya `yon...” ngumiti siya. "Nakainom ako at dinaan sa alak.”

“Kaya pala...” wala na siyang masabi.

“Ngayon tapos na at nagawa ko na,” biglang saad nito. Dahilan para mangunot-noo siya. “Makakauwi na ako.” dagdag nito.

“Ginawa? Ano pong ginawa mo?”

Ngumiti lang ito, “Mauuna na ako, Iha. Hanggang sa muli natin pagkikita.” na parang hindi narinig ang kaniyang tanong.

Nang umalis ito ay wala na siyang nagawa. Hindi na niya ito pinilit pangsabihin kung ano ang tinutukoy nitong nagawa niya. Baka isipin kasi nito ay nangingialam siya o nagfe-feeling close siya.

“Miss Celine...”

“Doc Santos? Ano pong ginagawa niyo rito? Titignan niyo po ba ulit ang kapatid ko?”

Ngumiti ito bagay na ipinagtataka niya. Kapapasok lang kasi nito ngayon na mayroon pang malawak na ngiti sa kaniyang labi. “May goodnews ako na sigurado akong alam mo na.”

“Goodnews 'ho? Ano`ng ibig niyong sabihin?”

“Sa examine ng kapatid mong si Marco ay wala ng problema kung isasalang na siya sa operasiyon. Kaya puwede na ninyong ituloy ang pagpunta sa U.S para doon ituloy ang open-heart-surgery niya. Kailangan mo lang pumirma ng mga papeles dahil doon na nakalagay lahat ng mga maaring mangyari na dapat mong paghandaan.”

“Pero Doc Santos wala po akong matandaan na nagsabi akong pupunta kami ng U.S para doon siya operahan. Dahil sa totoo lang hindi po sapat ang pera ko. Ang hawak ko ngayon ay sapat lamang para sa pangbayad namin sa hospital bills niya rito.” pagsasabi niya ng totoo.

Naglaho ang ngiti ni Doctor Santos napalitan iyon ng kunot-noo bago nagtataka siyang tinignan, “Ang akala ko nakapagusap na kayo ni Mr. Guiterrez?”

Napatango siya, “Opo, nakapagpasalamat na siya sa pagligtas ko sa kaniya. `Yon lang naman ang ipinunta niya rito at bukod 'ho doon ay wala na.” Tinignan niya ang doctor. “Baka nagkakamali lang 'ho kayo.” usal niya at muli siyang umupo.

“No, I am not Miss Celine. Hindi ako puwedeng magkali, and kilala ko siya. Kilala si Mr. Guiterrez dahil sa dami ng negosyo niya at sa pagiging kilala ng mga ito hindi lang dito sa pilipinas kundi maging sa iba't ibang bansa.”

Suminghap ito, “Kaya kung sinabi niya talaga sa akin na sasagutin niya ang lahat ng gagastusin ng kapatid mo ay paniguradong hindi niya sasayangin ang kahit ilang segundo niya para lang sabihin `yon at lokohin ako.”

Gagawin?!

“Tama!”

Agad na napataas-kilay sa kaniya ang doctor na nasa tapat niya. “Ano`ng tama, Miss Celine?”

Hindi niya na pinansin ang tanong nito at nagpaalam na lang.

Nagmadali siyang tumakbo matapos niyang pakiusapan na huwag iiwan si Marco panandalian hangga't hindi pa siya nakakabalik.

Iyon ba ang sinasabi niyang ginawa niya? Binayaran niya ang bills ni Marco at kinausap ang doctor nito?

Mukha siyang mayaman kaya hindi magiging mahirap sa kaniya bayaran ang gagastusin ng kapatid ko dahil paniguradong barya lamang `yon sa kaniya.

Ngunit bakit?

Kung handa siya, ano`ng kapalit?

Seryosong tanong ni Celine sa isip niya habang tumatakbo para habulin pa ito. Nagbabakasali kasi siyang maabutan niya pa ito.

“Sir Guiterrez!” hingal na hingal niyang tawag dito nang maabutan niya itong naglalakad papuntang exit ng hospital.

“Yes, Iha?” nakangisi ng tanong nito kaya agad siyang umiwas ng tingin.

“Bakit niyo ginawa 'yon? Bakit niyo binayaran lahat ng hospital bills ng kapatid ko rito? Kahit sino naman ang makakakita sainyo ay tutulungan kayo kagaya ng ginawa ko. Hindi niyo kailangan gawin 'yon. Hindi po ako humihingi ng kahit anong kapalit sa taong natulungan ko.” pinilit niyang maging kalmado.

Magandang balita ang bagay na sinabi ni Doctor Santos sa kaniya sa sinabi nitong handa itong sagutin lahat hindi lang ang ginastos nitong hospital bills ng kapatid niya. Pero hindi rin niya gustong gamitin ang ginawa niyang bukal naman talaga sa loob niyang pagtulong rito noong nakita niya itong nasa bigit ng kamatayan. Hindi niya ibig na gamitin ito dahil lang sa kuno na may utang na loob ito

Suminghap ito, “Napakaswerte ng mapapangasawa mo, Iha.”

“Po? Ano’ng asawa ’ho?” nalilito niyang tanong.

“What i am saying is... napakaswerte ng anak ko kung nagkataon," pagpapatuloy ng matandang lalaki habang may ngisi pa rin sa mga labi nito.

“Hindi ko ’ho kayo maintindihan. Ano’ng ibig niyong sabihin?”

“Hindi ba’t iniisip mo na sobrang laki na no’n para sa ginawa mong pagligtas sa buhay ko? Kung nagu-guilty ka dahil sa mga gagastusin ko para sa operasiyon ng kapatid mo sa U.S. Puwes, gusto kong malaman mo na I don't care with that things, alam kong mahalaga ’yon sa iyo. Nagigipit ka at nahihirapan. Kaya bakit hindi mo padaliin? Tanggapin mo ang offer ko, kung hindi mo gusto na magkaroon ng utang na loob sa ’kin. Then pakasalan mo ang anak ko, at mahalin siya. That's all you have to do.”

Napanganga siya sa sinabi ng matandang lalaki.

Ano raw? T-Teka kasal?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying with You   CHAPTER 60

    MABILIS na lumalim ang gabi sa training camp. Tahimik ang paligid, bukod sa huni ng kuliglig at iilang boses mula sa mga natitirang empleyado sa mess hall. Si Celine, tahimik na kumakain kanina, ngayon ay abala sa paghahanap ng private spot.“Wala talagang signal sa loob ng kwarto,” bulong niya sa sarili, dala ang kanyang phone at maliit na flashlight. Dumaan siya sa gilid ng camp house, sinundan ang landas papunta sa likuran kung saan may maliit na bench at mataas na halaman na pwedeng magsilbing harang para walang makaabala at makakita sa kaniya. Iniiwasan niya ’yon lalo na si Ivan.Sinilip niya ang screen, three bar na puwede na rin ito, sapat na para makahagip ng signal ang phone niya.Agad siyang nag-dial sa numero ni Criza.“Hello, Criza?”“Uy, tinawagan mo din ako! Kumusta? Huy, okay ka lang ba diyan ha? Kamusta na si Ivan? Lumalaban ba?”“Ano'ng lumalaban? Wala kami sa gera bes,”“Sus, ang oa ni Ate! Lumalaban pa ba? I mean, ano may ilalaban ba sa mga team building niyo?“Wel

  • Marrying with You   CHAPTER 59

    SA kabilang banda, seryoso sina Celine at Ivan na makinig at maipanalo ang bawat challenge na ibinabato sa kanila ngayong unang araw ng team building.Gano’n na lang ang level ng focus nila—kahit pa ito’y supposed to be fun and bonding lang, para sa kanila, parang business pitch na may kasamang pride at pressure.Mabilis na napabuntong-hininga si Celine nang makita ang susunod na activity.“Ano ’to?”“Obviously, lubid?”“Pangsakal sa leeg mo?” sarkastikong usal ni Celine, taas-kilay habang pinagmamasdan ang makapal na lubid na tila mas pang-pull ng trak kaysa pang-laro.Lumapit si Miss Rivera, ang HR lead nila, suot ang salamin nito na parang ready for a corporate workshop. Katabi niya si Mr. Gutierrez—CEO at ama ni Ivan—na tahimik lang pero malinaw na inoobserbahan ang lahat.Napakunot-noo si Celine. Ni sa orientation ay walang binanggit na ganitong klaseng tug-of-war style game.“Okay teams,” simulang sabi ni Miss Rivera. “Simple lang ’to, maghihaqilahan kayo ng lubid. Objective: ma

  • Marrying with You   CHAPTER 58

    DAHIL sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, unti-unting nagmulat ng mata si Celine. Manipis lang ang puting kurtina sa bintana mula sa balcony, kaya't diretsong tumatagos ang liwanag. Napabuntong-hininga siya at agad na bumangon.Napakunot ang noo niya nang mapansing walang bakas ng kahit anong gusot sa kama ni Ivan. Maayos ang ayos nito—parang hindi man lang nahigaan.“Saan naman natulog ang isang ’yon?” mahina niyang bulong.Tumingin siya sa paligid at doon niya nakita si Ivan, mahimbing na natutulog sa couch. Halatang hindi komportable ang posisyon nito—nakalaylay ang isang paa, may unan sa mukha, at walang suot na pang-itaas.Natigilan si Celine.Sandaling pinagmasdan niya ang lalaking tila hindi na niya dapat iniintindi. Ngunit ngayon, habang natutulog ito, parang bumalik sa kanya ang mga alaala—mga gabing siya ang nakikitang ganyan ni Ivan… pagod, pero buo pa rin ang lakas ng loob.“Hindi pa rin siya nagbabago... stubborn pa rin, kahit sa pagtulog.”Ayaw niyang aminin, per

  • Marrying with You   CHAPTER 57

    BAHAGYANG gumalaw si Celine, at ilang sandali pa’y dumilat na ang kanyang mga mata. Nag-aadjust pa ang paningin niya bago unti-unti nang sumisilip sa bintana.Napansin niya ang jacket na nakapatong sa kanya.“Ivan?” mahina niyang tawag, bahagyang naguguluhan.Napalingon agad ang binata mula sa manibela. “Gising ka na,” sabi niya, kalmado ang boses pero hindi makatingin ng diretso.Celine pinilit umupo nang maayos at ibinalik sa kanya ang jacket. “Thanks… pero hindi mo na sana ako ginawa ’to at kaya ko naman.”“Hindi kita kinumutan,” mabilis na sagot ni Ivan, sabay ngiti—yung pilyo at may halong inis.Napairap si Celine, “Right, so spontaneous na lang siyang dumapo sa'kin, ganon?”Hindi na lang siya sinagot ni Ivan at muling tumingin sa daan. Batid ng lalaki na malabo naman talaga ang sinabi nito, pero gano'n naman ang hina ng loob niya na tanggapin na siya ang naglagay no'n sa katawan ni Celine kagabi sa pag-alala na lamigin ito.“Malapit na ba?” tanong ni Celine habang nag-aayos ng s

  • Marrying with You   CHAPTER 56

    Maaga pa lang, gising na si Celine. Tahimik ang buong bahay, at ang unang ginawa niya ay pumasok sa kwarto ni Celivean. Nakatulog pa rin itong yakap-yakap si Mommy Bear—'yong iniregalo niya. Sa gilid ng kama, umupo si Celine at saglit na pinagmasdan ang anak. Ayaw niyang umalis pero iyon ang dapat, at kailangan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. “Baby… gising na,” mahinang bulong niya. Dumilat si Celivean, medyo antok pa. “Mommy?” agad siyang umupo, parang naalala agad ang lahat. “Today po?” tanong nito, malungkot ang boses. Tumango si Celine. “Yes, baby. Pero rito muna si Mommy mo sa tabi mo hanggang mamaya. Hihintayin natin si Ninang Criza bago ako umalis.” Tumango si Celivean, pero yumakap agad kay Celine. “Mommy… I’m gonna miss you agad.” “Mamimiss din kita, baby ko. Pero, remember our pinky promise, diba? Video call everyday. Tapos padadalhan pa kita ng photos ng strawberries sa Baguio.” “Can I send you my new drawings po?” tanong ni Celivean habang na

  • Marrying with You   CHAPTER 55

    MAINIT-init pa ang araw, pero banayad ang ihip ng hangin. Nakatayo si Celine sa gilid ng gate, suot ang coat at may hawak na tumbler ng tubig habang mahinahong pinagmamasdan ang mga batang lumalabas isa-isa, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga bata, at mga magulang nila na masayang sinusundo ang mga ito mula sa paaralan.Lumabas mula sa gate si Celivean, bitbit ang bag at isang folder ng drawings at worksheets. Nang makita si Celine, agad itong napangiti at kumaway.“Mommy! I miss you!”Agad tumakbo si Celivean palapit, mahigpit ang yakap niya sa bewang ni Celine.Ngumiti si Celine at niyakap rin ito pabalik bago marahan umayos at lumuhod sa anak para tapatan ito.“Hey, baby superstar! Kamusta ang little performer ko?”“Mommy! Coach Alex said I sing so good kanina. Tapos may star ako sa spelling worksheet ko, o! Look, Mommy!”Inabot naman niya ang papel kay Celine—may malaking star sticker na may nakasulat pang “Great Job!”“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Sobrang proud si M

  • Marrying with You   CHAPTER 54

    “Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal

  • Marrying with You   CHAPTER 53

    PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang

  • Marrying with You   CHAPTER 52

    “Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status