Share

CHAPTER 5

CELINE'S POINT OF VIEW

MAG-ISA na naman akong naiwan dito sa bahay. Katulad nang dating gawi ay minabuti ko nang linisin ang sala, isinunod ang kusina, cr at ang kuwarto niya.

Magkaiba kami nang kuwarto dahil hindi niya raw kayang matagalan ang makita ang pagmumukha ko, makasama pa kaya sa iisang kuwarto?

Malaki ang kuwarto na ibinigay sa akin. Maganda na rin dahil dito ay masasabi kong mayroong akong privacy. Malinis at maayos rin ang lahat ro'n, kumpleto na rin dahil mayroon na ring banyo sa loob nang kuwarto ko.

Normal lamang ang bahay na 'to, hindi gaanong malaki. Sakto lang talaga para sa aming dalawa.

Magkatabi lang ang kuwarto namin habang sa labas naman no'n ay ang sala at kusina mayroon din ritong banyo. May malaking tv na nakasabit sa pader, sa gilid naman no'n ay nakalagay ang malaking cabinet. Pinaglalagyan nang mga labahan, at mga sapatos naman sa itaas nang tutok nito. Nakahilera naman ang mga mineral na water, sa ibaba dahil hindi siya umiinom ng gripo hindi kagaya sa probinsiya namin, na nakasanayan ko. Doon kasi ay kahit gripo lamang sapat na para maibsan ang uhaw na nararamdaman namin. Malinis iyon kaya wala namang kaming sakit na nakukuha ro'n. May stock na ng pagkain dito, dahil nag-gro-groceries na si Ivan pag sinusumpong ito nang kasipagan ngunit isa sa mga napansin ko ay mas madalas niyang kinakain ay ang mga pagkain madaling lutuin. Kagaya na lamang ng pancit canton, noodles, cup noodles, itlog, hotdogs, na hindi ko naman sinasabing nakasasama sa kalusugan ngunit hindi lamang magiging maganda kung palagi iyon ang kinakain niya.

Suminghap na lamang ako at tinignan ang wallet na iniiwan niya rito sa taas ng refrigerator. Para raw ito sa akin kung halimbawang may gusto akong bilhin.

Kahit papaano na gano'n ang treatment na ipinapakita niya ay hindi pa rin ako nawawalan nang pag-asa. May puso pa rin ang lalaking iyon.

Naligo na ako at inayos na ang sarili ko. Naisipan ko kasing magpunta ngayon ng puregold para mamili ng mga wala rito sa bahay.

Sumakay na ako ng jeep, at bumaba na sa kalayaan. Nandito kasi ang puregold na pinakamalapit sa amin.

Naisipan kong na ngang magtungo kung saan naroon ang mga kape, kumuha na ako ng nescafe stick. Hilig kasi itong inumin ni Ivan at nang dumating ako rito ay iyon agad ang nakita ko talaga iniinom niya, bumili na rin ako ng coffee mate, at mga tasty.

Pagkatapos ay tinungo ko na ang mga sabon pangligo, katulad ng kojic at maging ang mga sabon pang-laba. Bumili naman ako ng ilang balot ng sanitary napkin, rexona, shampoo, lotion at panghuli ay nagtungo na ako sa mga gulay. Sariwa rin kasi rito kaya mas gugustuhin ko na rito na lang bumili kaysa sa palengke dahil kakailanganin ko pang sumakay ng jeep at gagatos lamang pa ako sa pamasahe ko papunta ro'n. Namili na ako ng ilang baboy, manok at isda ro'n dahil mayroon naman din ito sa puregold.

Nang makita kong kumpleto naman na ang lahat ay hinala ko na ito papuntang counter.

Salamat naman at hindi nagkulang at sobra pa ang dala ko. Mayroon din kasing nakalagay na card dito at kung sa kali ay maari ko rin naman daw itong magamit.

Sumihap ako at tinignan ang mga box na ibinaba ng bagger. Nakakahiya naman kung ipapasuyo ko pa sa kaniya na ipasok ito sa jeep lalo't marami-rami ito. Wala akong choice kung ‘di ang mag-taxi. Ayaw ko pa man din ay wala naman akong magagawa, hindi dahil sa hindi ako sanay sa taxi. Hindi lamang ako komportable. Lalo't mahirap na, dahil dadalawa lamang kami ng taxi driver no'n ngunit sa dami nang kailangan kong i-uwi sa bahay ay no choice ako kung ‘di ang mag-taxi.

Nag-para na ako, at sumakay. Gano'n na lang ang gulat ko no'ng nasa gitna na kami ay bigla itong nag-iba nang daan.

Hindi ito ang papunta sa compound namin! Mabilis akong makakabisado nang daan. Hindi ako maaring magkamali, ngunit alam kong kung tatahakin ang daan patungo sa bahay ni Ivan ay hindi ito ang kailangan daanan.

"Ah, kuya. Nagkakamali 'ho ata kayo, hindi ho rito ang daan papunta—"

"Ma'am? Wala po ba kayong tiwala sa akin?" Nakangising tanong nito habang patuloy pa ring nagmamaneho.

Hindi ko mapigilang kabahan lalo't nakikita ko ang nakakadiri niyang galawan sa front mirror nitong taxi niya.

"Kuya, sinabi ko na. Mali ang dinadaanan niyo." patuloy ko pa ring pagsagot sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang buksan ang pinto nitong taxi niya at tumakbo palayo.

"Edi sige, bumaba na po kayo Ma'am," walang kagana-gana nitong utos sa akin. Nagmadali na akong humawak sa pinto, at nakahanda nang buksan ito. Nagulat ako ng hawakan niya ang kabilang kamay ko kaya naman hindi ko na magawang makababa pa. "Kung hahayaan kita na makababa Ma'am? Alam niyo po ba'ng ang ganda niyo? Mataba pero, makinis, mapapagtiisan ko na." dinilaan pa niya ang gilid ng labi niya kaya hindi ko mapigilang hindi mainis sa ginawa niya.

Hawak pa rin niya ang kamay ko at napakahigpit nang paghawak niya ro'n. Sabik na sabik iyon ang nakikita ko sa mata niya. Nanginginig at kinakabahan ako alam kong katapusan ko na pag hindi ko nilakasan ang loob ko at hinayaan na lang ito sa nais niya. Nasa driver seat siya habang ako naman ay nasa kaliwang pintuan, hawak niya ang kamay ko at akma pa itong pupunta sa akin doon na lamang ako nagising nang magawa niyang malalapitan mabilis kong sinipa ang gitna niya dahilan mapadaing siya sa sakit at mabitawan ang kamay ko.

Nagmadali akong bumaba at tumakbo na nang mabilis.

Narinig ko ang sigaw niya kaya naman alam kong nasa likod ko na siya.

Makatakas iyan lamang ang nasa isip ko.

Madilim ang lugar, hindi na pamilyar sa akin.

Kaya tanging pagtakbo na lang ang magagawa ko.

Walang tao at alam kong bibihira na ang kotse at tao rito lalo't nasa gitna nga ako nang kalsada kung saan napapalibutan ng mga puno't halaman ang lugar na ito.

Nagliwanag ang mukha ko nang may paparating na pulang kotse. Pinara ko ito dahilan para buksan niya ako ng bintana. Pagtataka at pagkalito ang una kong nabasa sa mata niya.

"Kuya tulungan mo ako, please. Hinahabol ako at—"

"Pumasok ka," putol nito sa sasabihin ko at binuksan ang pinto ng kotse niya.

Hindi naman ako nagdalawang isip na pumasok na ro'n dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Mukha naman siyang mapapagkatiwalaan kaysa sa taxi driver na iyon, sana no'ng una pa lang ay bumaba na ako no'ng makita ko ang itsura niya! Nasa huli talaga ang pagsisi.

Napatigil ako sa pag-iisip sa driver na iyon nang magsalita siya. "Anong nangyari sa'yo?"

"Hindi pa po ba obvious? Hinahabol ako?"

"I mean ano ba'ng nangyari at bakit ka nga niya hinahabol? Can you please answer my question nang maayos? O baka gusto mong ibaba kita mismo ngayon?"

"A-ano?! Eh kasi hinahabol lang naman ako ng taxi driver na sinakyan ko kanina. Manyak siya—"

"Ah, Buti pinag-interesan ka pa?" Nang-a-asar na tanong nito.

"Of course cu'z sandali nga! Puwede ba makinig ka nga muna!? Manyak siya, hinablot niya 'yung kamay ko. Dahil may gusto siyang gawin namin sa loob ng taxi niya which is hindi ko naman hahayaang mangyari kaya tumakbo ako! Naiwan ko 'yung mga ilang box na pinamili ko sa likod ng taxi niya dahil hindi ko naman mabubuhat lahat 'yon." Nakasimangot nang paliwanag ko.

Nawala lamang iyon nang muli niyang paandarin ang sasakyan pabalik sa tinakbuhan ko kani-kanina lamang. May balak pa ata ang lalaking ito na puntahan iyong taxi driver.

Imposible naman kasing umalis na iyon, dahil kailangan niya muna nadaanan ang pinaghintuan ng sasakyan na ito, bago siya makalabas. "Nababaliw ka na ba? Baka may mangyari pa sa atin."

"Tumawag na ako ng pulis kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala. Ang swerte naman ng manyak na 'yon, kung may pa-groceries na agad siya 'di ba?" Natatawa na niyang wika.

"Sir ano ba'ng ginagawa niyo? Wala 'ho akong ginagawang masama! Naiwan 'ho ng babaeng iyan 'yong mga pinamili niya, kaya hinahanap ko po siya! Opo naiwan niya!" bakas ang kaba sa mukha nito na nagpapaliwanag ngayon sa mga pulis na nakapaligid sa kaniya.

"Sa presinto ka na magpaliwanag," walang ano-anong sagot sa kaniya ng pulis.

Magdadahilan na lang kasi ito, pang-tanga pa!

Sino naman tao ang mamimili tapos iiwan ang pinamili? Kung meron, hindi ako 'yon!

Suminghap ako at inirapan ang manyak na 'yon na pinapasok na ngayon sa sasakyan ng mga pulis.

"So taga saan ka ba?"

Napatigil ako at napaharap sa lalaking nagsalita.

"Ba't interesado kang malaman? Gusto mo 'ko 'no? Sorry but I'm married."

"Hmm, nope. Tinatanong ko lang naman dahil sa tingin ko–" pinutol niya ang sasabihin niya at marahang tinignan ang relo niya sa kaniyang pulso. "Sa ganitong oras at lugar, malabong may taxi pang darating. Pero sa tingin ko rin sa ganyan ugali mong may paka-assumera, kaya mo na siguro iuwi 'yan sainyo lahat 'no? Mauuna na ako 'ha? Salamat sa pag-a-abala sa akin!" Tumalikod ito at humakbang na bago pa siya makasakay ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Nagbibiro lang naman ako, e. Sa kamias lang, hatid mo na 'ko?"

Suminghap ito. "Pasalamat ka at cute ka pa rin kahit mukha kang baboy na natatakot nang maihaw kanina kaya tumatakbo." rinig kong bulong niya. Kaya pinasingkitan ko siya ng mata.

"Sakay na Miss, dahan-dahan lang 'ha? Baka bumiyak 'yong sasakyan este baka mahulog ka."

Tumawa na lang ako nang peke at hindi na siya pinansin pa.

Bwiset kung hindi ko lang talaga kailangan sumabay sa kaniya ay kanina pa wala ang lalaking ito sa harap ko!

Napaka-bully na may pagpaka-gentleman!

WALANG ginawa ang lalaking iyon kung ‘di ang pagtripan ako sa byahe namin. Hinatid na kasi ako nito sa bahay. Puro lamang ito pagbibiro, at pagkukuwento ng mga bagay na hindi ko alam kung paano ko sasabihing hindi naman ako interesado. Ngunit kahit gano'n ay nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya. Dahil dumating siya at ngayon ay naibsan na ang takot at kaba na nararamdaman ko sa kamay ng taxi driver na 'yon.

"Thanks for the time, Miss?"

"Salamat sa paghatid. Celine—" pinutol ko ang aking linya at nakipagkamay sa kaniya. "Celine Smith."

"Walang nagtanong," Bumungisngis siya at sinundan na niya ito nang tawa. "Its nice to have little adventure with you." wika pa nito na hindi ko na sinagot.

Nagpaalam na ako at pinanood siyang sumakay muli sa sasakyan matapos akong alalayan kanina sa pagbaba.

"Where have you been?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon dahilan para dambahin ang puso ko sa kaba.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status