Share

CHAPTER 3

Author: Queen_ilaria
last update Last Updated: 2023-04-29 00:58:07

NAGISING si Celine matapos niyang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa hospital room ng kapatid niya.

Wala siyang inaasahan bisita kaya gano’n na lang kadali nangunot ang noo niya bago humarap dito.

“Wala ka ba’ng balak na kuhanan ng damit ang kapatid mo? Maging ikaw ay hindi pa nakakaligo.”

“Ano’ng ginagawa n’yo rito?”

Ngumiti ang matandang lalaki sa kaniya, “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginawa mo dahil kung hindi ka dumating baka wala na ako ngayon sa harap mo, Iha.”

“Walang anuman, Sir ngunit tingin ko paniguradong po na kahit sino pa po ang makikita sainyo ay gano’n din ang gagawin. Kaya hindi niyo na po kailangan magpasalamat.”

“Hindi lahat, Iha. Lalo na‘t’ isa akong Guiterrez," usal nito at tinignan si Celine. “Mabubuting tao lang ang gagawa no’n at isa ka na ro’n. Puwede mong kunin ang mga pera na nasa loob ng kotse ko ng mga oras na ’yon. Dahil halos nasa harapan ko lamang ang mga iyon at dahil kung ginawa mo ’yon hindi ka sana mag-iisip pa kung saan mo kukunin ang gagastusin mo para sa operasiyon ng kapatid mo ’di ba?”

Hindi niya magawang makasagot, “Kaya let me do this, kung may kailangan kang ayusin ngayon araw ay gawin mo na. Ako ng bahala na magbantay sa kapatid mo at hindi mo kailangan mag-alala, Iha. Wala akong masamang gagawin sa kapatid mo. Nais ko lang makabawi sa nagawa mong pagligtas sa akin, Iha.” pagpapatuloy nito.

"Sigurado po ba kayo?"

Marahan tumango ang matandang lalaki, Bilang ganti ito sa tulong mo, Iha.”

Nang sabihin ’yon ng matanda ay hindi na umangal pa si Celine. May mahalaga siyang bagay na dapat mapuntahan ng mga oras na ito. Kaya wala na siyang balak na tanggihan pa ang bagay na ibinibigay nito. Lumapit siya kay Marco at hinalikan muli ang noo ng kapatid bago marahan na hinawakan ang pisngi nito.

“Aalis muna si Ate, Marco ha? Babalik si Ate pangako ’yan. Sir mabilis lang ’ho ako, ibibilin ko na rin po sa Nurse if may kailangan po kayo. Huwag niyo sana i-aalis muna ang paningin niyo sa kapatid ko. Kapag hinanap niya ’ko pakitawagan na lang 'ho ako sa numero na ito.” usal niya at nilabas ang keypad niyang cellphone at saglit na hiningi ang cellphone nito para i-type ang numero niya rito.

“Sige at mag-iingat ka, iha,” Tumango siya at ngumiti ng pilit sa matandang lalaki. “Thank you again for what you did, for saving my life.”

...

“MANONG GUARD naman! Sinabi ko naman sainyo nagtra-trabaho ako rito! Kaya ano’ng pinagsasabi n’yong bawal akong pumasok d’yan? Nakikita n’yo naman ako dati pa r’yan!”

Gano’n na lang ang inis na nararamdaman ni Celine dahil kanina pa siya hindi pinapasok sa loob ng pinagtratrabahuhan niya bilang waitress. “Huwag na ho tayong maglokohan pa, Manong Elbert! Papasukin n'yo na ’ko at kailangan ko pangmakausap si Ma'am Bianca!”

“At ano’ng kailangan sa akin ng katulad mo? Ano pa nga ba ang ginagawa mo rito?” sarkastikong usal nito. “Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko? Gano’n ba kababa ang IQ mo? Hindi ba sinabi ko na sa ’yo? Na kapag hindi ka pa pumasok ay wala ka ng babalikan pa rito? Hindi pa ba malinaw sa ’yo?” agad niyang itinuro si Celine, “Get out on my way, because from now on Celine; you're fired!”

“Pero Ma'am Bianca? Hindi po puwede! Alam niyo kung gaano ’to kahalaga sa akin at sa pamilya ko! Kaya hindi niyo ’ko puwedeng paalisin na lang dito!”

“Bakit hindi? Baka nakakalimutan mo,” Tumigil ito sa pagsasalita bago duruin si Celine, “Ang lahat ng narito ay pag-aari ko. So I can do everything I want. Ang paalisin ka ay isa sa mga rights ko bilang boss mo at dahil na rin akin ang restaurants na ’to.” sarkastikong usal nito. Habang may nanlilisik na tingin sa dalaga. “Kaya kung sino man ang gusto kong umalis, ay may karapatan akong alisin."

“Ano ba’ng kasalanan ko sa ’yo? Bakit ka nagkakaganyan, Bianca?”

“Sa dinarami-rami ng tao sa mundo ay ako pa kasi ang kinalaban mo, Celine.” Lumapit siya rito at marahan na itinaas ang baba ni Celine para magtapatan ang kanilang mga paningin. Kinuha nito ang wallet nito bago ngumising tumingin kay Celine. “Next time kasi alamin mo ’yong lugar mo, okay? Dahil kumpara sa akin walang-wala ka.” seryoso ng usal nito. Natatawa itong pinakita ang paggalaw ng kamay nito, “Ito ka, at ito ako. ’Yan ang bagay na dapat alam mo. Matuto kang tumapat sa taong ka-level mo.” bago marahan na ibinato ang pera sa dibdib ni Celine. “Take that! Kailangan mo ’yan ’di ba? Kailangan ng mga hampas lupang kagaya mo.”

Napatikom-kamao na lamang si Celine.

Habang tinitignan ito kung paano maglagay ng alcohol sa kamay na para ba’ng isa siyang mikrobyo na hindi nito gugustuhin na dumapo sa balat nito.

Napaluhod si Celine matapos nitong umalis sa harap niya. Maluha-luha niyang pinulot ang ilang libo-libo pera na ibinigay nito.

Kung ibato niya ito sa kaniya ay parang basura lang ang bagay na ’to.

Sambit ni Celine sa kaniya isip habang isa-isa kinukuha ang mga pera na ito sa kalsada. “Ma’am Celine, tumayo na po kayo at umalis. Nakikiusap po ako, Ma’am. P-Pasensiya na po.” akmang aalalayan ng security guard ang dalaga ng iilag nito ang kaniyang katawan.

“Hindi niyo na ako kailangan hawakan. Kaya ko na ang sarili ko at kusa akong aalis kaya wala kayong dapat ipag-alala.” sambit niya rito.

Hindi niya na alam ang dapat niyang maging reaction ng mga panahon na 'to. ’Yon ba’ng matuwa dahil sa wakas ay may halaga siyang nakuha mula rito at muli siyang may pang-ambag at pangbayad sa hospital o maluluha dahil sa kahihiyan na idinulot nito?

“Ma'am Celine, sige na po. Umalis na po kayo, at pasensiya na talaga. Kailangan ko lang din po ng trabaho.” Napabalik siya sa reyalidad. Marahan na pinunasan ang dumi sa tuhod niya at tumayo. Naiintindihan naman niya ang dahilan ng security guard sadyang hindi niya kasalanan na biniyayaan siya ng masungit at striktang Amo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying with You   CHAPTER 4

    MATAPOS ang eksena ni Celine sa labas ng restaurants ng pinagtratrabahuhan niya na noon ay sunod siyang nagtungo ng bahay nila. Hindi na nga niya naabutan pa ang kaniyang Ina. Dahil sumama na raw ito sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki. Na hindi nagawang pigilan ng kaniyang kapatid. Ngunit hindi na ’yon mahalaga para kay Celine. Dahil totoong hindi rin nito randam ang kaniyang Ina kahit narito ito. Kaya sanay na siyang saluhin lahat dahil hindi naman ’to minsan nagpaka-Ina sa kanila. Wala rin itong pinagkaiba sa kanilang Ama na iniwan sila. “Kulang ito,” seryosong usal ni Celine. Habang hawak na hawak ang ilang barya at papel mula sa alkasiya niya. Nagtungo kasi siya rito upang buksan ang mga naipon niya para mayroon siyang maipangbayad sa hospital bills ng kapatid niya lalo’t tumataas ito dahil naka-confine ito sa hospital. Kasabay no'n ay nagmadali rin siyang ayusin ang laman ng bag na dadalhin niya sa hospital para sa susuotin niya at ilang gamit ni Marco. Hindi kasi niy

    Last Updated : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 5

    “Ate Celine?” “Nandito ako,” sambit ni Celine. Hinahanap kasi siya ni Marco nang magising ito na wala ito sa tabi niya. “Ate Celine! Nandito ka na!” “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at saglit na binitawan ang hawak niyang baso at lumapit dito. “Wala po, Ate Celine. Pero puwede na po ba tayong umuwi?” Napa-iling siya, “Hindi pa puwede dahil kailangan mo pang magpagaling.” “Nakakasawa na po ang hindi kaaya-ayang amoy ng hospital na ’to, Ate Celine.” “Kunting tiis na lang, Marco. Basta kagaya ng sabi mo dati. Gagaling ka kasi magpapagaling ka ’di ba?” muli niyang tanong rito na ikinatango nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at ginulo ’yon. Muli nag-flashback sa kaniya ang usapan nila ni Mr. Lorenzo Guiterrez. “Ho? Nagpapatawa po ba kayo? Gusto niyong pakasalan ko ang anak nin’yo? Kapalit no’n ay sasagutin niyo ang lahat ng gagastusin ng kapatid ko?” “Actually, bayad na ang lahat. Nakapag-bayad na ako rito sa hospital kagaya ng sinabi ng

    Last Updated : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 6

    “ATE CELINE gumising ba po kayo!” Napadilat si Celine nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. Dahil panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya. Tirik na tirik ang araw sa mukha niya habang ngalay na ngalay ang ulo niya sa pagkakapatong nito sa hospital bed na hinihigaan ng kapatid niyang si Marco. Napaunat siya ng leeg at dahan-dahan na ikinusot ang mata niya. Natigilan siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa likod niya. “Ano’ng problema, Marco?” Bigla itong lumingon sa pinto na ikinataka ni Celine dahilan para sundan rin niya ang gawi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nasaksihan. Mayroong limang mga lalaki na nakatayo ng tuwid malapit sa pinto ng kuwarto ng kapatid niya. “Sino ang mga ’to? Ano’ng ginagawa ng mga ito rito?” bulong pa niya. “Gising na po kayo pala kayo, narito na po ang mga ipinabili sa akin ni Sir Lorenzo.” Lumapit kay Celine ang isang matandang babae. Galing ito sa likod ng mga lalaking naka-itim. Agad niyang ipinapasok ang mga

    Last Updated : 2023-05-02
  • Marrying with You   CHAPTER 7

    “Ate Celine bakit nand’yan na lahat ng gamit natin?” tanong ni Marco. Dahil kasalukuyan nang nakahilera ang mga gamit o bagahe nilang dalawa sa loob ng kuwarto nito. Inasikaso lang naman ’yon ng mga bodyguards na ipinadala sa kanila ni Mr. Guiterrez. Hindi na rin kasi sila maaring umuwi pa o tumuloy sa luma nilang bahay dahil nakatakda na ang flight nila. Kinakailangan na ni Marco sumalang sa operasiyon. Kaya tanging private plane lamang ang sasakyan nila patungo roon. Operasiyon na hanggang ngayon ay ikinatatakutan pa rin ni Celine. Ang daming maaring mangyari sa oras na maganap ’yon. Ini-iexplain na kasi kay Celine ang lahat bago ito pumirma sa papel. Hindi niya mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano dahil dito. Kayumpaman, alam niyang nasa kamay ’yon ng kapatid niya at sa desisyon ng diyos. Maging successful man o hindi ang magiging operasiyon nito. Kailangan niya ’yon tanggapin ano man ang mangyari. "Aalis tayo, Marco. Gusto mong gumaling ’di ba? Kaya 'to, kailangan natin u

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marrying with You   CHAPTER 8

    “Ma'am narito na po tayo,” anusyo kay Celine ng driver nito. Nanatili siyang tahimik at tinignan muli ang bintana ng sasakyan. Abot doon ang mga nagagandahan at naglalakihan na mga building doon sa sa cedars-senai. Narito na pala siya sa hospital. Ilang oras na lang at magsisimula na ang operasiyon ng kapatid niyang si Marco. Kaya siya nagtungo rito. ’Yon ay para hintayin ang magiging resulta ng operasiyon nito. Puno na ng kaba ang dibdib niya. Napakagat-labi si Celine habang inaalala ina-alala ang sinabi nito sa kaniya. “Ate Celine mabubuhay pa po ba ako? Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong makapaglaro po ng hindi napapagod agad-agad. Makita sina Mommy, At Daddy... Makapag-aral kagaya nina Notnot...” hawak nito ang kamay ni Celine habang binibigkas ang mga ’yon. Mabubuhay ka, Marco. “Ma’am, coffee?” “Salamat...” seryosong usal ni Celine nang tanggapin niya ang ibinigay nitong kape. Matapos nitong iaabot ’yon ay napangiti itong tumabi sa kaniya sa gang chair. “Mag

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marrying with You   CHAPTER 9

    ILANG buwan na ang nakalipas mula ng mag-stay si Celine at si Marco maging ang mga bodyguards nito sa Los Angeles. Kailangan nilang mag-stay roon dahil kailangan ni Marco maka-recover muna. Hinayaan naman sila ni Mr. Lorenzo at hindi rin siya pumalag sa bagay na ’yon lalo na isa ’yon sa napag-usapan. Mabait si Mr. Lorenzo Gutierrez. Hindi niya ito binigo sa usapan. Hindi niya rin iniwan sila Celine sa ere, at mas lalong pinabayaan. Kaya malaki na ang utang na loob nito sa kaniya. Dahil sa kaniya nabigyan pa ng panibagong buhay ang kapatid nito. Kung hindi siya dumating hindi na rin siguro alam ni Celine kung paano iyon lulutasin. Kung paano pa ang mga ito makaka-survive sa problema na 'yon. At dahil sa ilang buwan ng mga ito sa pag-stay ay kinakailangan na nilang umuwi. Dahil na rin sa sinabi ng doctor dito ni Marco. ’Yon ay ang permisyo nito dahil maluwag na nitong sinabi na maayos na si Marco. Kasalukuyan na silang nasa private plane. Hindi na naman mabilang ang ngiti na sumilay

    Last Updated : 2023-05-18
  • Marrying with You   CHAPTER 10

    “Maayos na ang lahat, Ma'am Celine. Puwede ka ng pumasok sa loob.” Napatingin siya kay Arvin. Kagagaling lamang nito sa loob na magiging kuwarto niya rito. Mukhang katatapos lang din ng mga ito ilagay ang mga bagahe nila. Nakasandal pa rin si Celine sa tapat ng dingding ng pinto ng magiging kuwarto niya. Naka-cross arm dito bago marahan na i-angat ang tingin kay Arvin na seryosong din nakatingin sa kaniya. “Tama kaya ang desisyon ko?” “Ngayon pa ba magbabago ang desisyon mo? Tama man o hindi. Nandito na tayo, magaling na si Marco, at nagawa na lahat ni Boss L lahat ng gusto mo. Kaya wala ka nang magagawa kundi ang tuparin naman ang napag-usapan niyo ni Mr. Lorenzo.” “Bakit naman ganito kahirap?” wala sa sariling tanong ng dalaga habang nakatingin sa mata ng kaniyang kausap. “Wala naman nagiging madali agad-agad sa umpisa, Ma'am Celine. Nand’yan na rin naman hindi ba? Kaya bakit mo agad susukuan at hindi susubukan? Isang taon lang naman, Celine. Baka sa isang taon ano’ng malay nati

    Last Updated : 2023-06-15
  • Marrying with You   CHAPTER 11

    “NAPAKAGANDA mo, iha...” Napangiti siya matapos ’yon sambitin ni Mrs. Daniella Gutierrez. Dahil kasalukuyan na silang nasa Hotel room rito sa boracay. Ito kasi ang perfect venue na napili nila kung saan gaganapin ang kasal nina Ivan at Celine. Ni hindi man lang umabot ng isang buwan bago mabuo ang plano ito. Gusto na lamang niyang isipin na ang lahat ng ’to ay planado. Ngunit kailan lamang sila nagkakilala ni Mr. Lorenzo siguro mas magandang pakinggan na ang mas planado iyon ay ang future ni Ivan. Sa ilang linggo niya na pagtira sa Mansion nito. Ni hindi man lang niya naramdaman ang presensiya ng binata. Hindi ito nakikipag-usap sa kaniya, kung makikipag-usap man wala itong ginawa kundi ang sagutin siya ng pabalang. Hindi rin niya ito magawang masisi lalo na isa rin naman siya sa dahilan kung bakit ito nagkakaganito. Nakakatawa na, maari siyang tumanggi o tumutol sa kaniyang Ina at Ama ngunit ito siya. Hindi na tumututol at hinahayaan na lang ang nangyari ang mga ito. Wala

    Last Updated : 2023-06-15

Latest chapter

  • Marrying with You   CHAPTER 60

    MABILIS na lumalim ang gabi sa training camp. Tahimik ang paligid, bukod sa huni ng kuliglig at iilang boses mula sa mga natitirang empleyado sa mess hall. Si Celine, tahimik na kumakain kanina, ngayon ay abala sa paghahanap ng private spot.“Wala talagang signal sa loob ng kwarto,” bulong niya sa sarili, dala ang kanyang phone at maliit na flashlight. Dumaan siya sa gilid ng camp house, sinundan ang landas papunta sa likuran kung saan may maliit na bench at mataas na halaman na pwedeng magsilbing harang para walang makaabala at makakita sa kaniya. Iniiwasan niya ’yon lalo na si Ivan.Sinilip niya ang screen, three bar na puwede na rin ito, sapat na para makahagip ng signal ang phone niya.Agad siyang nag-dial sa numero ni Criza.“Hello, Criza?”“Uy, tinawagan mo din ako! Kumusta? Huy, okay ka lang ba diyan ha? Kamusta na si Ivan? Lumalaban ba?”“Ano'ng lumalaban? Wala kami sa gera bes,”“Sus, ang oa ni Ate! Lumalaban pa ba? I mean, ano may ilalaban ba sa mga team building niyo?“Wel

  • Marrying with You   CHAPTER 59

    SA kabilang banda, seryoso sina Celine at Ivan na makinig at maipanalo ang bawat challenge na ibinabato sa kanila ngayong unang araw ng team building.Gano’n na lang ang level ng focus nila—kahit pa ito’y supposed to be fun and bonding lang, para sa kanila, parang business pitch na may kasamang pride at pressure.Mabilis na napabuntong-hininga si Celine nang makita ang susunod na activity.“Ano ’to?”“Obviously, lubid?”“Pangsakal sa leeg mo?” sarkastikong usal ni Celine, taas-kilay habang pinagmamasdan ang makapal na lubid na tila mas pang-pull ng trak kaysa pang-laro.Lumapit si Miss Rivera, ang HR lead nila, suot ang salamin nito na parang ready for a corporate workshop. Katabi niya si Mr. Gutierrez—CEO at ama ni Ivan—na tahimik lang pero malinaw na inoobserbahan ang lahat.Napakunot-noo si Celine. Ni sa orientation ay walang binanggit na ganitong klaseng tug-of-war style game.“Okay teams,” simulang sabi ni Miss Rivera. “Simple lang ’to, maghihaqilahan kayo ng lubid. Objective: ma

  • Marrying with You   CHAPTER 58

    DAHIL sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, unti-unting nagmulat ng mata si Celine. Manipis lang ang puting kurtina sa bintana mula sa balcony, kaya't diretsong tumatagos ang liwanag. Napabuntong-hininga siya at agad na bumangon.Napakunot ang noo niya nang mapansing walang bakas ng kahit anong gusot sa kama ni Ivan. Maayos ang ayos nito—parang hindi man lang nahigaan.“Saan naman natulog ang isang ’yon?” mahina niyang bulong.Tumingin siya sa paligid at doon niya nakita si Ivan, mahimbing na natutulog sa couch. Halatang hindi komportable ang posisyon nito—nakalaylay ang isang paa, may unan sa mukha, at walang suot na pang-itaas.Natigilan si Celine.Sandaling pinagmasdan niya ang lalaking tila hindi na niya dapat iniintindi. Ngunit ngayon, habang natutulog ito, parang bumalik sa kanya ang mga alaala—mga gabing siya ang nakikitang ganyan ni Ivan… pagod, pero buo pa rin ang lakas ng loob.“Hindi pa rin siya nagbabago... stubborn pa rin, kahit sa pagtulog.”Ayaw niyang aminin, per

  • Marrying with You   CHAPTER 57

    BAHAGYANG gumalaw si Celine, at ilang sandali pa’y dumilat na ang kanyang mga mata. Nag-aadjust pa ang paningin niya bago unti-unti nang sumisilip sa bintana.Napansin niya ang jacket na nakapatong sa kanya.“Ivan?” mahina niyang tawag, bahagyang naguguluhan.Napalingon agad ang binata mula sa manibela. “Gising ka na,” sabi niya, kalmado ang boses pero hindi makatingin ng diretso.Celine pinilit umupo nang maayos at ibinalik sa kanya ang jacket. “Thanks… pero hindi mo na sana ako ginawa ’to at kaya ko naman.”“Hindi kita kinumutan,” mabilis na sagot ni Ivan, sabay ngiti—yung pilyo at may halong inis.Napairap si Celine, “Right, so spontaneous na lang siyang dumapo sa'kin, ganon?”Hindi na lang siya sinagot ni Ivan at muling tumingin sa daan. Batid ng lalaki na malabo naman talaga ang sinabi nito, pero gano'n naman ang hina ng loob niya na tanggapin na siya ang naglagay no'n sa katawan ni Celine kagabi sa pag-alala na lamigin ito.“Malapit na ba?” tanong ni Celine habang nag-aayos ng s

  • Marrying with You   CHAPTER 56

    Maaga pa lang, gising na si Celine. Tahimik ang buong bahay, at ang unang ginawa niya ay pumasok sa kwarto ni Celivean. Nakatulog pa rin itong yakap-yakap si Mommy Bear—'yong iniregalo niya. Sa gilid ng kama, umupo si Celine at saglit na pinagmasdan ang anak. Ayaw niyang umalis pero iyon ang dapat, at kailangan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. “Baby… gising na,” mahinang bulong niya. Dumilat si Celivean, medyo antok pa. “Mommy?” agad siyang umupo, parang naalala agad ang lahat. “Today po?” tanong nito, malungkot ang boses. Tumango si Celine. “Yes, baby. Pero rito muna si Mommy mo sa tabi mo hanggang mamaya. Hihintayin natin si Ninang Criza bago ako umalis.” Tumango si Celivean, pero yumakap agad kay Celine. “Mommy… I’m gonna miss you agad.” “Mamimiss din kita, baby ko. Pero, remember our pinky promise, diba? Video call everyday. Tapos padadalhan pa kita ng photos ng strawberries sa Baguio.” “Can I send you my new drawings po?” tanong ni Celivean habang na

  • Marrying with You   CHAPTER 55

    MAINIT-init pa ang araw, pero banayad ang ihip ng hangin. Nakatayo si Celine sa gilid ng gate, suot ang coat at may hawak na tumbler ng tubig habang mahinahong pinagmamasdan ang mga batang lumalabas isa-isa, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga bata, at mga magulang nila na masayang sinusundo ang mga ito mula sa paaralan.Lumabas mula sa gate si Celivean, bitbit ang bag at isang folder ng drawings at worksheets. Nang makita si Celine, agad itong napangiti at kumaway.“Mommy! I miss you!”Agad tumakbo si Celivean palapit, mahigpit ang yakap niya sa bewang ni Celine.Ngumiti si Celine at niyakap rin ito pabalik bago marahan umayos at lumuhod sa anak para tapatan ito.“Hey, baby superstar! Kamusta ang little performer ko?”“Mommy! Coach Alex said I sing so good kanina. Tapos may star ako sa spelling worksheet ko, o! Look, Mommy!”Inabot naman niya ang papel kay Celine—may malaking star sticker na may nakasulat pang “Great Job!”“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Sobrang proud si M

  • Marrying with You   CHAPTER 54

    “Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal

  • Marrying with You   CHAPTER 53

    PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang

  • Marrying with You   CHAPTER 52

    “Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status