LOGINAng mabibigat na paghingal ng dalawang katawan ang tanging basag sa nakakabinging katahimikan ng malawak na sala. Nakahiga si Liana sa ibabaw ng dambuhalang itim na leather sofa, ang kanyang buong pagkatao ay tila lumulutang pa rin sa alapaap ng sukdulang kaligayahan at matinding pag-angkin na ginawa ng bilyonaryo.Nakasubsob ang mukha ni Zion sa kurbada ng leeg ni Liana. Ang malalapad at pawisang braso ng lalaki ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ng dalaga, tila natatakot na kung luluwagan niya ito kahit isang pulgada ay bigla na lamang maglalaho ang babaeng nasa ilalim niya.Ilang minuto ang lumipas bago dahan-dahang gumalaw si Zion. Inangat niya ang kanyang sarili, ngunit hindi siya tuluyang humiwalay. Tinitigan niya ang mukha ni Liana—ang magulo nitong buhok, ang namumula nitong mga pisngi, at ang mga labing bahagyang namamaga dahil sa marahas niyang paghalik. Kinuha ni Zion ang kanyang itinapong v-neck shirt mula sa sahig at maingat na ipinunas iyon sa pawisang noo at dibdib ng
Ang biyahe pabalik sa Zion Prime Tower ay tila isang nakakamatay na paglalakbay patungo sa kailaliman ng impyerno. Sa loob ng nagwawalang makina ng itim na Bugatti, walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita. Ang hangin ay napakabigat, siksik sa tensyon, at nag-uumapaw sa isang madilim na aurang nanggagaling sa lalakeng nasa driver's seat.Mahigpit na nakahawak si Zion sa manibela. Ang kanyang matigas na panga ay magkabilang nakatikom, ang mga asul na mata ay nanlilisik at nakatutok lamang sa kalsada. Wala na ang Ice King. Ang nagmamaneho ngayon ay isang purong Valmonte na tuluyan nang nilamon ng poot, selos, at walang-katapusang pagiging teritoryal.Sa kabilang gilid, nakasiksik si Liana sa pinto ng passenger seat. Nakayakap siya sa kanyang sarili, tahimik na lumuluha habang ramdam na ramdam ang panginginig ng kanyang buong katawan. Takot siya. Hindi sa sasakyan, kundi sa demonyong nakawala sa hawla na nakaupo sa tabi niya.Nang makarating sila sa private basement parking ng gusal
Ang mahinang pagtugtog ng string quartet ay patuloy na pumapailanlang sa loob ng eksklusibong art gallery, ngunit sa pandinig ni Zion Valmonte, tanging ang malakas at nagwawalang tibok ng sarili nitong puso ang umaalingawngaw.Bawat hakbang niya palabas mula sa anino ng dambuhalang haligi ay nagdadala ng isang nakakamatay na presensya. Ang hangin sa buong silid ay biglang bumigat at nanlamig, isang pamilyar na babala na ang Hari ay nagbabadyang manira. Awtomatikong nahawi ang mga matataas na taong nakatayo sa pasilyo. Wala ni isa man sa kanila ang naglakas-loob na magsalita nang makita ang madilim, nanlilisik, at walang-awang paningin ng bilyonaryo.Natutunaw na ang yelo. Wala na ang kalmadong CEO. Wala na ang lalaking nagkukunwaring kayang ibigay ang kalayaan ng babaeng mahal niya.Sa sandaling iyon, habang nakatitig si Zion sa kamay ni Julian na nakapatong sa malambot na kamay ni Liana, isang dambuhalang pader sa kanyang utak ang tuluyang gumuho. Buong buhay niya, isinumpa niyang hi
Ang makina ng itim na Bugatti ay tila isang nagwawalang halimaw habang humaharurot ito sa kahabaan ng kalsada. Wala nang pakialam si Zion sa mga speed limits. Wala na siyang pakialam kung may makabangga siya. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang malalaking kamay sa steering wheel, halos pumuti na ang kanyang mga buko sa tindi ng pagkakadiin, at ang kanyang panga ay magkabilang nakatikom hanggang sa halos magdugo ang loob ng kanyang pisngi.Nawala na ang lahat ng lohika sa kanyang sistema.Cool. Chill. Unbothered. Ang mga salitang iyon na pilit niyang isiniksik sa kanyang utak kanina ay tuluyan nang naging abo. Paano siya magiging kalmado kung ang babaeng inangkin niya nang buong-buo kagabi, ang babaeng umungol ng pangalan niya, ay kasama ngayon ng ibang lalaki?"Isang malaking pagkakamali," nanggagalaiting asik ni Zion sa loob ng sasakyan.Sinubukan niyang maging iba. Sinubukan niyang patunayan sa sarili niya at kay Liana na hindi siya katulad ng kanyang amang si Zeno na ikinulong ang sa
Eksaktong apatnapu't limang minuto.Iyan pa lamang ang itinatagal simula nang sumara ang gintong pinto ng private elevator at tuluyang umalis si Liana. Ngunit para sa kinatatakutang bilyonaryo na si Zion Valmonte, ang bawat segundong lumilipas ay tila isang dekada ng pagdurusa sa loob ng isang umaapoy na impyerno.Nakatayo si Zion sa gitna ng malawak na sala ng kanyang penthouse. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakasiksik sa loob ng bulsa ng kanyang sweatpants. Mula sa glass windows na nakaharap sa siyudad, naglakad siya patungo sa kusina, umikot pabalik sa hallway, at naglakad muli patungo sa salamin. Pabalik-balik. Walang tigil. Ang mga mamahaling sapatos niya ay halos mag-iwan na ng marka sa makintab na marmol dahil sa tindi ng kanyang pagkabalisa.Magkakape lang, paalala niya sa sarili, pilit na ibinabalik ang pagiging "chill". Kape. Isang inumin na tinatapos sa loob ng kalahating oras. Wala akong dapat ipag-alala. Ako ang asawa. Ako ang ama ng mga anak niya. Ako si Zion Valm
Isang maaliwalas na Sabado ng hapon sa loob ng Valmonte Penthouse. Ang kalangitan ng Maynila ay kulay kahel, at ang sikat ng araw ay marahang tumatagos sa mga floor-to-ceiling glass windows. Sa labas ng kwarto, rinig na rinig ang mahihinang hagikgik nina Zael at Zoya na naglalaro sa sala, habang si Zander ay malamang na nagbabasa na naman ng encyclopedia sa gilid.Sa loob ng Master Bedroom, nakasandal si Zion sa headboard ng dambuhalang kama, nakasuot ng simpleng itim na v-neck shirt at sweatpants. May hawak siyang tablet kung saan nagbabasa siya ng quarterly financial reports ng Zion Prime. O kahit papaano, iyon ang gusto niyang isipin ng mga mata niya. Ang totoo, kanina pa nakapako ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa harap ng dambuhalang salamin.Nag-aayos si Liana. Nakasuot ang dalaga ng isang hapit na beige sundress na umaabot hanggang sa itaas ng kanyang tuhod. Ang manipis na tela nito ay perpektong nakasalo sa bawat kurba ng kanyang katawan, at ang square neckline nito a
Tatlong araw.Iyon ang itinagal ng diskarte ni Celestine upang iwasan ang mapanganib na presensya ng bagong CEO ng kumpanya. Mula nang mangyari ang muntikang paghalik sa loob ng executive office, ginawa ni Celestine ang lahat ng dahilan upang hindi mag-isa na makasama si Zeno Valmonte. Kung kailang
Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nakatayo na si Celestine sa labas ng pinakamalaking opisina sa top floor ng Apex Realty building sa Tayabas. Ang kanyang bagong lamesa at mga gamit ay inilipat na sa isang executive desk na literal na nasa tapat lamang ng double doors ni Zeno Valmonte.Wal
"Not you, Ms. Valderama. Stay."Napatigil si Celestine. Ang mga kasamahan niya ay nagpalitan ng mga nag-aalalang tingin, ngunit walang naglakas-loob na suwayin ang bilyonaryo. Nang makalabas ang huling tao, narinig niya ang mabigat na pagsara ng double doors ng boardroom. Tanging silang dalawa na l
Ilang oras bago ang nakakapasong pagtatagpo sa boardroom...Ang nakabibinging tunog ng umiikot na elisi ng isang sleek, all-black helicopter ay bumasag sa tahimik at maaliwalas na kalangitan ng umuunlad na lungsod ng Tayabas. Sa gilid ng mamahaling sasakyang panghimpapawid, marangyang kumikinang an







