LOGINHello po mga labs. Story po ni Yurich, sa April pa po sila maumpisahan kasi busy po ako kapag pasukan ng junakis ko 😁 ngayon summer po plan ko gagawin siya. Hindi po kasi kaya ng maraming ongoing stories sayang din po kasi mapapabayan ko. Salamat din po sa walang sawang pag-aabang ng update ni Mayor and Jae.
C—114 Four months na ang lumipas mula nang maging officially mag-asawa kami ni Seven. Masasabi ko talaga na sobrang saya ng married life naming mag-asawa. “Love,” tawag ko kay Seven. “Hmmm?” tumigil siya sa panonood ng TV para sa akin ang atensyon n'ya. “Sa tingin mo ba normal na antukin ako ngayon at buong araw pa?” kaswal ko lang na tanong kay Seven. Nasa sala kaming tatlo habang naglalaro si Apollo sa carpet. Nakahiga ako sa kandungan ni Seven, habang nagbabasa ng reviewer para sa klase. Yes! Kababalik ko lang sa pag-aaral isang buwan pa lang ang nakalipas. Gusto ko talagang tapusin ang nasimulan ko. Nangako kasi ako sa sarili ko na hindi ko hahayaang puro pagiging mommy at asawa lang ang natapos ko. Gusto ko rin maabot ang mga pangarap ko. Hindi ko man magamit dahil kapag wala akong pasok sa school, binibigay ko naman ang bakante kong oras sa mag-ama ko. Isa pa todo suporta si Seven sa nais ko. Pero parang may kakaiba talaga sa katawan ko ngayon. Lagi akong inaanto
C-113 Ready ka na bang makita ang master bedroom?" tanong ni Seven noong pabalik na kami sa living room “Wow ha? May mas maganda pa pala kaysa rito?” Napangisi siya. “Uh-huh kasi hindi mo pa nakikita ang kalahati nitong bahay kaya tour guide muna ako ngayon,” Napatili ako sa labis na saya habang hawak ni Seven ang kamay ko patungo sa living room. Hindi ko maiwasang ngumiti. Alam ko naman na kaya naman talaga ni Seven magpagawa ng ganitong maganda mansyon, hindi ko lang inaasahan sobrang effort nitong asawa ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko habang hawak ni Seven ang kamay ko paakyat sa napakalawak na hagdan. Kanina pa ako namamangha sa bawat sulok ng bahay, pero ayon sa kanya, hindi ko pa raw nakikita ang pinakamagandang bahagi nito. Napaisip ako kung ano iyong tinutukoy n'ya. “Kaya pa ba?” nakangising tanong niya. Napairap ako sinakyan ko rin ang biro nito. “Feeling ko nga hindi ko na yata kaya ang taas nitong hagdan mo, pagod na ako, hubby," Malakas s
C-112 Habang naglalakad kami ni Seven lalo kong napapansin ang bawat detalye ng bahay niya. Napakalinis ang daan, maayos ang mga halaman, at ang mga ilaw na nakahilera sa magkabilang gilid ng driveway agaw pansin sa ganda. Pagbukas ng pinto, halos mawalan ako ng hininga sa sobrang ganda. “Oh my gosh!” gandang ganda kasi ako kaya iyon lang ang sabi ko Napakataas ng kisame. May napakalaking crystal chandelier sa gitna na kumikislap sa bawat tama ng liwanag. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol habang ang malawak na living room ay puno ng elegante ng muwebles. Naramdaman ko ang braso ni Seven na pumulupot sa bewang ko. Kandahaba ang nguso ko nang halikan niya ako sa leeg ko. Mabilis lang iyon pero nagtayuan ang aking balahibo. “Mahal, nagustuhan mo ba rito?” Napailing ako habang nakangiti gusto ko siyang asarin kung anong reaksyon niya. “Hindi?” sagot ko kaya napansin kong nagsalubong ang kilay ni Seven. “Hi-hindi? P-pwede mo naman ipabago. Mahal, ikaw ang bahala papali
C-111 Jeselle Malalim akong napabuntong nang tuluyan kaming makarating sa airport ng Butuan. One time na akong nakapunta na rito noon isinama ako ni Seven nagbakasyon siya noon sa Mommy Jelay. "Mahal, bakit?" "Ha?" "Lalim noon ah," saad nito nakatitig sa mukha ko. "Masyado kang OA. Wala lang iyon ano may naalala ko lang noong una kong punta rito kasi sino bang mag-aakala ikaw pala ang magiging asawa ko," "Swerte mo nga e," tudyo n'ya. "Wow ha! Mahangin din talaga," laban ko kinahagalpak n'ya ng tawa. Nagtataka tuloy si Apollo sa daddy n'ya pero humalik lang si Seven sa buhok ni Apollo. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, napahinto na agad ako dahil napatingin ako kay Seven at nagtatanong ang aking mata kung ito na ba ang bahay n'ya. Nagustuhan ko itong bahay n'ya. Isa itong Mediterranean mansion. Napatitig lang ako sa napakalawak na lupain sa harapan namin habang hawak ni Seven ang kamay ko. Kanina pa kami bumiyahe mula airport. Sinundo kami sa airport ng driver n
C-110 Jeselle Ang bilis talaga ng araw. Parang kailan lang ikinasal kami ni Seven, at ngayon nasa airport na naman kami para ihatid ang Mommy Jelay niya pabalik ng UK. Nakaraang buwan lang, hinatid din namin si Mommy Jelay at husband n'ya noong matapos ang birthday ni Apollo. Ngayon naman ihahatid ulit namin babalik ulit sila ng husband n'ya sa UK. “Anak, stop making that face. Para ka naman n'yan inabandona ng magulang mo," hagalpak ng tawa ni Mommy Jelay habang inaayos ang scarf niya dahil kanina kalong n'ya si Apollo. Hinila ng anak ko kaya kinuha ko muna para ayusin ng mommy baka bigla silang tawagin. “Mommy,” reklamo ni Seven. “Kailan naman ulit ang uwi niyo?”aniya na para bang batang sabik sa pagbabalik ulit ng Ina niya. Malakas tuloy ang aking tawa dahil piningot siya ni Mommy Jelay. Ang kandong kong si Apollo, busy ngumunguya ng biscuit na baon namin. Honestly, sobrang nakatutuwa makita si Seven kapag kasama ang mommy niya. Yung intimidating businessman aura nito
C-109 Jeselle "Kaibigan mo pala iyong husband ni Sabine?" tanong ko kay Seven nang binabagtas na namin pauwi ng bahay. "Sa ibang subject lang," "Kaya pala hindi ko gano'n ka pamilyar pero alam ko student siya sa university kasi nga sabi mo ama ng pinagbubuntis ni Sabine, kaibigan mo. Hinulaan ko lang hindi na ako nagtanong," "Ngayon nakita mo na si Sabine. Hindi ka na magseselos, mahal," "Immature pa ako noon mag-isip kaya mabilis akong magselos," Tss nakataas kilay ayaw pa maniwala nitong asawa ko. "Nakita ko happy na rin si Sabine, kaya siguro nagkataon nagkita kami sa airport para lang magkaroon ng closure," "Closure?" sabay halakhak ni Seven kaya sinamaan ko ng tingin. Wala naman nakatatawa sa aking sinabi. "Hoy ano ka! Hindi lang para sa mag-jowa ang closure ano. Pwede rin iyan gumana sa amin ni Sabine. Mabuti na lang talaga nag-honeymoon tayo. Kung hindi tayo natuloy, hindi natin makikita si Sabine. "Ikaw lang kasi mahal, ayaw mo pa noong una," tugon niya ng







