Share

Chapter 2

Penulis: Eternalqueen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-28 22:22:37

Pagkauwi ng bahay ay agad akong naghilamos para maalis ang makeup sa mukha ko. Hindi pwedeng makita ako ni mama na ganito ang itsura dahil sigurado akong magtatanong siya. 

Nang matapos ako maghilamos at maglinis ay naupo ako ulit sa mesa. Tinitigan ko ang sobra na inabot sa akin ng lalaki kanina kapalit ng ginawa ko. 

Binuksan ko iyon at nakita ang pera na binayad sa akin. Nanginginig ang kamay na ibinalik ko iyon sa loob ng sobre. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Kapalit ng pera ay pumayag akong gumawa ng hindi tama. 

Pero kaligtasan at kalusugan naman ni mama ang dahilan ko kaya ko nagawa ‘yon. Mali ba ‘yon?

Mali ba na gawin ko ang lahat para sa mama ko? 

Kahit sinong anak ay handang magsakripisyo para sa magulang nila. Itinaguyod ako ni mama at pinalaki nang mag-isa siya. Kaya ako naman ang gagawa ng paraan para masigurong gagaling siya. 

“Len.”

Napalingon ako kay mama na nakaupo na ngayon sa higaan niya. Tumayo ako at nilapitan siya. 

“Bakit po, ma? Maaga pa po, matulog pa po kayo,” sabi ko. 

“Umalis ka ba? Nagising ako kanina pero hindi kita nakita,” sabi ni mama. 

Hindi ako agad nakasagot. Nakokonsensya na ako agad dahil magsisinungaling ako pero wala naman akong choice. Ayaw kong magalit si mama dahil sinuway ko siya. 

“Nagpahangin lang po ako sa labas. Kamusta po pakiramdam mo, ma?” tanong ko. 

Huming nang malalim si mama. “Ayos na ako. Huwag ka nang mag-alala sa akin. Ikaw, magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka sa trabaho mo.”

Tinitigan ko si mama at hindi mapigilang kumirot ng puso ko. 

“Palagi po akong mag-aalala sa ‘yo, ma. Ayaw ko pong nagkakasakit ka dahil mahal na mahal po kita,” sambit ko. 

Hinaplos ni mama ang pisngi ko kaya nangilid ang luha sa mata ko. 

“Mahal na mahal din kita, Len. Salamat sa pagtataguyod mo sa ating dalawa,” sabi ni mama.

Suminghot ako. “Syempre naman, ma. Sino pa po ba ang magtutulungan kundi tayong dalawa. Sige na po, magpahinga na po kayo ulit.”

“Magpahinga ka na din kapag wala ka nang gagawin.”

Tumango ako at inalalayan si mama mahiga ulit. Pinagmasdan ko siya saglit hanggang sa muli siyang makatulog. 

Hindi ko mapigilang makonsensya sa pagsisinungaling ko. Alam kong pwede akong karmahin sa ginawa ko kanina pero wala na akong choice. Buhay na ni mama ang nakataya dito. 

Nahiga na rin ako sa tabi ni mama pero hindi naman ako dinalaw ng antok. Kaya naman nang makita kong may liwanag na sa labas ay bumili na ako ng makakain namin ni mama sa almusal.

Mamaya pang alas dyes ang pasok ko sa restaurant kaya mag-aasikaso muna ako ng kakainin ni mama. Kasalukuyan akong nagluluto nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita si Angela.

“Angela, ang aga mo ngayon. Tulog pa si mama,” sabi ko sa kaibigan kong bakla.

Sumulyap siya kay mama bago ako hinila papunta sa kusina. 

“Ayos lang naman. Dito na ako magpapahinga hanggang mamaya bago ako mag-duty,” sabi niya habang sinisilip ang niluluto ko.

“Kumain ka na ba? Sabay ka na sa amin,” sabi ko.

Tumango siya. “Sige. Pero bakit bigla kang nawala kagabi? Kamusta ang performance mo sa VIP?”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa tanong niya. Humarap ulit ako sa kalan at inasikaso ang niluluto ko para hindi mapansin ni Angela ang pagkataranta ko.

“A-Ahm, ayos lang naman,” matipid kong sagot.

“Sinong VIP nga pala ‘yon? Nakilala mo ba? Guwapo ba?” sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako agad. “Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya kasi nga kinakabahan ako.”

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung anong ginawa ko kagabi dahil baka madamay pa siya. At natatakot din ako na baka hindi niya ako maintindihan kapag nalaman niya iyon.

“Ano ka ba naman. Bihira lang nakaka-encounter ng VIP na nagre-request ng solo performance dapat sinulit mo na,” sabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo. Kung ano-anong iniisip ng baklang ‘to.

“VIP? Performance? Anong pinag-uusapan n’yo?”

Nanlaki ang mga mata namin ni Angela nang marinig ang boses ni mama. Hindi agad ako nakasagot dahil parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba.  

“Ah, ano, tita, ang pinag-uusapan po namin ay yung performance ko kagabi sa trabaho. Grabe, hindi ako naka-quota kasi nga sumakit ang ulo ko. Hindi ko tuloy naabutan yung VIP na malaki magbigay ng tip,” palusot agad ni Angela.

Dahandahan kong hinarap si mama na seryosong nakatingin sa amin. Ngumiti ako agad at nilapitan siya para makaupo sa may mesa.

“Gising ka na pala, ma. Sakto luto na ang almusal, kain na po tayo,” pag-iiba ko sa usapan.

“Naamoy ko kasi yung niluluto mo tapos narinig ko itong si Angela kaya bumangon na ako,” sabi ni mama. “Halika, Angela, sabayan mo na kami.”

“Opo, tita. Maghuhugas lang ako ng kamay,” sagot ni Angela.

Nagkatinginan kaming dalawa at pasimple ko siyang nilakihan ng mata.

Muntik na akong mahuli ni mama sa kadaldalan niya. Dalawa kaming malalagot kapag nalaman ni mama ang ginawa ko kagabi. 

Naging tahimik ang almusal naming tatlo at bumalik na ulit si mama sa sala para manood ng TV. Kami naman ni Angela ay naiwan sa kusina. Naghuhugas ako ng pinagkainan namin habang siya ay nanonood sa cellphone niya.

“OMG. ‘Di ba siya yung anak ng Mayor natin dito? Yung tatakbong Mayor sa susunod na eleksyon?” tanong ni Angela habang pinapakita sa akin ang cellphone niya.

At muntik ko nang mabitawan ang hawak kong plato nang makita kung sino iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong VIP kagabi na sinayawan ko at pinatulog.

“Anak ng Mayor siya?” tanong ko.

“Oo. Hindi mo kilala? May mga tarpaulin nga siya diyan sa labas oh. Hayst, puro ka kasi trabaho kaya hindi mo na kilala ang mga tao dito,” sabi niya.

“Bakit naman parang gulat na gulat kang makita siya sa cellphone mo?” tanong ko.

“E kasi, may kumakalat na scandal niya ngayon. Ito oh, panoorin mo.” Pinanood ko ang sinasabi niyang scandal at parang mas lalo akong nanlalamig. 

May nakapatong sa kanyang babae habang hinahalikan siya. Iyong suot niya sa video ay kapareho ng suot niya kagabi sa bar. Hindi kaya...nangyari ito habang wala siyang malay? Ito ba yung planong gawin ng lalaking nag-utos sa akin?

“Grabe, sa pagkakaalam ko may fiance siya. Tapos nakikipag-sex pa siya sa ibang babae. For sure, masisira ang image niya ngayon. Balak ko pa naman sana siyang iboto sa eleksyon.”

Hindi ko na magawang tapusin ang video dahil ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Planado ang lahat ng ito para masira siya sa mga tao dahil tatakbo siya sa eleksyon. At ako ang naging instrumento para masakatuparan ang planong ‘yon.

“Huy, anyare sa ‘yo? Parang nabalisa ka diyan,” sabi ni Angela kaya naputol ang pag-iisip ko.

“Ah wala. Tatapusin ko na ‘to para makapag-asikaso na ako,” sabi ko.

Hindi niya na ako pinansin ulit kaya hinayaan ko na siya. Hanggang sa makapasok ako sa restaurant ay iyon ang nasa isip ko. 

“Naglabas ng opisyal na pahayag si running-for-Mayor Gustavo Alcantara ukol sa scandal na kumakalat ngayon...”

Napalingon ako sa TV nang marinig ang balita. Saktong bumungad sa screen ang mukha ng lalaking kagabi lang ay kausap ko sa VIP room. Siya nga talaga iyon. 

“Hindi po ako ang nasa kumakalat na video ngayon. Paraan lamang po ito ng mga kalaban para siraan ang aking pangalan dahil nalalapit na ang eleksyon. Makakaasa po kayo na mananagot ang kung sinumang nasa likod ng lahat ng ito...”

Mananagot? Pero paano? Alam niya ba kung sino ang nag-setup sa kanya? Nakilala niya ba ako? Pero imposible dahil nakamaskara ako kagabi. 

Pero paano kung ilaglag ako nung lalaking nag-utos sa akin? Para makaligtas siya, baka ako ang ilaglag niya. 

Ano nang gagawin ko? Hindi kami pwedeng madamay ni mama sa gulo nila dahil sigurado akong makukulong ako. 

Kaya naman pagkatapos ng duty ko sa restaurant ay nagpasa na ako ng resignation letter ko. Pagkauwi ay naabutan kong nanonood ng TV sila mama at Angela.

“Nandito ka na pala, Len. Papasok na ako sa duty ko ha,” paalam ni Angela sa akin.

“Angela, mag-usap muna tayo saglit,” sabi ko.

Wala akong balak sabihin kay Angela ang tungkol sa nangyari pero kailangan ko pa ring magpaalam nang maayos sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at ayaw ko namang basta na lang siyang iwan dito nang walang paalam.

“Tungkol saan, Len? Kinakabahan naman ako sa ‘yo," natatawa niyang sambit.

Huminga ako nang malalim. “Luluwas kami ni mama sa Manila bukas nang umaga. Doon ko siya planong ipagamot. Pasensya ka na kung biglaan.”

“Ano ka ba, Len. Ayos lang ‘yon. Ang mahalaga gumaling si tita. Kailangan mo ba ng dagdag na pera? May naipon pa naman ako—”

“Hindi na, Angela. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo ha. Makakabawi din ako sa ‘yo sa susunod na magkita tayo,” sabi ko.

Niyakap ko siya at hindi ko mapigilang malungkot. Napakalaking tulong ang ginagawa ni Angela sa tuwing binabantayan niya si mama kapag wala ako. Isa siya sa pinagkakatiwalaan kong tao sa buhay ko. 

Pagkaalis ni Angela ay sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit namin ni mama. Kasalukuyan na siyang kumakain ngayon sa mesa. 

“Bakit ka nag-iimpake ng gamit? Aalis ka ba?” tanong ni mama pagkatapos niyang kumain.

“Hindi lang po ako, ma. Tayong dalawa po ang aalis,” sagot ko.

“Bakit biglaan naman yata? Saan tayo pupunta? May pera ba tayo?” sunod-sunod na tanong ni mama.

Huminga ako nang malalim bago siya tuluyang hinarap. Alam kong naguguluhan lang siya pero hindi ko rin alam paano ipapaliwanag sa kanya ng lahat nang hindi sinasabi ang totoo.

“Sa Maynila po, ma. Ipapagamot po kita doon at doon na din po ako magtatrabaho,” sagot ko.

“May hindi ka ba sinasabi sa akin, Len?” pang-uusisa ni mama habang nakatitig sa mga mata ko. “Alam kong may matindi kang pinoproblema, anak.”

Umiling ako. “Wala po, ma. May nag-recommend po kasi sa akin ng trabaho sa Maynila. Mas mataas po ang sahod doon kaya susubukan ko po. Ayoko naman pong iwan kayo dito mag-isa kaya po dalawa tayong luluwas do’n.”

Patong-patong na ang kasinungalingan ko ngayon. Pagkaluwas sa Maynila ay saka palang ako maghahanap ng trabaho doon pero may nahanap naman na akong matutuluyan namin ni mama. Nag-search ako kanina online ng maayos at sakto lang sa amin ni mama na matutuluyan.

Kailangan kong pagkasyahin ang pera namin hanggang sa makahanap ako ng bagong trabaho. 

Pagkatapos mag-impake ay maaga kaming nagpahinga ni mama dahil maaga ang unang byahe ng bus sa terminal. Ang iba naming gamit na hindi namin madadala ay ibinilin ko na kay Angela. Babalikan ko na lang sa susunod na punta ko dito.

“Grabe yung isyu ngayon ng anak ni Mayor, ‘no? Kalat na kalat na yung video e.”

“Oo nga. Imposibleng hindi siya ‘yon e ang linaw ng mukha niya.”

Hindi ko mapigilang makinig nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae sa likod ng upuan namin sa bus. 

“Kung setup nga ‘yon malalagot yung gumawa no’n sa kanya. Nasira ang image ng pamilya Alcantara dahil do’n.”

“Ang ganda pa naman ng reputasyon ni Mayor Alcantara tapos nadungisan lang sa scandal ng anak niya. Grabe.”

Hindi ko gustong mangyari iyon kay Gustavo Alcantara. Pero kailangan ko talaga ng pera para kay mama. Kaya ngayon, kailangan din naming magtago para hindi kam

i mapahamak. Pero kung sakali man na magkita kami ulit at malaman niyang ako ang babaeng nagpatulog sa kanya, tatanggapin ko kung ano man ang parusa na ibibigay niya sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mayor's Lustful Obsession    Chapter 2

    Pagkauwi ng bahay ay agad akong naghilamos para maalis ang makeup sa mukha ko. Hindi pwedeng makita ako ni mama na ganito ang itsura dahil sigurado akong magtatanong siya. Nang matapos ako maghilamos at maglinis ay naupo ako ulit sa mesa. Tinitigan ko ang sobra na inabot sa akin ng lalaki kanina kapalit ng ginawa ko. Binuksan ko iyon at nakita ang pera na binayad sa akin. Nanginginig ang kamay na ibinalik ko iyon sa loob ng sobre. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Kapalit ng pera ay pumayag akong gumawa ng hindi tama. Pero kaligtasan at kalusugan naman ni mama ang dahilan ko kaya ko nagawa ‘yon. Mali ba ‘yon?Mali ba na gawin ko ang lahat para sa mama ko? Kahit sinong anak ay handang magsakripisyo para sa magulang nila. Itinaguyod ako ni mama at pinalaki nang mag-isa siya. Kaya ako naman ang gagawa ng paraan para masigurong gagaling siya. “Len.”Napalingon ako kay mama na nakaupo na ngayon sa higaan niya. Tumayo ako at nilapitan siya. “Bakit po, ma? Maaga pa po, matulog pa po k

  • Mayor's Lustful Obsession    Chapter 1

    “Napakaganda naman nitong bagong recruit mo, Angela. Fresh na fresh ah.”Nahihiya akong ngumiti sa sinabi ng makeup artist sa akin. Siya iyong Bea na tinutukoy ni Angela kanina. Kasalukuyan niya akong nilalagyan ng lipstick. “Maganda talaga ‘yan. Magdadala ba naman ako dito ng chaka?” sabi ni Angela. Tumawa lang si Bea. “Mas mabilis kang mareregular dito panigurado. Ganyang-ganyan ang mga bet na mukha ni madam e.”Hindi na lang ako kumibo. Wala naman akong balak maging regular dito. Siguro ay matagal na ang dalawang linggo para makaipon ako kahit papaano. Pagkatapos ay pipilitin ko nang humanap ng ibang trabaho.Nang matapos niya akong makeupan ay si Angela ang pumili ng damit na isusuot ko. Napanganga ako nang makita ang itsura ng mga damit ng dancer dito. Sobrang ikli at nai-imagine ko na kaagad na halos makita na ang kaluluwa ko kapag isinuot ko ito. “Wala bang mas mahaba dito?” mahinang tanong ko kay Angela. Tumawa naman siya kaya namula ang pisngi ko sa kahihiyan. “Len, gan

  • Mayor's Lustful Obsession    Prologue

    “Six orders ng sinigang, six orders ng kanin, apat na iced tea, at dalawang coke. Order lahat ‘yan doon sa table seven.”Sinigurado kong nakuha ni Ate Mariel ang sinabi ko bago ako bumalik sa labas ng kusina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant at napabuntonghininga. Ang daming customers ngayon kaya kahit hapon pa lang ay pagod na pagod na ako.Ang wrong timing naman kasing mag-absent ng kasama ko. Ako lang tuloy ang mag-isang kumukuha ng orders ngayon. “Miss, pa-order nga.”Agad akong lumapit sa customer na bagong dating. Sanay na ako sa ganitong trabaho. Kahit isang taon pa lang ako dito ay mabilis kong nagamay ang mga gawain. Nakakapagod man pero wala akong choice. Kailangan kong magtrabaho para sa amin ni mama. Ako na lang ang inaasahan niya at kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Lumaki ako nang hindi nakikilala ang aking ama. Kung buhay pa siya o hindi na, hindi ko alam. Matagal ko nang natanggap na wala na siyang pakialam sa akin kaya hindi ko na rin siya i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status