“Six orders ng sinigang, six orders ng kanin, apat na iced tea, at dalawang coke. Order lahat ‘yan doon sa table seven.”
Sinigurado kong nakuha ni Ate Mariel ang sinabi ko bago ako bumalik sa labas ng kusina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant at napabuntonghininga. Ang daming customers ngayon kaya kahit hapon pa lang ay pagod na pagod na ako. Ang wrong timing naman kasing mag-absent ng kasama ko. Ako lang tuloy ang mag-isang kumukuha ng orders ngayon. “Miss, pa-order nga.” Agad akong lumapit sa customer na bagong dating. Sanay na ako sa ganitong trabaho. Kahit isang taon pa lang ako dito ay mabilis kong nagamay ang mga gawain. Nakakapagod man pero wala akong choice. Kailangan kong magtrabaho para sa amin ni mama. Ako na lang ang inaasahan niya at kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Lumaki ako nang hindi nakikilala ang aking ama. Kung buhay pa siya o hindi na, hindi ko alam. Matagal ko nang natanggap na wala na siyang pakialam sa akin kaya hindi ko na rin siya iniisip. Alas-otso ng gabi nagsasara ang restaurant na pinagtatrabahuan ko kaya bandang alas nuebe na ako nakakauwi sa bahay. “Angela, salamat ah. Sige na, pumasok ka na sa trabaho mo,” sabi ko sa kaibigan kong bakla. Pinapasamahan ko kasi sa kaniya si mama sa tuwing umaalis ako. Ayaw ko kasing nagpapakapagod si mama sa trabaho dahil nagkakasakit siya. Kaya kailangan may nagbabantay para may nagbabawal sa kaniya. Inayos ni Angela ang mahaba niyang buhok. Kahit hindi siya tunay na babae, maganda siya. Maganda rin ang hubog ng katawan at babaeng-babae kung manamit. “Len, gabing-gabi ka na nakakauwi galing diyan sa trabaho mo pero ang liit naman ng kita. Tapos pagod na pagod ka pa. Tanggapin mo na kasi ang offer ko. Sasayaw ka lang doon, sa isang gabi limang libo agad.” Napailing ako bago natawa. Nagtatrabaho kasi siya sa isang high-end bar bilang promo girl. Alam ko namang malaki ang kita doon pero hindi ko naiisip na magtrabaho sa gano’ng lugar. Sapat pa naman ang kinikita ko bilang waitress. At bukod doon, hindi rin matutuwa si mama kapag nalaman niyang pumayag akong magtrabaho sa bar. “Angela, salamat sa offer. Pero alam mo naman na kontento na ako bilang waitress. At saka, hindi ako bagay doon,” sabi ko. Ipinagkrus niya ang kaniyang braso. “Anong hindi? Duh! Ang ganda mo kaya. Ang tangos ng ilong mo tapos nakakaakit ‘yang labi mo. At ‘day! ‘Yang katawan mo, naku! Maraming magbabayad nang malaki masilayan ka lang sumayaw.” Inirapan ko siya. “Tigilan mo nga ‘ko. Kahit anong pambobola mo, hindi ako papayag na magtrabaho sa bar.” Umirap din siya sa akin. “Ay siya! Kung ayaw edi ayaw! Aalis na ako. Tita, papasok na po ako sa work! Baboosh!” “O sige. Salamat, Angela,” sabi naman ni mama. Natawa na lang ako sa sinabi ni Angela. Pagkalabas niya ng bahay ay sinarado ko na agad ang pinto. Nasa sala si mama at nanonood ng tv kaya inasikaso ko muna ang hapunan naming dalawa. Araw-araw ganito ang ginagawa ko mula nang mag-eighteen ako. Nakakapagod? Oo. Pero hindi dapat sumuko. Nang maihain ko sa mesa ang pagkain na nabili ko rin sa karinderya ay lumapit na ako kay mama. “Ma, kakain na po tayo,” sambit ko. Tumayo na si mama kaya ako na ang nagpatay ng t.v. Saglit ko lang inalis ang paningin ko sa kanya pero nakarinig agad ako nang malakas na kalabog. Nang lingunin ko siya ay nakita ko siyang nakaupo na sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. “Ma!” sigaw ko at agad siyang nilapitan. “Ma, ano pong nangyari? May masakit po ba?” “H-Hindi...m-ma-k-kahinga...” nahihirapan niyang sambit. “Tatawag ako ng tulong. Huwag kang matutulog, ma. Sandali lang,” natataranta kong sabi bago ako lumabas ng bahay at kinatok ang kapitbahay namin. “Tao po! Tulong! Tulungan n’yo po ang mama ko!” sigaw ko habang kumakatok. Mabuti na lang ay lumabas kaagad ang dalawa naming kapitbahay at agad na tumulong para buhatin si mama. Tumawag ako ng tricycle at agad na dinala si mama aa hospital. Parang may naghahabulang mga kabayo sa dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Pagkarating sa hospital ay hindi kaagad naidiretso si mama sa emergency room dahil may mga pasyente pa daw na nandoon. “Nurse, walang malay ang mama ko pwede bang asikasuhin n’yo na siya?” pakiusap ko sa nurse na dumaan. Kasalukuyang nasa wheelchair si mama ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. “Sandali lang, miss. Lagpas na sa capacity ang hospital ngayon kaya hindi namin agad maasikaso ang mama mo—” “Anong gagawin ko? Hahayaan na lang ninyo ang mama ko?” hindi ko na mapigilang sumigaw. Nakuha ko ang atensyon ng ibang mga tao pero wala na akong pakealam. Kailangang ma-check ng mama ko. Pero dahil ito lang ang malapit at pinakamurang hospital dito ay karamihan ng mga tao dito nagpupunta. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at paglingon ko ay may malay na si mama. Halata pa sa mukha niya ang panghihina. “Ma, kamusta ka? Ano pong nararamdaman n’yo?” tanong ko kaagad habang nakaluhod sa gilid ng wheelchair. “A-ayos lang...ako. Umuwi na tayo,” mahinang sabi ni mama. “Hindi po. Magpapagamot po kayo.” Umiling ako at pinigilang tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Umiling din si mama. “W-Wala tayong pera. Ayos lang ako, nahilo lang ako kanina.” “Ipapa-check po kita sa doktor, ma. Huwag mo pong isipin ang pera. Mas importante po ang kalusugan n’yo,” paliwanag ko bago tumayo. Kinausap ko ang tricycle driver na naghatid sa amin na dalhin kami sa ospital sa kabilang bayan. Isang oras ang byahe papunta doon pero alam ko namang maaasikaso nila si mama. Hindi katulad dito na masyadong maraming tao kaya hindi na alam ng mga doktor kung sino ang uunahin. Ito ang mahirap sa mga pampublikong ospital. Bukod sa madalas kulang sila sa mga gamit at mga doktor ay hindi rin kasya ang mga pasyenteng nangangailangan ng serbisyo nila. Habang nasa byahe ay hindi ko binitawan ang kamay ni mama. Alam kong inaalala niya ang pambayad sa pagpapagamot niya pero ang pinakamahalaga sa akin ay ang kaligtasan niya. May naitabi pa naman akong pera kaya iyon na muna ang gagamitin ko. Pagdating sa kasunod na ospital ay agad kaming dumiretso sa loob. Tinanong ng nurse ang mga impormasyon ni mama bago kami pinaghintay para makausap si doc. Kalahating oras ulit ang lumipas bago kami pinapasok sa office ni doc. Tinanong niya kung anong nararamdaman ni mama at hinayaan kong sumagot si mama. Sinabi ko rin ang medical history niya maging iyong pagkahimatay niya kanina. “Para makasigurado kung anong naging dahilan ng pagkahimatay niya at laging pagkapagod ay kailangan niyang mag-undergo sa mga tests. Ililista ko ang mga tests na kailangan niyang gawin at kapag may resulta na, babalik kayo sa ‘kin,” paliwanag ng doktor. Tumango ako at pinanood siyang magsulat sa papel. Nang matapos ay iniabot niya iyon sa akin. Bago umalis ay tinanong ko sa cashier kung magkaano ang aabutin ng mga tests at sa kasamaang palad ay kulang ang perang dala ko. “Uuwi na ba tayo, Len?” tanong ni mama pagkalapit ko sa kanya. Dahandahan akong tumango. “Uuwi po muna tayo, ma. Pero bukas babalik tayo para sa laboratory mo.” “May pera pa ba tayo para diyan?” tanong ni mama. Hindi ko masabing wala na dahil alam kong ipipilit niyang huwag na ituloy ito. Kaya naman tumango na lang ako. Kahit ang totoo ay maghahanap pa ako ng paraan para magkaroon ng pera. “Huwag mo pong isipin ‘yon, ma. Ako po ang bahala,” nakangiting sagot ko. Inalalayan ko si mama sa paglalakad palabas ng ospital. Dahil kukulangin na ang pamasahe namin kapag nag-tricycle pa kami ay sumakay na lang kami ng jeep. Pagkauwi sa bahay ay pinagpahinga ko na si mama habang ako ay nagsimula ng mag-isip kung saan kukuha ng pera. Hindi ko na mapagilang umiyak. Sobrang hirap mag-isip. Nakakapagod. Naaawa ako kay mama pero wala akong magawa para maipagamot siya nang maayos. Hindi na sapat ang sinasahod ko sa restaurant. Gustuhin ko mang humanap ng trabaho na mas malaki ang sahod, wala namang tumatanggap sa akin dahil senior high lang ang tinapos ko. Sa hirap ng buhay ay hindi na ako nakapag-college. Mas inuna ko nang magtrabaho para sa amin ni mama. Bakit ba ganito ang buhay namin? Lumalaban naman kami ng patas ah. Bakit parang mas lalo kaming naghihirap? Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip, kung nandito ba ang ama ko, ganito pa rin ba kahirap ang buhay namin ni mama? Kung hindi niya iniwan si mama habang buntis siya, baka hindi namin nararanasan ang ganitong buhay ngayon. Lumingon ako kay mama na natutulog na ngayon. Siya na lang ang meron ako at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Gagawin ko ang lahat para kay mama. Ipapagamot ko siya at bibigyan ng mas maayos na buhay. Tumayo ako at nilapitan si mama. “Mahal na mahal kita, mama,” bulong ko bago siya hinalikan sa noo. Pinatay ko ang ilaw bago ako lumabas ng bahay. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa bar kung saan nagtatrabaho si Angela. Pagkababa ay napatingin ako sa malaking signage ng pangalan ng bar. Ano bang ginagawa ko dito? Ito na lang ba talaga ang paraan? Kapag nalaman ni mama kung anong balak kong gawin siguradong magagalit siya. Pero wala akong choice. Ito lang ang naiisip kong paraan para mabilis na kumita ng pera. Hindi naman ito pangmatagalan. Kapag nakakuha na ako ng perang sapat sa pagpapagamot ni mama ay aalis na rin ako agad. Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumapit sa entrance ng bar. Naririnig ko ang malakas na tugtog sa loob pero mas ramdam ko pa rin ang kabog ng puso ko. First time kong papasok sa ganitong lugar kaya hindi ko alam kung anong makikita ko sa loob. Sa may entrance ay may dalawang lalaking nakabantay. Ang akala ko ay sisitahin nila ako pero nakapasok naman ako kaagad. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na mga ilaw sa loob ng bar. Iba-ibang klaseng ingay din ang naririnig ko. Ingay mula sa speaker, ingay mula sa mga taong nagdadaldalan, ingay mula sa mga gamit at iba pa. Pati amoy ay iba-iba rin. Muntik pa nga akong masuka nang maamoy ang sigarilyo na ibinuga ng isang lalaking nasalubong ko. Paano sila nakakatagal sa ganitong lugar? Hinanap ko kaagad si Angela. Ang alam ko ay nagse-serve siya dito bukod sa promo girl siya pero sa dami ng tao ay halos hindi ko siya makita. Kaya naman naisipan kong magtanong sa isang babaeng nagtatrabaho rin dito. “Miss, kilala mo ba si Angela? Alam mo kung nasan siya?” tanong ko sa medyo malakas na boses. “Si Angela? Ayun siya oh!” sigaw niya bago itinuro iyong isang mesa kung nasaan si Angela. Nakaupo siya doon at nakikipagtawanan sa mga nag-iinuman. Nag-aalinlangan man ay lumapit pa rin ako kung nasaan siya. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay nakita niya na ako. Nanlaki ang mga mata niya bago nagpaalam at tumayo. “Len! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Hindi ako agad nakasagot dahil halos hindi ko magawang sabihin na gusto kong magtrabaho dito. Hinila ako ni Angela palayo sa ingay at pumasok kami sa isang pinto. Sa tingin ko ay dressing room ito dahil sa mga gamit na nakikita ko. “Okay ka lang ba?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi. Si mama nahimatay kanina kaya kailangan niyang magpa-laboratory para malaman kung anong sakit niya. Kaya ako nandito kasi...” napalunok ako. “Kailangan mo ba ng pera?” tanong niya. Dahandahan akong tumango. “Kailangang-kailangan ko ng pera, Angela. Natatakot ako na baka may mangyari kay mama. Kaya lulunukin ko na lang ang pride ko.” Huminga siya nang malalim. “Naiintindihan ko. Pero paano si tita? Kapag nalaman niya—” “Huwag mong sasabihin sa kanya, please. Atsaka...ilang araw ko lang namang gagawin ‘to. Hanggang sa makaipon na ako ng malaki-laking pera pampagamot ni mama,” sabi ko. Tumango si Angela. “Sige, hindi ko sasabihin. Anong trabaho ba ang gusto mo? Kaya mo bang sumayaw? Doon sa gitna?” Hindi ako kaagad nakasagot. Sa dami ng tao sa labas, kaya ko ba talagang sumayaw sa harap nila? “S-Sasayaw lang naman ako, ‘di ba? Hindi ko kailangang makipag-usap sa kanila?” tanong ko. “Oo naman. Sasayaw ka lang. Kung wala ka pang idea sa gagawin, may dalawang dancers mamaya na mauuna, panoorin mo sila para alam mo kung anong gagawin. Mas sexy ang sayaw, mas malaki ang binibigay ng mga audience. Kung nahihiya ka naman, don't worry pwede kang magsuot ng mask. Para na din hindi ka makilala ng ibang tagarito,” paliwanag niya. Kakayanin ko ba talaga ‘to? Wala naman akong choice. Para kay mama, kailangan kong gawin ito. Wala namang m asama sa pagsayaw sa harap nila e. Hindi naman ako papayag na gawan nila ako ng hindi maganda. Sasayaw lang ako. Iyon lang. “Kapag okay ka na, magpaayos ka na kay Bea.”Pagkauwi ng bahay ay agad akong naghilamos para maalis ang makeup sa mukha ko. Hindi pwedeng makita ako ni mama na ganito ang itsura dahil sigurado akong magtatanong siya. Nang matapos ako maghilamos at maglinis ay naupo ako ulit sa mesa. Tinitigan ko ang sobra na inabot sa akin ng lalaki kanina kapalit ng ginawa ko. Binuksan ko iyon at nakita ang pera na binayad sa akin. Nanginginig ang kamay na ibinalik ko iyon sa loob ng sobre. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Kapalit ng pera ay pumayag akong gumawa ng hindi tama. Pero kaligtasan at kalusugan naman ni mama ang dahilan ko kaya ko nagawa ‘yon. Mali ba ‘yon?Mali ba na gawin ko ang lahat para sa mama ko? Kahit sinong anak ay handang magsakripisyo para sa magulang nila. Itinaguyod ako ni mama at pinalaki nang mag-isa siya. Kaya ako naman ang gagawa ng paraan para masigurong gagaling siya. “Len.”Napalingon ako kay mama na nakaupo na ngayon sa higaan niya. Tumayo ako at nilapitan siya. “Bakit po, ma? Maaga pa po, matulog pa po k
“Napakaganda naman nitong bagong recruit mo, Angela. Fresh na fresh ah.”Nahihiya akong ngumiti sa sinabi ng makeup artist sa akin. Siya iyong Bea na tinutukoy ni Angela kanina. Kasalukuyan niya akong nilalagyan ng lipstick. “Maganda talaga ‘yan. Magdadala ba naman ako dito ng chaka?” sabi ni Angela. Tumawa lang si Bea. “Mas mabilis kang mareregular dito panigurado. Ganyang-ganyan ang mga bet na mukha ni madam e.”Hindi na lang ako kumibo. Wala naman akong balak maging regular dito. Siguro ay matagal na ang dalawang linggo para makaipon ako kahit papaano. Pagkatapos ay pipilitin ko nang humanap ng ibang trabaho.Nang matapos niya akong makeupan ay si Angela ang pumili ng damit na isusuot ko. Napanganga ako nang makita ang itsura ng mga damit ng dancer dito. Sobrang ikli at nai-imagine ko na kaagad na halos makita na ang kaluluwa ko kapag isinuot ko ito. “Wala bang mas mahaba dito?” mahinang tanong ko kay Angela. Tumawa naman siya kaya namula ang pisngi ko sa kahihiyan. “Len, gan
“Six orders ng sinigang, six orders ng kanin, apat na iced tea, at dalawang coke. Order lahat ‘yan doon sa table seven.”Sinigurado kong nakuha ni Ate Mariel ang sinabi ko bago ako bumalik sa labas ng kusina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant at napabuntonghininga. Ang daming customers ngayon kaya kahit hapon pa lang ay pagod na pagod na ako.Ang wrong timing naman kasing mag-absent ng kasama ko. Ako lang tuloy ang mag-isang kumukuha ng orders ngayon. “Miss, pa-order nga.”Agad akong lumapit sa customer na bagong dating. Sanay na ako sa ganitong trabaho. Kahit isang taon pa lang ako dito ay mabilis kong nagamay ang mga gawain. Nakakapagod man pero wala akong choice. Kailangan kong magtrabaho para sa amin ni mama. Ako na lang ang inaasahan niya at kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Lumaki ako nang hindi nakikilala ang aking ama. Kung buhay pa siya o hindi na, hindi ko alam. Matagal ko nang natanggap na wala na siyang pakialam sa akin kaya hindi ko na rin siya i