Share

Chapter 1

Author: Eternalqueen
last update Huling Na-update: 2025-08-27 11:16:20

“Napakaganda naman nitong bagong recruit mo, Angela. Fresh na fresh ah.”

Nahihiya akong ngumiti sa sinabi ng makeup artist sa akin. Siya iyong Bea na tinutukoy ni Angela kanina. Kasalukuyan niya akong nilalagyan ng lipstick.

“Maganda talaga ‘yan. Magdadala ba naman ako dito ng chaka?” sabi ni Angela.

Tumawa lang si Bea. “Mas mabilis kang mareregular dito panigurado. Ganyang-ganyan ang mga bet na mukha ni madam e.”

Hindi na lang ako kumibo. Wala naman akong balak maging regular dito. Siguro ay matagal na ang dalawang linggo para makaipon ako kahit papaano. Pagkatapos ay pipilitin ko nang humanap ng ibang trabaho.

Nang matapos niya akong makeupan ay si Angela ang pumili ng damit na isusuot ko. Napanganga ako nang makita ang itsura ng mga damit ng dancer dito.

Sobrang ikli at nai-imagine ko na kaagad na halos makita na ang kaluluwa ko kapag isinuot ko ito.

“Wala bang mas mahaba dito?” mahinang tanong ko kay Angela.

Tumawa naman siya kaya namula ang pisngi ko sa kahihiyan.

“Len, ganyan ang normal na suot ng dancers dito. Hindi ka naman pwedeng magsuot nang hindi sexy. Don't worry may isusuot ka namang safety shorts kaya hindi ka masisilipan,” sabi niya.

Nagdadalawang-isip na tuloy ako dito sa pinapasok ko. Pero tuwing naaalala ko si mama ay nagbabago ang isip ko.

Pumasok ako sa banyo at doon nagbihis. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at halos hindi ko makilala ang babaeng kaharap ko.

Nakakulot ang mahaba kong buhok at sobrang pula ng labi ko dahil sa lipstick. Sleeveless ang suot kong mini-dress na kulay pula. Hapit na hapit sa katawan ko ang dress at kitang-kita ang cleavage ko. Ang laylayan naman nito ay sakto lang para hindi makita ang itinatago ko pero hindi ko naman magawang yumuko.

Pagkalabas ko ng banyo ay napatingin agad sa akin si Angela at napansin kong medyo natigilan siya.

“Wow! Sobrang sexy mo, Len! Kung straight lang ako baka pinormahan na kita,” biro niya kaya natawa ako.

“Hindi naman masyado. Naiilang nga ako sa itsura ko e,” sabi ko habang hinihila ang suot kong damit.

“No, no, no! Sobrang ganda at sexy mo kaya. Alam kong nakakapanibago ‘to para sa ‘yo pero isipin mo na lang na para sa mama mo ito, okay?” sabi niya.

Tumango ako at huminga nang malalim.

“Paano kapag napahiya ako?” kinakabahang tanong ko.

Umiling naman siya. “Hindi ‘yan. Huwag mo lang pansinin ang mga tao. Ngitian mo lang sila at sure akong luluhod ang mga ‘yon!”

Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinapagaan niya lang ang loob ko. Nanlalamig nang husto ang mga daliri ko at pakiramdam ko ay matatapilok ako anumang oras nang lumabas kami mula sa dressing room.

Suot ko na ang mask na nakatakip sa kalahati ng mukha ko pero pakiramdam ko pa rin ay nakikilala ako ng ng mga taong tumitingin sa akin. Kasalukuyang may sumasayaw sa stage at pinanood ko iyon para makakuha ako ng idea.

Marunong naman ako sumayaw dahil madalas akong sumali sa mga dance activities namin no’ng high school. Pero hindi naman iyon ganito na kailangan maakit ang mga audience. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod na sasayaw. Nangangatog ang tuhod ko pag-akyat palang ng stage pero paulit-ulit kong inisip si mama.

Para kay mama ‘to. Para kay mama.

Pagdating ko sa gitna ng stage ay bahagyang tumahimik ang mga tao. Hinintay kong tumugtog ang kanta na si Angela mismo ang nag-suggest kanina. Tinuruan niya rin ako ng konting steps kung sakaling hindi ako makaisip ng step sa sobrang kaba.

Kagaya ng sinabi ni Angela ay sinabayan ko lang ang tugtog. Unti-unting bumalik ang ingay ng audience. Ang iba ay naghihiyawan at ang iba ay sadyang nagsasaya lang.

Pumikit ako dahil sa pinaghalong kaba at kahihiyan. Ni minsan ay hindi ko naisip na gagawin ko ang bagay na ito. Talaga palang lahat magagawa mo para sa taong mahal mo.

Pagkadilat ko ay natuon ang paningin ko sa lalaking nakatitig sa akin mula sa second floor ng bar. Nakasandal siya sa railings habang may baso na may alak ang kamay niya. Kahit nakakasilaw ang mga ilaw ay malinaw sa akin ang seryosong ekspresyon ng kanyang mukha.

Para bang nakikita niya maging ang kaluluwa ko. Na para bang...nababasa niya pati isip ko.

Ilang saglit lang ay natapos na rin ang kanta pati ang pagsayaw ko. Mabilis akong bumaba ng stage at bumalik na sa dressing room. Uminom ako ng tubig para kumalma ang puso ko.

“OMG, Len!” Napaigtad ako lalo nang pumasok si Angela sa loob ng dressing room.

“Ano ba, Angela! Nagulat naman ako sa ‘yo,” sabi ko.

Natawa lang siya. “Sorry naman. Ang galing mo kasi kanina sa stage!”

“Talaga? Hindi ba halatang sobrang nanginginig ako kanina?” tanong ko.

Umiling siya. “Hindi kaya! Ang galing-galing mo nga e.”

Hindi pa ako nakakasagot ulit ay may kumatok na sa dressing room. Binuksan ni Angela iyon at pumasok ang isang lalaki.

“Siya ba ‘yung dancer kanina?” tanong nito habang nakatingin sa akin.

“Oo. Bakit? May kailangan ka?” tanong ni Angela.

“Pinapatawag siya ng VIP sa taas.”

Muling kumabog ang puso ko sa sinabi ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Angela at dahandahan akong umiling.

Kung pinapatawag ako ng VIP, ibig sabihin may balak siyang gawin sa akin. Hindi ako papayag. Okay na iyong sumayaw ako kanina.

“Hindi siya pwede. Pakisabi dancer lang siya at hindi pwede for bookings,” sagot ni Angela.

Sumeryoso ang mukha ng lalaki. “Sasayaw lang siya sa harap ng VIP. Walang ibang gagawin.”

Nagkatinginan ulit kami ni Angela. Wala akong tiwala sa sinasabi ng lalaki. Bakit kailangan kong sumayaw sa harap ng VIP? Dahil ba VIP siya?

“Sure ba ‘yan? At magkano naman ibabayad ng VIP mo?” si Angela ulit ang nagtanong.

“Sampung libo. Baka dagdagan pa kapag natuwa sa kanya ang VIP," sagot ng lalaki. “Huwag kayong mag-alala, hindi siya gagalawin ng VIP namin.”

Natulala ako sa binanggit na presyo ng lalaki. Sampung libo? Kapalit ng pagsayaw ko sa harap ng VIP?

Lumapit sa akin si Angela at bumulong.

“Ano, tatanggapin mo ba? Kinse mil ang mauuwi mo ngayong gabi kapag pumayag ka. Sasayaw ka lang daw pero kung sakaling may gawin sa ‘yo, sumigaw ka lang.”

Nag-isip ako saglit bago ako tumango. Nagawa ko nang sumayaw kanina sa harap ng maraming tao, magagawa ko rin ngayon sa harap lang ng isang tao.

Sumunod ako sa lalaki pero nang makarating kami sa may hagdan ay muli siyang huminto. Hinawi niya ang suot niyang coat at napansin ko ang baril na nakasuksok doon.

“Alam mo na ba kung anong gagawin mo?” seryosong tanong niya.

Napalunok ako. “Oo. Sasayaw sa harap ng VIP.”

“Hindi lang ‘yon. Kailangan mo ‘tong mailagay sa inumin ng VIP,” sabi niya at may inabot sa akin na maliit na capsule.

Hindi ko iyon kinuha. “A-Ano ‘yan? B-Bakit ako ang g-gagawa?”

Kahit naman ngayon lang ako dito ay hindi ako tanga para hindi malaman na masama ang pinapagawa niya sa akin. Ganito ba talaga sa lugar na ‘to? At bakit ako ang napili niyang gumawa ng bagay na ‘yon?

“Sumunod ka na lang. Kapag hindi mo nagawa nang maayos, hindi ka na makakalabas ng buhay sa lugar na ‘to,” banta niya.

Napaluha ako sa takot. “H-Hindi ko kaya...paano kapag nahuli ako? Baka mamatay din ako.”

“Kaya nga ayusin mo. Huwag kang matakot, hindi naman nakamamatay ‘yan. Pampatulog lang ‘yan,” sambit niya.

Paulit-ulit akong umiling habang humihikbi. Ayoko talagang gawin. Natatakot ako.

“30,000.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Kapag maayos mong nagawa ang trabaho mo, pwede kong doblehin ang ibabayad ko.”

Sobrang nakakasilaw ang presyong inaalok niya. Pero hindi ko talaga magagawa ang pinapagawa niya. Alam kong masama iyon at kung hindi ako makulong, baka mamatay naman ako.

“Tumigil ka na sa pag-iyak at gawin ang pinapagawa ko dahil wala ka namang magagawa. Kapag sinubukan mong tumakas, babalikan kita pati ang pamilya mo,” banta niya.

Hindi ko alam paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Gusto ko lang naman ng pera para sa pampagamot ni mama pero hindi naman sa ganitong paraan.

Sa takot na baka totohanin niya ang banta niya ay sumunod na lang ako. Kung gaano ang kabang naramdaman ko kanina ay naging triple na ngayon. Hindi ko alam paano ko nagawang makaakyat sa hagdan papunta sa VIP room nang hindi nadadapa.

Lumingon ako at nakita ang lalaki na seryoso akong pinagmamasdan. Nanginginig ang kamay kong pinihit ang pinto ng VIP room bago pumasok.

Medyo madilim sa loob at tanging ang maliit na ilaw sa kisame ang nagpapaliwanag dito. Pero sapat na iyon para makita ko ang buong kwarto pati na rin ang lalaking nakaupo sa sofa.

Mag-isa siya at may mga alak at pagkain sa mesa na nasa harap niya. Nang lapitan ko siya ay doon ko napagtanto na siya iyong lalaking seryosong nakatitig sa akin kanina habang sumasayaw ako. Nakasandal siya sa sofa habang nakapikit.

“I said leave me alone, Morgan.”

Kumabog ang puso ko nang magsalita ang lalaki. Hindi na ako nakahakbang ulit habang pinagmamasdan siya. Nasa tapat na ako mismo ng mesa kung nasaan ang baso niya na may alak.

Kailangan ko lang ilagay itong gamot sa inumin niya at mabubuhay na ako ngayong gabi. Pero halos hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko sa takot.

Kapag hindi ko naman ito ginawa, ako ang papatayin ng lalaking ‘yon. Paano na si mama?

Tiningnan ko ulit ang lalaki na mukhang nakatulog na pero hindi ko pa rin sigurado. Dahandahan kong binudbod ang laman ng capsule sa inumin niya at marahang hinalo iyon.

“What are you doing?”

Napaigtad ako nang marinig magsalita ang lalaki. Nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sa akin.

“H-Hindi...” halos hindi ko magawang magsalita sa takot.

Nahuli niya ba ako? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Ilaglag ko kaya ‘yung lalaki?

“You’re the dancer, right? Why are you here? Si Morgan ba ang nagpapunta sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong pero hindi pa rin ako makasagot.

“S-Sorry...naistorbo ba kita? Aalis na lang ako,” sabi ko at aalis na sana pero hinawakan niya ang braso ko.

“Stay. You're here to do your job, right? Do it,” utos niya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. “Ha?”

“Dance. Entertain me.”

Napalunok ako. Ang akala ko ay kung anong trabaho ang tinutukoy niya. Ibig sabihin hindi niya ako nahuli. Ang kailangan ko na lang gawin ay sumayaw at umalis dito nang matiwasay.

May pinindot siya sa may remote at bigla na lang may tumugtog na kanta. Tinitigan ko siya saglit bago ako nagtungo sa gitna.

Ang akala ko ay mas madaling sumayaw sa harap ng isang tao pero parang mas nakakakaba pala ito. Lalo pa at sobrang seryoso na naman ng tingin niya sa akin. Suot ko pa rin naman ang maskara ko pero pakiramdam ko ulit ay kinakabisado niya ako.

“That’s enough,” he said.

Huminto ako kaagad at nanatiling nakatayo sa harap niya. Kumabog ang puso ko nang uminom siya sa basong nilagyan ko ng gamot.

“Sit here,” he commanded while tapping the space beside him.

Kinakabahan man ay lumapit pa rin ako at naupo doon.

Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko mapigilang mag-isip kung bakit gusto siyang painumin ng pampatulog nung lalaking nasa labas. Mukhang isa pa naman ‘yon sa pinagkakatiwalaan niya.

Ngayon palang ay nakokonsensya na ako. Baka may mangyaring masama sa kanya. Pero kung hindi ko naman susundin ‘yung lalaki ay ako naman ang mapapahamak.

Naramdaman niya siguro ang paninitig ko sa kanya kaya tumingin din siya sa akin. Kumabog na naman ang puso ko.

“You’re new here. Alam ko dahil ngayon lang kita nakita dito,” sabi niya.

Tumango lang ako at hindi nagsalita. Lumapit siya sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lumayo. Para akong hinihigop ng mga mata niya.

“Can I take off your mask?” he asked.

Hindi ako nakasagot dahil natutulala talaga ako. Namalayan ko na lang na natanggal niya na ang suot kong maskara. Napasinghap ako.

“You looked like someone I know. Lasing na ba ako, bakit parang kamukha mo talaga siya,” sambit niya.

Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo siya sa akin. Hinilot niya ang sentido niya na para bang sumasakit iyon.

“Okay ka lang ba?” tanong ko.

Tumango siya. “I’m fine. I just feel dizzy. Napasobra yata ang inom ko.”

Sumandal siya sa sofa habang hinihilot pa rin ang sentido niya. Mayamaya lang ay nawalan na siya ng malay. Mukhang tumalab na ang gamot na pinainom sa kanya.

Buhay pa kaya siya?

Kahit kinakabahan ay kinapa ko ang pulso niya. May pintig pa iyon kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.

“I’m sorry. Pasensya ka na kailangan ko lang talaga ng pera,” bulong ko.

Iniwan ko siya sa ganoong kalagayan at pagkalabas ko ay nandon pa rin iyong lalaki. Sinalubong niya ako at nanginginig na naman ako ulit sa takot.

“Nagawa mo ba?” mahinang tanong niya at tumango lang ako. May kinuha siyang sobra sa coat niya at inabot iyon sa akin. “Kunin

mo at umalis ka na.”

Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyong sobre at itinago sa suot kong damit. Bumalik ako sa dressing room pero wala na doon si Angela. Mabilis akong nagpalit ng damit at umalis ng bar.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mayor's Lustful Obsession    Chapter 2

    Pagkauwi ng bahay ay agad akong naghilamos para maalis ang makeup sa mukha ko. Hindi pwedeng makita ako ni mama na ganito ang itsura dahil sigurado akong magtatanong siya. Nang matapos ako maghilamos at maglinis ay naupo ako ulit sa mesa. Tinitigan ko ang sobra na inabot sa akin ng lalaki kanina kapalit ng ginawa ko. Binuksan ko iyon at nakita ang pera na binayad sa akin. Nanginginig ang kamay na ibinalik ko iyon sa loob ng sobre. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Kapalit ng pera ay pumayag akong gumawa ng hindi tama. Pero kaligtasan at kalusugan naman ni mama ang dahilan ko kaya ko nagawa ‘yon. Mali ba ‘yon?Mali ba na gawin ko ang lahat para sa mama ko? Kahit sinong anak ay handang magsakripisyo para sa magulang nila. Itinaguyod ako ni mama at pinalaki nang mag-isa siya. Kaya ako naman ang gagawa ng paraan para masigurong gagaling siya. “Len.”Napalingon ako kay mama na nakaupo na ngayon sa higaan niya. Tumayo ako at nilapitan siya. “Bakit po, ma? Maaga pa po, matulog pa po k

  • Mayor's Lustful Obsession    Chapter 1

    “Napakaganda naman nitong bagong recruit mo, Angela. Fresh na fresh ah.”Nahihiya akong ngumiti sa sinabi ng makeup artist sa akin. Siya iyong Bea na tinutukoy ni Angela kanina. Kasalukuyan niya akong nilalagyan ng lipstick. “Maganda talaga ‘yan. Magdadala ba naman ako dito ng chaka?” sabi ni Angela. Tumawa lang si Bea. “Mas mabilis kang mareregular dito panigurado. Ganyang-ganyan ang mga bet na mukha ni madam e.”Hindi na lang ako kumibo. Wala naman akong balak maging regular dito. Siguro ay matagal na ang dalawang linggo para makaipon ako kahit papaano. Pagkatapos ay pipilitin ko nang humanap ng ibang trabaho.Nang matapos niya akong makeupan ay si Angela ang pumili ng damit na isusuot ko. Napanganga ako nang makita ang itsura ng mga damit ng dancer dito. Sobrang ikli at nai-imagine ko na kaagad na halos makita na ang kaluluwa ko kapag isinuot ko ito. “Wala bang mas mahaba dito?” mahinang tanong ko kay Angela. Tumawa naman siya kaya namula ang pisngi ko sa kahihiyan. “Len, gan

  • Mayor's Lustful Obsession    Prologue

    “Six orders ng sinigang, six orders ng kanin, apat na iced tea, at dalawang coke. Order lahat ‘yan doon sa table seven.”Sinigurado kong nakuha ni Ate Mariel ang sinabi ko bago ako bumalik sa labas ng kusina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant at napabuntonghininga. Ang daming customers ngayon kaya kahit hapon pa lang ay pagod na pagod na ako.Ang wrong timing naman kasing mag-absent ng kasama ko. Ako lang tuloy ang mag-isang kumukuha ng orders ngayon. “Miss, pa-order nga.”Agad akong lumapit sa customer na bagong dating. Sanay na ako sa ganitong trabaho. Kahit isang taon pa lang ako dito ay mabilis kong nagamay ang mga gawain. Nakakapagod man pero wala akong choice. Kailangan kong magtrabaho para sa amin ni mama. Ako na lang ang inaasahan niya at kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Lumaki ako nang hindi nakikilala ang aking ama. Kung buhay pa siya o hindi na, hindi ko alam. Matagal ko nang natanggap na wala na siyang pakialam sa akin kaya hindi ko na rin siya i

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status