Share

Abduction

“Pakawalan niyo ako!“

Sigaw ni Zarina ngunit wala siyang magawa. May humintong White SUV habang siya ay naglalakad. Nung una ay akma lamang itong magtatanong ngunit agad na nakaramdam si Zarina kaya tatakbo na sana siya ngunit agad siyang nahuli ng tatlong lalaki at pwersahang isinakay at tinalian ang mga kamay. Sa sobrang ingay ay may ipinaamoy sa kanya kaya siya ay nawalan ng malay.

Nakarating sila sa Penthouse ni Rayne.

“Anung nangyari sa kanya..“

“Nawalan lang ng malay sir..Mga ilang minuto magkakamalay din siya.“

“Okay ako na ang bahala sa kanya. “

Mataman niyang pinagmasdan ang batang babae. Nakasuot ito ng blue fitted jeans at nakacroptop na light pink. Nakatali ang mga kamay kaya inalis niya ito at inayos ang nakalilis na damit. She was thin at sobrang puti. Napakahaba din ng buhok.

Nagising si Zarina at unti unting nagpalinga linga sa silid. Medyo madilim ang kwarto at lalo siyang kinabahan ng makita niya ang anino ng isang lalaki sa may di kalayuan. He was sitting in front of her while drinking. Sumisimsim ng alak ito. Nagwave ito ng kamay at lumiwanag sa silid. Pati ang silid nakasensor. Duon niya nakita ang kabuuan ng lalaki. Nakablack suit ito, medyo singkit ang mga mata, matangos na ilong at manipis ang mga labi at mukhang leading man sa isang action movie. Nakaramdam siya ng kaba ngunit hindi naman takot ang naroon ngunit pagaalala na baka nagaalala na ang kanyang ama.

"Mister..Bakit ho ako narito? Gusto ko na pong umuwi..Baka po nagaalala na ang papa ko..Saka mahirap lang kami kung ransom ang hihingiin po ninyo wala po kami maibibigay.“

“Sino magaalala sayo?"

"Si Dad.."

"Ive known your Dad. Kaya nga andito ka dahil sa kanya.“

"Po? May nangyari po ba sa kanya?"

"Stop this nonsense..He sold you.."

Nagsimula ng magunahan ang mga luha ni Zarina.

"No..Hindi totoo yan."

"That is the f-truth Zarina.."

Tumayo ang lalaki at nagtungo sa kinaroroonan ni Zarina. Bahagya namang napaurong si Zarina habang yakap yakap ang sarili.

"Sino ka..baka nagkakamali lang kayo..Mabait ang aking ama..wag mo siyang paratangan ng kung anu anu..Nagsisinungaling ka."

"Nalulong siya sa casino. He sell you off para makapagsugal siya ulit. You are now belong to me Ms Zarina Da Cerna."

"Magkano po ba ang utang ni Dad. Pag pumirma na ako ng kontrata sa trabaho ko. Ako nalang po ang magbabayad.."Salita niya habang nakatingin sa mga mata ni Rayne.

"3Billion Young Lady..I think kahit anung trabaho mo hindi moko mababayaran.."

Hindi parin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Rayne. Hindi sila madalas magkita ng kanyang ama. Halos di sila nagkakausap or nagkikita kaya kung tutuusin hindi narin niya kilala ang ama na minsang nagaruga at nagmahal sa kanya.

Inubos ni Rayne ang iniinom na alak at muling nagsalita.

"You are now my servant. You clean, You cook and make coffee pag nasa office room ako. Personal maid ko. Dont worry Ill give you shelter, food, needs mo. That your uniform at ayoko ng maingay."

"Mister..kelan po ako makakauwi.."

"Call me, Rayne..Wala ka ng mauuwian. Your former house ay ibinenta na sa kin ng ama mo noon pa. Kaya lang maliit lang value nun kaya kulang pambayad sa utang.."

Sandaling natahimik si Zarina.

"Zarina. Ipahanda mo na ako ng makakain.."

Ayaw niya sanang sundin ang lalaki ngunit natatakot siyang magalit ito at kahit sa ganitong sitwasyon. Iniisip parin niya ang ama na sobrang desperado na sa buhay. Tumayo siya at sumunod sa lalaki. Napakalawak ng penthouse naito. She prepare his dinner neatly. She even stand beside him to wait.

Napansin ni Rayne na sobrang manipis lamang ito at napakaamo ng mukha nito. He was in his mid 30 and this young lady was just 19 this year. She never have a personal maid or no female dare to step on his penthouse unless his mother was terribly missing him.

Tahimik lamang siyang kumain ngunit pinagmamasdan niya si Zarina. Tahimik din ito at patuloy parin ang paghikbi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status