Share

Chapter 3: Saviour Indeed

“Hi Aly.”

“Hi,” naupo na ako sa aking upuan. Pero etong si Alex panay pa din ang dikit sa akin. Nagsisimula na akong mairita sa totoo lang.

“Ahm, Alyson about yesterday,”

Mukhang hindi nya yata talaga ako titigilan hangga’t di nya nakukuha ang sagot ko. Kaya napag-isip isip ko nang sabihin na sa kanya. Huminga muna ako ng malalim saka hinarap sya. Hindi ko sya dapat pinag-aantay lalong pinapaasa. Dapat sinabi ko na agad in the first place kung ano totoo kong naramdaman at hindi na magpabitin pa.

“Alex, tungkol kahapon pasensya na.”

“Huh? Naku kayong dalawa ah! Ano nangyari sainyo kahapon?” pangangantyaw na pagsingit ni Mai sa usapan namin ni Alex.

“No, it’s okay Aly. I can wait. Maybe you need some time to process things. Ginulat din kasi kita eh.”

“Hindi. Ano kasi, ako talaga ang mali eh. Dapat sinabi ko na agad sayo ang totoo.”

“Anong totoo?!” sabay pang tanong ni Jai at Mai.

“What’s happening here?” dumating bigla yung John and Mart, tapos kasunod nila si Tristan.

Hindi ko namin sila pinansin, bagkus nagpatuloy na lang ako sa pagsalita na nakaharap pa din kay Alex. Naramdaman kong nakatingin silang lima sa aming dalawa.

“Alex kasi, salamat kasi sabi mo you like me. Sobra kong na-appreciate iyon. Pero sorry kasi, I can only just be a friend sayo.”

Natahimik ang lahat ng ilang minuto. Tiningnan ko si Alex, mukha syang naiiyak na parang bata pero maya-maya lang din tumawa sya na parang pilit-pilit lang.

“Bro? Are you okay?” tanong ni John.

“Of course! Of course I’m okay! I mean, I knew it already! Don’t worry Alyson, I’m okay. I understand you. I mean, I just need to go to the restroom first. Excuse me,” tumayo na sya at naglakad na palabas ng room.

“Okay lang ba talaga yun?” tanong ni Jai.

“Ikaw kasi best eh, binusted mo pa!” si Mai.

“Ano gusto mo gawin ko? Paasahin sya sa wala?”

“May point.”

“Yan na sinabi ko eh. Simula ng nalapit tayo sa mayayamang yan, nagkandaleche-leche na highschool life ko eh. Gusto ko lang naman po maka-graduate ng mapayapa.” At naupo na ako ng maayos sa aking upuan. Kinuha ko na yung libro ko saka nilapag sa desk ko at binuklat ko na ito saka sinimulan magbasa. Naramdaman kong umupo na din sila sa mga upuan nila, pati si Tristan. Patuloy lang ako sa pagbasa at pagbuklat ng mga pahina ng libro ko ng marinig ko syang bumulong.

“I can’t believe we’re feeling and thinking the same.”

Napalingon ako sa kanya. Itatanong ko sana kung ano ibig nyang sabihin dun pero dumating na bigla yung teacher namin. Feeling the same what?

Hapon na naman. Masaya akong naglalakad papuntang Publication room. Happy place talaga iyon, mas lalo ngayon dahil alam kong walang mga asungot. Pagdating ko sa loob ay naandon na si kuya Art at tila nag-aayos na ng mga gamit nya.

“Kuya?”

“Oh Aly ikaw pala.”

“Late ba ako?” pagtataka ko.

“Naku hindi. Maaga lang ako aalis. Nai-compile na namin kanina nina Kris yung recycled articles. Ilagay mo na lang sya sa mga designated folders tsaka mo itabi sa shelf ha? At kukunin yun ng Arts department bukas.”

“Ah okay sige kuya. May lakad ka?”

Bago pa man ako masagot ni kuya ay may kumatok na napakagandang babae sa pintuan.

“Yes po? Ano po kaylangan nila?”

“Ah si—”

“Babe! Andito ka na pala.”

“Babe?!” nagulat ako sa narinig ko. Babe?! Tinawag ni kuya Art ang babaeng ito na babe?!

“Aly, si Joey pala girlfriend ko. Joey, si Aly, Isa sa mga kasamahan ko dito sa Publication.”

“H-hi po.” Pagbati ko. Nag- hi din sya sa akin sabay ng napakaganda nyang mga ngiti. Ang tagal ko nang crush si kuya Art, bakit ngayon ko lang nalaman na may girlfriend na pala ito? Nalungkot ako ng slight. Nakakatawa lang, kaninang umaga lang ako nagbusted, tapos ngayon parang ako nabusted kay kuya Art. Ang ironic lang.

“Oh pano, Alyson mauna na ako ah. Ikaw na bahala dito.”

“Sure kuya, don’t worry. Enjoy kayo sa date nyo ni ate Joey!”

Natawa naman ang dalawa. “Sama ka namin next time.”

“Ay naku wag! Baka makasira pa ako ng date nyo. Sige na kuya, go na.”

“Bye Aly, nice meeting you again.” Sabay umalis na yung dalawa. Sinilip ko pa sila saglit sa labas habang naglalakad sa hallway at palayo na ng palayo. Napaka-sweet naman. Sana all.

Bumalik na lang ako sa loob at nagsimula nang mag-ayos ng mga dapat ayusin. Ng matapos ako agad ay naisipan ko munang buksan ang computer sa desk ko tsaka maglog in sa F******k. Andami ko na notification agad? Kailan ba ako last na nagbukas nito? Naisipan kong i-search ang account ni kuya Art pero page not found nakalagay. Naalala ko wala palang f******k si kuya. Hindi sya into social media eh, nai-stress lang daw kasi sya lalo. Sino na lang kaya isi-search ko? Si Tristan Johnson kaya?

Ita-type ko pa lang sana ang name nya ng bigla nagbrown out kaya napasigaw ako. Kung minamalas ka nga naman oh, sinakto pa na madilim na dahil pagabi na. Paano na ako nito?Nanatili lang akong nakaupo dun ng ilang minuto. Hindi ko alam ano gagawin ko, takot ako sa dilim. Teka, nasaan na ba iyong cellphone ko at kailangan ko ng flashlight. Kinapa ko ang bulsa ng palda ko pero wala ito doon. Kaya naman sunod ko kinapa ang bag ko na nasa mesa pero hindi ko din mahanap. Nakakainis naman! Kung kailan kaylangan saka pa hindi nagpapakita. Wala na akong choice kundi ang tumayo at humakbang. Kabisado ko naman itsura nitong room, kaya makakalabas naman siguro ako at baka may tao pa sa school maliban sa akin na naiwan din. Patuloy akong kumakapa sa dilim pero pakatapos ng ilang hakbang ay biglang nakatama ang kanang tuhod ko sa isang matulis na bagay dahilan para mapa-aray ako at mapasigaw.

“Ang tanga mo Alyson!” sabi ko sa aking sarili. Habang hinahaplos-haplos ko ang masakit kong tuhod ay bigla na lang may nagsalita sa dilim na ikinagulat ko.

“Is anyone there?”

“S-sino yan?”

“Alyson?” bigla nya akong inispatan ng ilaw ng flashlight na dala nya kaya nasilaw naman ako. Pero pamilyar sa akin ang boses ng lalakeng ito ah?

“Tristan?”

“Yeah, it’s me.”

“Tristan! Tulong!” unti- unting lumapit yung liwanag sa akin hanggang sa maaninag ko na ang mukha nya.

“What are you even doing here alone?”

“Eh naiwan ako eh. Sandali, kukunin ko yung bag ko.” Iika-ika akong naglakad pabalik sa mesa ko. Napansin nya siguro iyon.

“What happened to you?”

“Pwede wag ka munang english ng english kasi lalo sumasakit tuhod ko eh. Nakabangga ako kanina sa kanto di ko alam saan.”

“Can you walk?"

Sabi ko wag magi- Ingles ang kulit eh. “Oo kaya ko.”

“Lies.” Bigla na lang sya tumalikod sa harap ko saka nakaluhod isang paa. Iyong parang nag-ooffer na ipapasan ako.

“Ano ginagawa mo?”alam ko gusto nya ako pasanin pero tinanong ko pa din sya.

“I’ll carry you. You can't even walk properly with your broken knee.”

“Broken? Agad? Pwedeng masakit lang? Tsaka sabi ko kaya ko.”

“Are you hopping in or do I have to push you?” tila impatient nyang sabi.

“Wag na nga kasi!”

“I don’t want to repeat the same question again, Alyson.”

Hindi ko alam basta sinunod ko na lang sya. Parang ang lakas ng dating ng pagiging authoritarian nya sa part na iyon. Kesa naman awayin pa ako nito baka iwan pa ako dito ng mag-isa mahirap na. Kaya sinuot ko na ang bag ko saka sumampa na sa likod nya. Pinahawak nya sa akin yung flashlight saka naglakad na kami. Ang tahimik lang naming dalawa habang naglakad ng hallway, pababa ng second floor hanggang sa nasa campus grounds na kami.

“Teka, bakit pala naiwan ka din sa school? Nasaan mga friends mo? Tsaka sundo mo?”

“Andaming tanong.”

"Ang suplado."

Ng makarating kami sa gate ng university ay binaba na nya ako.

“My friends went home early. I feel like staying. And ang sundo ko?” tinuro nya yung paparating na sasakyan sabay sabi ng, “he is so late.”

“Ah sige. Dito na lang ako. Salamat sa pagsama sa akin bumaba.”

“I didn’t say I’ll offer you a ride though.” Sabay sakay nya sa sasakyan nila at umalis na lang bigla. Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko. Ano nga ulit nangyari? Teka, naisahan ako dun ah? Hindi man lang ako nakapalag o nakapagreact. Ano sabi nya? Ako na nga itong nagpasalamat tapos napaka-bastos pa ng sagot nya? Ang antipatiko mo talaga Tristan Johnson! Kainis!

Nagtuloy na ako sa paglakad. Buti na lang at may last trip pa ng jeep sa terminal. Advantage din ng school namin kasi malapit sya sa isang mall tapos sa terminal o sakayan ng mga jeep at tricycle. Yung pauwi sa amin or kina Aunty rather, mula dito sa school sasakay ng jeep tapos mga 15 minutes bababa na sa palengke doon tapos dadaan na ng eskinita ng mga sampong minuto tapos saka na makarating kina Aunty.

Nakarating na ako ng palengke, wala na masyadong tao kasi nga gabi na. Ng maglalakad na ako papasok ng eskinita may dalawang mamang lasing sa daan. Bahala na, hindi naman siguro nila ako aanuhin at pakikialaman. Nagdire-diretso lang ako sa paglakad.

“Uy miss, mag-isa ka lang?”lagot na. Bakit napansin pa ako nitong mga lasingero na to.

“Baliw ka ba pare? Nakita mong mag-isa lang itatanong mo pa.”

“oo nga no pare?”

“Lasing ka na nga.”

Hindi ko lang sila pinansin at ngpatuloy lang sa paglakad pero tila sinusundan pa din nila ako.

“Miss, gusto mo sumama samin?”

“Hoy miss bingi ka ba?”

“Bingi ata pare. Lapitan mo kasi.”

Huwag po please! Huwag sana lumapit. Binilisan ko kaunti ang paglalakad ko pero naabutan pa din nila ako. Nagulat ako ng hawakan ako ng isang lalake sa balikat.

“K-kuya huwag po.” Mahina kong sabi. Kinakabahan na ako at natatakot.

“Ano sabi mo miss? Hindi ko madinig eh.” Sabi nung isa pang lalake.

“Sandali lang naman ito miss eh. Naglalaro lang naman tayo.” Tatakbo ba sana ako kaya lang natigilan ako ng makita ko si kuya na may hawak na patalim.

Naiiyak na ako. Hinaplos-haplos ni kuya ang kamay nya sa pisngi ko habang ang isa naman ay hinawakan na ang mga kamay ko sa likod. “Wag ka malikot miss ha? Sumunod ka lang sa amin, hindi ka namin sasaktan pramis.”

“Kuya wag po please. Uuwi na po ako.” Umiiyak na ako nun at nanginginig.

“Relax ka lang, miss. Kami lang to. Unti-unti nyang nilapit ang mga kamay nya sa butones ng uniform ko at dahan-dahang binuksan ang mga ito. Ng nasa pangatlong butones na sya ay nilapit na nya Ang mukha nya sa mukha ko, nagbabadyang h*****k kaya napapikit na ako at napasigaw.

“Kuya wag!!!!”

Ng pagkasigaw ko noon ay nakarinig na lang ako ng pagbagsak. Hindi ko na alam sumunod na mga pangyayari dahil nabitawan na din ako ng isa pang lalake dahilan para matumba ako. Hawak-hawak ko lang noon ang uniporme kong halos matatanggal na. Yakap ang aking sarili ay patuloy lang ako sa pag-iyak. Hanggang sa naramdaman kong may lumapit ulit sa akin.

“Aly?”

“Huwag kuya! Huwag po!”sigaw  kong muli.

“Aly! Hey, it’s me. Alyson!” dinilat ko ang mga mata ko at nakita si Tristan sa harapan ko.

“Tristan!”sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. Hinubad nya yung suot nyang jacket tsaka sinuot sa akin at binuhat na ako sabay sakay namin sa kotse nila. Habang nasa sasakyan ay patuloy pa din akong naiyak habang nakayakap at nakahawak sa damit ni Tristan. Tapos hindi ko namalayan namatulog na lang ako. Pag- gising ko kinabukasan, nagulat na lang ako na nasa isang napakaganda at napakalaking kwarto na ako. Teka, nasaan ba ako?

Bumukas bigla yung pinto ng kwarto at bumungad ang isang matangkad na lalake, may kasamang isang katulong na may dalang pagkain.

"Tristan?"

"Gising ka na pala. I asked them to prepare your breakfast. Pakilapag na lang dyan."

Sinunod naman nung katulong tsaka umalis.

"Wait, Asan ba ako?"

"Nasan ka ba sa tingin mo?"

Pinagmasdan ko lang ang paligid ng kwarto, tapos nasagip ng tingin ko ang isang picture frame sa bedside table. Kinuha ko ito tsaka tiningnan sabay tingin kay Tristan. 

"Bahay mo?!"

Hindi sya umimik. Bagkus may pumasok pang isang matandang lalake na may kasamang dalawang katulong na may bitbit na uniform at bag at yung isa naman ay sapatos.

"Andito na po signorito ang mga pinapapadala ninyo," sabi nung matandng lalake.

"Signorito?" Hindi nya pa din ako pinapansin. Iyong matandang lalake na lang ang kumausap sa akin.

"Magandang umaga po signorita."

"Signorita?!"

"Opo. Narito po ang inyong mga bagong uniporme, sapatos at gamit sa paaralan. Utos po ito ng signorito Tristan."

"Po?! Bakit? Hoy Tristan!"

"Bakit? You don't remember?"

"Inuwi po kayo kagabi ng signorito dito sa mansyon na tila takot na takot at ayaw bumitaw sa kanya habang karga kayo. Punit-punit po ang inyong kasuotan at madumi ang mga kagamitan. Kaya agad po inutos sa amin ng signorito na palitan lahat."

"Ano?! Teka, kagabi?" naalala ko bigla kung ano ang mga nangyari kagabi. Napayakap ulit ako sa sarili ko. Pero teka, napansin kong iba na ang suot ko. Tiningnan ko naman si Tristan ng masama.

"Wag ka mag-alala di kita inano dyan. Ang feeling mo. Inutusan ko isa sa mga maids na bihisan ka. But those are my clothes you're wearing."kumalma naman ako sa sinabi nya.

"W-wala naman akong sinasabi. Tsaka," nahihiya akong magpasalamat pero sobra-sobra naman yata mga pinagagawa nito?

"What?"

"S-salamat."

"Ano? I can't hear you." Nang-aasar pa ata eh.

"Sabi ko salamat! I mean, simula sa pagligtas mo sa akin kagabi tapos eto pa. Hindi mo naman kailangan palitan bag ko tsaka sapatos kasi Kaya pa naman yun eh. Tsaka yung uniform ko, baka pwede pa iyon idaan sa tahi. Pero salamat talaga." 

Napangiti ako, kasi pakiramdam ko unti-unti nagbabago pagtingin ko sa kanya. Yung suplado, antipatikong bully na Tristan na kilala ko, gentleman din pala deep inside. Akalain mo yun?

"Why are you smiling? Baliw ka na ba?"

"Wala. Alam mo na-realize ko lang, gwapo ka pala talaga sa malapitan."

Nagtilian bigla yung dalawang katulong. Namula naman si Tristan kaya natawa ako bigla.

"What's funny? Why are you laughing?!" He looks so embarrassed already. Natawa ako lalo kasi ang cute ng itsura nya. 

Teka, ano sinabi ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status