Share

Chapter 31: First Trip

Isang linggo ang lumipas at nakalabas na din ako ng ospital sa wakas. Although may bandage pa din ang sugat ko sa braso na magaling na din naman, maliban dun ay okay na okay na ako at balik nang muli sa normal. Bumalik na din ako sa trabaho at nagtuturo nang muli. 

Isang araw habang nasa faculty room ako at naghahanda para sa susunod kong klase ay biglang may pumasok na babae sa loob ng room at lumapit sa akin.

"Hi ma'am."nakangiti nyang bati sa akin. Nagtaka naman ako dahil hindi ko kilala kong sino itong magandang babaeng mukhang sopistikada na bigla na lang sumulpot dito sa harapan ko. Inisip kong baka isa sya sa mga parents or guardian o di kaya relatives ng isa sa mga estudyante ko o estudyante ng iba kong co-teachers. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at binati din sya ng nakangiti.

"Hi din po. May kailangan po ba kayo?"

&

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status